Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe
114 views
Sabayang Pagbabasa > May 2014: TUTUBI, TUTUBI 'WAG KANG MAGPAHULI SA MAMANG SALBAHE ni Jun Cruz Reyes

Comments (showing 1-47 of 47) (47 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Magsisimula na ang pagbabasa natin nito sa Huwebes, Mayo 1, 2014.

Magsimula na kayong maghanap ng kopya nyo. Magse-set tayo ng interview with Jun Cruz Reyes. Isa na namang magandang karanasan ito.

Mahusay si Jun Cruz Reyes. Nabasa ko na ang marami nyang akda at itong Tutubi, Tutubi ang gustong gusto kong mabasa muli.


message 2: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Sino si Jun Cruz Reyes?

Pedro Cruz Reyes, Jr. is a Philippine literary writer and college professor who is more popularly known as Jun Cruz Reyes. Writing mainly in Filipino,he is an award-winning author of novels, short stories, and essays and he has also worked on translations and biographies. He has also made a documentary film and is a visual artist who paints and does photography. As a painter, he has exhibited his works in 4 one-man shows. Most of his paintings and some of his original manuscripts were destroyed when his ancestral home in Hagunoy, Bulacan, was razed by fire on September 30, 2004. However one painting is reproduced on the cover of his book Ilang Taon Na Ang Problema Mo? (How Old is Your Problem?).

Education

Reyes graduated from the Lyceum of the Philippines with a degree in BS Foreign Studies in 1969. He received his Master of Arts in Malikhaing Pagsulat from the University of the Philippines in 2000. He has been a recipient of the U.P. Creative Writing Grant.
Major influences

Reyes attributes his versatility as a writer to being a wide reader. He is influenced by reading Western, Latin, and African literary works as well as Philippine writing.

He started writing hoping he could make a difference. Embarrassed by his first attempts at love poetry in English, he burned them, an act he later regretted.

His first short story, written in Filipino, won a Palanca award in 1973. Entitled “Isang Lumang Kuwento” (An Old Story), the story was an attack on Martial Law in the Philippines, affirming that nothing new was really achieved in the supposed “New Society.”

Affiliations

Reyes is one of the associates of the U.P. Institute of Creative Writing. He is also a member of the faculty of the Filipino Department at the College of Arts and Letters in U.P. Diliman, where he teaches Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) and Araling Pampanitikan (Literary Studies).

Some of his works

Fiction

Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento, 1981
Tutubi, Tutubi, Huwag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe, 1986
Etsa Puwera, 2002
Negros, 1988

Essays

Ilang Taon Na Ang Problema Mo?, 1995
Ilang Talang Luma Mula Sa Talaarawan ng Isang May Nunal Sa Talampakan, 1995

Biographies

Mga Daluyong, Mga Unos, Sa Panahon ni Rolando Olalia, 1989
Armando, 2006

Translation

Tigang Na Palay (Ming Fongho’s Rice), 1988

Documentary Films

Balintuna, Ina ng Mga Himala, 1993
NVM Gonzales, Beyond Mindoro, 1996
Ang Mga Manunulat Ng UP, 1999

Some of his awards

Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
National Centennial Literary Prize, 1998
Gawad Alagad ni Balagtas
2000 National Book Awards for Etsa-Pwera
Talaang Ginto
Cultural Center of the Philippines Award
U.P. Gawad Sa Natatanging Publikasyon Sa Filipino, 2001
Gawad Leopoldo Yabes


message 3: by K.D., Elder (last edited Apr 30, 2014 08:34PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
juncruz

Si Jun Cruz Reyes


message 4: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Plano sa Pagbabasa:

May 3 (Sat) - Panimula, Kabanata 1 & 2
May 10 (Sat) - Kab 4-6
May 17 (Sat) - Kab 7-10
May 21 (Sat) - Kab 11-14
May 30 (Sat) - Kab 15-17 at Epilog

June 7 (tentative) - interview with Jun Cruz Reyes sa UP Diliman


message 5: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Panimula

Kuwento ito ng isang kabataan (first person narration) so parang maiisip mo na si Jun Cruz Reyes ang nagsasalita. Pero di natin alam.

Tanong

Ipinanganak ka na ba noong 1972? Kung oo, ano ang karanasan mo tungkol sa Martial Law?


message 6: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 1

Nagsimula na ang pagsasalaysay. Nasa isang paaralan. Di ko alam kung anong paaralan ito. Parang may ganito yatang university noon (kasi parang familiar ang name) kaso di ko alam ngayon kung alin na sa kanila: PSBA ba?

