Pinoy Reads Pinoy Books discussion

305 views
Pangkalahatan > Mga Bagong Labas na Libro

Comments Showing 51-100 of 177 (177 new)    post a comment »

message 51: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Oo naman, Francis! Pati kikomachine nga meron ako. ;)


message 52: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments Maya wrote: "Oo naman, Francis! Pati kikomachine nga meron ako. ;)"

haha nice! kinokolekta ko din yan kiko machine kaya lang tatlo pa lang nabibili ko. :)


message 53: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Francis, magaganda lahat yan. Meron ako lahat ng KikoMachine at ang hindi ko pa lang nababasa ay yong pinakahuli. Binabasa ko kasi ang seryeng ito gusto kong sumaya kaya ibig sabihin ay lagi pa akong masaya ngayon hehe.

Bumili ka na noong mga wala ka pa. Minsan kasi naa-out-of-stock yan. Baka magsisi ka pag gusto mo nang magbasa tapos wala ka nang mahanap na kopya. :)


message 54: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments ang daming interesting characters sa kikomachine kada issue may dumadagdag. medyo mabigat lang sa budget pag binili ko yun blg. 4 hanggang blg. 9 nang isang bagsakan simot kagad sweldo ko hehehe.

maiba ako, bakit sa Manila Noir, may nakita akong comic strips ng Trese? compilation ba siya ng mga pinoy short stories?


message 55: by Rise (new)

Rise Compilation nga yun ng Pinoy stories in English, labing-apat lahat. Swak ang panels ng Trese sa noir.


message 56: by Juan (new)

Juan | 1532 comments may bagong koleksyon ng mga maiikling kuwento sina Rolando Tolentino atbp.

KATHANG-ISIP ang pamagat! sa NBS ko nakita.


message 57: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di pa ako nakabasa ng Rolando Tolentino. Maganda kaya? Sya yata yong tumalo last year sa "It's a Mens World" ni Bebang Siy.


message 58: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Talaga? Madami na po siyang akda.

http://www.goodreads.com/search?utf8=...


message 59: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dumaan ako sa NBS Mega kanina. Wala akong nakitang bagong libro ni Tolentino. Hehe.


message 60: by Juan (new)

Juan | 1532 comments aba, baka wala pa po dyan. Sa NBS Cubao ko po kasi nakita iyon.


message 61: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
A... kaya pala. Salamat, Juan! :)


message 62: by Rise (last edited Sep 03, 2013 05:34AM) (new)

Rise Manila Envelope 4: The Best of Contemporary Filipino Novelists, edited by Jessica Zafra

-contains excerpts from published or upcoming novels.

Authors included are:

1. Miguel Syjuco
2. F.H. Batacan
3. Dean Francis Alfar
4. Lakambini Sitoy
5. Sabina Murray
6. Gina Apostol
7. Vicente Garcia Groyon
8. Angelo R. Lacuesta
9. Brian Ascalon Roley
10. Katrina Tuvera
11. Bino A. Realuyo
12. R. Zamora Linmark
13. Jessica Zafra

More info at: http://bestofyoungfilipinonovelists.com/

May nabasa na ba kayo sa mga manunulat na ito? Recommended?


message 63: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nabasa ko:

#1 - Ilustrado
#2 - Smaller and Smaller Circles
#4 - short story included in the "Best Philippine Short Stories in English"
#10 - Yong memoir nya
#11 - Umbrella Country
#12 - Leche
#13 - Twisted series

Interested ako kay Lakambini Sitoy at Angelo R. Lacuesta.


message 64: by Juan (new)

Juan | 1532 comments wala pa! Madalas ko makita si Jessica Zafra, Lalo na yung Twisted niya.

Si Miguel Syjuco, yung Ilustrado nya dapat ang pangsundot ko sa Walong Diwata kaso nawala na sa isip ko.

Sina Gina Apostol, Angelo Lacuesta, F.H. Batacan at Katrina Tuvera matagal ko na rin nakikita. Magagaling silang lahat! Pang International din dahil English ang wikang ginagamit nila.

Si Lakambini Sitoy di ko pa nakikita o nabasa.


message 65: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ay si Dean Francis Alfar pala nabasa ko na yung The Kite of Stars and Other Stories niya bigay sakin ni Rise!

