Pinoy Reads Pinoy Books discussion

77 views
Mga Proyekto ng PRPB > Paligsahan: 2014 Taunang Paramihan ng Nabasa at Na-Rebyung Pinoy Books

Comments Showing 1-50 of 126 (126 new)    post a comment »
« previous 1 3

message 1: by K.D., Founder (last edited Dec 18, 2013 04:40PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ito ay isang contest. Gusto nating mag-encourage ng mga kakweba na magbasa at mag-rebyu ng Pinoy Books.

Nakagawa na tayo ng tamang ingay para mapansin tayo ng maraming tao sa Readercon, Aklatan, BLTX, book launchings at sa mga ibang social networks. Marami nang aware sa ating existence.

Ngayon, kailangan naman natin ng content at hindi puro ingay. Kailangan makita ng mga taong nakapansin sa atin na tayo ay nagbabasa talaga ng mga Pinoy books.

Hence, this contest.

Heto ang mga alituntunin ng paligsahang ito:

1) Open sa lahat ng kakweba.

2) Magsisimula ang paligsahan sa ika-22 ng Disyembre 2013 at matatapos sa ika-30 ng Nobyembre 2014.

3) Simple lang: I-post dito sa thread na ito ang link ng GR rebyu ng nabasang (read - past tense) Pinoy Book. Kung ano ang definition ng "pinoy book" mangyaring pumunta lang po sa dakong itaas ng homepage natin.

4) Kailangang i-post ang link ng rebyu dalawang linggo pagkatapos magbasa. Isang basa, isang rebyu. Para po ito hindi matambakan ang mga hurado sa pagbabasa ng rebyu.

5) Tagalog o ingles walang problema.

6) Isang "maayos" na rebyu, one point. Pero kung ang nabasa ay published ng 2013 o 2014, two points. Bakit? Ine-encourage nating magbasa ng bagong akda ang mga kakweba para maka-influence tayo sa tamang dapat manalo sa Readercon.

7) Ang hurado ang magsasabi kung maayos o hindi ang rebyu. Ang hurado ay ang mga group moderators sa pamumuno ko. Ako ang nagpapacontest, ako ang magpre-premyo, ako ang may final say. Ang definition lang naman ng maayos ay presentable at nakakatulong upang palawigin ang ating cause na maka-influence ng mambabasa ng libro. Di kailangang magustuhan ang libro pero may tamang pagsulat ng rebyu para hindi naman makasakit ng damdamin ng manunulat.

8) Premyo sa mga mananalo:

Unang gantimpala - PRPB trophy, 3 brand new Pinoy Books, PRPB shirt plus some exciting gifts. Plus your face will grace our GR homepage, FB page and website for the second half of December 2014 as PRPB Reader of the Year.

Pangalawang gantimpala - 2 brand new Pinoy Books, PRPB shirt plus some exciting gifts.

Pangatlong gantimpala - 1 brand new Pinoy Book, PRPB shirt plus some exciting gifts.

Ibibigay ang premyo sa taunang PRPB Christmas Party.

Kung may katanungan, paki-PM na lang po ako.
Gagamitin po sana natin ang thread na ito para lang sa mga links ng rebyu ninyo. Puwede rin dito pero baka masyadong ma-clutter at time consuming nang maghanap ng mga review links. :)


message 2: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kuya, matanong ko lang, may required ba na word count para sa review? Pero sabagay, mabigat pa rin siguro ang percentage ng content ng buong book review.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, susundin na lang nating yong word count ng Goodreads. Parang noon may minimum para matawag na rebyu (yong requirement nila para gawing librarian). 50 words yata.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Napaka-gandang ideya!.. ito Kuya Doni

matanong ko pala papaano po kung may rebyu na ng mga dating nabasa pwede pa ba i-sumite iyon halimbawa noong 2012 o pababa?


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po, dapat sinimulan mong basahin ng Dec 23, 2013 yong libro at yong date ng review mo ay pasok din sa duration ng contest.

Hindi puwedeng nabasa mo ng 2012 tapos ire-rebyu mo ng Dec 23 para pumasok sa contest.


message 6: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments COOL :)


message 7: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Wala pang nagpo-post na nabasa at narebyu ninyo? Nagsimula na ito noong Lunes, Disyembre 23, 2014. Magsimula na kayong mag-post ng mga libro ninyo. The more Pinoy books you read, the bigger is your chance of winning!