Tinu-torture ang estudyante. Kaso din naman yong water o electric torture. Binabatukan lang habang ini-interview.

Kenkoy ang pagkukuwento ng narrator. Tipong inakma ni Reyes kung paano nagsasalita ang kabataan noong 1972 ng sinimulan ang "paglilinis" sa mga aktibista sa mga universities. Yong mga mahilig sumali sa rally at demonstrations during the First Quarter Storm.

Tanong

Si Marcos daw ang pinakamatalinong presidente ng Pilipinas. Naniniwala ka ba?


message 7: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 2

Makagaling sa university, windang si Jo ang ating bidang narrator. Nagpalakad-lakad sya. Nakarating sa Quiapo, tumingin ng mga nagtitinda roon ng mga halamang gamot at anting-anting, nakipagusap sa manghuhula, pumasok sa loob ng simbahan, lumabas. Dahil sa gutom, isinangla ang relong papatay-patay na. Kumain ng mami at siopao sa isang restaurant.

Nakakatawang parte. Naging miyembro siya ng isang relihiyosong samahan na tinatawag na "Bisig ni Jesus." Ang kanilang layunin ay iligtas ang mundo sa pamamagitan ng pagtulong na mawala ang kasalanan sa mundo. Ang kanilang proyekto: samsamin ang mga mahahalay na larawan. Pinuntahan ni Jo ang kanyang tiyo na mahilig sa malalaswang larawan. Doon nya nakita ang larawan ng pekpek: "parang seashell na inalisan ng talukap." ang description nya.

Tanong

Noong una kang nakakita ng larawan ng sex organ ng opposite sex mo, anong naisip mo?


message 8: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 3

Ipinakilala na ang mga pangunahing tauhan ng nobela:

1) Jo - 16 years old na narrator. Taga probinsya ang magulang. 4th year college sa PSST - Philippine School of Science and Technology. Di ko alam paano naging 4th year college ang 16 years old.

Mga kaibigan ni Jo:

2) Kulas - ang bayaning tagapagligtas. Mahilig tumugtog ng silindro (harmonica).

2) Minyong - roommate ni Jo na may alagang pusang si Kwak Kwak na pinalayas ng landlady nila.

3) Joey - lider ng group (discussion group)

4) Herbie - ang pintor sa grupo

5) Lib - mahilig mag-basketball, may dimples, bunso ng grupo.

----

6) Tess - dating GF ni Jo pero naging panakip-butas lang sya actually

7) Ven - ang totoong BF ni Tess. Karibal ni Jo.

Sa kabanatang ito, ipinakita ang pagiging palaban ni Jo sa sistema. Hindi niya sinunod si Tanda o Mrs. Spermatozoa na magsuot sya ng ID sa klase. Pinakilala rin dito si Tess na binigyan nya ng bulaklak mula sa isang lamay. Noong kumakain siya sa isang restaurant, tinutukso siya ng isang matandang ("Lola" ang tawag nya) na isang pokpok para madelhensiyahan. Hindi ito nagtagumpay dahil tinakasan niya. Dahil magko-curfew na, napapunta siya sa isang lamay ulit na nakaitim ang mga tao.

Tanong

Naranasan mo na bang maging panakip-butas?


message 9: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 4

Kuwento ni Idyo, ang valedictorian sana nila sa high school na may lahing mangkukulam. Kapag may nagpapa-suob, ang larawan ng lola ni Idyo ang lumalabas. Minsan na silang nilusob ng mga taong bayan para takutin ang buong pamilya nila. Dahil dito kahit matalino si Idyo, tinamad itong mag-aral at si Jo tuloy ang naging valedictorian.

Kwinento rin dito ni Jo ang tatlong disyus-diyosan sa kanilang bayan: si Zeny na pokpok pero yumaman dahil nakagiliwan ng isang matandang biyudo; si Mayor Fruito Adlaza na lahat ng proyekto ay may pangalan niya; at si Tininte. May patama rito sa mga Marcoses. Basta taga-Ilokos ka o Leyte, pasaporte mo yan sa suwerte.

