Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Noli Me Tángere (Touch Me Not)
This topic is about Noli Me Tángere
171 views
Sabayang Pagbabasa > February 2014: NOLI ME TANGERE ni Dr. Jose Rizal (Moderator: K.D.)

Comments Showing 1-21 of 21 (21 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Para sa akin, hindi tayo legit na mambabasang Pinoy kapag di natin binasa ng sabayan ang obrang ito ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Hirap tawagin ng Pinoy Reads Pinoy Books kung ang isang libro na pumukaw sa puso at patuloy na pumupukaw sa puso na required reading sa high school sa marami sa atin ay di natin sabayang paguusapan.

Kaya halina, sumali ka sa pagbabasa. Iba kasi kapag leisure reading kaysa sa required na iniisip mo paano kung tawagin ka sa recitation o kung ano ang lalabas sa quiz o exams. Tsaka nagiiba ang perspective ng tao lalo na kung tumatanda. Eh lahat tayo tumatanda. Hehe.


message 2: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kahit anong edition, puwedeng gamitin. Itong nasa picture, twice na akong bumili nyan tapos ipinadala ko isa sa US (kay Teresa) at sa Australia (kay Liza). Nag-swap kasi kami ng mga libro at itong Noli ang pinili ko. Nabasa na nila at na-review. Pero yong mga pinadala nila sa akin ni Liza di ko pa nabasa hehe.

Anyway, ang gagamitin kong version ay itong kay Ma. Soledad Lacson-Locsin na pinablish ng Ateneo noong 1996 bilang pagdiriwang ng centenary ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal. May nagsasabing the best English translation ito. Kasi naman, Lacson-Locsin ito.

Noli Me Tangere

Schedule natin sa pagbabasa:

Wk 1: February 2-8
- Pre-reading Thoughts, Chapters 1-16
Wk 2: February 9-15
- Chapters 17-32
Wk 3: February 16-22
- Chapters 33-48
Wk 4: February 23-28
- Chapters 49-62, Post reading thoughts

Free-wheeling na lang ang discussion. Itatanong ko na lang kung anong pumasok sa isip ko. Kayo rin, ganoon. Basta i-limit lang ninyo yong comments ninyo doon sa mga chapters na assigned sa week ng pagbabasa. Normally, maraming akong posts pag weekends pero sisikapin kong sumagot rin pag weekdays.

Game na? Bukas simula na tayo. :)


message 3: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tanong #1: Ano para sa inyo ang relevance ng Noli Me Tangere sa kasalukuyang panahon?


message 4: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hehe. Ako na rin ang sasagot.

Para sa akin, ang relevance ng Noli Me Tangere ay yong pagsusulat ng mga kabuhuluhan. Sabi nga ni F. Sionil Jose, kung walang moral agenda ang pagsusulat mo (fiction included), hindi ka dapat magsulat. Well, si F. Sionil kasi isa sa mga great influences nyan e si Rizal. Pero totoo yan. Kahit itong binabasa kong "Ang Kanilang Mga Sugat" ni Genoveva Edroza-Matute (Aling Bebang) may moral agenda.

Moral agenda ibig sabihin may ibig ipahatid na katanungan o mensahe para sa mga mambabasa tungkol sa moralidad. Kasama rito ang pulitika, ekonomiya, sosyolohikal na parte ng lipunan.

Ang "Noli" ay may political agenda. Nasa kabanata na ako ng kung saan ay nagpakita ang multo ni Crispin sa ina nyang si Sisa. Naipakilala na ang mga pangunahing tauhan at ang kasamaan ng mga prayle:

1) Si Padre Damaso ang tatay ni Maria Clara - di na spoiler ito. Di tahasang sinabi pero doon sa hindi magkaanak si Donya Pia at Kapitan Tiago, pinayuhan ni Padre Damaso, na noon ay syang Kura Paroko ng San Diego, na pumunta sa Binondo si Donya Pia ay magsayaw. Eh taga roon din si Padre Damaso. Ayon nabuntis pero sa halip na maging masaya, nalungkot ito hanggang sa pumanaw. Tapos doon sa kabanata ring yon, ipinakilala si Maria Clara at paano ito naging mukhang angel na maputi (mukhang kastila)?

