Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Kahit Ano
>
Summer Reading Project for Kids
date
newest »


Sige, mag-gather tayo ng children's and YA books and well, notebooks.
(view spoiler)
Going back to the project, feeling ko dapat may deadline ang pangangalap ng books? Kasi baka naman end na ng summer wala pa tayong natitipon haha. :)
Chibivy wrote: "Hello mga kakweba! Dahil mahal na mahal ko talaga ang pagbabasa (haha! naks!) at dahil ako'y magiging isang guro sa hinaharap, talagang pinopromote ko ang pagbabasa sa mga kakilala ko. I've always ..."
Sige, game ako dito! Anong first step?
Sige, game ako dito! Anong first step?

Bata rin po ako nung namulat ako sa sex. Around four or five din po yata hahaha komiks at pocketbooks din po dahilan XD And yes naniniwala din po ako na dapat dinidiscuss agad sa mga bata ang tungkol sa mga ganung bagay. Paminsan minsan pag may tanong ang kapatid ko nagkukwentuhan din kami about condom, pills, sex, etc. Kaso kasi ayoko naman sanang pagbasahin yung kapatid at pamangkin ko ng overly sexual books. Sana kung may sex sa books yung educational naman hahaha. But well, they're already 12 kaya pwede namang subtle. Hahahaha
Kuya KD, nagsstart na po kami dito sa bahay na magbasa. Nakagawa na rin ang kapatid ko ng review sa Ikaklit sa Aming Hardin hahaha kahit maikli at simple lang. Yung pamangkin ko nagbabasa ngayon ng It's A Mens World.
May Goodreads po sila pareho. Pwede nyo pong i-add. :)
http://goodreads.com/IverieBerenn - Kapatid ko
http://goodreads.com/KyleConcepcion - Pamangkin ko

Hi Ibyang, na-add ko na sila! You're doing great. :) Padala kami ng books namin kapag na-print na 'yung latest. :D

Sige po sabihin ko po sa kanila. Bukas or sa Sunday pa yata schedule nila sa computer eh hahahaha!
Nagsstart pa nga lang po kami. Hindi ko pa po masyadong pinupush kasi baka lalong mawalan ng gana. Bale, subtle motivation muna :) Hihi yung Brightest po ba? Sana po may autograph na din hihihi
May summer service din po ako sa scholarship ko from April 21 to May 16. Bale, magtuturo po ako sa mga bata sa isang community sa Welfare, Mandaluyong (di ko pa alam san 'yon, lol). Stay-in po kami; may foster family kami na tutuluyan. Sabi naman nung coordinator namin sa scholarship, basics lang naman ituturo namin. Bale bahala yata kami.
Iniisip na gawin din sana itong summer reading project ko sa mga bata doon, kaso di ko pa po napaplanong maigi. Sa course ko kasi (Bachelor of Secondary Education major in English), isang reading subject pa lang yung na-take ko (Developmental Reading, last sem), tapos minor pa yun. Yung major ko na Teaching Reading this third year ko pa mate-take. So wala akong masyadong alam na strategies kung pa'no ituturo/imomotivate ang isang large class sa pagbabasa. Saka ayun nga po, wala akong masyadong children's books na madadala sa community kasi ginagamit ni Iverie at Kyle sa summer reading program sa bahay.
Nagreresearch din po ako kung pano ko kaya pwedeng ma-execute 'tong plan ko sa summer service ko. Baka may suggestions po kayo mga ka-kweba. Hahahaha!

Sige po sabihin ko po sa kanila. Bukas or sa Sunday pa yata s..."
Sige, pag-isipan natin ito nang malupit. Haha, babalikan ko 'to pag may naisip na ako, medyo distracted kasi ako. Hmm, oo, Brightest, and something else haha. :) Sige, pirmahan natin haha :)
Naipamigay ko na kasi ang mga children's books ko sa Museo last year haha. Pero sige, sa Huwebes Santo, magaayos ako ng mga libro rito. Baka may natira pa.
Naghalungkay, nagpunas ng alikabok, nagsalansan base sa genre at intensyon kung babasahin na soon o hindi pa ng mga tbr books. Hiniwalay ko ang mga Pinoy book at Children's at YA books. Sabi ko bago ako mag-51 (next year), kailangang tapusin ko na ang mga children's at YA books ko. Yon ang ipapasa ko sa iyo ng unti-unti Chibivy pero magtitira rin ako ng para sa susunod na outreach project ng PRPB.
O ganito na lang... ipasa ko sa iyo, basahin ninyo tapos ibibigay natin sa outreach pagkatapos. Ibig sabihin, iingatan ninyo. Deal? Pero di na siguro aabot itong lahat ngayong summer (hanggang next month). Maguumpisa pa lang ako e. Yong iba kasi napunta na sa Museo last year. Since then, di naman ako nagbabasa ng children's at YA.
O ganito na lang... ipasa ko sa iyo, basahin ninyo tapos ibibigay natin sa outreach pagkatapos. Ibig sabihin, iingatan ninyo. Deal? Pero di na siguro aabot itong lahat ngayong summer (hanggang next month). Maguumpisa pa lang ako e. Yong iba kasi napunta na sa Museo last year. Since then, di naman ako nagbabasa ng children's at YA.