Tanong

Sino ang kilala mong yumaman sa hometown ninyo at paano siya yumaman?


message 10: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 5

Malapit na ang Pasko. Amoy na. Kakain sana ng mansanas si Jo pero nawalan sya ng gana nang may makita syang tae. Umuwi siya sa boarding house. Nalaman nyang nahuli si Minyong na nagnanakaw ng pagkain sa ref. Pinaalis si Kwakwak na pusa ni Minyong. Bahal ang pusa sa boarding house. Hindi pa umuuwi si Kulas na ininterrogate ding kasunod ni Jo sa kabanata 1. Narinig nya itong sumigaw habang naglilinis sya ng mga sasakyan ng Metrocom. Sana walang nangyari sa kanya, sabi na lang ni Jo.

Kasama rin sa kabanatang itong ang palalarawan ng buhay nila sa boarding house. Puro tamban ang ipinakakain sa kanila dahil two months na silang di nakakabayad ng upa. Walang padalang pera ang kanilang mga magulang mula sa probinsiya. Tamban (isdang maraming tinik) na prito mula umaga hanggang gabi kaya napipilitan silang magnakaw ng pagkain sa ref kapag tulog na ang mga pamilyang may-ari ng kanilang tinutuluyang boarding house.

Tanong

Naranasan mo na bang mag-board? At naranasan mo bang ma-delay ng pagbabayad ng upa?


message 11: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 6

Dalawa ng tinatalakay dito sa kabanatang ito. Una ang pagtanggap ni Jo ng sulat mula sa ama na sinasabing huwag umuwi roon sa kanilang probinsya ng Pasko at doon sa ninong nito tumira. Magaala-ala si Jo dahil alam niyang may usapin sa lupa ang mga magulang at siguro ay ayaw syang masangkot sa gulo.

Sa kabanata ring ito iniisip ni Jo na sumulat kay Tess na dati niyang kasintahan na mayaman. Pero naisip nya na ginawa lang syang panakip-butas habang may away si Tess at si Ven. Nagdesisyon siyang kalimutan na lang si Tess kahit mahal niya ito.

Tanong

Kaya mo bang layuan ang isang tao kahit mahal mo ito? Bakit?


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Sagot sa mga Tanong:
1. Noong martial law, wala pko sa earth nun hehe
2. Naniniwala akong si Marcos nga ang pinakamatalinong presidente, pero sumobra nga lang at naging tiwaling opisyal ng gobterno.
3. Larawan ng sex organ, no comment haha i have the right to remain silent..haha tara usap tayo! haha
4. Panakip butas kadalasan sa mga relasyon kc mukha daw akong butas haha.
5. Marami yumaman dahil sa sipag at tiyaga...pagsali sa mga bisnes at sideline.
6. Maraming beses nko nakapg-board, madalas din madelay ang bayad ciempre ang ginagawa ko nakikiusap at promisory letter at kapag nagka pera na ay bumibili ng pang merienda para maka-goodshot sa atraso hehe.
7. Kaya ko layuan ang isang tao kahit na mahal ko kasi minsan dapay bigyan mo rin cia ng kalayaan at oras ng kanyang pagsasarili at kung mahal ka talaga niya ay kusang babalik sa un mahal mo.


message 13: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Salamat sa mga sagot mo, Po.

At least may sumagot sa akin.

Itutuloy natin ito sa weekend.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Try kong sumama sa book reading. hahabol nalang ako.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments mukhang malabo makasabay, binabasa ng girlfriend ko yun copy ko. Magbabasa nalang ako sa thread.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Buti nalang ng nag giveway ang GF ko na basahin ko ang libro. hahabol ako next week.


message 17: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Billy wrote: "Buti nalang ng nag giveway ang GF ko na basahin ko ang libro. hahabol ako next week."

Sige lang, Billy. Habol ka lang!


message 18: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 7

"Para kaming mga tutubing binubulabog ng isang batang maharot na hindi malaman kung saan susuot."

This explains the title. Silang mga pangunahing tauhan (my college students) ang mga tutubi at ang mga batang salbahe ang mga militar, ang mga metrocom na naghahariharian sa mga campus at sa lipunan. Ang mga nanghuhuli ng mga tibak (aktibista hindi t-back) noong 70's.

Nagtatago na sila (Jo, Joey, etc) ngayon. Natatakot na baka kumanta si Kulas (yong sa Kabanata 1) kapag tinortyur ng militar.

Tanong

Nanghuli ka ba ng tutubi noong bata ka? Anong ginawa mo sa mga nahuli mo?


message 19: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 8

"Kaya nga ginawa ng Diyos ang barkada, para utangan at lokohin."

