Pinoy Reads Pinoy Books discussion
ABSBYNGPGBBSNGAKLT
>
Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez | Enero 13, 2014 | Po, Jhive, Jho, Claire, Juan, Jzhun, Ernest, K.D.
message 51:
by
Juan
(new)
Feb 26, 2014 07:58PM

reply
|
flag

ganda lang ng ikalawang saknong kung babasahin ng tama ang tyempo at malakas.
Anong ibigsabihin ng huling saknong?
Sino ba ang binabanggit diyan na TANGING LARAWAN NG KANYANG SARILI? Literal ba yan?

Pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa sariling wika at pag-ibig sa kapwa. San ka pa?
tindi ng ipinararating nitong mensahe.
nasa ika-6 na saknong ang laman nito,
..saplot man ng hirap,
ang katangian mo'y isang kayamanan
at iyong katulad
(karaniwang taong di pangkaraniwan)
ang laging nais kong maging kaibigan.
Kahit naman tayo yun din ang hinahanap natin..
gustong gusto ko naman yung huling saknong:
-nagkatagpo kita sa isang panahong
may lambong ang langit at ang araw'y kanlong,
lilipas ang dilim,
sisibol ang binhing walang pagkaluoy;
darating ang abril
na lalong mapalad, kung hindi man ngayon,
ay sa isang tiyak na pagkakataon.
ang romantiko ng dating nito.
Si Diogenes of Sinope ang binabanggit niya dito na naghahanap ng TOTOONG TAO, TAPAT na tao..

Ano ba para sayo ang kulay ng Pilipino?
ayon sa tula na talagang matandang kuwento na, Tayo ay Kayumanggi..
teka, saan kaya nagmula ang kuwentong ito tungkol sa kulay ng mga tao?
ang siste lang!
pero sabi nga ni Ka Amado:
"Wala sa kulay ng balat ni hugis ng ilang ang uri ng tao... Tao'y kilatisin sa puso at ulo"

- Malinaw na malinaw ang gustong sabihin ng tula ni Ka Amado. Makikita din sa tula kung anong uri, anyo at ang nagaganap sa lipunan sa mga panahong ito’y nilikha.
Paboritong linya: Pilipino siyang hindi Pilipino.

- Gusto ko ito dahil sa ipinapaalam at inilalarawang buhay at ugali ng mga sinasabing dukha. At dukha silang mga taga-bukid.
Gusto ko lang itanong kung bakit sila tinawag na dukha samantalang sinabi din sa tula sa Ika-apat taludtod ng ikatlong saknong na ganito:
“bawat dampa’y may bigas”
Pero kagyat ko ring sinagot na “hindi naman lahat ng may bigas mayaman na e” noon at natural lang sa magbubukid na meron noon sa bahay.
Iniisip ko rin paano at saan ni Ka Amado ikinukumpara ang dukhang pamumuhay? Sa mga mayayaman sa siyudad? Parang magkaiba talaga sila e.
Gusto ko talaga ang ikatlong saknong!
Tulong-tulong sa lahat
Ng gawaing mabigat,
At hati sa biyaya at buting tinatanggap;
Bawa’t dampa’y may bigas
At may tabak sa likod ng pintong nakabukas
Anong larawan ang naiisip nyo dito?

- Ang kamay ang siyang pinakagamit sa lahat ng uri ng paggawa at sumisimbolo rin ito sa mga uring manggagawa.
-Rebolusyon din ang sinisimbolo nito sa tulang ito.
ang dami lang tema ng tulang ito tungkol sa Kamay.

Pinagbubunyi nito ang mga manggagawa na siyang bayani ng lipunang ito
Magandang linya:
Kung may tao’t bayang nangaging dakila,
Karaniwang hagda’y akong Manggagawa,
Nasa putik ako’t sila’y sa dambana!
Ngayon kaya ano ang imahe ng mga bayani?

- Hindi naman siguro ito ang pinaghanguan ng pelikula ni FPJ? Biro lang
Pansin ko lang sa ibang mga tula ni Ka Amado, parang kuwento, parang isang proseso na nagsisimula sa una tapos sunod sunod. Luma na nga ang ganitong istilo kung ikukumpara sa mga tula ngayon na ang ibang sobrang fragmented.
So bukod sa ANG PANDAY dapat ang titulo rin nito ay Ang Buhay ng Bakal sa Kamay ng Panday. Biro lang! haha!