Wasak lang! Ang galing!


message 66: by Rise (new)

Rise Juan wrote: "Dean Francis Alfar"

Magagaling nga ang mga pinili nila. Pero mukhang may mga nakaligtaan. Nasaan si Charlson Ong na nakapublish na ng marami-rami na ring nobela?

Da best si Alfar!


message 67: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Interested ako kay Lakambini Sitoy at Angelo R. Lacuesta. "

Ako din! Gusto ko yung istorya ni Lacuesta sa Manila Noir.

Nasa minimithi (wish list) ko ring basahin sina: F. H. Batacan, Sabina Murray, at Linmark.


message 68: by Juan (new)

Juan | 1532 comments F.H. Batacan. yung Smaller and Smaller Circle niya P150 lang! Nagkamit ng Unang gantimpala sa Palanca tsaka sabi isa to sa Unang Detective Novel ng Pinas. Galing lang!


message 69: by Rise (new)

Rise Di pa ko nakakita ng kopya. Gusto kong basahin. nagbabalik ang paring detektib sa isang istorya ng krimen sa Manila Noir.


message 70: by K.D., Founder (last edited Sep 07, 2013 06:02PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kahapon, nag-attend ako ng Aklatan:

Ito yong bagong libro
Project 17 by Eliza Victoria
PROJECT 17
by Eliza Victoria (Visprint, published 2013)

Tapos, kagabi, of course, ang aklat na ating kakweba!

Gitarista by Reev Robledo
GITARISTA
by Reev Robledo

Youg launching ay ginawa sa Forte Coffee and Restaurant along Maginhawa St. QC. Ang mga kakwebang naroroon para suportahan si Reev ay si Biena, Billy, Ella, Ayban at ako.

Di malilimutang gabi. Grabe sa galing ang musikang napakinggan namin. Standing room only. Beautiful.

Congrats, Reev! Good luck sa Gitarista!

Nakalimutan ko lang ang camera at banner sa parehong okasyong ito. Grrr....


message 71: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Naks me ganito palang thread. :">


message 72: by Tsina (new)

Tsina Cajayon (ohimesama) | 45 comments Rhisa wrote: "Hello po, may kilala po ba kayong pwedeng maging editor? :( Kailangan ko po talaga. Haha. Pangarap ko po kasing magkaroon ng libro. May marerecommend din po ba kayong magandang publishing house?"

may kilala ako. mama ko. :)


message 73: by Juan (new)

Juan | 1532 comments MGA BAGONG LIBRO na Nakita ko Kagabi:

1. Kathang-isip. Mga Kuwentong Fantastiko - Ang Editors nito ay sina Rolando B. Tolentino at Rommel B. Rodriquez

2. to the evening star - mga tula ni simeon dumdum, jr.

3. Caesuras: 155 New Poems ni Cesar Ruiz Aquino

4. Now, Then, and Elsewhen ni Nikki Alfar

5. ULIKBA ni E. San Juan, Jr.

6. Inintokan ni N. Sugbo

7. MGA TULA ni Gelacio Guillermo

8.THE HEART OF NEED and Other Stories by Augusto Antonio Aguila

9. Buhay Pinoy sa Amerika 1 FAITH ni Yeth Bisto

10. Kilates ni Rosario Torres-Yu

11. Ang Lihim ng Ultramar ni Rhod V. Nuncio

12. Salita ng Sandata: Bonifacio's Legacies to the People's Struggles- Bienvenido Lumbera

13 Demons of the New Year: An Anthology of Horror Fiction from the Philippines -Editors Karl R. de Mesa/Joseph Frederic F. Nacino

itutuloy. . .


message 74: by Tsina (new)

Tsina Cajayon (ohimesama) | 45 comments give my novel a chance... :) first time.. :) available at Pandayan and NBS on Dec. 15. :)

My Chinito Boss


message 75: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tsina wrote: "give my novel a chance... :) first time.. :) available at Pandayan and NBS on Dec. 15. :)

My Chinito Boss"


Tsina, nakita ko yong libro mo sa NBS Mega kahapon. Goodluck!


message 76: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nakita ko rin yong hardbound edition (bagong labas na libro) ng ABNKKBSNPLAko? ni Bob Ong.

