Pinoy Reads Pinoy Books discussion

50 views
Sabayang Pagbabasa > Hulyo 2015: ANAK NG LUPA ni Domingo Landicho | Moderator: K. D. Oliveros

Comments Showing 1-50 of 54 (54 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ako ang moderator para sa ANAK NG LUPA ni Domingo Landicho

Dahil birth month ko ang July - ang buwan na dapat binabasa natin ito ng sabayan - kailangan magiging memorable ang aklat para sa mga kakweba.

MAY OUTING TAYO!

Ibalik natin yong dati nating ginawa sa Rosales, Pangasinan (para sa ROSALES SAGA ni F. Sionil Jose) o noong pumunta tayo sa Pitong Lawa ng San Pablo, Laguna (para sa WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ni Edgar Calabia Samar). Nakaka-miss na rin mag-outing.

Pupunta tayo sa setting ng ANAK NG LUPA sa bayan ng Taal, Laguna. Sa pinakadulong baryo nito kung saan ay naroroon ang mga magsasaka na siyang mga pangunahing tauhan ng nobelang ito.

Kaso ang setting nito ay 50's up to 60's so waley na sila malamang hahaha. Pero siguro kahit paano, may mga natitirang palatandaan na minsan naroroon sila.

Iimbitahan natin si Ginoong Landicho na sumama sa outing. Tutal pareho na rin kaming may edad. Bagay na sa amin ang lupa. Amoy lupa. Joke.

Sagot ko na ang transport dahil nga birthday ko naman. Wag lang sanang lalampas sa dalawang van, keri na yan.

Balikan lang. Malapit lang naman ang Taal.

Kaya, sige, magbasa na at ilagay ang thoughts ninyo sa thread na ito. Busy ako sa work, pag may time (pipilitin kong may time), maglalagay ako dito ng mga tanong.

Gow.


message 2: by K.D., Founder (last edited Jul 11, 2015 05:11PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tungkol kay Landicho:

Domingo Goan Landicho (also called "Domeng," born 4 August 1939), is a Philippine writer and academic.

(KD's reactions: 76 years old na sya! tatlong taon lang ang tanda ng nanay ko! At: sa August 8 tayo pupunta sa Luntal, Batangas na hometown nya. Tatlong araw matapos ang birthday nya!!!)

He obtained his Bachelor of Arts and BS in Journalism degrees from the Lyceum of the Philippines, and an MA in Education at the National Teachers College. He later earned his Bachelor of Laws degree at Lyceum. In 1994, he obtained his Ph.D in Filipinology from the University of the Philippines, where he has served as Writer-in-Residence and professor at the Department of Filipino and Philippine Literature and associate director for criticism at the Institute of Creative Writing. He was accorded Professor Emeritus stature by the University of the Philippines in 2005.

(K.D.'s reaction: Lawyer sya!!! Writer na, lawyer pa! Professor pa!

He was Director for Asia of Poet Laureate International, member of PEN International, and honorary member of International Writers' Workshop, University of Iowa.

He received numerous awards such as several Palancas, CCP Balagtas Awards, KADIPAN Literary Contest, Catholic Mass Media Awards, and Institute of National Language Awards.

He is currently the Editor-In-Chief of Tanod Publication.


message 3: by K.D., Founder (last edited Jul 11, 2015 05:27PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
landicho
Si Domeng Landicho ang makakasama natin sa Agosto 8 sa Brgy. Luntal, Taal, Batangas!

Attire: Townfolks' getup in the 50's and 60's

Para maiba naman at para maganda sa picture na pang-FB. Hindi tayo magsusuot ng beige (corny ang beige na tshirt, maputla!)

Magsusuot tayo ng camisa-chino, drawstrings, sandals (para sa mga lalaki) o duster, baro't saya (sa mga babae). Mga kasuotang magsasaka. Puwede ang maong tapos itupi ang dulo pero sana di skinny jeans kasi may magsasaka ba o taga-bayan na naka-skinny jeans noong 50's at 60's (millieu ng nobela).


message 4: by K.D., Founder (last edited Jul 11, 2015 05:37PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Introduksyon

PhD requirement pala ang aklat na ito ni Landicho. PhD graduate sya ng 1994. This means, natapos nya ang PhD niya na 55 years old na sya.

(K.D.'s reaction: Bebang, may pag-asa ka pa!!! hahaha

Sa mismong setting ng libro (Brgy. Luntal, Taal, Batangas) ipinanganak si Domeng Landicho. At malamang ay naroon siya. O doon na siya naglalagi dahil retirado na sya. Maawa naman na pagtrabahuhin pa ang 76 years old hahaha.

Ang bottomline ng Introduksyon:

Ang Luntal ay parang Pilipinas.

Tanong

Hindi na ito bago. Ganito rin ang gustong sabihin ni Leo Tolstoy sa "Anna Karenina" na yong setting ng libro ay nagsasalamin sa Russia noong nasa crossroad ito between West (burgis at mayayaman) at East (proletaryo at mahihirap). Bago maging komunista ang Russia.

Ang hometown mo ba (sabihin kung saan yan) ay masasabing nagsasalamin din sa buong Pilipinas?


message 5: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Hometown ng papa ko sa may nueva ecija, Gen tinio. sa pagpunta ko doon kita mo na pagsasaka ng bigas yung kinalakihan ng mga matatanda. Pero maramin sa bagong henerasyon na nagtry mag ibang bansa kaya yun maraming magagara at malaking bahay kahit palayan nagiging subdivision. Yun lang ang napansin ko.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Usapang Hometown ba kamo?...

ang hometown ko ay sa Mandaluyong parehas Loob at Labas kung inyong maitatanong kung familiar kayo sa movie na "K-pax at A Beautiful Mind" im sure makaka-relate kayo. haha!

-tumira din pala si ka Domeng sa area ng mandaluyong malapit sa Edsa nuong nag-thesis pa cia at nagkasama din sila ni Dr. Fanny Garcia sa org. na PAKSA.


Mga ilang impormasyon kay Domingo G. Landicho;

-Nagtapos ng Ph.D Pilipinohiya sa UP at naging guro sa Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas.

-Premyadong manunulat, awtor ng 25 aklat ng tula, maikling kuwento, dula, panitikang pambata, talambuhay at mga aklat pampaaralan.

-Nagsulat ng nobela ‘Himagsik ni Emmanuel”.

