Si Si discussion


92 views
About the plot.

Comments Showing 1-9 of 9 (9 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

Eric Jay Naguguluhan lang ako sa last part.

"Isinilang ako sa mundo.
Sa napakagandang mundo.
Na ipinagkait sa aking mata."


message 2: by [deleted user] (new)

Na pinagkait sa aking makita. Yun din ang tanong ko. Naisip ko baka bulag siya? Pero hindi eh, ilang beses ginamit ang mga salitang Nakita o Nasilayan. Tingin ko inilaglag siya ng mga magulang niya. at yung buong libro ay ang buhay niya dapat kung nabuhay siya.


Eric Jay At last may nag reply din. Salamat Paola sa sarili mong pananaw na yung buong libro ay ang buhay niya dapat kung nabuhay siya. Posible ding ganun yung plot nang kwento. Nakakagulo.haha


Malour Naconfuse rin ako doon eh, naisip ko na natuloy nga siyang ipalaglag kaso may kwento ng talambuhay niya eh so naconfuse ako kung ano ba talaga. Salamat sa pagbahagi ng inyong mga pananaw :)


Imee Alfonso Ang una kong naisip, hindi siya nabuhay. Tapos yung nabasa natin from page 1, a collection of what could've been kasi represented sa buhay na iisang tao yung lahat ng klase ng pag-ibig, (kung hindi man, karamihan) karamihan ng pagdadaanan ng MGA tao habang nabubuhay. More than sa romance, LIFE yung isa pang theme. Pero hindi ko matanggap na hindi sa kanya ang kwnetong iyon, kaya ang interpretasyon ko dun sa last part, pinagkait sa kanya iyong napakagandang mundo pero nagawa niya mabuhay dito at maranasan ang buhay na bagaman hindi puro kasiyahan, totoo naman.


Eric Jay Siguro nga di talaga sya nabuhay kasi yung pamagat ng libro ay "Si" na maaring tumutukoy sa isang taong walang pangalan o hindi kilala gaya nang mga biktima ng abortion (kung sya nga ay ina-bort talaga) na karamihan ay iniiwan na lang at nakakalimutan ang pangalan at ang tanging bulalas kapag tinutukoy ang mga anghel na ito ay — SI..


Malour Hahaha Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba talaga. Confusing kasi yung "pinagkait" eh.


Anyway ito ang theory ko based dun sa nakalagay sa back cover ng book:

"Maari bang malaman ang iyong pangalan?"

"Victoria"

"Kailan kita masisilayan, Victoria?"

"Sa iyong pagsilang"


-->Feeling ko nasa isang lugar sila, somewhere na doon muna mga taong isisilang pa lang. Tapos nameet niya si Victoria, yung sa likod ng book, yung sabi ni Victoria na magm'meet sila sa kanyang pagsilang. Pero, hindi yun nangyari kasi ipinagkait sa kanya ang mabuhay. Kaya gumawa na lang siya ng imaginary life and future na si Victoria ang kanyang love interest. I don't know. hahaha Mind Boggling!


Mitch Tizon Hindi talaga nabuhay ang bida.

Kung nabasa niyo na, at kung i-aanalyze niyo ang pag ulan ng snow sa mga lugar sa Pilipinas, Bob Ong already gave clues tungkol sa pagiging hindi totoo ng storya. Kasi ang bida, ay pina-abort at hindi talaga nabuhay. Dahil isa siyang produkto ng bawal na pagmamahalan.

Yes hindi talaga siya toto, pero fiction within a fiction? Kakaiba. Kaya pala may nyebe, kaya pala pabalikatad kasi pinakita niya lang eh ang mga posibilidad. Parang pelikula sa loob ng libro. That leads me to my…

Second theory:

“SI” ang pangalan ng bida, di ba pag nagpapakilala tayo ang sinasabi natin, “Ako ay si ______”. Since pina-abort siya. I’m guessing sa third trimester siya pinalaglag. Kaya hanggang SI lang. Hindi nakumpleto. (Basahing maigi ang huling paragraph) :)

Kung titignan at babasahin natin, para siyang love story. Pero kung mas iintindihin pa natin, isa itong kwento tungkol sa posibilidad ng buhay ng mga batang pinalaglag. Buhay na maari nilang tahakin kung tinuloy ng kanilang mga ina ang kanilang buhay.

The author also reflected in this book the different kinds of right and wrong relationships. Mga taong tama ang taong minahal, mga taong mali ang minahal, at mga taong kahit alam na ang mali, itinuloy pa din nila. The book also reflected the possible outcomes of right and wrong decisions when it comes to love. Even the ending itself, unveiled another story not written in the book. When you read this, you will have the two sides of the coin or should I say, two faces of the story. Decisions when it comes to love can affect everyone’s lifetime.

That also brings me to my last point, maybe, the author wants to point out that this kind of love never existed reflected through the impossibility of the book’s idea.

see my review here:
https://literaryblueprints.wordpress....


message 9: by Xyr (last edited May 09, 2015 04:49PM) (new) - rated it 5 stars

Xyr Enc Mitch wrote: "Hindi talaga nabuhay ang bida.

Kung nabasa niyo na, at kung i-aanalyze niyo ang pag ulan ng snow sa mga lugar sa Pilipinas, Bob Ong already gave clues tungkol sa pagiging hindi totoo ng storya. Kasi ang bida, ay pina-abort at hindi talaga nabuhay. Dahil isa siyang produkto ng bawal na pagmamahalan.

Yes hindi talaga siya toto, pero fiction within a fiction? Kakaiba. Kaya pala may nyebe, kaya pala pabalikatad kasi pinakita niya lang eh ang mga posibilidad. Parang pelikula sa loob ng libro. That leads me to my…

Second theory:

“SI” ang pangalan ng bida, di ba pag nagpapakilala tayo ang sinasabi natin, “Ako ay si ______”. Since pina-abort siya. I’m guessing sa third trimester siya pinalaglag. Kaya hanggang SI lang. Hindi nakumpleto. (Basahing maigi ang huling paragraph) :)

Kung titignan at babasahin natin, para siyang love story. Pero kung mas iintindihin pa natin, isa itong kwento tungkol sa posibilidad ng buhay ng mga batang pinalaglag. Buhay na maari nilang tahakin kung tinuloy ng kanilang mga ina ang kanilang buhay.

The author also reflected in this book the different kinds of right and wrong relationships. Mga taong tama ang taong minahal, mga taong mali ang minahal, at mga taong kahit alam na ang mali, itinuloy pa din nila. The book also reflected the possible outcomes of right and wrong decisions when it comes to love. Even the ending itself, unveiled another story not written in the book. When you read this, you will have the two sides of the coin or should I say, two faces of the story. Decisions when it comes to love can affect everyone’s lifetime.

That also brings me to my last point, maybe, the author wants to point out that this kind of love never existed reflected through the impossibility of the book’s idea."


Bukod sa niyebe, napansin ko lang yung purong tagalog na ginamit sa "Si". Ipinapakita nito ang katotohanan na ipapanganak sana siya noong huling bahagi ng Dekada 1930, kung kailan Tagalog pa ang kinikilalang pambansang wika. Kaya sang-ayon ako sa tinuran ng marami, hindi talaga nabuhay yung bata sa totoong mundo.


back to top

all discussions on this book | post a new topic


Books mentioned in this topic

Si (other topics)