Pinoy Reads Pinoy Books discussion

This topic is about
Sentimental, mga tula ng pag-ibig, lungkot at paglimot
Sabayang Pagbabasa
>
Enero 2015: SENTIMENTAL: MGA TULA NG PAG-IBIG, LUNGKOT AT PAGLIMOT ng National Artist Virgilio S. Almario (Rio Alma). Moderators: Billy at Jas

Kung hahagkan mo lang Mahal ang dibdib ko
Madarama ng labi mo ang deliryo--
Puso itong di masambit ngayong gabi
Ang pag-asang di magkamit ng milagro.
Kung hihilig..."
@KD- para sa akin iyong part na" Ang listahan ng inutang pati tubo" pilit niyang nililimot pero pati tubo ay kanyang naaalala."
Po wrote: "K.D. wrote: "Po wrote: "KUNDIMANG SENTIMENTAL
Kung hahagkan mo lang Mahal ang dibdib ko
Madarama ng labi mo ang deliryo--
Puso itong di masambit ngayong gabi
Ang pag-asang di magkamit ng milagro.
..."
Ay, okay. Dyusko. Ang utang nga pala, ay kinakalimutan haha. Susme. Mangga-gantso. Relate ako. Marami akong kilalang ganyan haha. Wag na sana akong maisahan ulit. Umiinit lang ang ulo ko kapag naala-ala kong ginamit ako. Grrr. Lesson learned hah!
Kung hahagkan mo lang Mahal ang dibdib ko
Madarama ng labi mo ang deliryo--
Puso itong di masambit ngayong gabi
Ang pag-asang di magkamit ng milagro.
..."
Ay, okay. Dyusko. Ang utang nga pala, ay kinakalimutan haha. Susme. Mangga-gantso. Relate ako. Marami akong kilalang ganyan haha. Wag na sana akong maisahan ulit. Umiinit lang ang ulo ko kapag naala-ala kong ginamit ako. Grrr. Lesson learned hah!

Kung hahagkan mo lang Mahal ang dibdib ko
Madarama ng labi mo ang deliryo--
Puso itong di masambit ngayong gabi
Ang pag-asang di magkamit n..."
@KD- panalo yan! yan mga sinabi mo ay may sangkap na pag-ibig, lungkot at dapat ng kalimutan haha!..naka-relate din ako haha!

@Biena, nagma-master's ka?
Para sa akin ang KUNDIMANG SENTIMENTAL ay tungkol pa rin sa lungkot (hapis even). Ito ay patungkol sa mga hirap na binabata ng mga Pilipinong manggagawa na kahit na ano'ng gawin nilang pagta-trabaho ay wala pa ring magandang bukas na naghihintay sa kanila.

Pagbabalik
Umaawit ang hangin,
Sumasayaw ang saging;
Alam nila, marahil,
Na ikaw ay darating
(28 Mayo 1977
Doktrinang Anakpawis)
Ta..."
1.Para sa akin- May kapilyuhan nga eto KD, diba yan si Doveedoves na sinasabing kabit ni Marcos?
2.Pag-ibig nga na nauwi sa scandal nuong kapanahunan ni Marcos.

Huhuhu layo sa'ken :(( Sana may makita ako na mas malapit-lapit

Huhuhu layo sa'ken :(( Sana may makita ako na mas malapit-lapit"
check mo Ibyang 'yung table ng sale sa NBS branch na malapit sayo. :) It's what I did. Wala kasi akong nakita na copy sa Filipiniana shelves. I got mine for P50.00
Dapat kasi malayo pa lang, naghahanap na ng kopya ng libro. Kaya nga months ahead naka-line up na. Haha.