-Nagkamit ng 28 gawad pampanitikan tulad ng; Palanca Memorial awards, CCP awards, United Poet Laureate International Excellence in Poetry.


message 7: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments May mga nakita nga ko sa NBS ng kopya neto. Kaso wala pa kong budget kaya hindi pa makabili. Haha! May iba pa syang libro di ba?


message 8: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Maganda yung cover ng libro mukhang wood carved ang images. sino yun artist gumawa sa cover?


message 9: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Billy wrote: "Hometown ng papa ko sa may nueva ecija, Gen tinio. sa pagpunta ko doon kita mo na pagsasaka ng bigas yung kinalakihan ng mga matatanda. Pero maramin sa bagong henerasyon na nagtry mag ibang bansa k..."

Parehas tayo. Dati yong bahay namin sa Quezon isa na sa pinakamaganda o pinakamalaki. Dahil bahay nila mga nipa hut lang o puro kahoy.

Tapos ngayon 40 years after, marami nang magaganda primarily yong mga nag-japayuki o yon nga nag-abroad. Ibinuhos sa bahay ang pera. Sabi nila, hindi dapat, dahil ang bahay ay naluluma.

Anyway, parang Pilipinas din yan dati. Pero ngayon, mas malamang na ang fresh grad maga-abroad kaysa sa dito sa Pilipinas magtratrabaho.


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Billy wrote: "Maganda yung cover ng libro mukhang wood carved ang images. sino yun artist gumawa sa cover?"

National Artist Manuel Baldemor - ito yata yong tatay o tiyuhin ni Leandro Baldemor na ngayon ay painter na rin.


message 11: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "K.D. wrote: "Introduksyon

PhD requirement pala ang aklat na ito ni Landicho. PhD graduate sya ng 1994. This means, natapos nya ang PhD niya na 55 years old na sya.

(K.D.'s reaction: Bebang, may p..."


Parehas tayo na sa isla ng Alabat lumaki. Buong elementary at high school ako roon. Pero ako ay sa Quezon, Quezon. Kayo ni Jho ang Alabat, Quezon.

Parehas lang siguro ang naging buhay natin. Pero kami di lang sa bayan. Tuwing bakasyon, tumitira kami sa nayon (linang ang tawag sa atin). Naglilinang kami. Sumasaka sa linang.


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kabanata 1: TAKIPSILIM SA LINANG

Parehas pala kami ni Dr. Landicho na Leo. Parehas din na lumaki sa probinsya. Dito pa lang sa titulo. Parehas na ang tawag namin sa baryo ay "linang."

Naggagamas - nagaalis ng damo.

Ipinakilala na rito sina Toryo, Oden, Oyo at Bining. Sila ang mga pangunahing tauhan ng nobela.

Si Toryo ay tumira sa bayan at nagbalik o dumalaw lang. Sumabak agad sa gamasan.

Maraming magagandang pangungusap dito. Pero ang pinakapaborito ko ay ito:

Sa tubig na pagmasdan, kung walang gana o ginanahan.

May pagka-green ba ito? Hahaha


message 13: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kabanata 2: PAGTINGALA SA BITUIN

Maganda yong pagkakasulat ng nobela. Parang nabubuhay sa isip mo yong mga tao dahil detalyado yong pagkaka-describe ni Dr. Landicho sa mga tagpo kahit yong mga igik (tunog) ng baboy. Para kang naroroon. Pati yong pagtingin-tingin ni Bining sa karimlan. Kung tumira sa sa baryo o nag-outing sa resort tapos gabi at madilim ganoon yon. Haha

Kinamatayan ng 'yong Inang ang pangarap na 'yan.

Pressure. Pressure. Mayroon ba kayong gusto o di gaanong gustong gawin upang ma-please ang inyong mga magulang? Di ninyo masyadong gustong gawin pero gusto na rin ninyo upang sila ay mapasaya? Ano ang mga yan?


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kabanata 3: BAGONG TAO

Ang patutuli kay Oden.

Di ko naranasang tuliin dahil bago ako ilabas sa hospital pinatuli na ako ng nanay ko hahaha

Di pa rin ako nakapanood. Walang chance. Pero yong description dito sa libro, parang ang sakit. Ilang pukpok (hindi pokpok) rin pala yon bago matanggal ang "lambi"

Yong salalayan ba yong pangsahod ng dugo? Yong hinabol ng hindot ni Oden?


message 15: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments " May pa green ba eto? -- Kabanata 1 "

Maganda sa akin yung unang kabanata. Makikita mo detalyado si Landicho magsulat. Nakakatuwang isipin na duktong niya ang importansiya sa pag-alaga at pagani at ang pagsusuyuan ng mga dilag at binata. Fertility ang idea sa kabanata 1.

Na stuck ako sa unang kabanata. hopefully maka basa ng 2-3 kabanata this week


message 16: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Introduksyon

Sabi sa simulang bahaging ito ng nobela:

"Ang nobelang Anak ng Lupa ay una sa dalawang bolyum ng pag-aaral ng nobelista para sa kanyang Doktorado..."

Kung sakali man, ano iyong ikalawang bolyum? Masasabing bang ito'y pagpapalawig pa o pagpapatuloy sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito? O, ito ba'y isa na namang panibagong nobela?

Isa sa mga nais na ikintal sa mambabasa sa bahaging ito ay ang malaking papel gagampanan ng lunan o pinangyarihan ng kuwento sa buong nobela. Pansinin, mas nauna pa itong ipinakilala bago ang mga pangunahing tauhan; at mula sa kaisipang ito'y masasabi na ring para na ring tauhan ang Luntal.

Sang-ayon ako kay KD na sinasalamin nga ng Luntal ang buong Pilipinas hinggil na rin sa pahayag ng may-akda:

". . . ang partikular ay naging panlahat, ang mikrokosmo ay naging makrokosmo, ang isang komunidad ay naging tipikal na larawan ng mga pamayanan na siyang magiging pangkabuuang kalikasan ng ebolusyon sa ekonomiya, lipunan, politika at ideyolohiya."


Tanong:
Ang hometown mo ba (sabihin kung saan yan) ay masasabing nagsasalamin din sa buong Pilipinas?

