Pinoy Reads Pinoy Books discussion

119 views
Mga Proyekto ng PRPB > PRPB On Line Library

Comments Showing 101-150 of 229 (229 new)    post a comment »

message 101: by Bong (new)

Bong | 275 comments Bienna, dapat ipapahiram sa akin ni Tay KD yaan kahapon eh.. Eh dumating ka kaya ayun, naudlot. hahaha


message 102: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^Pasensya naman. Long overdue na kasi ito eh. :D Matagal ko na dapat ito nakuha, pero nakakaligtaan lang. Haha.

Iaabot ko sa'yo sa 25.(view spoiler)Tapos ko na ito by that time. :D


message 103: by Bong (new)

Bong | 275 comments nasabi nga ni Tatay Kd. :)

Yaan mo na. :) di naman ako mahilig sa chiclit. :D


message 104: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Johan anak, nice meeting you last Monday. :) Ang guwapo mo lang parang di tayo bagay mag-ama hahaha!

Kung may gusto kang hiramin sa akin, sabihin mo lang para madala ko next time na magkita tayo hehehe.

Magandang umaga mga kakweba! :)


message 105: by Bong (new)

Bong | 275 comments puro bola naririrnig ko sa iyo tay. mag-ama talaga tayo. haha

sige tay.. pag may ninais akong basahin. :)


message 106: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magandang umaga sa inyong lahat mga KaKweba!
Kamusta ang lahat?

KD kamusta po kayo?

Biena Kamusta? sayo ba nagpapaalam re sa panghihiram ng libro? pinahiram kasi ako ni KD ng
Jun Cruz Reyes' Ka Amado at Fernando Pessoa's Book of Disquiet

Johan! Kapatid! magkikita din tayo.


message 107: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Juan! Nakita ko yung post mo sa ibang thread kaya na-update ko na itong munting listahan natin :)


message 108: by Bong (new)

Bong | 275 comments Juan, punta ka sa 25 ah. hahaha egzoited lang...

Tatambay lang tayo dun at kakaing ng fishball at kwek-kwek. haha


message 109: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Biena salamat po!

Johan game ako dyan! pero susubukan ko pa din..I have 10 days pa naman para magisip at gumawa ng paraan bago sumapit ang araw na yun.


message 110: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Johan anak, bigla kong naala-ala ang kuwento mo tungkol sa kwek-kwek hahaha. Miss na kita anak. hehehe.


message 111: by Bong (new)

Bong | 275 comments Oo tay, ang kwek kwek sa Recto na dinarayo ko pa dati. :D

Magkikita ulit tayo Tay soon! :D
Sama natin sila Juan. :D


message 112: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Owww. May off-topic.

Guwardiya sibil! Guwardiya sibil!

Ayan. Hinde yan Ella copyrighted na Pulis! Pulis!. joke.


message 113: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nibra, natawa ako sa guwardiya sibil hahaha!


message 114: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Pinahiram ako ni Billy ng libro. Ang saya saya! :D May ilalagay na naman ako dito. :D


message 115: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Biena anong book?

wow! parang gusto ko manghiram kay Billy ng
Einstein's Dreams by Alan Lightman...


message 116: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Alan Lightman pero Reunion. :D


message 117: by Juan (new)

Juan | 1532 comments hala Alan Lightman din! ayos ah.. nakwento kasi ni Billy last time nung mameet ko siya with KD.. naintriga ako at isa rin yun sa mga tipo kong genre ng book/story.


message 118: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan, meron ako ng librong yan. Pero di ko pa nababasa. Hayaan mo, hahanapin ko sa susunod na mag-ayos ako ng mga libro at babasahin ko na.


message 119: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ikaw na talaga KD!hehe!
basta kapag nabasa nyo na pahiram po!
KD di ba meron din po kayong mga libro ni Norman Wilwayco? Pahiram din po kung pwede...


message 120: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan, meron ako. Nakita ko noong Sabado particularly yong 'Responde' at 'Mondomanila.'

Meron din sa Bookay Ukay. Di ko na lang nakikita roon ay ang 'Gerilya.'


message 121: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Eto na! Mag-uupdate na ako ng ating listahan. Pakisabi na lang kapag may nakalimutan ko.


message 122: by Raechella (last edited May 26, 2013 10:26PM) (new)

Raechella | 452 comments Pinahiram: The Devil Wears Prada & The Pursuit of Happiness kay Po. Beyonders: A World Without Heroes naman kay Berto.