2) Si Padre Damaso ang nagpahukay ng bangkay ni Don Rafael, ang tatay ni Crisostomo Ibarra, at ipinalilipat niya ito sa libingan ng mga Instik. Si Padre Damaso rin ang naging dahilan ng kamatayan ni Don Rafael. Tapos noong bumalik sa Pilipinas si Ibarra eh itinanggi ni Padre Damaso na minsa'y naging malapit sa kanya ang Pamilya Ibarra.

3) Yong conversation nina Padre Sybila at yong matandang paring maysakit tungkol sa dapat manatiling naniniwala ang mga indiyo sa mga prayle tungkol sa salvation ng kaluluwa nila. Kasi kung di na magbubuwis ang mga tao sa simbahan, maghihirap sila kagaya ng nangyari sa Europa. Natatakot sila kaya dapat na manatiling mangmang ang mga indiyo. Kaya noong di na nangungumpisal si Don Rafael, ganoon na lang ang galit ni Padre Damaso.

Hindi lahat ng prayle na dumating sa Pilipinas ay masama. Tandaan natin na ang mga Kastila ang nagdala rito ng Katolisismo at di masama ang Katolisismo.

May agenda lang si Rizal dito.


message 5: by K.D., Founder (last edited Feb 08, 2014 01:13AM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tanong #2: Ang Sakristang Mayor ba ang pumatay kay Crispin? Ipaliwanag ang sagot.

Tanong #3: Kung magkasintahan na si Ibarra at Maria Clara bago pa man umalis ang una patungong Europa, bakit di man lang nag-effort si Maria Clara na ma-contact si Ibarra upang ipaalam ang nangyayari kay Don Rafael sa San Diego?

Tanong #4: Si Pilosopo Tasyo ay dating mayaman pero nagpakalulong sa pagbabasa ng libro kaya di naasikaso ang kabuhayan at ngayon ay naghihirap na. Gaano ninyo kamahal ang pagbabasa para makalimutang kumayod o maghanap-buhay?


Raechella | 452 comments If memory serves me well, ayon sa The Great Malayan, originally, yung characterization ni Rizal sa mga prayle ay masasama. Pero dahil sa isang certain na kaibigan/kakilala na Kastila/prayle (view spoiler) inedit niya yung nasimulan na niya sa nobela. Medyo vague na kasi yung naaalala ko. :/

Sasabay ako sa diskusyon Kuya Doni. :)


message 7: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rae, sige sabay ka. In fairness naman kay Rizal, may Padre Fernandez sa El Fili na mabuting prayle. Pero wag na muna tayong pumunta roon.

Pangatlong pagbabasa ko ito ng Noli-Fili. Noong una, sa high school. Pangalawa, noong 2010 sa TFG. Parehong Tagalog ang binasa ko. Ngayon, pangatlo na at ingles na itong binabasa ko. Mas madali palang intindihin ang ingles hehehe. O maganda lang ang pagkakasalin nito si Ma. Soledad Lacson-Locsin.

Ang isa pang gusto kong pagukulan ng pansin ay ang portrayal ni Rizal sa Simbahang Katoliko. Dating deboto si Rizal ng simbahan noong bata pa ito. In fact, may tula sya tungkol kay Inang Maria at Batang Jesus. Nanalong tula ito na kinompose niya. Tapos noong lumaki na, at inapi ng mga Dominiko ang kanyang magulang sa Calamba, nagkaroon na yata siya rito ng anti-church at naging mason, atbp.

Anyway, later siguro, ita-tie up natin ito kung totoo bang nag-retract sya o hindi. Gaano ba nya kamahal ang Pananampalatayang Katoliko noong mamatay siya?

Madali kasing tumuligsa sa Simbahang Katoliko. Parang cool yata pag lumalaban ka o pumupuna ka ng mga katiwalian ng mga pari. Naisip ko lang, baka itong Noli-Fili ang isa sa mga dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay madalas magsabi ng negatibo sa Simbahan dahil na-frame ang mind natin na dalawang nobelang ito mula sa mga murang pagiisip natin noong nasa high school pa tayo. Well, isama mo na rin dyan ang mismong talambuhay ni Rizal o kasi nga, di naman kumpleto ang pagaaral sa buhay ni Rizal kung wala kang man lamang ideya tungkol dito sa Noli at Fili.

Go, Rae. Sali ka :)


Raechella | 452 comments Hindi ko pa masasagot mga tanong kuya kasi next week pa ko magsisimula. Hehe. Tsaka di ko na kasi masyadong maalala. Haha.

