Pinoy Reads Pinoy Books discussion

67 views
ABSBYNGPGBBSNGAKLT > Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez | Enero 13, 2014 | Po, Jhive, Jho, Claire, Juan, Jzhun, Ernest, K.D.

Comments Showing 1-50 of 106 (106 new)    post a comment »
« previous 1 3

message 1: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jan 04, 2014 04:09AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments magsisimula sa Enero 13, 2014

sali na!

Iskedyul ng Pagbabasa: Dalawang tula kada araw

Enero 13, 2014- Sodoma, Ang Tao 1
Enero 14, 2014- Tao 2, Dalawang Tanong
Enero 15, 2014- Agham, Ang Buhay
Enero 16, 2014- Kristo, Dasal
Enero 17, 2014- Ang Taong Inilaw ni Diohenes,
Ang Kulay ng Pilipino
Enero 18, 2014- Banyaga, Sandigan
Enero 20, 2014- Ang Kamay, Fort Mckinley
Enero 21, 2014- Bayani, Ang Panday
Enero 22, 2014- Alaala sa Aking Aso
Sa Batang Walang Bagong Damit
Enero 23, 2014- Sabado, Tadhana
Enero 24, 2014- Help Wanted, Kaway ng Tukso
Enero 25, 2014- Patawad, Kabalintunaan
Enero 27, 2014- Kilatis, Itim at Puti
Enero 28, 2014- Ayon Kay Darwin,
Maikling Kuwento
Enero 29, 2014- Oy Ang Yaman Mo'y Saan Galing?
Ang Mga Kayamanan ng Tao
Enero 30, 2014- Higit sa Lahat ng Yaman,
Ang Kubrador


message 2: by K.D., Founder (last edited Dec 24, 2013 05:01PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yey, salamat Po.

Kakweba, sali na! Masaya ito! Ang 2014 ay gagawin nating Taon ni Amado V. Hernandez!


message 3: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Kuya D, sabi ko kay Patrick, kung magkikita kayo, ipaki-paabot sa inyo yung book para isasabay doon sa libro ni Oryang na regalo ninyo sa akin. Wanna read this with you, too! :)

Merry Christmas! ^_^


message 4: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "Kuya D, sabi ko kay Patrick, kung magkikita kayo, ipaki-paabot sa inyo yung book para isasabay doon sa libro ni Oryang na regalo ninyo sa akin. Wanna read this with you, too! :)

Merry Christmas! ^_^"


Sure. Ang di ko pa lang alam kung kelan kami nagkikita ni Patrick. hehe


Mga kakweba: May isa pa yata akong kopya nito, pag nahanap ko this holiday season, ipo-post ko rito para kung sinong gusto magkita kits na lang.


message 5: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Sana di ako busy para makasali sa Tambalang Pagbabasa ito! *eksayted* :)


message 6: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Exciting ito. Isang makata ang makakasama kong magbasa ng tula!


message 7: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments May kopya ako... nakabasa na ako ng ibang piniling tula, pero parang mas gusto ko sumali dito,, dami ko kasing hindi ma-gets sa ibang mga tula ehh...

Tulungan tayo :)


message 8: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Jhive wrote: "May kopya ako... nakabasa na ako ng ibang piniling tula, pero parang mas gusto ko sumali dito,, dami ko kasing hindi ma-gets sa ibang mga tula ehh...

Tulungan tayo :)"


Nine-nerbiyos ako sa mga tulang ganun haha. Sige, Jhive. Sana makasali rin ako! Looking forward :)


message 9: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Kahit hindi ako masyado mahilig sa mga tula, gusto kong sumali :)


message 10: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Exciting ito. Isang makata ang makakasama kong magbasa ng tula!"

Talaga, Kuya? Sino kaya 'yang makata na 'yan?
Siguro si Sir MJ Rafal. Tama magpatulong tayo sa kanya! Malapit din sa puso niya ang mga ipinaglalaban ni Ka Amado.


message 11: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "K.D. wrote: "Exciting ito. Isang makata ang makakasama kong magbasa ng tula!"

Talaga, Kuya? Sino kaya 'yang makata na 'yan?
Siguro si Sir MJ Rafal. Tama magpatulong tayo sa kanya! Malapit din sa p..."


Ano ka ba, Jzhun? Si Po!!! Si Po ang makata!
Pero kung mapapadaan si MJ, that would be great!