Binalik ko na pala kay Phoebe yung Death Note tsaka 2 Kikomachine. :)


message 123: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Salamat Rae! :D


message 124: by Juan (new)

Juan | 1532 comments thank you Biena sa Trip to Quiapo ni Ricky Lee!

tapos kay Phoebe pinahiram sakin:
Kafka on the shore at PAK U..
Salamat Phoebe!


message 125: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Ayun, may Kafka pa pala! Sige noted na yan!


message 126: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Nanghiram pala ako ng Rosales Saga 2-5 kay KD. Hihi


message 127: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Noted Clare. :D


message 128: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Hiniram ko:


Utos ng Hari at iba pang Kwento kay Ayban
Tutubi, Tutubi Wag Kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe kay Ayban
Ang Huling Dalagang Bukid kay Ayban
Etsa Pwera kay KD


message 129: by Rise (new)

Rise Naks. Jun Cruz Reyes marathon tayo ah.


message 130: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Noted Jhive! :)
Iuupdate ko to bukas.


message 131: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sasabayan ko nga si Jhive, babasahin ko yong huling JCR ko: ang Armando :)


message 132: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Matutuw si Amang kapag nalaman nyang bestseller sya dito sa prpb.

I rekomend, Negros. Maganda rin.

Di ko alam kung sya lang may rekord ng nanalo sa parehong taon sa tatlong kategorya (tula, sanaysay, at m.kuwento) sa palanca. 1987 yun.

Syeyring ang pamagat ng Sanaysay, Maikling Kuwento saka yung kalipunan ng tula nya.


message 133: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Ayan. Iuupdate ko na po! :)


message 134: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments salamat ate Biena:)


message 135: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat sa mga impormasyon, MJ. Kagaya ni Ambeth Ocampo, isa si Jun Cruz Reyes na hindi maiiwasang basahin balang araw hehe. So, darating ang panahon na babasahin at babasahin sya ng grupo natin hehe.


message 136: by Juan (new)

Juan | 1532 comments yun oh! Amang! sa kasalukuyan aking binabasa ang
KA AMADO na pinahiram sakin ni KD. Grabe lang! Ang sarap basahin..


message 137: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ganda nga yan, Juan. Prohibitive lang ang presyo ng libro kaya siguro di maraming nagbabasa.

Bookpaper kasi at makapal. Pero sulit dahil sa ganda at wala halos typo. Maayos ang pagkakakuwento at pagkakasulat.

Salamat at nagustuhan mo. :)


message 138: by Bong (new)

Bong | 275 comments nahihilo na ako sa mga Tagalog books. ngayon ko lang naririnig yang mga yan. :I


message 139: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Patrick pareho lang tayo. Pero ang mahalaga nakikilala na natin sila kahit paunti- unti diba? :)


message 140: by Bong (new)

Bong | 275 comments Ara, tama ka jan. At least dahil sa PRPB marami tayong natutuklasang mga libro na sariling atin, ginawa para sa atin. :)


message 141: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sama-sama tayo sa pagtuklas. Marami pa rin akong nalalaman habang nagbabasa ng mga Pinoy books.


message 142: by Bong (new)

Bong | 275 comments parang Hiraya Manawari lang ah hahaha. sama sama sa pagtuklas. hahahaha arrrgh. namiss ko yung palabas na yun haha


message 143: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Patrick, grabe ka sa ala-ala hehe


message 144: by Bong (new)

Bong | 275 comments hahaha Tatay Doni favorite ko kasi yung Hiraya Manawari at Wansapanatym noon. Grade 1 pa lang ako paborito ko na.

Ganun din eh. may natutuklasan sila. kaya naalala ko lang hahaha. :)


message 145: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Anong halimbawa ng natuklasan nila? Sige nga?


message 146: by Bong (new)

Bong | 275 comments yung paborito ko dun sa Hiraya yung Istorya ni Indigo. kung bakit kakaunti ang kulay ng Indigo. hahahaha. naiyak ako dun. si angelica ang bida. :)


message 147: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Binubuhay ko lang po ang thread na ito sapagkat magkikita-kita na naman tayo sa Sabado. Baka may gusto lang kayong hiramin sa akin. :D


message 148: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Biena. Dami ko pang librong hiniram at babasahin hehe.


message 149: by Juan (new)

Juan | 1532 comments oo nga! anu-ano ba ang pwedeng hiraming FIl Lit sa inyo? hehe!

KD patapos na ako kay Ka Amado! Ang problema ko kasi kay JCR parang na-iinlab ako sa panulat niya. Parang may magic. Adik lang!

KD pero Sobrang ganda nito!

salamat sa pagpapahiram nito!

Biena sunod ko na ang Trip to Quiapo!

Pahiram ako ng MINGAW? ano bang salita ito?
at kahit anong Norman Wilwayco o kaya Kuwentong Ciudad!

ay teka! si Edgardo M Reyes pala!
grabe lang ang author na to!

may nabasa kasi akong interview sa kanya, sobrang kulay lang ng literary life nya!


message 150: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Gusto ko rin manghiram ng Mingaw. Yung isang kopya kasi sa Popular... binili nung author. Haha. :D


back to top