Anyway, hindi naman natin masisisi si Rizal sa pagkatiwalag niya sa Katolisismo. Hindi kasi maganda yung nakikita niya dun pa mismo sa mga nagpapataw ng mga kautusan. Madali lang kasi ang magturo, pero yung pag-a-apply sa buhay mo ng tinuturo mo mas mahirap.

Tapos naaalala ko sa nabasa ko, ilang beses na in-offer-an si Rizal ng kung anu-ano para lang bumalik sa dati niyang paniniwala pero ilang beses siyang tumanggi. Bago siya mamatay, hiniling niya na ipakasal sila ni Bracken pero ayaw pumayag ng simbahan unless tatanggapin niya ulit yung Katolisismo. Pero walang nakakaalam kung talagang pinilit lang siya or talagang namulat siya sa Katolisismo bago siya namatay. Actually may written note pa nga eh, pero hindi ata sigurado kung sulat niya yun. Ewan, check ko nga ulit mamaya. :)


message 9: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rae, sige lang. Join ka lang pag ready ka na. Pag binasa mo ulit ang Noli-Fili, iba na ang perspective mo (dati, school requirement kaya parang pag nagbabasa ka, naghahanda ka sa recitation, quiz o exam hehe).

Agree ako dyan. Madaling bigkasin ang pananampalataya o magpa-image na religious. Pero ang mahirap gawin ay isabuhay ang pananampalataya. That separates the men from the boys, ika nga.

Marami rin kasing teorya ang retraction ni Rizal e. Kanya kanya rin kasing interes. Sa akin, si Rizal ay National Hero. Kaya iniisip ko, kapakinabangan ng Simbahang Katoliko kung sasabihin nilang nag-retract si Rizal at umanib ulit sa Simbahang Katoliko bago ito namatay. Kaso, gaya ng nabanggit mo, mayroon bang katibayan na nakasal siya kay Josephine Bracken. Kasi yong pagsasama nila bilang magasawa (nagkaanak pa nga sila pero namatay) ay pagsasamang walang basbas ng simbahan. Noong panahong iyon (actually, inabot ko pa ito), di pinapayagan ng simbahan na ipasok ang bangkay ng isang di kasal (pero may kinakasama) sa loob ng simbahan kapag ito ay namatay. Di ko lang alam kung ganoon pa ngayon.

Robertson, meron yan. Noli-Fili ito e. Pero kahit kami (o tayo) na lang ni Rae dito, game ako. Tuwing weekends lang ako magpo-post pero ilalagay ko ang mga saloobin ko rito. Nagre-reread talaga ako.


message 10: by Juan (new) - added it

Juan | 1532 comments wait lang, naghahanap ako ng kopya dahil sa di malamang dahilan, nawawala ang sakin, di ko makita sa bahay..


message 11: by Juan (new) - added it

Juan | 1532 comments Sa sarili kong opinyon, ang relevance nitong NOLI sa kasalukuyang panahon ay patuloy pa rin nitong pinapakita ang mga problema sa lipunan at sa mga institusyong kabilang dito. Patuloy pa rin nitong sinasagi ang ating moral, ang ating kaisipan sa maraming bagay para sa iisang bagay, yun ay ang PAGBABAGO. PAGBABAGO sa maraming maraming bagay mula sa isip, sa salita at sa gawa. Pinapanatili tayo nitong bukas at malay sa anumang isyung tinatalakay ng nito. Napakahusay ng akdang at may akda nito.


message 12: by K.D., Founder (last edited Feb 11, 2014 02:54AM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan, anong meron sa Noli na meron din sa panahon ngayon na kailangang baguhin?


message 13: by Juan (new) - added it

Juan | 1532 comments sa panahon natin ngayon, nariyan ang mga isyu sa mga institusyong bumubuo ng ating lipunan. Isyu sa edukasyon, pamahalaan, simbahan, at iba pa na noong panahon pa ni Rizal ay umiiral na, isama na rin natin ang mga hindi magandang karakter at mentalidad ng mga Pilipino na mas lumala at pinalala ng mga mananakop natin sa loob ng mahigit 300 taon na pinakita rin ng Nobelang ito.


Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Gusto kong sumali sa discussion kaso wala akong Noli book eh. Wala rin yata akong Noli book nung high school. Magtatanong-tanong nga ko baka makahiram ako sa mga kaklase ko. :)


message 15: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chibivy wrote: "Gusto kong sumali sa discussion kaso wala akong Noli book eh. Wala rin yata akong Noli book nung high school. Magtatanong-tanong nga ko baka makahiram ako sa mga kaklase ko. :)"

Sige lang sali ka. May 1 week ka pa.