Maipagmamalaki kong true blue Manilenyo ako na isinilang sa Tundo, teritoryo ng mga siga at astig. Simple lang ang sagot ko sa tulong na rin ng resbak ni Mang Nick mula sa kanyang librong Manila, My Manila: A History for the Young:

"Manila happenings have a national effect.
When Manila sneezes, the Philippines catches cold."


Tangna! Simple pero ang ganda! \m/


message 17: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 1: Takipsilim sa Linang

Dahil nga sa etnograpiko ang nobela, sa simulang kabanata pa lamang ay ipinapakita na ni Landicho ang katutubong kulay ng nayon sa pamamagitan ng eksena ng paggamas sa kabukiran at sa mayamang paglalarawan ng manunulat.

Habang binabasa ko ito'y naalala ko ang maikiling kuwento ni Macario Pineda na Suyuan sa Tubigan. Halos magkapareho ang pinapaksa na biruan ng mga kabataan at tudyuhan tungkol sa kung sino ang may pagtingin o ipinapares kung kanino.

Ewan ko ha, pero tawa ako nang tawa sa kabanatang 'to; lalo na roon sa eksenan ng lambanog na ipinainom kay Bining para "tumamis" ito. Para kasing galawang breezy boy! Hahaha! At sa kilos na ito'y ipinapakita na ni Teryo ang espesyal na pagtingin niya kay Bining.


Simbolismo Alert!
Di ba may eksena na sinalo ni Oyo si Teryo para di mapahiya ang huli nang di na kaya nitong ubusin ang lambanog? Parang sinasagisag ng naturang eksena na ang dalawang kalalakihang ito'y magkasabay na iinom mula sa iisang baso ng pag-ibig, (Shet! Nahahawa na ko sa katalinhagaan ni Mang Domeng! Hahaha!) at mukhang magkakaroon ata ng kompetisyon sa pagitan nila para lamang sa pag-ibig ni Bining.


Kuya, sa tingin ko'y walang pagka-green iyang siniping mong pangungusap. Parang gusto lang ipakita ng tayutay (idiom) na 'yan ay tingnan ang tubig kung ginanahan sa pagkain ang mga kumain. Di ba nga kasi kung di masarap ang inihaing pagkain, magkakasya na lang sa pag-inom ng tubig. At kung nasarapan nama'y mauubos ang inihandang pagkain at kakaunti lang ang maiinom na tubig upang nga namang may sapat na malalagakan sa tiyan ang masarap na pagkain. Pero pagtataya ko lang 'yan, ha. Baka may iba pa talaga yang kahulugan.


Da Best Line
"Pag amoy tsiko ka, ni hindi ka makakaunang baitang."

Ito para sa akin ang may halong green na linya mula sa kabanata. Ibig sabihin nito: Kung amoy alak ka, wala ka nang pag-asang maka-first base pa! Tangna netong si Mang Domeng! Hahaha!


message 18: by Apokripos (last edited Jul 22, 2015 07:55AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 2: PAGTINGALA SA BITUIN

Malaman ang kabanatang ito dahil maraming nais ipabatid sa mambabasa.

Una na rito ang katutubong paraan ng panliligaw, na ipinakita sa tagpo ng pananapat sa bahay nila Bining. Itong pananapat ay isang uri ng harana, pero imbes na lalaki ang kumakanta habang nakikinig ang babaeng pinaghahandugan nito, dito'y may sagutang nagaganap sa pagitan ng babae at lalake. Parang fliptop na ligawan, pero syempre minus na murahan at puro pambobola sa babae. Hahaha!

Isang gusto ko rito na ipinskikita ng nobela ay iyong tamang asal sa pagliligawan noon. Talagang sinasadya pa ng lalaki ang bahay ng babae upang ipagbigay alam ang kanyang pagtingin sa bababe. Di tulad ngayon na sa kanto-kanto na lang nagliligawan, ta's parang trip-trip na lang.

Nakakayamot lang e, sa bandang huli, sa pamamaalam ni Toryo kay Bining ay biglang natorpe si koya. Parang ikinasa mo na ang baril, bakit di mo pa ipinutok? Siguro nagpapa-suspense lang si Mang Domeng upang lalo pa nating subaybayan ang pag-iibigan nila Toryo't Bining.

Rebelasyon din sa kabanatang ito ang tunay na dahilan kung bakit umalis nang halos limang taon si Toryo sa bayan ng Makulong. Ito ay upang mag-aral ng haiskul sa bayan at mamasukan bilang alilang-kanin o utusan kay Senyor Martin. Dahil balediktoryan si Toryo, ibig sabihin matalinong utaw siya. Matalino nga, e torpe naman! Parang ako lang. Alllrayyttt. Rakenrol to the wordl! \m/

Sa pagtatapos ng kabanata, ang dami na agad tanong sa isip ko. Bakit di ipinagpatuloy ni Toryo ang pag-aaral na batid ng kanyang mga kababaryo ay ipagpapatuloy niya sa Maynila? Dahil ba sa wala nang salapi ang pamilya pangtustos sa pag-aaral niya? Dahil walang kamag-anak sa lungsod na matutuluyan? Dahil ba kay Bining? Na gusto na ni Toryong lumagay sa tahimik sa kabila nang pagtalikod sa pangarap niya at pangarap ng mga magulang niya para sa kanya? C'mon! What's holding the damn man back!?

At ang talagang gusto-gusto ko rito ay ang estilo. Nagiging lirikal at banayad na ang dating nito sa akin. Parang at home na agad ako sa style ni Mang Domeng.

Simbolismo Alert!
Nakamamangha rin ang pamagat ng kabanata na ito. Swak na swak sa gustong ipabatid ng may-akda. Gaya na ng nakasanayan, ang bituin ay kumakatawan sa isang pangarap na mahirap maabot. Magkabilang bagol ng simbolismo ang nais ipakita rito ni Mang Domeng: ang bituin na pag-ibig ni Binang; at ang bituin ng kalayaan tungo sa maalwang buhay na hatid ng mas mataas pang edukasyon.


Da Best Line
"Ang sandali ay kisapmata ng mga pagtatanong sa dalawa, at kaipala'y bathala lamang ang makaaarok sa kahulugan ng lalim at lawak ng mga damdamin.


Tanungan Portion
Mayroon ba kayong gusto o di gaanong gustong gawin upang ma-please ang inyong mga magulang? Di ninyo masyadong gustong gawin pero gusto na rin ninyo upang sila ay mapasaya? Ano ang mga yan?