Jhive, Jho at Clare: sige, sali kayo! Mas marami mas masaya!


message 12: by Juan (new)

Juan | 1532 comments makikisali din ako!


message 13: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: " Ano ka ba, Jzhun? Si Po!!! Si Po ang makata!
Pero kung mapapadaan si MJ, that would be
great! "


Patay tayo d'yan! Baka makakita tayo ng tulang:
Isang Dipang Paghihinagpis ni Patrick na Bespren ni Ispansbab.
Hahaha! :D

Joke lang, Po! Labyu! ;)


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "K.D. wrote: " Ano ka ba, Jzhun? Si Po!!! Si Po ang makata!
Pero kung mapapadaan si MJ, that would be
great! "

Patay tayo d'yan! Baka makakita tayo ng tulang:
Isang Dipang Paghihinagpis ni Patrick ..."


Pasko talaga nung pinost mo ito? Hehehe. Kaya pala di na nagpaparamdam si Po. Hala ka! LOL.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Yehey! marami na ang sasali. lahat tayo panigurado magiging makata na dito!

Iminungkahi ni KD na dalawang tula sa isang araw ang gagawin natin dito, payag po ba kayo? para magawan na rin ng iskedyul.

Pwede kayo magbigay ng inyong mungkahi para dito.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Welcome na welcome po si Sir MJ Rafal dito para mabahagian tayo ng kaalaman patungkol sa mga tula ni Ka Amado.


message 17: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po wrote: "Yehey! marami na ang sasali. lahat tayo panigurado magiging makata na dito!

Iminungkahi ni KD na dalawang tula sa isang araw ang gagawin natin dito, payag po ba kayo? para magawan na rin ng iskedy..."


Ayos sa aking ang 2 tula kada araw, Po.


message 18: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Gusto ko rin po sanang imungkahi, kung mamarapatin na magkaroon po tayo ng isang TULAAN o Poetry Reading Night sa Katapusan ng ating pagbabasa.

Pwedeng Tula ng iba at mas maganda rin kung Tula nyo mismo mga Kakweba. Iba-ibang TEMA para masaya at malaya!

Payag po ba kayo? OK po ba sa inyo? :D


message 19: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Juan wrote: "Gusto ko rin po sanang imungkahi, kung mamarapatin na magkaroon po tayo ng isang TULAAN o Poetry Reading Night sa Katapusan ng ating pagbabasa.

Pwedeng Tula ng iba at mas maganda rin kung Tula ny..."


Gusto ko rin 'yan. Shucks, mahalukay ko nga 'yang mga tula ko na 'yan. Haha! :)


message 20: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Salamat, Ms Jho! Karagdagan po, Mas maganda rin po kung ang mga TULA nating babasahin ay nasa Wikang Filipino/Tagalog pero kung may tulang nasusulat din kayo sa kanya-kanyang dialekto, pwede rin iyon! Nakarinig na ako ng ganito, hindi ko lang lubusang naunawaan yung mga salita pero may bagay na tila pumapasok sa aking pandama at isipan na siyang naghahatid ng unawa.

Sana lang may salin sa wikang maiintindihan ng lahat o kung wala man, kahit konting paliwanag/paglalarawan na lang sa tula. Oks po ba yun?


message 21: by Juan (new)

Juan | 1532 comments hahay! bitbit ko na ang kopya nito!

kamusta kayo mga kakosa? :D simulan na natin to!


message 22: by Juan (new)

Juan | 1532 comments sino pa gusto sumali dito? may isa pang kopya na pwedeng hiramin..


message 23: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Mukhang maiiwan ako haha! Wala pa sa akin ang kopya ko.


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Join din ako dito.


message 25: by Juan (new)

Juan | 1532 comments sa Lunes na natin sisimulan ang pagbabasa nito! excited lang! nabasa ko na ito last year pero babasahin kong muli at dahil marami tayong magbabasa ibigsabihin maraming interpretasyon din ang maibabahagi. Ayos!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ilang sipa na lang!...Isang Dipang Langit na hehe!...


message 27: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yes, ready na me! :)

Dalawa ang kopya ko. Sinong may gusto ng isa?


message 28: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sinimulan ko na itong basahin kahapon. May mahabang introduction. Baka bukas ako mag-comment.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ako rin K.D. binasa ko siya haba nga ng intro.


message 30: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Master Po, ikaw na ang magsimula! :D


message 31: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments may nag-umpisa na ba ??

paano ba ang datingan ng diskusyon natin dito? :)


message 32: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Si KD ang alam kong magmomoderate nito...


message 33: by Ernest Genesis (new)

Ernest Genesis (ernestgenesis) | 20 comments sakto. eto pa naman yung napanalunan ko nung prpb Christmas party. makakasali ako sa discussion! yehey! :)


message 34: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, magbabasa na ako mamaya. Busy lang since Sunday. Dumalaw ang bossing kong Amerikano sa office.