- Hango kaya ito sa tunay na pangyayari? May alaga kayang aso si Ka Amado at ito ang kanyang pinagharayaan para sa tulang ito?
Biruin mo dahil lang sa aso ang dami nyang naalala. Yung aso ang nagpatrigger sa kanyang mga alaala noong bata pa siya.
Gusto kong malaman ang dating sa inyo o Anong pumapasok sa isipan nyo sa linyang ito:
Nangalantang hardin
Ang maraming Abril

- Isyu rin naman talaga sa isang bata yung simpleng damit, kahit sa atin lalo na’t pasko kung walang bago parang hindi tayo kumpleto, parang kailagan meron bilhin, dapat may magandang bihis. Pero sa tulang ito, sa aking palagay itinuturo dito ang mga ugaling pagkamatiisin, pagkakontento, di pagkainggit sa iba, pag-iwas at pag-iingat na rin sa tukso at di magandang ugali na dulot ng mga pagbabago.
- Parang sinasabi dito na mas marami pang magagandang bagay na dapat pangarapin kaysa mga materyal na bagay.
- hindi ko lang maarok yung inihahalimbawa nya si Kristo e Diyos yun at destiny naman nya talaga yun. Samantalang yung batang mahirap, kung sa panahon ngayon nanatiling mahirap. Ewan ko lang ha.

- hindi ko gets to kung anong uri ng Kubrador yung binabanggit dito pero iniisip ko na sa SUGAL ito dahil na rin sa linya sa dulo, marahil minalas at barya na lamang ang natira sa Sanlinggong sahod niya ng itaya niya ito sa sugal at nakamig ng kubrador, parang ganun siguro

IBABAW at ILALIM
Sa tingin ko’y tunay na katayuan ni Ka Amado ang binanggit ng Batang Mahirap dito. Hindi ko maalala na parang nabasa ko iyon sa Talambuhay niya na isinulat ni Amang Jun Cruz Reyes. Mamaya babalikan ko para matiyak

- So far isa ito sa kakaibang tula ni Ka Amado pagdating sa istraktura. Malayang taludturan din ito at ang siste lang ng pagkakabuo! May kakaibang indayog ang mga salita at gumamit na rin sya ng mga salitang hiram o banyaga tulad ng TV, HI-FI, auto, wanted..
-epic lang ang NAITKLUB! Haha!

Siguro ito yung isa sa matinding dapat mapraktis ng sinuman. Ang makapanatili at mapagtagumpayan ang tukso.
Iniisip ko si Ka Amado kung anong impluwensya ang nagtutulak sa kanya para magsulat ng ganitong tula.

Ganito ang tao kapag nasa huling sandali na ng buhay. Maliban na lang sa mga matitigas ang puso at ulo

Hanggang ngayon maraming ganyan. Kung minsan nga tayo pa ang nakararanas ng ganito. Naisip ko lang si Adong sa Mabangis na Lungsod. Parang hangin lang siyang namamalimos sa mga tao sa Quiapo

Unibersal ang tema na ito dahil hanggang ngayon nangyayari to at relevant din lalo na sa gobyernong. Isyu palagi ito ng mayaman at mahirap.
Naiisip ko talagang hindi patas ang dalawa sa maraming bagay. Isa na sa pagkuha ng hustisya at marami pa
Kristo
Mararaming magigiting na tao, pero si Jesus Christ pa rin talaga ang pinaka sa lahat.
Dasal
Rosaryo? Yong huling dalawang linya: "ang buhay na kwintas ng gawa at dasal na araw at gabi'y dinig ng Maykapal." Hehe. Ngayon ko lang na-realize!
Ang Taong Iniilaw ni Diohenes
Sino si Diohenes? Bakit sya may ilaw na hawak kahit katanghaliang tapat? Heto sya:

Ang Kulay ng Pilipino
Maging proud daw tayo sa kulay ng balat natin at hugis ng ilong hehe. Ano pa nga ba, love your own.
Binanggit daw ito ni Rizal? Di ko gets. Di ba patay na si Rizal noong sinulat ito ni Hernandez?
Banyaga
Hay, colonial mentality.
Ako, wala na nito. Feeling ko lang. Marami na rin akong narating na mga bansa: (1) USA; (2) Australia; (3) Japan; (4) China - Beijing, Shanghai, Guandong, Hong Kong, Macau, Taiwan; (5) France; (6) New Zealand; (7) Singapore; (8) Indonesia; (9) Malaysia at (10) Thailand. Pero pare-pareho lang naman - may maganda may pangit. Tapos globalization na. Ang Made in the USA ay actually made in China hehe. May mga bobo rin na Amerikano. May matatalino rin sa Pilipinas!!!
Sandigan
Ang mga dukhang magsasaka ang sandigan ng bayan! Okay. Fine. Si Hernandez kasi kumunista raw hehe.

Juan wrote: "Ang Taong Iniilaw ni Diohenes
Pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa sariling wika at pag-ibig sa kapwa. San ka pa?
tindi ng ipinararating nitong mensahe.
nasa ika-6 na saknong ang laman nito,
..saplo..."
Okay. Tapat pala na tao ang hinanahap ni Diogenes kaya may lampara ito kahit tanghaling tapat. Galing lang ni Hernandez pati Greek history (mythology) alam nya!