Hahaha! Parang totoo ito!

Dito sa kabanatang ito, parang si Herbie ang sentro. Nagtatago ang barkada at naisipan ni Joey na doon pumunta kina Herbie, ang pintor sa grupo at saksakan ng hirap ang pamilya. Alas-onse ng gabi, gutom na sila at pagpitada ng 12 midnight, curfew na. Andyan na ang mga "batang salbahe." Kaya pumunta sila sa "lagoon" at nanguha ng kangkong. Sabi ni Jo, pag nahuli sila ng sekyu, sasabihin nya nangboboso sila. Mahirap raw i-explain na pati kangkong ay ninanakaw dahil nagugutom at walang makain. Grabe lang. Pampatawa ang narration pero kung iisipin mo, sobrang lungkot at nakakaawa ang mga batang ito lalo na yong pamilya ni Herbie.

Tanong

Naranasan mo na bang magutom tapos wala kang kapera-pera? Anong ginawa mo para makakain?


message 20: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 9

Nagkasakit si Herbie. Kinakailangang isugod sa infirmary (hospital o clinic o center na ito ngayon. Parang di na ginagamit yong salitang infirmary). Tapos natulog silang tatlo nina Jo at Joey sa kama. Noong umaga, pinauwi siya ni Joey sa boarding house. Noong makarating siya doon, maraming tao. Dinakip daw ang landlady niya at ang anak nitong si Sisiw ng mga militar.

Tanong

Naranasan mo na ba ang ang gamot na dapat iniinom ay ipinahid mo sa katawan mo? O yong dapat ipinapahid lang ay ininom mo?


message 21: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 10

Ang tulay ng kamusmusan. Ang pagikot-ikot niya sa paglalakad. Walang direksyon. Di alam ni Jo kung saan sya pupunta. Bumalik sya sa boarding house. Kinuha ang natira (o itinira ng Metrocom) na mga gamit nya. Nagpaalam kay Inday na kung bumalik ang ma'am nito at si Sisiw ay saka na lang sya magbabayad ng mga overdue na upa sa bahay.

Tanong

May dumating na ba na pagkakataon sa buhay mo na di mo alam kung saan ito papunta? Yong parang wala kang direksyon?


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments 8. Nanghuli na ako nun tutubi nun bata pa ako, ginawa ko saranggola tinalian ko ng tali un pinakbuntoit niya
9. Naranasan ko ng magutom at mawalang ng pera , naalala ko nun estudyante pa ako. Ginagawa ko ay ako ang gumagawa ng project, assignment, research work ng group namin buti na lang tamad mga kaklase ko kaya sa akin nila pinagagawa. May time nga na nahuli ako kasi parehas na project un dalawang clasmate ko na-submit hehe.
10. So far wala pa nmn, hehe wow mali
11. Madalas mangyari ito lalot bad trip, malungkot, o binasted ka ng crush mo. Ginagawa ko n lng ay tumitingin sa kalikasan o nature magrereplek ayuin nakagagaan ng buhay. Naalala ko un kanta ng Yano na ESEM, hehe patingin tingin ...


message 23: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Book wrote: "8. Nanghuli na ako nun tutubi nun bata pa ako, ginawa ko saranggola tinalian ko ng tali un pinakbuntoit niya
9. Naranasan ko ng magutom at mawalang ng pera , naalala ko nun estudyante pa ako. Ginag..."


Ako nilalagay ko sa posporo ang tutubi haha!


message 24: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Ituloy natin ito. Malapit na ring matapos.

Tsaka nakakahiya kung haharap tayo kay Sir Jun Cruz Reyes na di prepared at kakaunti ang nakapagbasa! Kaya sana bumili na kayo at magbasa. May buong buwan pa ng Hunyo kayo para gawin yon. First Friday ng July ang interview natin sa kanya.

Kabanata 11

Hinimatay si Jo o Jojo sa gutom sa loob ng bus. Papunta sana siya kina Lib pero nagaalangan siya dahil inutusan lang sya ni Joey at di nya alam kung welcome siya kina Lib kasi mayamang pamilya ito.

Tanong

Class struggle. Yan ang paksa ng libro. Pero umiinog lang mostly sa mundo ng isang barkada na mga college students.