Masasabi kong maswerte ako kasi hinahayaan lang ako ng magulang ko sa mga gusto kong gawin. Siguro kasi alam nilang responsable ako. (Naks! Hi, girls! Responsible and sensible man here!) Kaya wala akong naramdamang pressure mula sa kanila. Ang tanging pressure lang sa akin ay kapag kinakalantog ako ng nanay ko tuwing katapusan upang humingi ng pambayad para sa utility bills namin. Hahaha!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Tanong:
Ang hometown mo ba (sabihin kung saan yan) ay masasabing nagsasalamin din sa buong Pilipinas?

Sagot:
Ang hometown ko ay sa Mandaluyong, d2 n kc ako lumaki at nag-kaisip (kung meron man haha!). Masasabi kong nagsasalamin din sa Pilipinas dahil naalala ko noon ay bahain dun at tambak ang mga basura. Iyong kinatatayuan ng Hotel sa ngayon doon at eskuwelahan ay dating malaking tambakan ng basura dahil may malaking hukay doon. Nakalulungkot isipin na hanggang ngayon ay BASURA at BAHAIN parin ang problema ng Pilipinas. Pati nga Basura ay inaangkat na rin natin mula sa Canada. Tsk! Tsk!. at dahil sa basura ay patuloy na bumabaha sa Metro Manila dahil barado ang mga estero at daluyan ng tubig.

Tanong:
Mayroon ba kayong gusto o di gaanong gustong gawin upang ma-please ang inyong mga magulang? Di ninyo masyadong gustong gawin pero gusto na rin ninyo upang sila ay mapasaya? Ano ang mga yan?

Sagot:
Ang mga magulang ko ay madaling ma-please basta mataas ang grade ko sa school ay OK! na sila at malaya na akong gawin ang nais ko ngunit doon lang sa bahay laging nakakulong. Bawal lumabas ng bahay. huhu!


message 20: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 3: BAGONG TAO

Nakakatawa ang kabanata na 'to. Pero syempre pa, mayaman din sa pagpapakita ng tradisyon lalo na sa kaugalian natin tungkol sa pagbibinata lalo na roon sa pagpapatuli.

Narito pa yung lumang kaisipan na huwag daw lakdaw o hakbang sa kapatid na babae kasi mangagamatis.

Nagtataka ba kayo kung bakit dahon ng bayabas ang nginunguya at inilalagay sa sugat ng bagong tuli? Well, it turns out na may antibacterial properties ang dahon na ito.

Iyong salalayan ata ay parang sangkalan na ginamit sa pagpapatuli. At siguro pagpapakita na rin ng virility o kakisigan ang kakayahan na mahabol at makuha itong muli matapos nang ito'y ihagis.

Gusto ko rin yung eksena na nag-uusap ang mga kalalakihan tungkol sa pamboboso. Mali man ito, pero tinotolerate naman ng matatanda dahil lahat ng mga kabataan ay pinagdaraanan ito.


message 21: by Apokripos (last edited Jul 23, 2015 09:00AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ang Kawangki wrote:"Maglambanog kaya tayo minsan?"

Oo ba! Nakatikim na ko ng orig na lambanog. Di 'yung may bubble gum flavor na mabibili sa grocery. Sa may Nagcarlan, Laguna 'yon. Naku, matindi pa sa gin. Gumuguhit talaga at ang init sa tiyan. Nakatatlong shot glass lang ako. Suko na ko agad. Ewan ko. Dahil siguro bata pa ko noon.


message 22: by Apokripos (last edited Jul 23, 2015 09:50AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 4: UNANG SULTADA

Isa na namang pagtanaw sa isa sa mga mahahalagang tradisyon ng ating bayan at mabisang pampalipas oras ng ating mga kababayan (kasi nga Linggo naganap ang kabanata, araw ng pahinga): ang tsismisan! Isa rin dito ang sultada.

Madali ko lang nalarawan sa isip ang ipinakitang pupugan ng mga tandang. Dati kasi kaming may kapitbahay na mananabong at napapanood ko lagi sa labasan namin kung may practice fight ang mga tandang niya laban sa ibang bulik. Ito kasing sultada ay nakatutulong upang lalo pang pabagsikin ang tapang ng tandang bilang paghahanda sa pagsasabong.

Binubuo na rin marahil ni Ka Domeng ang isa sa mga pangunahing suliranin sa nobelang ito: ang temang agraryo at ang pagbabagong maaaring maganap sa nayon sa darating na panahon.

Simbolismo Alert!
Pinaiigting na rin ng may-akda ang tagisan sa pag-ibig nila Oyo at Teryo, at ipinakita ito sa sultadang naganap sa pagitan nila Ka Tales (ama ni Teryo) at Ka Garse (ama ni Oyo). Bila mga ama, ika nga'y manok nila ang kani-kanilang mga anak ukol sa kung sino sa mga ito ang magtatagumpay na makuha ang pinapangarap na pugad ng inahin-in-waiting na si Bining.


Da Best Linya
"Napatay na pala ni Darna 'yong kalabang me ulong ahas."

Noong sinimulan ko ang nobela, pilit kong hinahanap ang taon kung kailan naganap ang kuwento. Ang linyang ito ang isa sa mga mahalagang himaton (clue) upang malaman ang taong kinaliligiran ng kuwento; na ito nga'y naganap noong 1950 base na rin kung kailan unang nalathala ang Darna sa Pilipino Komiks. O, di ba?! Nakakabilib!


Sa pagtatapos ng kabanata, isang tanong na naman ang iniwan sa atin ng may-akda: ano nga ba ang mahalagang ibabalita ni Senyor Martin sa mga taga-Makulong sa araw ng kanilang pista, at paano nito mababago ang takbo ng kanilang buhay? Abangan!


message 23: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ang Kawangki wrote: "Tama ba yung naaalala ko dun sa kabanata, yung sinilipan nung lalaki yung asawa niya? Hahaha."

Oo, kasi lasing yung lalaki. Akala niya sa ibang dalaga siya namboboso.


message 24: by Apokripos (last edited Jul 24, 2015 07:28PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 5: MAGKAPATID

Pagpapatuloy muli ang kabanatang ito ukol sa kinagawian nating kaisipan tungkol sa pagpapatuli base na rin sa usapan ng mag-amang Ka Bisyong at Oden.