message 35: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Araw 1

Natapos ko rin ang Intro. Masarap basahin. Ramdam mo yong galing ni Hernandez sa pagsusulat. Kahit may mga malalalim na Tagalog, di nakakaumay basahin. Gusto ko yong nasa pahina iv tungkol sa sakit ng panulat ng Wikang Pilipino: ang SENTIMENTALISMO. Kahit hanggang ngayon, ganyan pa rin naman. Mahilig pa irn ang mga Pilipino sa mga iyakan na TV series, pelikula at mga babasahin. Hindi lang naman yata sa Pilipinas yan. Halimbawa sa American Idol, pag umiyak na yong Finalist, malamang mananalo yon lalo na kung lalaking mukhang astig.

Sodoma

Bakit naging Sodoma ang titulo nito? Para sa akin, class struggle yong punto ng tula. Mahirap kumpara sa mayaman.

Ang Tao 1

Evolution vs creation. Medyo lumang paksa na. Kasi na-reconcile na ito sa isip ng maraming tao. Yong evolution pede mong "ipasok" sa ideya ng creation. Na hindi lang 7 days nilikha ang mundo. Hindi literal na 7 days kundi mahabang panahon ang bawat araw.

Parehas lang ba tayo ng interpretasyon sa dalawang tulang ito?


message 36: by Juan (new)

Juan | 1532 comments KD sang-ayon rin ako sa puna ni Ka Amado tungkol sa Sentimentalismo. Marahil nga na likas talaga sa ating mga Pilipino ang naturang karakter, na maging sa panulat nga'y naghahari.

Lalo pa't ngayon na mas matindi ang media, sa tv, radyo, babasahin man at internet.

sa personal naman na karanasan, nasubukan nyo na po bang gumawa ng tula? ano ang madaling tema?


message 37: by Juan (new)

Juan | 1532 comments SODOMA

Para sakin, isa itong metaphor ng isang lipunan o gobyernong ganid, mamad, bulag, marahas at inutil sa mga dapat nitong trabaho at bigyan ng solusyon ang mga talamak na problema ng lipunan kabilang ang isyu sa kahirapan, inhustisya at iba pa.

kaya Sodoma marahil, ikinukumpara ito sa Sodoma at Gomorrah na nasa Bibliya kung saan nakaranas ng katastropikong paglipol mula sa Diyos.

pero ang salitang SODOMY kasi mas katig sa Homosexuality diba?


ANG TAO 1

May temang Creation vs Evolution. Pero mas binigyang diin ni Hernandez dito yung ebolusyon ng pag-iisip ng tao na lalong naging matayog, matalino at walang pagod sa paggawa ng kung anu-anong bagay na gusto niya at gusto niyang mangyari simula ng matuto sa lahat ng larangan.


message 38: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Siguro binasa ni Ka Amado ang bibliya, partikular ang Genesis kung saan naroon ang kuwento ng Sodom and Gomorrah at Tower of Babel. Parang may relasyon kasi ang isa't-isa..


message 39: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "KD sang-ayon rin ako sa puna ni Ka Amado tungkol sa Sentimentalismo. Marahil nga na likas talaga sa ating mga Pilipino ang naturang karakter, na maging sa panulat nga'y naghahari.

Lalo pa't ngayo..."


May time na mahilig ako sa tula. Yan ay pag nakakabasa ako ng magagandang tula. Tsaka pag masaya ako hehe.

Pagibig. Yan siguro ang pinakamadaling tema ng tula.


message 40: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "SODOMA

Para sakin, isa itong metaphor ng isang lipunan o gobyernong ganid, mamad, bulag, marahas at inutil sa mga dapat nitong trabaho at bigyan ng solusyon ang mga talamak na problema ng lipunan..."


Ewan ko kung sa homosexuality lang ang sodomy. Parang AIDS at homosexuality lang. Madalas ipagtambal pero in reality, puwede namang kahit sa heterosexual relationship, may sodomy. Marami lang kasing negative pa rin ang tinggin sa homosexuality.


message 41: by K.D., Founder (last edited Feb 08, 2014 01:22AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tao 2

Stewards lang tayo. Hindi natin pagaari ang mundo. Nakikidaan lang tayo at nakikigamit ng mga bagay dito sa mundo na pagaari ng Diyos. Yan ang mensahe, para sa akin, ng tulang ito.

Best line: "Ang istorya ay tao, at tao ang istorya."