Mayroon ka bang barkada (ka-close) na sobrang layo ang estado sa buhay kaysa sa yo? I mean, mayaman sya, mahirap ka o mahirap ka at mayaman sya? Pakuwento naman.


message 25: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 12

Ang nahilong si Jojo ay dinala ni Mamay na isang matandang mahirap na hilot o albularyo sa bahay nito. Paano nangyari yon? Pinaupo ni Jojo si Mamay sa bus bago ito nahilo.

Tanong

Kung lalaki ka, nago-offer ka ba sa mga babae o bata o matanda ng upuan mo sa bus, sa MRT, sa dyip, etc?

Kung babae ka, okay lang ba sa yo ang bigyan ng upuan? O feminist ka at feeling mo insulto yon kasi kung kaya ng lalaking tumayo, kaya mo rin? Pag tinanggap mo ang offer, nagpapasalamat ka ba? Kung may dala-dalahan ang lalaki, nago-offer ka bang ipatong sa lap mo ang bag ng lalaki?


message 26: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 13

May mga ampon din si Mamay sa bahay na tinutuluyan nito sa squatter. Isang bahay na yari sa lumang bapor. Sina Boy at Gen. Si Boy ay ang archetype ng totoong mahirap. Akala natin bilang mambabasa si Jo na ang mahirap. Si Boy mas mahirap dahil ang trabaho lang ay maglinis ng jeep (para may pangkain) at magalaga ng baboy sa silong ng bahay (para may pang-tuition). Nabasa sya sa araw ng pagkikita nila ni Jo dahil tumaob ang bangkang sinasakyan nito dahil ang bangka ay mas mura sa jeep.

Tanong

Nakaramdam ka na ba na akala mo mahirap ka tapos noong makakita o makakilala ka ng mas mahirap sa yo, nasabi mong mayaman ka pala?


message 27: by K.D., Elder (last edited May 25, 2014 12:16AM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 14

Umalis na si Jo sa bahay nina Mamay at pumunta sa kaibigan nitong si Idyo na isang fixer sa LTO. Mahirap rin ito pero parang maraming pangbisyo. Di sya mapatuloy sa bahay nito dahil siksikan na kaya nagpalipas na lang sila ng oras sa pagbibisyo: inuman, seksing palabas, hanggang sa live show.

Nabalitaan rin niya ang nangyari sa kanilang probinsya: wala ang kanilang kabuhayan at ang mga magulang nila ay na-displaced. Wala na nga siyang babalikan sa probinsya.

Nagustuhan ko yong: "Ikaw kumusta ka na?" sabi ni Idyo. Sa isip ni Jo: Paano ko sasagutin yon?

Tanong

Ikaw, kumusta ka na?


message 28: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Apat na huling kabanata na lang. Bili na kayo at magbasa. Kailangan nating paghandaan ang panayam kay Jun Cruz Reyes sa July 5, 2014.


Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Sagot sa una at ikalawang tanong:

1. Hindi.
2. Oo o hindi. Marunong siya sa mga batas at larong pulitikal. Hindi dahil linabag niya ang karapatang pangtao.


message 30: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Billy wrote: "Sagot sa una at ikalawang tanong:

1. Hindi.
2. Oo o hindi. Marunong siya sa mga batas at larong pulitikal. Hindi dahil linabag niya ang karapatang pangtao."


Tama. sa opinyon ko, nasilaw siya sa kapangyarihan.


Bethany  (Book Noy) | 1028 comments Sagot:

Kab.11-Mayroon akong barkada mayaman pero ewan ko bat hindi siya masaya bilang mayaman cguro malayo ang pamilya niya pero kung ako nasa kalagayan niya kuntento nko. Bakit kaya mayganun kung dinanas niya lang ang hirap ng buhay cguro mauunawaan niya na dapat maging masaya na siya sa estado niya.

Kab. 12- Siyempre bilang paggalang sa kababaihan o matanda inooper ko un upuan ko kc tayong mga lalaki pde magtiis pero ang babae hindi kaya iyon. kaya bilang respeto na rin sa kanila.

Kab.13- Oo, nakaramdam ako niyan noong nagpracticum kami sa school. Akala ko ako na ang mahirap o may hindi kayang gawin pero laking gulat ko mas may matindi pa pala mga tao na mas mahirap sa akin o magtataka ka paano nila na kaya iyon?..cguro dapat ay makontento na lang tayo sa mga dumarating sa ating buhay. Kung may biyaya o wala dapat ay magpasalamat din dahil buhay pa tayo at malakas.