May nakita kami ni baba na ganito sa Fishermall kahapon, 50php lang.
Chibivy wrote: "Wala pa rin akong kopya waaah :(((("
Haha. Naghahanap ka ba? O hinihintay mong may magbigay? Hahaha
Haha. Naghahanap ka ba? O hinihintay mong may magbigay? Hahaha
Isa pang tula:
Tampuhan
Pahiran man ng pangako
Ang luha ng aking puso,
May hihigit nga bang panyo
Sa halik mong masusuyo?
Ang sugat ng alinlangan
Kung magbahaw ay marahan,
Sa alaga ay ingatan
Baka maging balantukan.
Kahit pusong nananalig
Kung lagi nang tumatangis,
Natitigib din ang dibdib
Ng talulot ng himagsik;
Bawat sugat ay bulaklak
Na sa luha bubukadkad;
Suyuin mo't ang pagliyag
Ay sasamyo ng kamandag.
(2 Mayo 1976
Doktrinang Anakpawis)
I - May nagawang masama sa makata ang kasuyo at wala syang hinihinging kapalit kundi halik. Haha! Sarap lang :)))
II - Di ko alam ang ibig sabihin ng "balantukan." Haha. Pero yong kasuyo niya yata ay may alinlangan. Kaya dapat ay ingatan.
III - Kung lagi raw siyang pinapaiyak eh mag-ingat ang kasuyo niya sapagkat may hangganan din ang lahat. Tama! May "umay" rin at di na uso ang martir ngayon.
IV - Bawat sakit na binibigay ng kasuyo niya ay natatanim sa kanyang puso at balang araw ay magiging parang lason na papatay rin sa kanyang pag-ibig.
Ito ay tulang may LUNGKOT.
Tampuhan
Pahiran man ng pangako
Ang luha ng aking puso,
May hihigit nga bang panyo
Sa halik mong masusuyo?
Ang sugat ng alinlangan
Kung magbahaw ay marahan,
Sa alaga ay ingatan
Baka maging balantukan.
Kahit pusong nananalig
Kung lagi nang tumatangis,
Natitigib din ang dibdib
Ng talulot ng himagsik;
Bawat sugat ay bulaklak
Na sa luha bubukadkad;
Suyuin mo't ang pagliyag
Ay sasamyo ng kamandag.
(2 Mayo 1976
Doktrinang Anakpawis)
I - May nagawang masama sa makata ang kasuyo at wala syang hinihinging kapalit kundi halik. Haha! Sarap lang :)))
II - Di ko alam ang ibig sabihin ng "balantukan." Haha. Pero yong kasuyo niya yata ay may alinlangan. Kaya dapat ay ingatan.
III - Kung lagi raw siyang pinapaiyak eh mag-ingat ang kasuyo niya sapagkat may hangganan din ang lahat. Tama! May "umay" rin at di na uso ang martir ngayon.
IV - Bawat sakit na binibigay ng kasuyo niya ay natatanim sa kanyang puso at balang araw ay magiging parang lason na papatay rin sa kanyang pag-ibig.
Ito ay tulang may LUNGKOT.

Nauubos ang yaman,
Ang ganda'y nawawala,
Wala yatang eternal
Kundi luha ng wala.
1 Mayo 1976
Doktrinang anakpawis
*** Ito ay tula ng Lungkot at Pag-ibig dahil ang yaman na inimpok mo ay pwedeng mawala ito man ay nanakaw o aksidente ng iyong pagkamatay kaya nakakalingkot isipin na ang pinaghirapan mo ay mapupunta sa wala. Tula ng Pag-ibig dahil ang kagandahan ay nawawala, ang sariwa ay nabibilasa, ang kinis ng balat ay kumukulobot, ang bata ay tumatanda.
"Kundi luha ng wala" ay masasabi kong may malalim na pakahulugan batay sa literal o simboliko nito. Maaring ang luha ay umagos subalit sa tindi nito ay tuluyan ng lumuha hanggang sa wala ng maluha o sana'y na, naubos ang luha, ngunit patuloy na lumuluha pa rin.
Maaari din nawala ng luha dahil namatay na o naging masaya na.
Po wrote: "HINAGPIS
Nauubos ang yaman,
Ang ganda'y nawawala,
Wala yatang eternal
Kundi luha ng wala.
1 Mayo 1976
Doktrinang anakpawis
*** Ito ay tula ng Lungkot at Pag-ibig dahil ang yaman na inimpok mo a..."
Ang ganda. Pero may pagka-nega. :)
Walang umibig na di nasaktan. Pero ang pag-ibig hindi naman laging luha haha.
Nauubos ang yaman,
Ang ganda'y nawawala,
Wala yatang eternal
Kundi luha ng wala.
1 Mayo 1976
Doktrinang anakpawis
*** Ito ay tula ng Lungkot at Pag-ibig dahil ang yaman na inimpok mo a..."
Ang ganda. Pero may pagka-nega. :)
Walang umibig na di nasaktan. Pero ang pag-ibig hindi naman laging luha haha.