Nasa Chapter 33 na ako The Hoist. Medyo delayed ako ng 1 week sa pagre-reread ko kaso okay lang kasi wala namang nakiki-discuss sa akin. Okay lang naman. Maituloy lang ito. Ako na rin ang sasagot sa mga tanong ko.

Tanong #2: Ang Sakristang Mayor ba ang pumatay kay Crispin? Ipaliwanag ang sagot.

Yong kalampag lang na narinig ni Basilio sa kampanaryo ang puwedeng makapagpatunay na yong Sakristan Mayor ang pumatay kay Crispin. The fact na nagmulto si Crispin kay Sisa ay nagpapahiwatig na si Crispin ay patay na. Palagay ko, alam ni Padre Salvi ang nangyari kay Crispin kaya nangalumata si Padre Salvi. Well, bukod pa doon sa naging altercation nila ni Ibarra at yong pagnanasa niya kay Maria Clara.

Tanong #3: Kung magkasintahan na si Ibarra at Maria Clara bago pa man umalis ang una patungong Europa, bakit di man lang nag-effort si Maria Clara na ma-contact si Ibarra upang ipaalam ang nangyayari kay Don Rafael sa San Diego?

Loophole ito ng kuwento. I'm sure nabalitaan ni Kapitan Tiago ang nangyari kay Don Rafael pero hindi nya sinabi kay Maria Clara. Boto naman si Kapitan Tiago kay Ibarra so bakit di nya pinagmalasakitan ang kasintahan ng kanyang anak.

Tanong #4: Si Pilosopo Tasyo ay dating mayaman pero nagpakalulong sa pagbabasa ng libro kaya di naasikaso ang kabuhayan at ngayon ay naghihirap na. Gaano ninyo kamahal ang pagbabasa para makalimutang kumayod o maghanap-buhay?

Ewan ko. Kung matandang binata rin ako at assured na ang retirement ko, baka magbabasa rin ako nang magbabasa hehe.


message 16: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ito yong mga tanong para sa ika-2 linggo (Kabanata 17-32)

Tanong 5: Bukod sa racism laban sa mga Indio (o natives), meron pa bang ibang uri ng discrimination noong panahon ng mga Kastila dito sa Pilipinas? Kung meron, ano ang mga ito?

Tanong 6: May pagka-pilyo si Rizal sa Noli. May mga sexual innuendoes akong nabasa na di ko napansin noong high school pa lang ako. Dahil siguro sa wala pa akong malisya noon. Tatlo o apat na tagpo ito so far. Magbigay ng halimbawa.

Tanong 7: Sa palagay mo, bakit di tinulungan ni Ibarra si Sisa upang mahanap ang kanyang mga anak?



Raechella | 452 comments Wala pa ata ako sa kalahati ng book. Mejo busy lang. Try ko humabol. :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments para sa akinmay relevance pa sa ngayon ang Noli dahil patungkol pa rin ito sa korapsyon at kawalang hustisya. mga banyaga pa rin ang may monopolya sa ngayon na sadyang alipin o kawawa pa rin ang mga pilipino.

ang mga kapitbahay nating bansa ay naungusan na tayo o sadyang napag iiwanan na.

nakakalungkot isipin na ang mga pangyayari sa Noli ay kasalukuyan pa rin nagagana pero naniniwala parin ako kay Dr. Riza na hindi tayo dapat magapi ng pagka-alipin.l


message 19: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Raechella, sige lang. Ako late rin pero hahabol.

Po, may nabalita nga ako sa radyo last week. Tumataas daw ang GDP pero ang mga walang trabahong Pinoy tumataas din. Ibig sabihin, lumalaki pa ang agwat ng mga sobrang yaman sa sobrang hirap na mga tao.


message 20: by Juan (new) - added it

Juan | 1532 comments hindi ko pa din makita kopya ko, manghihiram na lang ako! hahabol din ako!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Raechella, sige lang. Ako late rin pero hahabol.

Po, may nabalita nga ako sa radyo last week. Tumataas daw ang GDP pero ang mga walang trabahong Pinoy tumataas din. Ibig sabihin, lumalaki pa ang a..."


ginigisa sa sariling mantika o kaya pinagkakakitaan pa ang mga mahihirap huhu..crispin basilio haha


back to top