Kab.14- Yan ang mahirap sagutin kung minsan kahit alam mo may mabigat kang problema o karanasan eh mapag-iisip ka kung ano ang isasagot mo?..cguro sa akin "Smile na lang jan and everything!" o kaya "Bawal ang sad dapat happy!"..hehe


message 32: by K.D., Elder (last edited May 31, 2014 05:36PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Po wrote: "Sagot:

Kab.11-Mayroon akong barkada mayaman pero ewan ko bat hindi siya masaya bilang mayaman cguro malayo ang pamilya niya pero kung ako nasa kalagayan niya kuntento nko. Bakit kaya mayganun kung..."


Gusto ko yong "maging kontento kung anong meron tayo" pag ganyan kasi mas masaya.


message 33: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 15

Dinala si Jo ni Isyo na manood ng bomba (nude girls) at later ng live sex show (toro). Maganda yong paglalarawan ni Sir Jun Cruz Reyes ng paligid. Parang pakiramdam mo naroroon ka rin. Di yong torero at torera, pero yong sinehan o setting. Parang naaamoy ko yong lugar at nararamdaman yong init.

Tanong

Nakapanood ka na ba ng toro?


message 34: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 16

Natambangan sila ng mga pulis o Metrocom at muntik na silang mapatay.

Tanong

Good news. Bad news. Mag-share ng masama at mabuting di malilimutang enkwentro mo sa mga pulis or militar.


message 35: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Kabanata 17

Huling kabanata tungkol sa magkakaibigan. May napatay: (view spoiler) dahil di na sila nakita pa. In the end, yong realization ni Jo na wala na syang pupuntahan kaya kailangan na nyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Tanong

Nakatayo ka na ba sa sarili mong mga paa? Di ka na umaasa sa mga magulang mo? I-share naman ang pakiramdam ng self-supporting ka na kahit bata ka pa.


message 36: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Epilog: Tapik sa Balikat

Ito yong wala nang direktang kaugnayan sa libro pero para sa akin, ito yong nagpaganda sa libro. Parang yong appendix ng Enduring Love (4 stars) ni Ian McEwan. Kung di mo babasahin ang part na ito dahil akala mo ek-ek lang, di mo maa-appreciate yong practical or real-life application noong kuwento ni Jo. Dito, yong tapik sa balikat ay yong tungkol sa anak niyang namatay sa pakikipaglaban sa prinsipyong pinaniniwalaan niya.

Mayroon akong linya na gusto rito:
"Simba kayo ng simba. Pag nasa bahay nama'y dula nang dula. Wala namang ginagawa para sa kapwa. Lahat ng gusto ninyo panay panlibang. Hindi tinatalakay sa dula at simba ang totoong problema ng tao."


Ouch. Boom!

Mga Tanong

1) Sa palagay mo, saan tinatalakay ang totoong problema ng tao?

2) Ano ba ang totoong problema ng tao?


message 37: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
-WAKAS-

Salamat kay Book, Po at Billy sa pagpo-post ng mga sagot o reaction nila sa thread na ito.

Di pa huli. Puwede pa kayong magbasa para naman preparado kayo sa panayam with Jun Cruz Reyes sa July 5. Magbasa at sumagot ng mga kung anu-anong tanong lang. Kung anu-ano sapagkat ayaw kong mang-spoil at gusto kong may makausap sa thread na ito kahit walang direktang relasyon sa libro.

Sinasayang ko ba ang panahon ko? Hindi. Sinisikap ko lang ituloy ang pagbabasa dito sa book club natin para di naman sayang ang nasimulan.

Kaya, sali na! Bumili na ng libro (o hiramin itong sa akin) tapos maki-discuss dito at sa July 5.

Tara!


message 38: by Bethany (last edited Jun 01, 2014 12:00AM) (new) - rated it 4 stars

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments Kab.15-
Nakapanood na ako ng Toro iyon nga lang ay sa DVD iyon kay Claudia Coronel. Grabe! iyon napanuod ko maaawa ka at maiisip mo na Salamat at buhay ka pa. Makontento ka sa mga bagay na mayroon ka kaysa wala. Sa hirap ng buhay dapat talaga magsikap at pilitin mamuhay ng marangal.