Nauubos ang yaman,
Ang ganda'y nawawala,
Wala yatang eternal
Kundi luha ng wala.
1 Mayo 1976
Doktrinang anakpawis
I agree, Kuya D. :) Pero tingin ko ang tulang HINAGPIS ay tungkol pa rin sa mga manggagawang Pinoy at kanilang (ating) mga hinaing na di matapos-tapos.

Isang mayang pula ang pangungulila
Kung pagas ang simoy at salat sa basbas
Ng benditang-Mayo ang bato't tiningkal.
Buntis sa dalangin ang banus ng anyas
Ngunit nakahubad at marak ang langit
Upang magkasupling ng kidlat at hamog.
Masdan, nakaratay ang damo't pilapil;
May luksang atungal ang bitak sa paltok.
Kung halos lapnusin ng titig ng araw
Ang dayami't pasyok, at walang sumalong
Mapagpalang uhay sa pagal na bagwis
Matapos maglakbay sa kung saang dako,
Isang mayang pula ang pangungulila;
Pagkaitan mo pa't hindi na kakanta.
Josephine wrote: "K.D. wrote: "Po wrote: "HINAGPIS
Nauubos ang yaman,
Ang ganda'y nawawala,
Wala yatang eternal
Kundi luha ng wala.
1 Mayo 1976
Doktrinang anakpawis
I agree, Kuya D. :) Pero tingin ko ang tulang ..."
Ah, oo nga. Andoon pa rin yong kung kelan sinulat at kung saan unang nalathala ang tula. Salamat.
Nauubos ang yaman,
Ang ganda'y nawawala,
Wala yatang eternal
Kundi luha ng wala.
1 Mayo 1976
Doktrinang anakpawis
I agree, Kuya D. :) Pero tingin ko ang tulang ..."
Ah, oo nga. Andoon pa rin yong kung kelan sinulat at kung saan unang nalathala ang tula. Salamat.
Josephine wrote: "Isang Mayang Pula ang Pangungulila
Isang mayang pula ang pangungulila
Kung pagas ang simoy at salat sa basbas
Ng benditang-Mayo ang bato't tiningkal.
Buntis sa dalangin ang banus ng anyas
Ngunit ..."
Ang mayang pula ba ay ang komyunismo?
Isang mayang pula ang pangungulila
Kung pagas ang simoy at salat sa basbas
Ng benditang-Mayo ang bato't tiningkal.
Buntis sa dalangin ang banus ng anyas
Ngunit ..."
Ang mayang pula ba ay ang komyunismo?

Hindi ko naintindihan 'yung ibang salita. :( Bukod sa di ko maisip kung ano ang mayang pula.
Josephine wrote: "actually, hindi ko masyadong naintindihan 'yung tula... kaya hindi rin ako naglagay ng tanong. Di ko rin naisama ang footnote haha. Mamaya na lang, nasa baba 'yung libro ko ^___^
Hindi ko naintind..."
May kopya ako. Ganoon pa rin:
"1 Setyembre 1976
Doktrinang Anakpawis"
Subukan nating himayin:
Isang mayang pula ang pangungulila
Kung pagas ang simoy at salat sa basbas
Ng benditang-Mayo ang bato't tiningkal.
Buntis sa dalangin ang banus ng anyas
Maya ay isang maliit na ibon. Benditang-Mayo marahil ay yong Kilusang Mayo Uno. Ibig sabihin, maliit pa ang komunista kumpara sa "agila" ng Estados Unidos. At nangungulila (nalulungkot) ang mga nasa samahan dahil hopeless sila laban sa Diktaturyang US-Marcos. Ang magagawa na lang nila ay umasa (magdasal-dalangin).
Hindi ko naintind..."
May kopya ako. Ganoon pa rin:
"1 Setyembre 1976
Doktrinang Anakpawis"
Subukan nating himayin:
Isang mayang pula ang pangungulila
Kung pagas ang simoy at salat sa basbas
Ng benditang-Mayo ang bato't tiningkal.
Buntis sa dalangin ang banus ng anyas
Maya ay isang maliit na ibon. Benditang-Mayo marahil ay yong Kilusang Mayo Uno. Ibig sabihin, maliit pa ang komunista kumpara sa "agila" ng Estados Unidos. At nangungulila (nalulungkot) ang mga nasa samahan dahil hopeless sila laban sa Diktaturyang US-Marcos. Ang magagawa na lang nila ay umasa (magdasal-dalangin).