Ako, magpo-post na in the next few days. Pang-tithe lang. O malay nyo, magbigay ako ng special award sa mas maraming mabasang Pinoy books kumpara sa akin!


message 8: by Josephine (last edited Dec 25, 2013 12:59PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Kuya D, paano kung reread, gaya noong Interim Goddess of Love haha. We're currently reading it so I had to reread it. :D Well, so long as totoong nag-reread. Haha.


message 9: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Puwede ang reread basta papalitan mo yong rebyu mo including yong dates.


message 10: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Yay! :)


message 11: by Juan (new)

Juan | 1532 comments game!


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jho at Juan, mag-post na kayo ng rebyu ninyo. Siguro mas maganda parang ganito:

K.D.'s Review #1 : Penzette I: Ang Journal ng mga Lagalag 2011 published - 1 point.


message 13: by Neil (new)

Neil (minimalumine) | 5 comments Yaaay! Filipiniana Reading spree pa naman ako. Will try my best to read a lot! Hehe :D


message 14: by Zim (new)

Zim (vimea) GAME! HAHA! :-)


message 15: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Haha, sige guys, simulan na ang pagbabasa at pagre-review. ^_^


message 16: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Simulan ko na nga (although di ako kasali):

K.D.'s Review #1: Penzette II: Journal ng mga Lagalag 2012 published - 1 point.

K.D's Review #2: Isang Tanong, Isang Sagot ni Ed Lapiz 2003 published - 1 point.

K.D.'s Review #3: The Interim Goddess of Love by Mina V. Esguerra 2012-published - 1 point

YTD cummulative points: 3


message 17: by Josephine (last edited Dec 30, 2013 04:30PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Nooooooooo! Andami na! Hahaha! My gosh! Wish ko lang kaya kitang habulin, Kuya. Hahaha. Magsa-suffer ang kalooban ko nito haha. May pagka-competitive ako e hehehe. Di pa ako makapagbasa because I'm writing something. LOL. Sige, mga kapatid. Kayo muna, lagpasan nyo ang record ni Kuya! :)

Kaya nyo 'yan! Go, go, go! :D


message 18: by Zim (new)

Zim (vimea) Nakapagbasa ako ng 6 na libro kahapon pero lima sa mga ito ay wala pang page dito sa goodreads. Itong limang ito kasi ay last year lang nalimbag. :-)


message 19: by Josephine (last edited Jan 01, 2014 04:26PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Zim wrote: "Nakapagbasa ako ng 6 na libro kahapon pero lima sa mga ito ay wala pang page dito sa goodreads. Itong limang ito kasi ay last year lang nalimbag. :-)"

Ang lupit mo, Zim! Hahaha! Grabe lang! Naku, kailangan kong humabol! ^_^ Sige, hintayin ko ang reviews mo ;)

Magandang umaga, mga kakweba! :)


message 20: by Zim (new)

Zim (vimea) @Josephine, nako mga librong pambata po kasi ang mga ito kaya nakaanim ako kaagad. :)

Magandang umaga din po.


message 21: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Zim wrote: "@Josephine, nako mga librong pambata po kasi ang mga ito kaya nakaanim ako kaagad. :)

Magandang umaga din po."


It doesn't matter. :) Ang libro ay libro ;) Haha, mukhang mahihirapan ako, andami kong dapat habulin, January 2 pa lang. LOL.


message 22: by Zim (new)

Zim (vimea) @Josephine, haha salamat po. Kaya yan. Game! :)


message 23: by Josephine (last edited Jan 11, 2014 09:50AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments @Zim haha! Sige, sige. Mapapasubo yata ako! LOL.

Heto ang first review ko ngayong taon:

Dates read: December 23, 2013 to December 31, 2013 with PRPB.

Jho's Review #1: Interim Goddess of Love (Interim Goddess of Love, #1) - published 2013 - 2 points (view spoiler)

YTD cumulative points: 2


message 24: by Zim (new)

Zim (vimea) @Josephine! Kaya yan! Ay oo nga pala kaasama yung mga binasa mula Dec. 23 last year! Yehey! Psot ko din yung mga sakin maya maya siguro. :)

Nakagawa na ko ng isang book page para sa walang link na books na nabasa ko. Wooo 1/5!


message 25: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Zim wrote: "@Josephine! Kaya yan! Ay oo nga pala kaasama yung mga binasa mula Dec. 23 last year! Yehey! Psot ko din yung mga sakin maya maya siguro. :)

Nakagawa na ko ng isang book page para sa walang link na..."