Gaya ng Kabanata 3, laugh trip din ang isang ito. Lalo na roon sa bahagi na nabanggit 'yong makupal na mangingibig. Sabagay, sa panahon natin kasi ngayon ay iba na ang kahulugan ng salitang kupal.

Ngunit ang nakamamangha rito ay katutubo talaga sa atin ang kaisipan ng pagiging malinis sa katawan (hygiene), dahil nga ang kupal o smegma kapag namuo sa foreskin o lambi ng titi ay may di kaiga-igayang amoy. Isipin mo nga naman, bawas pogi points 'yon lalo na kung pulot-gata ninyo ng iyong asawa. Hahaha!

Isa pang kahalagahan ng kabanatang ito ay ang pagpapakilala sa dalagang di Ligaya, na sa tingin ko ay siyang bubuo sa parisukat na pag-iibigang iinog sa mga tauhang sina Toryo, Oyo, at Bining.


message 25: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 5: MGA WIKA NG PAG-IBIG

Alam ninyo, parang di ko alintana kahit na may kabagalan ang takbo ng mga pangyayari sa nobela. Marahil ito ay dahil na nga sa pagpapakilala sa Introduksyon na itutuon ng akda ang paglalarawan ng kalakaran ng pamumuhay sa isang nayon. Kumbaga, may sariling indayog at ritmo ang galaw ng nobela, kaya masasabing laid back ito. Kaya't naaaliw ako sa pagpapakita ng nobela mga tradisyon at ilang mga nakasanayan ng isang nayon.

Isa na nga at itinataok sa kabanatang ito ay ang kaugalian ng pagbabayani. Pero sa pagtunghay natin ay may malalim pa palang dahilan ito maliban sa dahilang nais lang ng mga kanayon na tulungan si Ka Sepa na araruhin at lagyan ng binhi ang kanyang sakahan; ito pala ay unang hakbang lamang sa panunuyo ni Emong sa pag-ibig kay Elay, anak ni Ka Sepa.


Dagdag pa rito'y paraan din ang pagbabayani upang masukat ng dalaga ang katatagan sa pagsasaka at kakisigan ng lalaking pumipintuho sa kanya. Di lang talaga ito simpleng pagpapa-cute lang, nais lang iparating ng kaugaliang ito na kaya ng lalaking buhayin ng lalaki ang babaeng mapapangasawa at ang kanilang magiging supling.

Mayama din ang kabanatang ito sa matatalinhagang mga kawikaan na nagdadaga sa rikit ng nobela.

Gayunpaman, makikita rin sa bahaging ito ang likas na kakimian (timidity) natin patungkol sa mga bagay-bagay. Iyong mga matatanda kasi laing may ikalawang kahulugan ang kanilang mga sinasabi, 'yon naman pala sa huli'y sasabihin din ng pamilya, sa tulong na rin ni Kapitan Betong, ang nais na pamamanhikan ng pamilya ni Emong kay Elay.

Sa pagatatapos ng kabanata, aba't hayan na naman ang hopeless romantic na si Toryo't bibisita sa gabi sa bahay nila Bining. Ano na naman kayang galawang breezy boy ang gagawin ng mokong na 'to? Abangan!


message 26: by Apokripos (last edited Jul 27, 2015 07:29AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 7: LUHA SA MATA NG BATO

Pagpapatuloy ang kabanatang ito sa usapin ng pag-aasawa at ang kahalagahan nito ng patuloy na pagyabong at pagpapatuloy ng lipi ng mga taga-Makulong.

"Ito'y panahon ng pag-aasawa," ika nga ngi sang kainuman nila Oyo, at ito na nga ang nagyayarimg galaw ng mga binata sa nayon: ang pamamanhikan ng pamilya ni Emong upang makuha ang kamay ni Elay; ang naganap na pag-uusap/panliligaw ni Toryo kay Binin ng gabing iyon na masalimuot na nasaksikhan ni Oyo.

Makahulugan ang pamagat ng kabanata dahil inilalarawan nito ang internal struggle ni Oyo dahil mukhang di niya makayang matapatan si Toryo sa panliligaw kay Bining. Tanong ko naman: anong alas ba ang mayroon si Toryo upang kagyat na mawalan ng loob itong si Oyo? Dahil ba ang una ay nakapag-aral? Batid naman nating hungkag ang mga palusot na sinabi niya sa mga kaumpok sa inuman kung bakit mabagal ang pagkilos niya sa pagsuyo kay Binnig. Naiintriga tuloy akong malaman ang dahilan sa likod nito. Mayroon kasing something, e.

Nakakaawa tuloy si Oyo sa pagtatapos ng kabanata. Pag-iyak na lamang ang nagawa ng isa sa mga kinikilalang matigas na "bato" sa nayon ng Makulong. And I feel him. Nakakapagpahina nga ng loob lalo na kung makikita mo na ang crush mo ay may kapalagayan na ng loob. Nakupo! Ilang beses nang nangyari sa akin 'to. 3

Dahil nga etnograpiko ang nobela, salig pa rin ang nobela sa kaisipang patriyarkal ayon na nga sa usapan ng mga manginginom. Kaya sa mga kaibigan kung feminista, kaunting pag-unawa; nais lang namang ilarawan ni Mang Domeng ang uri ng pamumuhay noon. Orayt! Peace! (^_^)v


message 27: by Ronie (new)

Ronie Padao | 134 comments jzhunagev wrote: "...Ewan ko ha, pero tawa ako nang tawa sa kabanatang 'to; lalo na roon sa eksenan ng lambanog na ipinainom kay Bining para "tumamis" ito. Para kasing galawang breezy boy! Hahaha! At sa kilos na ito'y ipinapakita na ni Teryo ang espesyal na pagtingin niya kay Bining...."


True!!! Tawa ako ng tawa dito. Ang lalantud! May ganun pala talaga. Panu kaya nila ininum yun? buong baso yung dinilaan para matikman ang dapat matikman.!


message 28: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ronie wrote: "jzhunagev wrote: "True!!! Tawa ako ng tawa dito. Ang lalantud! May ganun pala talaga. Panu kaya nila ininum yun? buong baso yung dinilaan para matikman ang dapat matikman.!"