Wasak!


message 42: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dalawang Tanong

Power of Asking Questions. Dapat palatanong. Di sinabi ang mismong dalawang tanong na ang sagot ay susi pagitan ng:

1) Wala at mayroon
2) Oo at hindi
3) Pananarili at pamamanginoon

Between Life and Death. Between black and white there are so many shades of grey.... Doon sa discussion ng shades of grey na yan. Yan ang masarap pagusapan at mapaguusapan lang kung may magtatanong. Parang ganoon.

Rakenrol.


message 43: by Juan (new)

Juan | 1532 comments K.D. wrote: "Juan wrote: "KD sang-ayon rin ako sa puna ni Ka Amado tungkol sa Sentimentalismo. Marahil nga na likas talaga sa ating mga Pilipino ang naturang karakter, na maging sa panulat nga'y naghahari.

La..."


So talaga nga pong Marami sa mga Pilipino ang romantiko, magiliw-SENTIMENTAL.


message 44: by Juan (new)

Juan | 1532 comments K.D. wrote: "Tao 2

Stewards lang tayo. Hindi natin pagaari ang mundo. Nakikidaan lang tayo at nakikigamit ng mga bagay dito sa mundo na pagaari ng Diyos. Yan ang mensahe, para sa akin, ng tulang ito.

Best lin..."


nasapul nga ni Ka Amado yan! Gusto ko rin yan! tama nga naman, para kanino ba ang kuwento? WASAK lang talaga!


message 45: by Juan (new)

Juan | 1532 comments K.D. wrote: "Dalawang Tanong

Power of Asking Questions. Dapat palatanong. Di sinabi ang mismong dalawang tanong na ang sagot ay susi pagitan ng:

1) Wala at mayroon
2) Oo at hindi
3) Pananarili at pamamanginoo..."


may pagka-philosophical ang approach.

Hindi ko ma-gets to nung una, parang nalalabuan ako doon sa title ng tula at doon sa nilalaman ng tula pero as i read it more, medyo na-unfold sakin yung nilalaman.

Batid ko yung 2nd and 3rd Stanza, yung sinasabi niyang kaibahan dito ng dalawang tao, literal man o hindi.


message 46: by Juan (new)

Juan | 1532 comments AGHAM

Parang sinasabi dito yung kagalingan ng AGHAM, yung milestone ng larangan na ito, ngunit sinabi nya rin sa huli na mas dapat kilalanin ang 'sarili' higit sa kahit anong matutuklasan o mapag-aaralang dunong.

siguro kasama na dyan yung Moralidad ng tao.


ANG BUHAY

Life's irony-
tinutukoy dito ang "Magkabilaan" ng buhay.
yung Ibabaw at Ilalim, yung maganda at pangit, yung makinis at magaspang, yung tamis at pakla, ang Liwanag at dilim. Buhay at patay. Yin-Yang ito.

paborito kong linya:

"kabalintunaan ang buhay sa mundo"


message 47: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Agham

Gets ko yong sinabi mong "kilanlin ang iyong sarili'y mahigit sa alinmang dunong." So know thyself.

Pero di ko gets yong "ang Kristo ay isang bunying palaisip sa Gresya's inutas sa lasong mabagsik." Sa lason ba namatay si Jesus? O lason ng pagiisip ng mga Jews?


message 48: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Buhay

So far, ito ang paborito ko. Tungkol sa mga balintuna (ironies) ng buhay.

Paborito kong linya: "atong, sikapin mong ika'y maging tao."

Sabi nga nila, madali ang maging tao, mahirap ang magpakatao.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng "magpakatao?" Ano ang ine-expect mo sa isang tao, Juan?


message 49: by Juan (new)

Juan | 1532 comments K.D. wrote: "Agham

Gets ko yong sinabi mong "kilanlin ang iyong sarili'y mahigit sa alinmang dunong." So know thyself.

Pero di ko gets yong "ang Kristo ay isang bunying palaisip sa Gresya's inutas sa lasong m..."



KD, yung tinutukoy po dyan na "bunying palaisip" at "inutas sa lasong mabagsik" ay si Socrates, isang pilosopo sa Gresya na nahatulan ng kamatayan.


message 50: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ang konotasyon o dating sakin ng salitang 'magpakatao' ay ang mga kagandahang asal o ugali ng tao sa kanyang kapwa, sa kanyang sarili, sa kanyang bayan. May bitbit pa na 'paggalang' ang salitang ito. Pagpapakatao.

Wala akong ibang ini-expect sa tao kung di ang magpakatao! Parang pag-ibig! hahah!


« previous 1 3
back to top