Haha, sige, abangan ko ang reviews mo. May blog ka ba? I-blog mo na rin :P Oh, and you can call me Jho or Ate Jho pala. ^_^


message 26: by Zim (new)

Zim (vimea) Yay! Ah meron po akong blog pero hindi pa ganun kaorganize kaya next time ko nalang ishashare yun kapag maayos na haha. Sige po, Ate Jho. :-)


message 27: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa lahat ng kasali:

Paki-gaya na lang ang format sa message 12, 16 o 24.

Kailangang may link sa rebyu ninyo para mabasa namin.

Ang rebyu ay walang limit sa number of words. Pero dapat makaka-engganyo sa makakabasa. Medyo comprehensive at ilalagay mo ang good points ng libro. Pede ring yong kulang o kritisismo pero mas marami ang good points (kasi nga nange-engganyo ka). Tapos medyo i-proofread naman ninyo at dapat may sense.

Puwede ninyong lagyan ng points sa format ninyo gaya ng ginawa ni Jho. Pero subject yan sa confirmation naming tatlo (ako, si Jho at si Bebang) kung tama ang puntos.

Kaya kung ako sa inyo, wag namang one-liner. Baka di namin lagyan ng puntos. Mapapansin rin kasi sa rebyu kung talagang nabasa. At dapat, kaya nga contest, dapat binasa at tinapos basahin ang buong aklat.

No cheating :) hehe.


message 28: by Josephine (last edited Jan 11, 2014 09:51AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Nalito ako, Kuya. 'Yung part 1 pala ng Interim ay 2012 na-publish?

Sa book ko kasi ang copyright 2013 kaya nalito ako. Waaah. Palitan ko 'yung points sa taas. But here is my review on the second book:


Jho's Review #2: Queen of the Clueless (Interim Goddess of Love #2) by Mina V. Esguerra - published 2013 - 2 points

Jho's Review #3: All I Want for Christmas by Chris Mariano, Chrissie Peria, Miles Tan - published December 25, 2013 - 2 points

YTD cumulative points: 6


message 29: by BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) (last edited Jan 05, 2014 06:40AM) (new)

BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Join ako dito. YTD cummulative points:6

Book Rebyu #1:Pulotgata Love Poems-published 2004-1 point.

Book Rebyu #2:Ang Hayop Na Ito-published 2004-1 point.

Book Rebyu #3:Interim Goddess of Love-published 2013-2 points.

Book Rebyu #4:The Little Prince-published 1991-1 point.

Book rebyu #5:Crazy For This Girl by Sonia Francesca Precious Hearts Romance-published 2007- 1 point.
(view spoiler)


message 30: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Book wrote: "Join ako dito.

Rebyu #1 Pulotgata ni Danton Remoto published 2004-1 point.

Mahusay at napakagaling! Nang kanyang mga tula patungkol sa pag-ibig. Siguradong tatamaan ka ni Cupido at mapapa-ibig ka..."


Yay! Sige, sige! :) Paki-paste ng link ng review mo. Not the entire review itself. Thanks!

And thanks for joining. ^_^ Good evening! <3


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments YTD cummulative points:7

Book Rebyu #6:12 Little Things To help Our Country-published 2005-1 point


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments wow! Book Noy kinarir ang Pa-kontest naka-7 points ka na pala?...hahabol ako! hehe


message 33: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Ang bongga naman neto hahahaha! Magandang activity 'to para sa PRPB, katuwa. Sana magkaron din ako ng time at makasali. :3

Kuya D, kasali ka din po ba sa contest? Mukang tataob ang mga participants sayo eh kasi marami kang magbasa at benta reviews mo :D
(ah okay, nagbackread ako, di ka pala kasali)

Yung mga Pinoy books lang na sinimulang basahin nung December 22 ang kasali nuh? Sayang yung mga Pinoy books na nabasa ko nung 2013 hahaha. Pero pano po kung halimbawa, nabasa ko yung isang Pinoy book nung 2013, pero wala akong ginawang review nun? Tapos ngayong 2014 ginawan ko ng review yung binasa ko nung 2013? Pasok po ba yun, o dapat i-reread ko ngayong 2014?