Tingin ko naman ay sip o pagtikim lang ang ginagawa sa baso at di tuwirang iinumin ang lamang alak nito. Hindi 'yong paghimod sa buong labi ng "baso" na gaya ng iniisip mo. Ganun nga ba? Hahaha! :D


message 29: by Apokripos (last edited Jul 28, 2015 02:09AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 8: GABING WALANG ARAW

Sentro sa kabanatang ito ang pag-aanunsiyo na si Senyor Martin na ang halos nagmamay-ari ng mga sakahang lupain sa buong Makulong. Dagdag pa rito ang paghahayag na rin ng negosyante na kanyang pag-aaralin si Toryo sa Maynila habang si Oden naman ay sa mataas na paaralan sa bayan. Syempre pa, anong aasahan natin sa pagbubuhat ng bangko ni Alkalde Tirona? Feeling ko di naman matutupad 'yang pangako niya ng pagpapagawa ng bagong tuwid na daan para sa bayan. 'Wag nang umasa!

Saksi rin ang bahaging ito sa nang LQ nila Toryo at Bining. Parang star-crossed lovers lang ang peg nila. Natuwa rin ako na matalinhaga 'yung mga sagutan nila. Di man nila direktang sinasabi, pero malaman ang mga patutsada nila. Haha!


Da Best Line
"Hindi ako makikipagpiging sa isang gabing dapat ipagluksa" ~Ka Tulume

Malaman din ang pahayag na ito ng resident albularyo ng nayon. Para tuloy siyang bersyon ng Pilosopong Tasyo ng nobelang ito na tunay na nakatatalos sa maaaring maging dulot ng mga ipinapangakong pagbabago kuno(!) ng mga "diyus-diyusan ng bayan".


Simbolismo Alert!
Pansinin nyo yung una at huling kabanata, ang ganda lang ng contradicitng imagery na ipinakita ni Mang Domeng dito. Sa una'y waring binibining pinalamutian ang bayan ng Makulong ng makikinang na mga ilaw. Ngunit sa dakong huli, matapos ang kasiyahan, ay mahubdan ng kanyang hiram o di likas na karikitan at mahahantad ang payak na mukha ng isang bayang lugami. (Ano ba yan?! Nahahawa na ko sa katalinhagaan ni Mang Domeng. Hahaha!)


message 30: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Nagbabasa ako ng Kabanata 1-3 at naalala ko ang tinig ni Jonee Gamboa kapag nakikipag-usap sa mga kalalakihan. Pakiramdam ko sya yung tumuli kay Oden hahahaha.

Tapos si Sandy Andolong kasali rin sa cast. Parang siya yung isa sa mga nanggagapas.

Ang wika ay sobrang katagalugan, pati mga matatalinghagang banat bumebenta sa akin. Siguro kasi ang nanay ko ay isang Batangueña, kaya ang ngiti ko lang habang nagbabasa ng mga kaganapan sa nobela.

Maglalahad na lang ako ng ibang mga saloobin kapag natapos ko ang unang pitong kabanata. Pang-apat na kasi ako, konti pang tiyaga.

Sa mga hirap sa wikang tagalog, may UP disyunaryo naman. Kapag hirap pa rin sa pag-hagilap, Google mo, pare. The rest are context clues, ewan ko ba, throwback high school memories itong pagbabasa ng nobela ni Landicho. Matagal na mula nang huli akong makabasa ng ganitong katagalugan. :D


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments sa wakas ng Lupa!. Nakatapos din ng pagbabasa...

Salamat sa aking sponsor sa isang Library na nagpahiram sa akin pero ndi ako pinayagan iuwi un aklat hehe! kaya ayun todo tala sa mga detalye ng aklat.

The best ang mga HUGOT Moments ni Toryo, Ka Tulume, Bining, Oyo, oden, atbp. malinamnam ang kanilang mga sinasabi patungkol sa relasyon, pamahiin, kasaysayan, batas ng kalikasan atbp.

Mga Ka-nayon at ka-Lungsod worth it ang reading ko! sobrang ganda ng book!. madaming hugot moments lalo na sa Kabanata: Sa Bisig ng Api. Ito na ata ang pinaka-masaklap na moments sa love triangle nila Oyo, Toryo at Bining kasama pa si Karen.

Sobrang ganda! ako sa matalinghaga at malalim na salita nila Ka Tulume at Oden. my twist cia sa dulo.

The best para sa akin ito 5 stars!. nagkaroon din ako ng sentimyento sa mga manggagawa at magsasaka o mga Anak ng Lupa. Pro-Nature ang aklat at naniniwala sa mga pamahiin / Tradisyon kumpara sa buhay Lungsod.

Bibili ako ng aklat na ito pramis!...


message 32: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jul 29, 2015 06:14PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ito ang mga nakuha kong tala na talaga nmn kukurot sa iyong mga puso! kpg ndi pa kayo tinablan niyan eh pusong bato kayo hahaha!..Magagalit si Ka Tulume sa inyo! haha!...

Hugot Kowts pa more:

"Ilusyon ang ating pag-ibig, noon pa man alam ko na ito ang kahahantungan natin. Parang alon, sumasambulat sa paghampas sa batuhan".

"Mabuti ang masaktan sa simula. Ako man ay isa lamang pantasya sa buhay mo. Walang realidad ang ating pag-ibig pagkat na sa kumunoy ang ating kastilyo."

"Iyong pag-ibig.. para iyong tanim.. dapat alagaan."

"Pagkinatakutan ang pagbabago mananatiling makipot ang ating matatanaw."


message 33: by [deleted user] (new)

K.D. wrote: "Introduksyon

PhD requirement pala ang aklat na ito ni Landicho. PhD graduate sya ng 1994. This means, natapos nya ang PhD niya na 55 years old na sya.

(K.D.'s reaction: Bebang, may pag-asa ka pa!..."


Ang lugar kung saan ako ipinanganak ay Urdaneta, Pangasinan. Hindi ko alam kung nararamdaman niyo rin yun na parang may lukso ng dugo kapag nakarating ka doon. Sa QC na kasi ako lumaki at matagal ako bago makuwi sa probinsiya. Kaya may hindi akong maintindihang kilabot kapag napupunta doon.