Sige Kuya okay lang! Salamat! Nga pala, nagstart na ako sa summer service program (SSP) ko sa scholarship. Sa Mandaluyong ako naka-assign. Bale nagtuturo kami sa mga batang prep to grade 6 ng isang urban poor community don. Hanggang May 16 kami dun at kinder and grade 1 ang tinututuan ko.
Pwede rin po kayong magpahiram (o magdonate) ng mga books para sa SSP namin. Tiyak na magagamit namin yun at makakatulong talaga sa mga bata :)
Books mentioned in this topic
The Chronicles of Narnia (other topics)The Fault in Our Stars (other topics)
It's a Mens World (other topics)
Authors mentioned in this topic
Manix Abrera (other topics)Roald Dahl (other topics)
Jerry Spinelli (other topics)
Now, I want to make this summer really productive. I want to take the power of influence to the next level. Nakukwento ko naman yata sa inyo na meron akong kapatid na 12 years old, si Iverie. Grade 7 na sya sa pasukan. Tapos meron din akong pamangkin na dito sa'min nagbabakasyon ngayon, si Kyle, 12 years old din at Grade 8 sa pasukan.
Yung kapatid ko bata pa lang yan kinukulit ko na yang magbasa. Binibilhan ko ng mga libro; natutuwa sya kasi "pasalubong" yon, kaso hanggang don lang, bubuklatin lang pero di tinatapos basahin. Eh bilang reader, I want my sister to develop passion for reading as well, pero wala eh, ang hirap talaga nyang kumbinsihin.
So I have a project this summer. Actually, nung March ko pa pinag-isipan 'to. This is a summer reading project/program for kids. The original plan is this: yung kapatid ko kasama ng mga kalaro nya dito sa subdivision ay papahiramin ko ng mga libro ko (children's lit and juvenile lit, and probably some appropriate YA). For the whole summer, paramihan sila ng mababasa na libro. Aside from that, kailangan may notebook sila na pagsusulatan nila ng simple reviews nila about book. By the end of summer, magkakaroon ng prizes yung pinakamaraming nabasa at pinakamagandang reviews.
Nung sinabi ko 'to sa kapatid ko, um-oo agad sya at excited sya. Kaso nung sinabi ko sa mga kalaro nya (dalawa pa lang naman napagsabihan ko), ayaw nila eh. :( Kasi yung mga bata dito non-readers talaga eh puro laro lang talaga :( Ayun so medyo nakakadiscouraged.
Buti na lang yung kapatid ko parang gusto nya talaga na ipush 'to. So sya pa yung nangungulit. Si Kyle (pamangkin ko), medyo reluctant pa sya nung una. Pero netong week pinatulungan ko kasi silang magbalot ng mga libro ko (di ako marunong magcover ng books, lol), at nakita ko na lang ini-scan nila yung mga books. So binigyan ko sila ng mga mababasa nila.
Ayun, so start na ang summer reading project ko kahit dalawa lang sila. :D Hahaha!
Now, I'm posting this because gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyo bilang member ng isang book club. :) I started this thread para sana maghingi ng suggestions ng pwede kong gawin para maging successful 'tong personal project ko. :)
Another thing is, konti lang po yung children's books, juvenile lit, at appropriate YA ko na pwede na edad nila (12 years old). I have some Roald Dahl and Jerry Spinelli kasi favorite ko rin sila. Meron din akong complete set ng The Chronicles of Narnia. Saka yung mga Kikomachine ko dito ni Sir Manix Abrera, ayun pwede din nila basahin yon. Sabi din ng kapatid ko gusto nya daw basahin ung The Fault in Our Stars. Okay naman kaso inaalala ko lang medyo may sex don, although mild. Gusto ko kasi if ever man na maopen yung topic about sex eh appropriate pa rin sa edad nila (pareho silang 12-year-old girls). Kaso parang konti lang talaga ng pagpipilian nila eh kasi yung ibang libro ko dito hindi appropriate sa kanila.
Kung meron po kayong mga children's books, pwede po bang manghiram sa inyo? Lalo na po sana yung mga Pinoy books bilang ayun naman ang advocacy ng book club naten :) Sasabihin ko naman po sa kapatid at pamangkin ko ingatan ang gamit :) Sana po yung appropriate sa age nila bilang pre-teens. :) At wag po sanang masyadong mahaba para hinay hinay lang :)
Actually, natutuwa ako kasi last year yata o early this year yata, natapos na ng kapatid ko sa wakas yung It's a Mens World ni Miss Bebang. Eto yung first book na natapos nya ever at talagang pinagmamalaki ko sa kanya na kabook club ko si Miss Bebs hahaha!
Ayun po. Sana matulungan nyo ko mga kakweba! :)