Hihi ansaya neto :">


message 34: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chibivy, dapat ire-read mo (at least reflect it in your dates: date started and date finished). Tapos i-review mo.


message 35: by Juan (new)

Juan | 1532 comments malinaw na sakin. sana lang makahanap ng oras/panahon para dito.


message 36: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Chibivy's book review #1: Mingaw by Frida Mujer - published 2006 - 1 point

Nakaisa na ko hahaha


message 37: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Chibivy wrote: "Chibivy's book review #1: Mingaw by Frida Mujer - published 2006 - 1 point

Nakaisa na ko hahaha"


Ang ganda ng review mo, Chibs. Keep them coming! :)


message 38: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Josephine wrote: "Ang ganda ng review mo, Chibs. Keep them coming! :)"

Salamat ate Jho :) Sana nga magkaoras pa akong magbasa. Marami-rami pa naman akong nabiling Pinoy books noong warehouse sale ng NBS hahaha


message 39: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Chibivy wrote: "Josephine wrote: "Ang ganda ng review mo, Chibs. Keep them coming! :)"

Salamat ate Jho :) Sana nga magkaoras pa akong magbasa. Marami-rami pa naman akong nabiling Pinoy books noong warehouse sale ..."


Haha, sige. Unti-untiin 'yan :) Kaya 'yan! :)


message 40: by Clare (last edited Jan 09, 2014 07:24AM) (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Clara's Book Review

#1 Titser Published 1995 - 1 pt

#2 ABNKKBSNPLAko?! 12th Anniversary Edition Published 2013 - 2 pts


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Magandang araw! ang gaganda ng rebyu nila Chiviby at Clare!


message 42: by Josephine (last edited Jan 11, 2014 09:56AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments ^I agree, Po! Magaganda ang mga reviews. Keep them coming, guys! ^_^

Jho's Review #4: Bones of Contention: The Andres Bonifacio Lectures by Ambeth R. Ocampo published 2001 - 1 point [Reread - December 16, 2013 to January 12, 2014|took over moderating duties].

YTD cumulative points: 7


message 43: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
My Update:

K.D.'s Review #4: The Distance of Rhymes and Other Tragedies by Joel Pablo Salud - 2013 published - 2 points.

K.D's Review #5: Asuang Issue of MonsterPress - 2010 published - 1 point.

K.D.'s Review #6: Tikman ang Langit: An Anthology on the Eraserheads by Abigail Ho - 2007-published - 1 point

K.D.'s Review #7: Queen of the Clueless: Interim Goddess Book 2 by Mina V. Esguerra - 2013-published - 2 points

K.D.'s Review #8: Gagamba: The Spider Man F. Sionil Jose - 1991-published - 1 point

YTD cummulative points: 3+7=10 points


message 44: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
YTD Standing

K.D. - 10 pts
Book - 7 pts
Jho - 7 pts
Clara - 3 pts
Chibivy - 1 pt

Mga kakweba, sali na kayo rito. Di ako kasali gusto ko lang i-benchmark ang sarili ko. :)


message 45: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Ikaw lang po ba K. D. ang di kasali? Bale kasali rin si Ate Jho?


message 46: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Chibivy wrote: "Ikaw lang po ba K. D. ang di kasali? Bale kasali rin si Ate Jho?"

Hi Ivy, basta habulin ninyo ang points namin ni Kuya D, haha. ^___^

Hindi pa ako nagbabasa masyado dahil nagmo-moderate ako ng mga book discussion. Haha! :P


message 47: by Josephine (last edited Jan 12, 2014 08:57AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Jho's Review #5: Queen of Indecisive: Interim Goddess of Love Book 3 by Mina V. Esguerra - published 2013 - 2 points

YTD cumulative points: 7 + 2 = 9


message 48: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chibivy wrote: "Ikaw lang po ba K. D. ang di kasali? Bale kasali rin si Ate Jho?"

Hindi ko alam kay Jho kung sasali sya. Puwede naman.


message 49: by BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) (last edited Jan 16, 2014 12:53PM) (new)

BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Book Rebyu #8:Bones of Contention-by Ambeth Ocampo published 2010- 1 point

Book Rebyu #9:Personal sa Mga Lupalop ng Gunita by Rene Villanueva published 2004- 1 point

Book Rebyu #10:Its a Mens World by Bebang Siy published 2012- 1 point

Book Rebyu #11:Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar published 2010- 1 point

Book Rebyu #12;Pseudo Absurdo Kapritso Ulo by Ungazpress published 2012- 1 point

TYD cummulative points 7 + 5 = 12 points


message 50: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Pare, iba yung link ng It's A Men's World mo... pakicheck.


« previous 1 3
back to top