The Filipino Group discussion
Buddy Reads
>
May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong by Allan Derain
date
newest »

message 1:
by
Led
(new)
Nov 04, 2020 07:28PM

reply
|
flag

May iilan lang dito sa GR pero meron din sa ibang online platforms. Pagkatapos nitong buddy read, baka madagdagan dito. :))

May kopya akong matagal na nakatambak sa shelf. Ha-ha. Interested akong i-buddy read siya. Wala bang guidelines ito? Read all you can? Baka simulan ko na rin sa November 25 at baka magbabasa ng isang chapter o kuwento sa isang araw.

May kopya akong matagal na nakatambak sa shelf. Ha-ha. Interested akong i-buddy read siya. Wala bang guidelines ito? Read all you can? Baka simulan ko na rin sa November 25 at baka..."
Ayos! Post ko tonight yung guidelines.

Here's our reading guidelines for this buddy read.
Joining are @Vianca and @kwesi. Sa gusto pang sumali, tara!
Start date: Nov 25, 2020 (Wed)
End date: Dec 17, 2020 (Fri)
We'll cover the book (309 pages) with 23 stories in 23 days. Technically, one story per day. Pero kung ganahan magbasa, tuloy lang. Post your curiosities here as you like. 'Wag lang tayong mang-aswang ng spoilers.
Open lang tayo sa ideas at opinions para enjoy ang basa at usapan. :)


(view spoiler)
Aswang vs. Gugurang ni Julian Guieb
(view spoiler)

Day 1. Mga Paunang Tala...
(view spoiler)

@Vianca, sa parteng inyo ng Bikol narinig mo na ba 'tong kwentong 'to?
Ano ang 'gahum' at 'gagamban'?
(view spoiler)

Ito, sa mga nakaraang kwento, yung tipikal na kwentong aswang na naririnig natin (o ako man lang) noon.
(view spoiler)
Ang daming paksa na magandang pag-usapan dito. Anu-ano ang nakakuha ng atensyon n'yo?

Good luck at enjoy sa pagbabasa!"
Salamat, Ingrid! :)

@Led Kahit papano'y nakaka tatlong aswang na ang nahabol ko ahaha

@Led
'gahum' = great; big; can't grasp, ganyan namin ginagamit ang word na ito "Di ko magahum, an pangyayari"
'gagamban' = init, Mainit na lugar;as much as I can remember pwedeng hell
- Ang mga karakter kasi sa istoryang ito ay napapaloob sa Bicolano Myth na Ibalong.
- I think ang bangkero ang nag sasalayasay lang nung kwento ni Aswang at Gugurang dun sa sakay nya.
- Gusto ni Aswang ang Kapangyarihan ni Gugurang (Much greater nga naman yung apoy ni Mayon);
- Bakunawa is parang creature ng dragon sa Myth ni Ibalong


Nagustuhan ko ang istilo ni Popa sa pagsulat ng kwento n'ya lalo na yung 'Imbentaryo.' Hindi buong isinasalaysay ang kaganapan. Nasa mambabasa ang pagbuo ng nilalarawan.
Day 9. Ang Aking Sinta
(view spoiler)
Day 10. Ang Aswang at ang Tiktik
(view spoiler)

Ito sa mga akda dito ang pinakamahaba sa mga nabasa nang iba. Marapat lang din siguro dahil ito ay kay Derain na patnugot ng aklat. Ito rin ang may kongkretong ugnay sa kasaysayan. (view spoiler)


(view spoiler)

Aswang ng CIA. Tungkol sa sabi mong historical demystification kay Magsaysay at sa mga Huk, sang-ayon ako sa napansin mo. Sa mga textbooks noon nilalarawan si Magsaysay bilang maka-mamamayan, makabayan. Yun pala, pinakinabangan lang din s'ya ng Amerika.
Sa mga Huk, kinailangan silang labanan ng pamahalaang Magsaysay (at Amerika kasama ang mga panginoong maylupa) hindi dahil mali ang paglaban nila sa piyudalismo, kundi dahil sa vested interests ng Amerika. Kung babalikwas si Magsaysay, Amerika na ang kalaban n'ya.
Chico Rd. Hindi ako pamilyar sa anyo ng dagli. Tulad ba ng maikling kwento? Saka anong twist –yung imbis na aswang, pusa pala?
Kumusta naman ang kabuuan ng koleksyon sa'yo?