Pero ang napansin at napapansin ko sa hometown ko ay isa siyang probinsiya pero ito rin ang kapitolyo ng Pangasinan. Sa opinyon ko parang buong Pilipinas ito—kaso kung sa Maynila pumupunta ang taga-probinsiya. Sa hometown ko malaya at direktang nagtatagpo ang pisikal na tradisyon ng probinsiya at siyudad. Halimbawa sa hometown namin may 168 na, may SM na, may kung ano-ano na... Tinitingnan kong pantay ang taga-rural at taga-urban. Sa pagkakataon lang na ito mahihinuha lang na shit na lang ang ideya ng Manila Imperialism. Ang Pilipinas ay Pilipinas. Kahit saang sulok tayo ng PIlipinas talagang sasalamin yun sa Pilipinas. Maaaring Pangasinense ako pero yung pagkakaiba ko at ng hometown ko ay mas lalong nagpapatatag at sumasalamin sa buong Pilipinas…


message 34: by Apokripos (last edited Jul 30, 2015 12:48AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 9: Banyagang Ugat

Gaya ng ipinakita sa naunang kabanata, ipinagpapatuloy ng bahaging ito ang tema ng banggaan sa pagitan ng kaispan ng mga taong nakatira sa lungsod at nayon.

Isa sa mga kapuna-punang bagay rito ay waring likas sa ating mga Pilipino ang kaisipan ng tribalism at inferiority complex na makikita na nga sa iginawi nila Bining at ilang mga kadalagahang-nayon na kasama nila Karen at kaibigan nito sa pamamasyal sa ilog. Lubos ko mang isipin na likas na kagandahang-loob na ipinakikita ni Karen sa kanila (at hindi pagkukunwari) ay bantulot pa rin silang tanggapin ito o di naman kaya ay suklian. Nakatatak sa isipan ng mga dalagang di dapat sila tratuhin nang ganoon dahil magkakaiba nilang estado sa buhay.

Foreboding na rin kayang masasabi na may di magandang hangarin si Marko kay Ligaya. Ano kaya ang kanyang gagawin sa dalaga? Gagahasain? Abangan!


Simbolismo Alert!

Ang torong ginto ay isang magandang paraan upang lalo pa nating maunawaan ang motibasyon ng mga tauhan sa kuwento.

Para kay Toryo, na nakapag-aral, ito'y isang uri ng mito na ginamit at ipinalaganap ng mga naghaharing-uri upang sikilin, lokohin, at alipinin ang mga taong dating naninirahan sa Makulong.

Para sa mga taga-nayon, ito ay kumakatawan sa maalwang buhay na kanilang pinapangarap.

Para kay Marko, ito ay paraan upang mabilis na makuha at maari ang anumang kanyang ninanais.

Para sa mga taga-lungsod, ito lamang ay isang walang kawawaang kuwentong-bayan.

Ngunit kung ating titingnan ang Bibliya, matapos ang Exodus sa pangunguna ni Moises, di ba't may gintong toro na sinamba ang mga Israelita? Maaari kayang ang torong ginto rin mula sa nobela ay sumisimbolo sa pagsamba sa isang huwad na panginoon? O ha, level up! May nalalaman pa talaga akong Biblical citation shit. Hahaha!


message 35: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 10: Dadapitin na ang Nuno

Puno ng masamang pagbabadya ang kabanatang ito. Talaga nga bang may masamang maidudulot ang pagpapalawak ng bulusan sa Makulong? O maling perhuwisyo lamang kaya ito ng mga taga-nayon dahil na rin sa kanilang kawalan ng pagtitiwala sa pagbabago sa ngalan ng progreso?

Dito talaga sa kabanatang ito ramdam ko yung salpukan ng makaluma at makabagong kaisipan. Napapatanong tuloy ako: dapat pa nga rin ba nating panghawakan ang matatandang kaisipan? Ano nga ba ang magandang pagtitimbang tuwing tayo'y nahaharap sa isang pagbabago? Mga tanong itong kahit man may pangsariling bisa ay mayroon ding pangmalawakang implikasyon.


Da Best Linya!
Dito sa' tin ang matatandang puno'y me mga kahapon. Ang mga ugat ng mga iyan'y buhay ng tao na patuloy na umaasa ng lakas at tibay ng dibdib ng lupa. ~Ka Tulume


Simbolismo Alert!
Mahalagang eksena sa tingin ko sa kabanatang ito ang pagpuputol sa puno ng balete. Para kasing sinasalamin nito na kumakawala na sa kinagisnang ugat ang bagong henerasyon ng Makulong. Hudyat na ba ito ng kanilang pagtanggap sa ipinapangakong pagbabago?

Ikalawa rito ang inaasahang unos. Alam ko, isa sa mga palasak na teknik sa pagsusulat ang paggamit ng panahon upang ipagbigay alam ng manunulat sa mambabasa na may di inaasahang kaguluhan sa buhay ng mga tauhan ng nobela. Tanda na rito na umiigting na rin ang complication sa takbo ng kuwento. #ComplicationPaMore!


message 36: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Taray ni Po, may sponsor na library. Yeah! Maghanda ka ng mga katanungan mo kay Mang Domeng, ha. ;)


message 37: by Ronie (new)

Ronie Padao | 134 comments Nasa Kabanata 7 pa lamang naman ako. May napansin lang na di naman importante. Nabanggit kasi na ang akdang ito ay para sa PhD nya. Ito kaya ang tunay na gawa nya o pinatype na sa iba. May mga typo pa kasi akong nakikita. Wala lang, Arte lang :p


message 38: by Apokripos (last edited Jul 30, 2015 07:34AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ronie wrote: "Nasa Kabanata 7 pa lamang naman ako. May napansin lang na di naman importante. Nabanggit kasi na ang akdang ito ay para sa PhD nya. Ito kaya ang tunay na gawa nya o pinatype na sa iba. May mga typo..."

Korek! May mga typo nga, pero di naman gaanong kapansin-pansin. Nangyayari talaga 'yan sa line editing. Mas may iba pang Pinoy books na talagang nakakairita sa dami ng typo. Ito 'yung mahahalata mong talagang minadaling ilathala. *ehem tatlong araw, tatlong gabi! ehem*


message 39: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jul 31, 2015 11:20AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ang Kawangki wrote: "jzhunagev wrote: "Kabanata 8: GABING WALANG ARAW

Sentro sa kabanatang ito ang pag-aanunsiyo na si Senyor Martin na ang halos nagmamay-ari ng mga sakahang lupain sa buong Makulong. Dagdag pa rito a..."


