Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Walong Diwata ng Pagkahulog
This topic is about Walong Diwata ng Pagkahulog
124 views
Sabayang Pagbabasa > Mayo-Hulyo 2013: WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ni Edgar Calabia Samar (Moderator: Berto)

Comments Showing 1-50 of 549 (549 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 10 11

message 1: by K.D., Founder (last edited May 18, 2013 04:57PM) (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Simula sa Linggo, ika-26 ng Mayo 2013 ay sisimulan na nating basahin ng sabay ang obra ng ating katotong si
Edgar Calabia Samar
EDGAR CALABIA SAMAR
na
Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar
WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG

Ang discussion moderator natin ay ang kakwebang si
BERTO POBLETE.
BERTO POBLETE.

Sana'y kumuha na po kayo ng kopya ninyo para magsimula tayo sa Day 1 ng pagbabasa.

Mabibili po ito sa lahat ng branches ng National Book Store. Meron din madalas sa Powerbook at minsan sa FullyBooked.

Magkakaroon po tayo ng field trip sa San Pablo Laguna sa Sabado at Lingo, ika-27 at 28 ng Hulyo 2013. Makakasama po natin mismo sa field trip ang butihing professor ng Ateneo, si Sir Egay. :)


message 2: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 34 comments Maraming salamat, K.D.! At salamat sa mga nakapagbasa na at planong magbasa ng nobela ngayong Mayo hanggang Hulyo! Quiet muna ako ha, para ma-enjoy n'yo lang ang pagbabasa. Feel free to comment on anything and even critique the book. Rewarding enough para sa author na katulad ko na naglaan kayo ng panahong basahin ang akda ko. Pero willing akong sagutin ang (karamihan sa) mga tanong ninyo sa field trip sa Hulyo. Kitakits!


message 3: by K.D., Founder (last edited May 18, 2013 09:12PM) (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sir Egay, salamat sa napakabilis na pagpansin na may thread na ang libro mo hehe. Maganda nga yang plano mo na doon na lang sa field trip sagutin ang mga tanong namin. Para maengganyo ang marami na sumama sa pamamasyal sa iyong bayang sinilangan hehe.

Salamat din sa bukas na pagiisip sa posibilidad na may tutuligsa sa iyong akda. Dalaw-dalawin mo na lang ang thread at magtimpi kang wag sumagot :) Bahala na si Berto bilang moderator na magasikaso ng talakayan at mga tanong ng ating mga kakweba.

Berto, good luck! Narito naman ako sasabayan kita sa magre-reread at sa talakayan. :) For the meantime, gawa ka na ng schedule. Hatiin ang aklat sa mga araw na nakalaan dito. Malamang mahihimay nating mabuti ang aklat dahil sa mahaba ang panahon (Mayo 26 hanggang Hulyo 27) sa pagbabasa - dalawang buwan! :)


message 4: by Phoebe (last edited May 19, 2013 03:44AM) (new) - rated it 4 stars

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Ay sana makasama ako sa fieldtrip sa Hulyo!! :D (wala, excited lang haha)

Sa totoong buhay, magiging kaibigan ko dapat yang si Daniel eh (view spoiler) baka si Sir Egay na lang (view spoiler).
Obvious namang may gusto na agad akong itanong sa kanya haha iipunin ko na lang (view spoiler)

Berto, good luck! :)


message 5: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Berto, dadalaw-dalaw lang si Sir Egay sa thread mong ito pero di sya magko-komento. Ikaw (at ako) ang gagawa noon hahaha.

Phoebe, nami-miss na nga kita. :) Sana payagan ka ng parents mo matapos mong makagalitan sa Rosales field trip hahaha!


Juan | 1532 comments ang saya nito! suporta tayo mga kakweba!


Raechella | 452 comments Wala pa akong libro. Sa NBS meron ba nito?


Juan | 1532 comments Raechella meron nito sa NBS. Halos sa lahat ng branch.


message 9: by Josephine (new) - added it

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments wala sa MOA, I checked last Sat, so sa ibang branch na lang kayo sumilip :)


Biena Magbitang | 1702 comments Meron sa Powerbooks. :) Medyo madami dun (lalo na sa Trinoma) ^___^

Egsayted na ako sa ating overnight trip! Waaaah. Sana magkasya tayo sa bahay. Magdala na lang po tayo ng mga mattress. Hahaha. (Pero feeling ko, hindi naman matutulog yung iba dyan, magswimming na lang tayo hanggang umaga!)


Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Raechella, marami sa NBS.

KD, yun nga po haha sana payagan haha hindi sana busy hehe


Raechella | 452 comments Sige na... sa NBS na. Haha. :D


message 13: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kahapon meron sa NBS Mega. Meron din sa NBS Robinson's Forum (isang kopya). Lagi akong nakakakita nito di kagaya ng Lola Basyang o Brightest. Konting tiyaga lang sa paghahanap. Marami nito.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments MURA-Berto-KAMI nice!...

BERTOKAMI!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments bagay sa iyo yan may pagka-mysterious, divine intervention ka hehe.


Bananafriz | 180 comments lagi ko nakikita yung librong to' pag napapadaan ako sa filipinian section ng NBS Sm north branch. haha makabili nga din! :)


message 17: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Go, Anna! Maganda ang librong ito.

Berto, wala ka pang schedule? (Atat lang... hehehe)


message 18: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Makatapos ang isang matagumpay na event, ang Museo Pambata, ituloy na po natin ang ating sinasabing commitment sa Panitikang Pilipino.

Bumili at magbasa ng aklat na susunod nating babasahin: ang WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG.

Suportahan natin si kakwebang Berto at gawing isa sa pinakamasayang online book discussion ang maganda at naiibang aklat na ito ng premyadong manunulat na si Edgar "Sir Egay" Calabia Samar!

Magsisimula po ang diskusyon sa araw na ito. :)


Jayvie (necrofear24) | 344 comments Sched. Sched.


Jayvie (necrofear24) | 344 comments The best ang "berto period" parang 3-days kang meron:)) hahah... (view spoiler)


message 21: by javiruchi (new)

javiruchi | 53 comments Bumili ako kahapon! Yey! Get done with 'berto period' at simulan na (Haha! Nagmamadali, parang makakapag-fully participate)!


message 22: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jhive, tawa ako ng tawa rito sa computer shop sa The Block hahaha. Yari ang Berto period. Kailangan ng Those Days hahaha.

Berto, maganda nga yang dalawang field trips na mungkahi mo. Sa Hunyo ang Marikina Riverbank trip at ang Hulyo ang San Pablo field trip. Ano-ano ang ideya mong puwedeng gawin sa Marikina na may relasyon sa kuwento? Swimming at inuman? Sana walang flash flood hehehe. Di ko na kasi maala-ala ang lahat ng pangyayari sa kuwento. Sana kung meron tayong makakausap na nakakakita ng mga kababalaghan sa Marikina o mga espiritista hahaha. O manghuhula. Yong aarkilahin natin tapos magpapahula tayong lahat hehehe. O mamangka tayo tapos may gitara at kakanta ka sa Marikina river. O di kaya ihuhulog ka namin tapos swimming ka babalik sa riverbank hehehe.

Ganda ng schedule. Gawin nating memorable ang online discussion pati na rin ang double field trips na ito. Dahil ikaw naman ang moderator, itodo na natin hehehe.

Teaser pa lang yan mga kakweba, bili na kayo ng libro at makipagdiskusyon sa atin simpatikong moderator na si Berto hehehe.

Sali na. P250 lang yata yong book. Mura lang yon kumpara sa sayang mararanasan mo sa susunod na dalawang buwan. Mga karanasang di mo malilimutan.

Mabuhay ang PRPB! Mabuhay si Berto! Mabuhay si Sir Egay! Mabuhay ang Panitikang Pilipino!


message 23: by K.D., Founder (last edited May 26, 2013 12:08AM) (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Javi, walang unahan! Walang spoilers ha. Kung meron man, pakilagay sa spoiler tags. Pero kung sabay ka sa schedule puwede nang walang spoiler tags. Kaya nga may Berto Period para bigyan pa ang ibang miyembro ng oras para bumili ng libro.


Biena Magbitang | 1702 comments Berto, salamat sa pagdala ng libro. Pwede na ako magsimula at hakbangan ang "Berto Period" pero sabi ko nga sa inyo, hindi naman ako masyado mahilig magpost ng mga kumento ko pero.. dahil mahal ko si Berto pipilitin kong magsulat-sulat at magshare dito. Ohyes.