(view spoiler)
So far, na-satisfy naman ako kung paano tinapos ni Derain ang buong anthology. At ang galing kasi binild niya ang buong anthology na maintindihan natin ang pagkasunod-sunod. Siguro kung random lang ito na ni-structure, hindi ko magugustuhan dahil ang bibigat ng mga kuwento.

Ang dagli ay mga microfiction o flash fiction. Usually 1000 words and below. Yong ginawa ni Popa ay free verse na tula. Though pwede siya i-mask as dagli dahil naka-paragraph form. Pero may ibang element ang short story na wala sa tula though both naman ay nagkikuwento pero sa ibang medium. Na-mention ko before na mas-imagery (at nabanggit mo nga) ang focus ng tula. Parang painting. Ang kwento ay may focus sa plot at character.
Yong twist doon sa kwento ng Chico Rd ay yong buntis pala ang ate niya. Kasi di natin alam kung bakit binubulabog ng bata ang bahay... dahil kailangan niya ng tulong: yon ay patayin ang bata sa sinapupunan ng ate niya. Ha-ha. Though sinabi naman sa kuwento in the middle na binugbog ang ate... pero di natin alam kung bakit. I guess isa rin itong element ng dagli, dahil kulang sa espasyo, kailangan niyang magmadali. Ha-ha. Pero cute nong pusa. Ha-ha. Pwede yon sa pag-build ng terror.

Kung napagtagumpayan ni Derain ang pagiging patnugot dito, tingin ko ay oo. Sa nilalaman, malawak ang tema at istilo ng mga akda at kanilang mga kwento. Talagang naging appeal ito ng koleksyon. Sa pagkakasunud-sunod, oo rin. Tulad nga nang nasabi mo, kung random ipinuwesto, magiging mahirap sa mambabasa na baybayin ang kabuuan.
Natuwa at natuto ako sa pagbasa nito sa kalahatan. Binigyan ko ito ng 5 stars noong una pagkabasa dahil natatangi 'to, kaiba sa mga tipikal na nababasa. Binalikan ko ulit ito paglipas ng mga araw, at tulad ng pag-aalangan ko sa ibang mga antolohiya dahil sari-sari at hindi lahat patok sa aking panlasa, ginawa kong 4 stars. Kayo anong rating n'yo?

Magandang araw!
OM-! Ha-ha. Salamat. Pero echos lang 'yang mga sinasabi ko. Huwag ka masyadong maniwala dahil flexy naman ang literature.
I gave it 5 stars. Ha-ha. Paborito ko ang anthology na ito. Hindi kasi ako mahilig sa anthology kasi nga, una, hindi consistent ang mga akda kasi iba-iba ang mga writer. Second, madalas na mga anthology hindi pinag-iisipan yong pagkasunod-sunod ng mga kuwento. Pangatlo, parang exhibit ang anthology para makapag-publish. Pero nilagpasan kasi ng libro yong expectation ko.
Oo, tama ka. Hindi pa rin consistent ang mga gawa. May mga akda rin na hindi ko talaga bet. Ha-ha. Pero dahil maganda ang pagkalatag ni Derain, na-appreciate ko sila beyond my personal need na ma-entertain. Naintindihan ko kung bakit siya sinama. Kung bakit siya ang kasunod nong kuwento na yon, o bakit may mga journal. O bakit ganon ang una at last na kuwento. Ang wow lang! Magaling na curator si Derain.
Books mentioned in this topic
Perfume: The Story of a Murderer (other topics)101 Kagila-Gilalas na Nilalang (other topics)
Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (other topics)