@Ang kawangki, galing nila noh!..parehas may punto at usapin pero mahirap arukin kung malinis tlga ang intensyon ni Senyor martin.

Napansin ko kay Oyo ay lagi siyang taga-salo ni Toryo?..Sadya atang may unawaan sila pagdating sa ganyan? cguro alam nila ang kanilang kakayanan bilang magkaibigan.


message 40: by Ronie (last edited Jul 30, 2015 05:42PM) (new)

Ronie Padao | 134 comments Hindi ko binabasa ang mga Saloobin nila @jzhunagev at @Po dito. Napaka spoiler!!! hahaha. Gusto ko muna basahin ng buo bago ko malamang ang rebyo ninyo. Ang ganda kasi talaga ng libro.

Nasa kabanata 7 palang ako. At ang sakit! ang sakit!! ang sakit sakit!!! Ramdam na ramdam ko si Oyo. Tara maglasing!


message 41: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments @Baba, tama yan. At maraming pang masasakit na pasanin ang darating. Teka, spoiler din ata to, ah? Hahaha!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ronie wrote: "Hindi ko binabasa ang mga Saloobin nila @jzhunagev at @Po dito. Napaka spoiler!!! hahaha. Gusto ko muna basahin ng buo bago ko malamang ang rebyo ninyo. Ang ganda kasi talaga ng libro.

Nasa kabana..."


cencia na Ronie, affected much ako haha!. napakaganda tlga ng Anak ng Lupa, naalala ko nga sila Glen, Michael, Eric, Ayel, Jomar, mga magkakaibigan sa Walong Diwata na nasubok ang kanilang pagkaka-ibigan mga temang babalik at lilisan.


message 43: by Apokripos (last edited Aug 02, 2015 07:45AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 11: Unos

Makikita sa yugtong ito ang hirap ng buhay sa nayon, o kahit ano pa mang rural area, sa tuwing may darating na bagyo.

Maswerte tayong nakatira sa lungsod lalo na roon sa mga taong naninirahan sa bahay na gawa sa kongreto na di na kailangang danasin pa ang pagsusuhay o pagtatali ng bahay-kubo upang hindi ito mabuwal ng malakas na hangin.

Mahalagang transisyon din ang kabanata sa nakalulungkot na pangyayari sa kasundo na yugto ng nobela.


Da Best Linya!
Alam niya ang dibdib ng lupa na sa isang magsasaka'y isang sinapupunan ng katotohanan at karanasan: saan may balaho, saan lumalalim ang bahay kung panay-panay ang buhos ng ulan, saan may naglulunggang bayawak o mapanganib na ulopong. Anupa't ang lupa ay isang bukas na aklat sa sinumang nag-ugat sa bukid, na ang bawat piraso ay may sariling karanasa't katangian na nagpasalin-salin sa kamalayan ng mga supling ng lupa.


message 44: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 12: Kamatayan ng Isang Magsasaka

Sa pamagat pa lang, batid na natin ang daloy ng pangyayari. Ang tanong ko lang: ano kaya ang magiging kahalagahan ng pagkamatay ni Mang Garse sa buhay ng mga tauhan pati na rin sa pag-usad ng mga pangyayari sa nobela? Drama lang ba?

Pansin ko pa, parang minadali ang pagkamatay ni Mang Garse. Ay, ewan.


Da Best Linya!
Itong daan ay parang tiyan ng tao. Dumadaan ang buhay, malusog at luntiang parang halaman. Tingnan n'yo, sa daang din ito dadaan ang takipsilim. Tulad din ng silahis ng bukang-liwayway. ~Ka Tulume


message 45: by Apokripos (last edited Aug 02, 2015 07:56AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nyay! Limang araw na lang ang nalalabi bago ang Panayam at nandirito pa rin ako. Baka maiwanan ko na ang mag-post ng blow by blow opinyon ng bawat kabanata at diretso ko nang tapusin ang nobela. 

Kayo mga kakweba, kamusta na ang usad ng pagbabasa ninyo ng Anak ng Lupa?

Anak ng teteng nama, o! Hahahaha!


message 46: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kabanata 15: Bilog na Guhit

Dito sa kabanatang ito tuwiran nang ipinakita ni Mang Domeng ang tampok na suliranin ng nobela: ang tagisang agraryo sa pagitan ng may-ari ng lupa at kasama.

Makahulugan ang pamagat ng kabanata dahil nais ipakita ng may-akda na ang kinagisnang buhay ng mga taga-nayon sa Makulong ang "bilog na guhit" na bumubulid sa kanila sa lupa, kung kaya't labag man sa kalooban nila'y tinanggap na rin nila ang 'di makatuwirang kondisyon sa mga lupang pag-aari ni Senyor Martin.

Tunay ngang naging mabilis ang mga pagbabagong nagaganap sa Makulong; ngunit sa huli, sino nga bang ganap na makikinabang sa mga ito?


message 47: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hanggang kabanata 12 ako, at ninanamnam ko ang bawat talinghagang sinasambit ni Kakang Tulume. Nakakaloka, kasi hindi na uso ang mga ganitong pananalita sa Makati. Nakakapanibago. at nakakatakot rin kung tutuusin, pagkat isang pag-iigib sa balong malalim ang pag-unawa sa mga babala nya huhuhuh


message 48: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments @Ella, pero di ba itong mga matatalinhagang pahayag na ito ang nagbibigay hamon o challenhe sa atin na unawain pa ang nobela? Dahil nga sa mga talinhagang ito kaya nagiging makulay ang naratibo, at sinasalamin na rin nito ang pagkatao ng tauhan. Isang bagay itong di na natin gaanong matutunghayan sa ilang mga nobelang nalalathala sa kasalukuyan na halos spoon feeding na ang ginagawa sa mga mambabasa.


message 49: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments May tama yang tinuran mo, kakang Jzhun (view spoiler). It is refreshing to read this book in a generation of millenials when people want to talk about themselves.


Anyways katatapos ko lang basahin ang buong aklat. Pwede akong sumabat sa ibang mga kabanata. Natuwa akong tunay sa wika na ginamit sa aklat haha.


message 50: by Tricia (new)

Tricia (triciuhhh) | 21 comments Closed na RSVP :(
Gusto ko sana sumama!


« previous 1
back to top