Kab.16-
Noong graduation ko hinuli ng pulis at traffic aide iyong van na hinire namin kc Kolorun, ayun gusto kami isama sa Police Station para imbestigahan pero nakiusap un nanay ko na baka pwede ay maka-attend muna kami ng graduation. May operation noon sa mga Kolorun na sasakyan. Buti naawa iyon pulis at naka-abot ako sa marching ng graduation. Sobra kaba at takot ko nun.

Kab.17-
Yup! Naranasan ko na tumayo sa sariling buhay at magbigay ng tulong sa aking magulang. Kay sarap nang ganun pakiramdam kasi nakakatulong ka na. Natuto mag-budget at mag-ipon. Kamalasan lang ay contractual ang napapasukan ko kaya na-eendo.

Epilog-
Para sa akin tinatalakay ang problema ng tao kung pag-uusapan ay sa kabuuan ay sa bawat baranggay, komunidad, loacal at national govt..o kung sino iyong binoto mo, mga pwedeng lapitan, mga ahensiya na tutulong sa iyo.

Maraming paraan para masolusyunan ang problema ng tao.

Sabi nga sa Bibliya nabasa ko "ang tao lang nagpapa-komplika sa kanyang problema" dahil na rin sa paggawa ng kasalanan, kawalan ng pananampalataya at pag-asa,at bisyo. Tandaan natin nang lalangin ang mundo ay ipinagkaloob na ng Diyos ang lahat ng pangangailangan ng tao-pagkain, kasamahan, mga hayop, atbp. at walang kamatayan pa noon.

Ang totoong problema ng tao ay kawalan ng disiplina at pagkaka-isa, kawalan ng pagtutulungan sa isa't isa, walang pagka-kuntento sa buhay, paggawa ng kasalanan, atbp.


Bethany  (Book Noy) | 1028 comments Para sa akin ay nagbukas ng panibagong dimensiyon at aral ang natutunan ko sa pagbabasa ng mga aklat ni Jun Cruz Reyes. Nandiyan ang realidad at kahalagahan sa pag-eksis ng tao at pakikipag-ugnayan nito sa kapaligiran. Malalim at matalinghaga ang ibang mensahe ng kanyang mga sinulat. Tandaan natin na naging karanasan ni Jojo ang Martial law kaya dapat ay intindihin natin ang kanyang dinanas at magbigay aral sa atin upang hindi maranasan ang ganun kahirapan o problema.


message 40: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Tapos na pala yung sabayang pagbabasa neto wala pa rin akong kopya :( Sana makabili na ko before ng field trip


message 41: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Tapos na pero kung kung mo pang sumagot, puwede naman. Babasahin at magre-react pa rin ako hehe.

Si Clara, madalas sa UP ngayon. Baka gusto mong magpabili.


Wynclef | 32 comments Sayang hindi ako nakasali rito. :(


message 43: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Wynclef wrote: "Sayang hindi ako nakasali rito. :("

Hindi pa huli ang lahat. Actually, halos wala namang sumali. Busy yata ang mga kakweba ngayon


message 44: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments K.D. wrote: "Tapos na pero kung kung mo pang sumagot, puwede naman. Babasahin at magre-react pa rin ako hehe.

Si Clara, madalas sa UP ngayon. Baka gusto mong magpabili."


Oh? Sige nga po sabihin ko po sa kanya. Magkano po ulit 'to? Kasi nagtatanong ako lagi sa mga NBS eh, sa Quezon Ave at Cubao na lang daw yata meron. Eh hindi naman ako nagagawi don :(


Bethany  (Book Noy) | 1028 comments Pareng Wynclef,
Hindi pa po tapos ang diskusyon dito.
Maari pa kayong mag-post ng mga katanungan.
Iyong isinagawang pagbabasa ay para sa pormal na iskedyul pero ang mga ideya at reaksyon ay hindi natatapos dito.


Clare Almine (clrslmngkra) | 535 comments Hello, pasensya na masyado na akong huli sa pagbabasa. Ngayong buwan pa lang ako nagbabasa neto. hehe Susubukan kong sagutin ang mga tanong na nakaligtaan ko dito. hehe


message 47: by K.D., Elder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6581 comments Mod
Clare wrote: "Hello, pasensya na masyado na akong huli sa pagbabasa. Ngayong buwan pa lang ako nagbabasa neto. hehe Susubukan kong sagutin ang mga tanong na nakaligtaan ko dito. hehe"

Walang problema. Pag sumagot ka, narito lang ako na magaabang at maa-acknowledge ng sagot mo. :)


back to top