Hindi ata pag-ibig yun? Pagnanasa. Saging talaga eh ahahahaha BENTA!
Ang lungkot ng Hinagpis. Naalala ko yung sinabi ng Santo Papa. Hindi na raw rayo marunong umiyak. Kulang na ang malasakit. It is through tears that we express our answers to the unanswerable questions of life.

Isang mayang pula ang pangungulila
Kung pagas ang simoy at salat sa basbas
Ng benditang-Mayo ang bato't tiningkal.
Buntis sa dalangin ang banus ng anyas
Ngunit ..."
Maganda ang kahulugan kahit literal ang interpretasyon. Tinamaan ng tagtuyot ang bukid at wala ang benditang-Mayo na sagisag ng unang ulan ng Mayo o pagpasok ng tag-ulan. Walang makain ang maya sapagkat walang uhay ang palay, di mabuhay sa bitak-bitak na lupa, di nadidiligan ng ulan at hamog.


(Para kay Lyn)
Kalungkutan ng aking tadyang at laman
Ilang magdamag nang sinusundo-sundo kita
Sa pamamagitan ng umiilap na alaala
At pag-asam sa silakbo ng katawan.
Binubuksan ko ang dibdib na parang ilog
Na naghihintay sa pagbabalik ng tubig;
Pagkatapos tinatanggalan ko ng tinik
Ng pagkainip at sapot ng balisa't takot.
Ibang mangulila ang pagod nang puso:
Agad lumalagok ng orihinal na kamandag
O kaya'y umiimbento ng masalimuot na bitag
Upang paglamayan hanggang sa magupo.
Napipilit lamang ako ng antok sa gabi
Kapag para nang kandilang nawalan ng sindi.
27 Hunyo 1984
Palipad-Hangin

Ate Clare, waaahh sana binili nyo na tas bayaran ko na lang sayo

Nawala kagabi ang buwan
At ako'y magdamag naghintay;
Giliw ko, nang ikaw'y dumilat
Nawala ang lungkot ko't puyat.
16 Marso 1984
Palipad-Hangin
*** Tula ng Pag-ibig dahil totoo naman na kapag nakita mo ang iyong sinisinta ay nakakawala ng pagod at lungkot para bang may adiksyon kang nararamdaman na gusto mo siyang makita araw-araw.

Isang mayang pula ang pangungulila
Kung pagas ang simoy at salat sa basbas
Ng benditang-Mayo ang bato't tiningkal.
Buntis sa dalangin ang banus..."<
Salamat Jho at Rise! ganda ng interpretasyon kajit nga literal, kay lalim lang ng mga salita..

(Para kay Lyn)
Kalungkutan ng aking tadyang at laman
Ilang magdamag nang sinusundo-sundo kita
Sa pamamagitan ng umiilap na alaala
At pag-asam sa silakbo ng ka..."
Ms Jho, isa ito sa gusto kong mga tula ni Sir Rio. .

Nawala kagabi ang buwan
At ako'y magdamag naghintay;
Giliw ko, nang ikaw'y dumilat
Nawala ang lumgkot ko't puyat.
16 Marso 1984
Palipad-Hangin
*** Tula ng Pa..."
Tula nga ito ng Pag-ibig. nakakarelate ako. haha! kaw Po?