Juan wrote: "Ang Kulay ng Pilipino
Ano ba para sayo ang kulay ng Pilipino?
ayon sa tula na talagang matandang kuwento na, Tayo ay Kayumanggi..
teka, saan kaya nagmula ang kuwentong ito tungkol sa kulay ng mg..."
Ang tao ay naiba-iba ang hitsura dahil sa lugar kung saan sa napadpad noong unang panahon. Ang mga Pinoy ay pango dahil mainit dito. Pag mataas at matangos ang ilong, malamang mahihirapan dahil sa init. Mas madaling pumasok ang init sa ilong na malaki ang butas!!!

Juan wrote: "BANYAGA
- Malinaw na malinaw ang gustong sabihin ng tula ni Ka Amado. Makikita din sa tula kung anong uri, anyo at ang nagaganap sa lipunan sa mga panahong ito’y nilikha.
Paboritong linya: Pilip..."
Nagiiba rin ang definition ng nationalism e. Noong panahon ni Hernandez, kailangan dito sa Pilipinas magtrabaho kung mahal mo ang bansa. Ngayon, ang mga OFW ang mga bagong bayani kasi sila ang malakas mag-remit ng dollars. So, mas bayani sila kaysa sa mga "doctors in the barrio."

Juan wrote: "SANDIGAN
- Gusto ko ito dahil sa ipinapaalam at inilalarawang buhay at ugali ng mga sinasabing dukha. At dukha silang mga taga-bukid.
Gusto ko lang itanong kung bakit sila tinawag na dukha saman..."
Kaya sila may bigas kahit dukha sila kasi noong panahon ni Hernandez, inaani nila yon sa bukid. So may bigas ang mga magsasakang dukha pero walang pang-ulam hehe! Maa-appreciate mo ang may kasamang magbasa na matanda hehehe!

Juan wrote: "tapusin na natin to!"
Malayo pa. Sige, post ka lang ng post. Hahabol ako. Di ko lang magawang straight-straight kasi masarap namnamin ang mga tula kung ilan-ilan lang kada upo.
Malayo pa. Sige, post ka lang ng post. Hahabol ako. Di ko lang magawang straight-straight kasi masarap namnamin ang mga tula kung ilan-ilan lang kada upo.
Ang Kamay
Husay. Mula sa kamay ng tao mula sa kamay ng orasan. Nagpapaala-ala ang huli na lahat tayo ay may taning.
Bayani
Pinakamahusay na tula sa paksa ng paggawa sabi ng namayapang magiting na senador (na dapat naging presidente) na si Claro M. Recto!
Ang Panday
May sentimental value ang tulang ito sa akin. Parang either minemorize ko yan noong nasa elementary ako o minemorize ng kuya ko o ng isang kaibigan. Kasi noong binabasa ko ito, parang familiar. Panday na dati gumawa ng araro tapos noong magkaroon ng revolution, ginawang itak (bolo) ang araro.
Alaala sa Aking Aso
Maganda ang tula kung tungkol na lang sa aso. Pero parang hinaluan ng tungkol kay Eba at ang ahas at kay Kristo at kay Hudas. Dahil sidekicks sila?

Juan wrote: "ANG KAMAY
- Ang kamay ang siyang pinakagamit sa lahat ng uri ng paggawa at sumisimbolo rin ito sa mga uring manggagawa.
-Rebolusyon din ang sinisimbolo nito sa tulang ito.
ang dami lang tema ng ..."
Mahalaga naman kasi ang kamay e.

Juan wrote: "BAYANI
Pinagbubunyi nito ang mga manggagawa na siyang bayani ng lipunang ito
Magandang linya:
Kung may tao’t bayang nangaging dakila,
Karaniwang hagda’y akong Manggagawa,
Nasa putik ako’t..."
Pera! OFW. Dollars. Stock Market. Yong tunog ng kampana.

Juan wrote: "ANG PANDAY
- Hindi naman siguro ito ang pinaghanguan ng pelikula ni FPJ? Biro lang
Pansin ko lang sa ibang mga tula ni Ka Amado, parang kuwento, parang isang proseso na nagsisimula sa una tapos s..."
Oo. Ang maganda sa mga tula ni Hernandez, nagkikintal ng mga images sa mind mo. Parang mga tula ni Ka Roger!!! Makaluma pero maganda pa rin. Klasiko nga.

