Pinoy Reads Pinoy Books discussion

89 views
Mga Tipanan > First Date Walking Tour with Bebang Siy (Disyembre 1, 2012)

Comments Showing 151-200 of 255 (255 new)    post a comment »

message 151: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Shaks!
I'm so excited and I just can't bind it!
Ilang oras na lang...
*nanginginig, kinikilig, kuliglig* :D


message 152: by Apokripos (last edited Nov 30, 2012 01:58PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments This is the day!
This is it, pusit! :D


message 153: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yong mga magtre-tren. Bawal naka-gift wrap na books hahaha. Kita-kits sa McDo.

Isang mapagpalayang umaga sa inyo mga kaibigan sa pagbabasa!

Maligayang Pasko sa lahat!

Pasko na naman, o kay tulin ng araw / Paskong nagdaan tila ba kung kaylan lang / Ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan / Ngayon ay Pasko, tayo ay magbigayan (ng regalo).

Hahaha. Pasko mood na ako.


message 154: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Sana may makabasa pa nito. :)
Sa harap lang ba ng Quiapo Church?


message 155: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Oo, Reev! At kilala mo naman yung iba sa amin kaya madali na rin tayong magkita-kita. :)


message 156: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Sana po mag-enjoy ang lahat ng makakapunta! Busy-busyhan po ako ngayon so baka next year na lang ako pupunta, hehe.


message 157: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments ay umiiyak na sa inggit :'(
waaah! ang dami ko na-missed.


message 158: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments naghihintay sa kwento ng mga kagrupo. alam ko super saya nio. Ako din masaya kahit hindi ako nakapunta. Naawa sakin si Lord, kaya pinasaya nia din ang araw ko.


message 159: by Ingrid (new)

Ingrid (gridni) | 157 comments Yaaay! Success!
Nice meeting everyone na nakapunta
:D

Can't get over ako sa kwentong First Date na yun ni Miss Siy, nakakakileeeeg forever. :>


message 160: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Ayun, nagtour akong mag-isa at nakipagfirst date sa aking sarili HAHA.
(eto detalye kung gusto niyo lang malaman: (view spoiler))

Ms. Bebang, di ko po alam tatawag ko sa inyo pag kausap kita hehe at medyo nahihiya pa po ko. Pero natutuwa po akong nakita at nakilala ka, at ikaw pa ang unang nakakilala sa kin! :)
Ang cute niyo ng bf niyo.
Naeexcite Hindi po ako makapaghintay sa It's raining mens :D

KD, pasensya sa pangungulit ko at abala sa halip na in-enjoy mo na lang yung lakad. At salamat dahil po sa inyo ay nagkaroon ng ganitong event. :)

Salamat sa mga nagbigay ng mga libro. :D

Sa lahat, natutuwa naman akong nakita ko na kayo sa personal. Sana next time makapagkwentuhan tayo, lalo na sa mga hindi ko nakausap.
Sa uulitin (na sana hindi na ko stalker).


message 161: by Phoebe (last edited Dec 01, 2012 06:21AM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Ay Mara, bakit ka pala hindi nakapunta? Ako sa last place lang nakapunta haha


message 162: by K.D., Founder (last edited Dec 01, 2012 02:15PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
KUWENTONG KEYDI:

First Date Walking Tour with Bebang Siy, may-akda ng sikat na sikat na librong It's A Mens World

10am

Nagkita-kita kami nina Diane, Po at Ayban sa McDo QC Ave. Ang ganda ni Diane! Di ko akalain na ganyan siya kaganda.

11am

Dinaanan namin si Paolo Kuhelyo. Naghintay kay Clare. Ang ganda rin ni Clare! Ito yong point na sinabi ko: "Ang gaganda yata ng mga girls sa PRPB! Talo ang XXX." LOL.

12am

Dinatnang naghihintay si Jzhun Krus Riles sa Aristocrat Malate. Kumain kami ng chicken barbeque, sinigang na hipon, laing, pinakbet, sisig at pancit canton. Nalimutan namin ang pinabalot namin na tirang chicken barbeque! (highlight talaga ng kuwento).

1pm
Quiapo church. Naghintay kay Bebang na natapon ang pabango sa bag. Tapos later natapon ang iniinom na buko juice sa jeep! Nahintay kay Berto. Matapos nagdasal, nagyaya na si Bebang. Marami tayong pupuntahan. Yong mga wala pa, sumunod na lang. Sorry sa mga na-late. Pero si Reev pala, naroon na pero nasa harap ng altar. Naglakad tuloy raw sya ng paluhod!

2pm
Naglakad papunta sa Bahay ni Oryang. Ang ganda ng bahay! Parang truer version (kumpara sa Casa Manila sa Intramuros) ng lumang bahay ng mayayaman noong panahon ng kastila sa Pilipinas! Naroon si Dr. Teresita B. Obusan, ang curator ng bahay. Kapatid siya ni Obusan na National Artist sa Dance. Namigay si Dr. Obusan ng mga libreng kopya ng libro niya at bumili kami ng latest nya, ang "Baybaying Atbp." Puwede raw may book discussion doon basta historical or classic Pinoy literature.

3pm
San Sebastian Church. Napakagandang simbahan! Baroque at bronze ang wall. May kinakasal na magandang babae at di masyadong guapo na lalaki. Umiyak si Diane noong ibinigay na ng ama ng babae ang anak niya sa lalaki. LOL.

Ganoon pala ang simbahang iyon, may susunod na agad na ikakasal. Mukhang mayayaman sila ha.

Nag-dyip kami papuntang Malate. Kumakanta si Berto habang sumasayaw si Bebang noong nasa Lawton kami at naghihintay ng dyip na may "Kalaw" na sign board. "Ang Huling El Bimbo." Mahusay kumanta si Berto. At guapo pa!

