Sobrang tagal ng hinintay ko para sa ika-sampung libro ni Bob Ong. Pero kahit matagal okay lang kasi hindi mo kami binigo Bob. Ang galing, ang daming pasabog. Umaayon sa uso, kasi usaping pag-ibig ang trending ngayon. Tho wala masyadong hugot pero pinakita mo at pinaalala sa amin ang tunay na pag-ibig naks! Naniwala ako ulit na may nakatadhana talaga para sa iyo hindi pwedeng wala. Kasi meron talaga, kailangan mo lang mag-hintay na makilala siya.
Ang daming pasabog. Title pa lang nakaka-intriga na. Pagbuklat ko ng pahina Chapter 72 kaagad. Lalo tuloy akong na-excite na basahin at tapusin yung libro.
Favorite ko yung kay Mario Lim at Carmen. Sana mas mahaba yung kwento nila hahaha. Nakakalungkot din yung kay Kups at Superman. Masasabi mo na lang na lahat na ata ng aspeto sa buhay ng tao eh nasa librong ito. Wala ng kulang kasi tinalakay lahat.