Juan wrote: "ALAALA SA AKING ASO
- Hango kaya ito sa tunay na pangyayari? May alaga kayang aso si Ka Amado at ito ang kanyang pinagharayaan para sa tulang ito?
Biruin mo dahil lang sa aso ang dami nyang naa..."
Noong panahong una, kadalasan sa probinsya, nagaalaga talaga ang pamilya ng aso. Kasi ang mga bahay walang tarangkahan (hindi gated) kaya nakakatulong ang aso para magsabi kung may lalapit na tao sa bahay (lalo na kung nakatali ang aso). Tsaka ang katwiran ng nanay ko o ako sa anak ko, sa pagaalaga ng hayop unang matututunan ng bata ang magmahal o mag-share sa iba. Doon din nila matututunan na ang lahat ng may buhay ay mamamatay. So di sila devastated kung mamatay ang mga magulang nila dahil sa murang isip pa lang alam na nila na darating yon balang araw.

Mukhang peborit talaga ni Ka Amado ang Greek Myths and Legend at mga philosopher nito. Daming alam! hehe!
yung tungkol sa Alaala sa Aking Aso, binalikan ko ang KA AMADO ni Amang JCR. Nasa KABANTA II itong tula nya. Wala daw siyang account o tula tungkol sa magulang niya(?) kaya Aso na lang niya ang ginawan ng tula. hahanapin ko uli yung tungkol sa magulang niya.

Hango kaya ito sa tunay na buhay? Saklap lang no, nangyari na sakin to dati pero pauwi na ko mula sa iskwela, natilamsikan ako ng tubig sa kalsada dahil sa dyip na umarangkada

Meron pa kaya?
Diba kasi ang mga lumang paniniwala dati na kapag “HARI” ay galing sa langit? Para silang mga Diyos kung umasta. Naisip ko lang bigla yung UTOS NG HARI HINDI MABABALI… Kung napanood nyo na yung IRONCLAD, ang tindi lang dun ni King John, pinapawalang bisa nya yung MAGNA KARTA kung saan may pantay na karapatan ang bawat Englishmen at hindi na absolute ang power ng monarchy, Kinalaban siya ng Knights of Templar… OK! Naikuwento ko lang. Lahat nang sinabi ko sa konteksto lang ng una at ikalawang taludtod ng unang saknong.
Dapat pala itanong ito sa lahat nga mga Pulitiko at sa lahat ng nagtatrabaho sa gobyerno!

Sang-ayon ako dito pero sa panahon ngayon, sobrang maraming lugmok sa kahirapan, tapos wala pang seryosong lumutas ng mga problema sa lipunan, kanya-kanya at kanya-kanyang interes lang ang inaatupag. Hindi ko alam kung mapagtatagumpayan ng maraming taong gutom, dinapurak, binababoy at tinatanggalan ng karapatan ang mga bagay na sinabi dito sa tula.

Makikilala mo nga ang tunay mong mga kaibigan hindi lang sa saya kundi sa lahat ng anyo ng kahirapan at kagipitan

Peborit ko to!!!
Ang galing ng tulang ito! Paano kaya naisip ni Ka Amado ang ganitong eksena? Grabe lang sa panahon nya may nangyayaring ganito. Panalo! Haha!

Lord kahit wala akong suporta mula sa sarili kong bansa o gobyerno, lalaban ako para sa aking bayan…
Naalala lang ang Figure Skater natin na lumaban sa Olympic. History na siya..

ANG MAKINA
Industrial Revolution ito. Ang trabahong pang-kamay naging makina na ang gumagawa. Lahat nagbago sa tao. Pag-iisip at pagkilos. Umunlad yung mga nauna pero ngayon, kakaiba na! Puro kapitalista na lang.
Kababasa ko lang kagabi ng quote ni Noam Chomsky tungkol sa Capitalism, ito lang yung ilan sa naalala ko at sa aking pagkaka-intindi:
Ang tao’y wala ng karapatan kapag Kapitalista na ang naghari at nagpalakad sa mundo. hindi ka pwedeng magreklamo. Nawawala ang mga karapatan mo dahil sa kanilang mga batas.
Tao lang naman lahat ang gumawa ng mga batas at mga bagay na sopistikado at lahat ng mga pagbabago sa lipunan. Masaklap pati mga bagay na pamuksa-digmaan at iba pa ginagawang hanapbuhay.

Bakit may Tiyanak? Anong ibig sabihin nun? Nanliligaw sa daan kaya may tiyanak? O typo error lang? iniisip kong TIYAK ang salita pero baka nga tiyanak iyon at may iba pang kahulugan.

Nung mga panahon siguro ni Ka Amado ok lang nakabukas ang mga pintuan ng bahay. Ngayon, delikado na lalo pa’t dito sa siyudad na talamak ang krimen ng mga magnanakaw-akyat –bahay at iba pang ka-uri nito.
Madami ding simbolismo ang pinto o pintuan. Nakasara at nakabukas. Sa tulang ito, pwede ring ang pintuan ay sumisimbolo sa pagiging bukas palad ng isang tao sa kapwa niya. Ano pa ba?
Pinakikita rin ng tulang ito ang mga pagbabago sa paligid at sa gawi ng tao