(Para kay Lyn)
Kalungkutan ng aking tadyang at laman
Ilang magdamag nang sinusundo-sundo kita
Sa pamamagitan ng umiilap na alaala
At pag-asa..."
@Juan --> oo nga, nasa page 38 na ako, so far 'yung mga naunang tula ang nagustuhan ko. :)


Nawala kagabi ang buwan
At ako'y magdamag naghintay;
Giliw ko, nang ikaw'y dumilat
Nawala ang lumgkot ko't puyat.
16 Marso 1984
Palipad-Hangin
***..."
@Juan, super relate dahil marami nakadalo nun Eros event dami newbiew magpapawala sa iyo ng lungkot haha!

Pagbabalik
Umaawit ang hangin,
Sumasayaw ang saging;
Alam nila, marahil,
Na ikaw ay darating
(28 Mayo 1977
Doktrinang Anakpawis)
Ta..."
@KD
1. May kapilyuhan ka bang nakikita dito?
Oo, hahaha
mas malala sya sa "Pag-ibig" at "Tipanan"(view spoiler) .
2. Pag-ibig di ba? Obvious naman haha.
Walang alinlangan! pero kung mas palawagin pa, nabibilang ito sa pag-ibig na karnal :p

Kalungkutan ng Aking Tadyang at Laman
May Napipilas sa Aking Katawan
Pag-ibig
Serenata 86820
Ang Pag-ibig ay Gerilyang Sakdal-Pusok
Tipanan
Di na Tayo Umiibig Tulad Noon
Haranang Walang Buwan (Shet! Tungkol sa incest!)
Pastoral
Ang Baul ni Ingkong (tungkol sa pagtanda at kawalan ng pagpapahalaga ng iba sa mga bagay na ating maiiwan sa ating paglisan sa mundong ito. Napaisip ako: paano na kaya ang mga libro ko kung wala na ako? Hahaha! :D )
Pagkahalay kay Matilde
Babae ng Aking Pag-ibig
Ritwal (Para sa akin, ang pinakamalungkot na tula sa kalipunan)
Alaala ng Lampara
Matandang Balon

Virgilio S Almario, known as Rio alma, a
national artist of the Philippines, is a
filipino artist, poet, critic, translator,
editor and teacher. He is currently the chairman of the
Komisyon sa Wikang Filipino, promotes and
standardize the use of the Filipino
language. Grew up in Bulacan in his early
years. Completed his educational degree in
AB Political Science at the University of
the Philippines. And took his masteral
degree in education at the University of
the East. In 1974 he took his M.A in
Filipino at his alma matter. He founded
along with Teo Antonio and Mike Bigornia,
Gallan sa Arte at Tula (GAT), as well as
Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo
(LIRA) He spearheaded the second modernist
movement. Founded During the martial law
he focused his interest in nationalism,
politics and activism up to this day.

grabeh mga tawa ko sa lecture nyo.
Congratz! Pinoy Reads Pinoy Books! this is it! Level Up! na tayo!

grabeh mga tawa ko sa lecture nyo.
Congratz! Pinoy Reads Pinoy Books! this is it! Level Up! na tayo!"
Dun ko lang nalaman na masama pala ang trabaho ko 3 hahaha!

Di naman masama ang trabaho mo; may licensing kayang kinukuha sa ebooks bago i-convert ang printed content sa digital format. Kung wala nga talagang licensing, baka oo nga, certfied pirata ka. Hahaha! :D

Di naman masama ang trabaho mo; may licensing kayang kinukuha sa ebooks bago i-convert ang printed content sa digital format. Kung wala nga talagang licensing, baka oo nga, certfied pi..."
Naku, anung alam ko dun, basta pagdating sakin, trabaho na! hahaha pero panigurado naman na hindi pirata yun kasi yung publisher yung client namin. At nakikita ko namang iba ang ISBN pag ebook na kaya may sariling license na yung ebook copy.
Buti nalang hindi ko na p-problemahin yun sa susunod na buwan kasi lilipat na ako ng trabaho. sa Summit Mediana ko. Mukhang mas ok ang magazine gawin :p hahaha!!!!
Pagbabalik
Umaawit ang hangin,
Sumasayaw ang saging;
Alam nila, marahil,
Na ikaw ay darating
(28 Mayo 1977
Doktrinang Anakpawis)
Tanong
1. May kapilyuhan ka bang nakikita dito?
2. Pag-ibig di ba? Obvious naman haha.