Phoebe A (phoibee) | 1423 comments haha may berto period pa pala, tinweet pa naman ni sir egay na simula na ngayon :)


Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments May twitter si sir Egay? :) I will follow him. Heeee~~~ :D

Tatapusin ko muna ang ibang babasahin ko kasi may thematic reading pa ako na kailangang matapos ngayong Mayo. I shall make habol if ever. Tama po sila, pakilagay na lang sa spoiler tags ang ibang mga bagay para hindi mabasa ng mga balak humabol sa diskusyon. Salamat! :)


Phoebe A (phoibee) | 1423 comments @ecsamar


message 28: by Juan (new) - rated it 5 stars

Juan | 1532 comments marami man ang ibigsabihin ng pagkahulog,
aba! handa na kong mahulog!

Berto ang galing ng ideya mo at ang bait! may
'Berto Period' nice..
at yung Trip sa Marikina bukod sa Laguna, Mas lalo akong nananabik!


message 29: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sino ba sa atin ang mga koneksyon sa Marikina city government? Baka puwede tayong i-tour? hehehe.

Ano pa bang puwedeng gawin dyan sa may riverbank? Something na magiging memorable? May mga tiya at pinsan ang misis ko dyan sa Sto. Nino (bungad ng Marikina) pero parang di naman sila nagliliwaliw sa riverbank hehehe. Alam ko, dati nagbabangka at noong mga 10 years ago, nagtatanim pa sila doon sa malapit sa ilog.


Biena Magbitang | 1702 comments ^ Pwede ko pong kausapin si Cong. Miro Quimbo. Pero, syempre hindi sya ang magttour sa atin. Hehe.


Bananafriz | 180 comments Sir KD pwede tayo mag picnic sa tabing ilog (riverbanks) para mas makilala natin ang bawat isa tapos samahan natin ng palaro pra mas masaya. :D


message 32: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Biena, sige nga. Alam ko may mga lumang simbahan dyan at tsaka may display ng mga sapatos dati noong panahon ni Bayani Fernando. Dati nga parang may bangka pa na hugis sapatos hehehe.

Anna, maganda nga yang ideya ng piknik na potluck tapos getting to know you games hehe. Puwede bang ikaw ang mag-organize ng mga games?


Bananafriz | 180 comments K.D. wrote: "Biena, sige nga. Alam ko may mga lumang simbahan dyan at tsaka may display ng mga sapatos dati noong panahon ni Bayani Fernando. Dati nga parang may bangka pa na hugis sapatos hehehe.

Anna, magand..."


- sige po mag-iisip na po ako ng mga games. :D


Biena Magbitang | 1702 comments ^ Oo nga, mas okay kung connected sa libro.


message 35: by Juan (new) - rated it 5 stars

Juan | 1532 comments pero makakasama din ba natin sa Marikina si Sir Egay? sana hindi umuulan sa araw na iyon.. mukhang papasok na si Tag-ulan e..


Biena Magbitang | 1702 comments Oo nga. Ang lakas ng ulan, di tuloy ako nakapagtrabaho. (Yes.)


Phoebe A (phoibee) | 1423 comments huuuu hindi ako makakasama sa Lagunaaaaaaaa (T ^ T)


Biena Magbitang | 1702 comments Hahaha natawa ako dun sa ipa-xerox! HAHAHA


message 39: by K.D., Founder (new) - rated it 4 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama si Berto. Maging matapat.

Isang kwidaw (caution) lang. Yong kuwento kasi ay "modernist" o naiiba sa pangkaraniwan ang pagkakasalaysay. Kaya maaaring manibago kayo at sabihing walang sense. Ang ibig sabihin ko lang ay baka kumento tayo ng kumento ng negatibo sa unang kalahati ng libro. Ang mga pangyayari ay unti-unting magkakahugis sa pangalawang kalahati at lilinaw sa katapusang mga kabanata.

May mga kaibigan at kakilala kasi ako na sinimulan ito at bumitiw sa gitna. Di raw nya ma-gets. Dapat matapos mo para mo ma-gets. Yun yon.

Noong nakapanayam namin si Sir Egay sa Ateneo canteen last year, tinanong ko bakit ganoon ang pagkakasalaysay. Sabi lang nya "para maiba." Yan ngayon ang gusto kong mangyari. Marami na tayong naranasang direct storytelling (It's a Mens World, Mga Agos sa Disyerto, Po-On, atbp). Panahon na para sumubok tayo ng kakaibang approach.