May nakakaalam ba rito kung anong pagkakaiba nito sa naunang paperback edition? Parang makapal e. Tapos parang collector's item. Mahal lang nga: P400.


message 77: by Juan (new)

Juan | 1532 comments KD isang game po ata yung makapal na ABNKKBSNPLAko, parang board game.. hindi ako sure.


message 78: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "KD isang game po ata yung makapal na ABNKKBSNPLAko, parang board game.. hindi ako sure."

Mabili nga. Para maging sure. Akala ko commemorative edition lang yon e.


message 79: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Hindi pa dumarating ang free copy ng Visprint sakin. Babalitaan ko kayo kung anong bago. hehe


message 80: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare wrote: "Hindi pa dumarating ang free copy ng Visprint sakin. Babalitaan ko kayo kung anong bago. hehe"

Salamat, Clara. Ikaw na ang may free copy. Paano ka nagkaroon ng ganyan? Pa-share naman para next time, mag-attempt din ang mga kakweba na makakuha ng free copy tapos hardbound pa! :)


message 81: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Paano naman kasi kuya, nagpacontest ang Visprint ng selfie kasama ang paboritong visprint book. Tapos ang mapipili ay mapapasama sa Visprint 2014 calendar. Akala ko naman alam nyo na kais matagal na pala yun at last hour na ako nakapagpasa. Buti umabot. hehe!

Kaso ayun nga, APAT lang sumali! Hahahaha kaya para pakonswelo, bibigyan na lang yung APAT ng libreng kopya ng aba.


message 82: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare wrote: "Paano naman kasi kuya, nagpacontest ang Visprint ng selfie kasama ang paboritong visprint book. Tapos ang mapipili ay mapapasama sa Visprint 2014 calendar. Akala ko naman alam nyo na kais matagal n..."

Nice one, Clara. Yang mga yan ang di ko pa nasubukan. Yong sumali para magkaroon ng libre kopya. Meron akong isang librong nakuhang libre pero inalok sa akin ng author para raw i-review. Yon lang. Salamat sa pagbabahagi ng karanasang iyan. :)


message 83: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kuya, 12th Anniversary edition po ata ang hardcover na ABNKKBSNPLAko. Baka po may karagdagang materials at afterword si Bob Ong na isinama sa libro. :)


message 84: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Clara, wala lang akong matinong kamera nun, kung nagkataon baka nagkasama pa tayo sa finals pero Ok na din na ikaw ang isa sa Apat! May pambato ang PRPB. hehe!

KD dati sa pa-contest ng NBDB, sumali ako at nanalo kaso lang hindi ko kinuha yung premyong libro. Si Bebang pa po ang nag-momoderate nun. Ang contest-kailangan may selfie kasama ang isang magandang Pinoy Book, magkukwento ka ng kaunti ng tungkol sa libro at bakit yun ang napili mo..

Pwedeng maging proyekto natin yan! hehe! Pinoy Books Reading Awareness! ohaoha!


message 85: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "Kuya, 12th Anniversary edition po ata ang hardcover na ABNKKBSNPLAko. Baka po may karagdagang materials at afterword si Bob Ong na isinama sa libro. :)"

Mas lalo akong na-intriga. Di ko na yata mapipigilan ang bumili mamaya. Hirap lang talaga pag maganda ang hitsura ng libro, hindi ko talaga ma-resist.

Juan, Pinoy Books Reading Awareness? Ano exactly ang nasasa-isip mo? Magpapa-picture tayo at ipo-post sa website na nage-endorse ng libro? Parang mga artista tayo?


message 86: by Juan (new)

Juan | 1532 comments hahaha! maaaring parte lang yan ng naiisip ko..


message 87: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments May super book sale ang UST Publishing House, ending this week.

KD, sori kung hindi yata dito ko binanggit ang mga bago kong aklat kaya na-delete... :)

Jim


message 88: by Tsina (new)

Tsina Cajayon (ohimesama) | 45 comments K.D. wrote: "Tsina wrote: "give my novel a chance... :) first time.. :) available at Pandayan and NBS on Dec. 15. :)

My Chinito Boss"

Tsina, nakita ko yong libro mo sa NBS Mega kahapon. Goodluck!"


thank you.. po.. :)


message 89: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jim Pascual Agustin wrote: "May super book sale ang UST Publishing House, ending this week.

