Pinoy Reads Pinoy Books discussion

37 views
Kahit Ano > Librong Segunda Mano

Comments Showing 1-8 of 8 (8 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by Mariya (new)

Mariya Peñarubia | 1 comments Saan po makakabili ng mag segunda manong mga libro ng mga Pilipinong manunulat?


message 2: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magandang araw sa'yo Mariya! Salamat sa pagsali sa PRPB.
Pakilala ka naman dito sa thread natin na
1039908-magpakilala-ka

Tungkol naman sa tanong mo, Mahirap makahanap ng segunda manong librong Pinoy, siguro may ilan sa Recto tapos subukan mo bumisita sa ilang tindahan, minsan may bargain price sila o di kaya sale. Sa BookSale pala may mga Pinoy Books doon na published by Giraffe.


message 3: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments helo mariya,
sa mga kapwa natin book lovers!
sa mga bazaar ng second hand na mga gamit, minsan may mga aklat doon na gwang pinoy
sa mga writers or readers events, madalas may nagbebenta ng mga books don at minsan merong 2nd hand na books din, siyempre gawang pinoy din

sa writers night, dec. 6, 6pm, may mga magbebenta ng aklat. siguradong me maliligaw dun na 2nd hand na mga pinoy books. sa faculty center ito, up diliman. see yu


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Magandang araw Mariya! maraming lugar kung saan makakakita ka ng segunda manong libro. sa Cubao meron malapit sa likod ng Ali-mall, sa La Solidaridad sa ermita, sa UP Press, sa mga Book organizers, anu ano bang mga libro ang hinahanap mo?


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama. Kung maa-afford nating bumili ng Pinoy Books, mas makakasuporta tayo sa mga tao sa likod ng libro. Mula sa manunulat, publishers, distributors, atbp.

Pero sana rin binabasa at nire-rebyu.


message 6: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Agree rin ako roon. Pati roon sa pagre-review.

Ironically, kami ni Jessica (Larsen) may hinahanap na works noong sikat na Tagalog romance writer na idolo naming dalawa na matagal nang pumanaw. I found someone selling secondhand books but they were 5x to 7.5x more expensive. Kasi nga, rare na ang mga ito at hindi na nire-release kaya mas mahal.


message 7: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jho: lesson learned ko yan. Dati noon (pre-PRPB), pagkabasa ko ng Pinoy book, pinamimigay ko na. Iniisip ko walang kuwenta dahil nabasa na bakit pa itatago? Tapos noong PRPB na, may chance palang basahin ng sabayan o marami palang interesadong manghiram (dahil nagaarimuhan sa pambili). Kaya mula noon, di ko na talaga pinamimigay ang mga Pinoy books. Unless na lang na talagang not worth keeping (1 star ang rating ko hehe).


message 8: by Josephine (last edited Dec 25, 2013 03:02PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Jho: lesson learned ko yan. Dati noon (pre-PRPB), pagkabasa ko ng Pinoy book, pinamimigay ko na. Iniisip ko walang kuwenta dahil nabasa na bakit pa itatago? Tapos noong PRPB na, may chance palang b..."

Ako naman Kuya, nasa Samar kasi talaga ang mga books ko. Well, mostly mga libro naman 'yun ng parents ko at mga tita ko. Pero may mga novels ako. Di ko naman nadala noong umalis kami. Mahirap bitbitin haha. Dambigat kaya, saka sandamakmak. Pero, sayang! Ayun. Tapos pag hindi na siya available sa market, ang hirap na maghanap.


back to top