Wala sanang bibitiw. :)


message 40: by javiruchi (new)

javiruchi | 53 comments oo nga po kuya doni. 'postmodern' po 'yung kuwento kaya fragmented 'yung narrative, 'yung kuwento.

ta's ala-Milan K. din s'ya. maraming philosophical musings.


message 41: by Juan (new) - rated it 5 stars

Juan | 1532 comments Sang-ayon ako sa ating moderator!

KD salamat sa suhestiyon mo! at may guide na kaming susundan o may mood na kaming dapat ihanda sa pagbabasa nito.

Ibang-iba talaga ang pagkakalahad ng kwentong ito, pati structure, may mga shifting na nagaganap sa loob ng istorya at pagkukwento, maging ang persona nang nagkukwento nagiiba kaya dapat lang na aware tayo sa mga biglang pagbabago sa bawat kabanata.

maging detektiv tayong tinitignan bawat anggulo mula simula at huli para mapag-isa natin ang tagni-tagni nitong kwento.


Biena Magbitang | 1702 comments Bukas na natin sisimulan to di ba? Excited na ako. Di ko pa binubuklat yung libro.


message 43: by Juan (new) - rated it 5 stars

Juan | 1532 comments javiruchi wrote: "oo nga po kuya doni. 'postmodern' po 'yung kuwento kaya fragmented 'yung narrative, 'yung kuwento.

ta's ala-Milan K. din s'ya. maraming philosophical musings."


ganun na nga javi!

Beina opo bukas na ito ayon sa dahil hanggang ngayon na lang ang 'berto period'.


message 44: by Raechella (last edited May 28, 2013 05:55AM) (new) - rated it 3 stars

Raechella | 452 comments Inutusan ko yung kapatid ko kaninang dumaan sa NBS-Metropoint sa Taft, wala daw nito. Pumunta rin siyang NBS-Dasma, wala rin. Hay... sa Bacoor daw may available (gawd, anlayo... worse, sobrang traffic papunta dun. Huhu)


message 45: by Ben (new) - rated it 5 stars

Ben (ben2579) Pasensiya na Berto at KD, lalagpas ako sa Berto Period Sa katapusan pa ako magkakaron ng kopya, pag suweldo,:)


Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Kwento-kwento lang: (view spoiler)

Mga tanong tungkol sa E-mail ni Glen

1. Malawak ang 'pagduda sa existence ng isang bagay'. Pero para masagot ko ang tanong na yan, nagduda ako sa existence ni God (pero napawi agad dahil katoliko ako) at ang existence ni Santa Claus. Kay Santa na lang tayo, eh kasi naman hindi pa Pasko may regalo na ko HAHA yung mga magulang ko lakas siguro ng trip. Kaso one time, yung yaya ko nadulas at nasabi sa kin ang katotohanan. Ayun, shattered hopes--all of it!

Mga tanong tungkol sa Kabanata I (Delka Linar)

2. Ako ay kabilang sa binubully pero mataba ako haha. Introvert kasi ako, lalong lalo na eskwelahan. Ayokong makipag-usap hangga't hindi ako kausapin, eh walang nakikipag-usap kaya wala akong kaibigan noon (oo, loner talaga ako). Tapos binubully ako kasi masyado akong tahimik, mabait(daw) at walang backup whatsoever. Nakakainis ang pakiramdam na ganun. Pero nakaisip ako ng paraan para iwasan ako ng nangbubully. Kapag may gagawin o ginawa sa kin, iiyak o luluha ako tapos may isang classmate na magsusumbong sa teacher (view spoiler) at papagalitan kung sino man siya. kaya everytime na may magtangkang mambully, nagdadalawang isip sila HAHAHA

Sorry hindi ako deep haha pero magpaparticipate ako hangga't kaya :)


Biena Magbitang | 1702 comments ^Uyyy gusto manalo ng t-shirt hahaha


Phoebe A (phoibee) | 1423 comments may pa-contest ba? haha


Biena Magbitang | 1702 comments ^ Di ba lagi naman may t-shirt yung pinaka-active? Hahaha. Competitive!!!


Biena Magbitang | 1702 comments Sasabihin ko sana, kapag active ang mapapanalunan ay yung book next discussion. Hahaha. Kaso kung yung sa Miclat Family ang mananalo.... Hmmm.. P495 yun kaya T-shirt na lang hahahaha


« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 10 11
back to top