KD, sori kung hindi yata dito ko binanggit ang mga bago kong aklat kaya na-delete... :)

Jim"


Jim, sorry kung na-delete. May dalawa kang options kung saan mo ipo-post ang bago mong libro:

1) Sa sarili mong thread : Jim Pascual Agustin (sa makata folder)
2) Dito
3) Gawa ka sarili mong thread sa folder na Mga Naglalako.

Doon di ka na mae-erase.


message 90: by Trish (last edited Dec 18, 2013 09:47PM) (new)

Trish Lleone (tklleone) | 16 comments Hello! Tumatangkilik din po ba kayo ng libro na hindi locally published pero Pinoy ang may akda?


message 91: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Trish, kasama yan sa definition ng "Pinoy Book" kahit yong sinulat ng mga Fil-Ams.


message 92: by Trish (new)

Trish Lleone (tklleone) | 16 comments K.D. wrote: "Trish, kasama yan sa definition ng "Pinoy Book" kahit yong sinulat ng mga Fil-Ams."

Salamat, K.D.
Ilalabas ang aking akda sa bisperas ng Pasko, isa itong short memoir na tumatalakay sa aking karanasan bilang isang child sexual abuse survivor. Sana ay suportahan ito ng nakakarami at maging behikulo upang ang ibang survivors na tulad ko ay magsalita din at sumali sa isang makabuluhang advocacy para maprotektahan ang maraming kabataan.


message 93: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Okay, Trish. Aabangan namin yan. Salamat sa pagbabahagi. :)


message 94: by Trish (new)

Trish Lleone (tklleone) | 16 comments K.D. wrote: "Okay, Trish. Aabangan namin yan. Salamat sa pagbabahagi. :)"

Walang anuman po. Salamat din ng marami :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments magandang gabi Bb.Trish Kaye

suportahan po namin ang aklat nyo dahil malaki ang kinalaman nito sa patuloy na pag-ikot ng ating mundo patungkol sa moralidad at mga biktima, upang mabigyan sila ng bagong pag-asa at inspirasyon matupad mga pangarap nila.


message 96: by Trish (new)

Trish Lleone (tklleone) | 16 comments Po wrote: "magandang gabi Bb.Trish Kaye

suportahan po namin ang aklat nyo dahil malaki ang kinalaman nito sa patuloy na pag-ikot ng ating mundo patungkol sa moralidad at mga biktima, upang mabigyan sila ng b..."


Maraming salamat, Po. Hindi madali ang lumantad at magsalita, higit sa lahat ang balikan ang lahat upang maisulat subalit kailangan upang magkaroon ng awareness sa mga komunidad ng sa gayon ay maprotektahan ang mga kabataan. :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Trish Kaye wrote: "Po wrote: "magandang gabi Bb.Trish Kaye

suportahan po namin ang aklat nyo dahil malaki ang kinalaman nito sa patuloy na pag-ikot ng ating mundo patungkol sa moralidad at mga biktima, upang mabigya..."


Sang-ayon ako sa inyo jan Bb. Trish Kaye. Kailangan ng tapang, tibay ng loob, unawa, kalinga upang magbigay inspirasyon at seguridad lalot laganap ang human trafficking at krimen sa atin.


message 98: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Trish, di ako nakapunta sa bookstores kahapon. Available na ba ito sa NBS?


message 99: by Trish (new)

Trish Lleone (tklleone) | 16 comments K.D. wrote: "Trish, di ako nakapunta sa bookstores kahapon. Available na ba ito sa NBS?"


Hi K.D.! Hindi pa, na-move ang release date ng 'Finding Anna' dahil sa holidays, hindi nakahabol ang book cover. Malamang sa January na ito marerelease through Amazon, B&N, iBooks and Google. Kalimitan ay digital format dahil ang publisher ko ay US-based, subalit naghahanap ako ng ibang options upang maging available ito in hard copy dito sa Pilipinas. Maraming maraming salamat sa suporta ninyo! It's the best Christmas gift ever! :)
Kung gusto ninyo ang digital format, pwede nyo akong kontakin through my website www.trishkayelleone.com. I also giveaway review copies in PDF form sa mga interesado. :)

-Trish


message 100: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Trish, I am sure our members will be interested to have a digital copy of your book. Goodluck! As for me, I will wait for the hard copy.


back to top