4pm
Tour sa mga kalsadang binanggit ni Bebang sa "It's a Mens World." Kung saan nakatira si Michael. Kung saan siya bumagsak at nagkaroon ng "hiwa." Kung saan ang Rosie's Dinner. Kung saan ang ihaw-ihaw. Kung saan sya nag-aral, ang entrance kung saan nagtapunan ng pizza ang kanyang mga magulang. Kung saan may multo, ang mansion, ang tirahan ng mga mayayaman niyang kaklase, ang bahay ng pulitiko, ang chog, chog, chog, atbp. Nagpa-picture sya ng solo sa manikin na may suot ng trahe de boda. Saya lang, parang nakikita ko ang batang si Bebang na nagsasalita at hindi ang magandang grown up na author.

5pm
Diyos ko, salamat po ng marami. Nakadaupang palad, nakausap, nakamayan, nakatawanan, nakapagpa-picture kami kay National Artist F. SIONIL JOSE! OMG! OMG! OMG! Dream come true, sobra!!! Bakit sinuwerte tayo ng ganito? Anong magandang ginawa natin sa buhay natin lately at biniyayaan tayo ng langit ng ganitong suwerte?

Nakakatuwang kausap ang 88 years old na Pambansang Alagad ng Sining. Nasarap kausap dahil walang tanong na hindi sinasagot at kahit kita mong matanda na ay game pa rin sa pagbibiro at kayang-kayang ikuwento ang mga istorya sa likod ng kanyang mga akda. At payag din siyang mag-book discussion doon sa kanyang office sa itaas ng Solidaridad Bookstore! Pangako po, gagawin naming Book of the Quarter ang isa sa mga libro ninyo, Ginoong F. Sionil Jose!!!

6pm
Nanood ng sunset sa Manila Bay. Kumain ng mga chitchiria na dala ni Jason (thank you, Jason!). Mga pagkaing bata na nabanggit ni Bebang sa "It's a Mens World." Nagsimula si Bebang sumagot ng mga tanong namin tungkol sa libro.

7pm
Hapunan sa Aristocrat Malate. Dumating si Ronald Verzo at may dalang dalawang posters na magiging official logo ng "Pinoy Reads Pinoy Books" Yey! Ganda! (Salamat, Ronald). Guapo ni Ronald! (pinsan ko yan LOL).

Tigi-isa kaming chicken barbeque at tubig. In keeping the spirit of the little Bebang in "It's a Mens World." Tapos exchange gift, gift giving, game (as in isang lang game talaga). Bumaha ng libro, libro, libro.

Next Book: Mga Agos Sa Disyerto. Moderator: Ayban
With Authors' Appearance: Ang mga natitirang buhay pang mga authors na sina Efren R. Abueg at Rogelio L. Ordonez.
Venue: Las Pinas
When: 2nd Sunday of February 2013 (Valentine's Day Celebration na rin ito! RakenRol! Asteeg!)

Salamat sa mga nagbigay sa akin ng libro. Salamat sa napaka-gandang araw na kasama ko ang aking mga kaibigan sa pagbabasa. Salamat sa pagpapaunlak. Salamat sa suporta sa PRPB! Salamat sa mga dumalo ng book club meet up sa una-unang pagkakataon: Diane, Clare, Berto. Sana'y huwag kayong madadala! Ganito talaga kasaya ang book club! Salamat sa dati ko nang mga kaibigan naroon pa rin at nagbigay ng oras para sa bagong book club: Jzhun, Ayban, Ingrid, Po, Kwesi, Reev. Phoebe, sobrang hirap ng dinanas mo, sorry, minsan di kita masagot dahil nage-enjoy na ako sa pamamasyal at binigyan ako na warning ni Berto na baka mahablot ang cellphone ko. Paolo, nakasama na kita twice pero salamat pa rin dahil napilit kitang sumama ngayong araw na ito. Salamat sa napakaganda at napakabait na si Bebang Siy. Mahal ka namin, Bebang Siy!!!!


message 163: by kwesi 章英狮 (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Nice meeting you guys, sorry di ko alam na may exchange gift. Bwahaha. Fail ako!


message 164: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Okay lang, Kwesi. Salamat naman at humabol ka. Alam kong busing-busy ka ngayon. Good luck sa book discussion mo.


message 165: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Yun na nga ang pinakaeksaktong kwento kaninaaaa. Grabeee, super fun-filled day! Nakadaupang-palad pa natin si F.Sionil Jose! Maraming salamat din Bebang sa pagtour sa amin at sa kilig stories, nainspire kami. pati na rin kay bf. hehe ^.^ Sa mga bago kong naging kaibigan, Po, Paolo, Dianne, Ayban, Ingrid, Kwesi, Jayson, Reev, Phoebe, at Berto. :)
At syempre hindi naman magiging posible to without the efforts of KD. Ikaw pala daddy ko. hehe :D Idol! Next time ulit! Masayang masaya ang araw na'to, SALAMAAAATS! *hikbi* hehe. asteeg!


message 166: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Tagumpay ang ating First Date!
Hanggang ngayon di pa rin ako maka-get over lalo na nang nakita, nakakwentuhan at nagpapirma tayo ng mga libro ni F. Sionil Jose!
Sa mga oras na 'to walang paglagyan ang aking saya dala ng masasayang alaala at mga sorpresa ng araw na 'to.
Matutulog ako ngayong gabi na abot tenga ang ngiti.
Hayahay! ^.^


message 167: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
hindi tayo nagkausap sa bibig, sapat na ang pag-uusap ng mata.

hala ka, Paolo! Kinakausap mo sa mata si Ingga!!! hahahaha.


message 168: by kwesi 章英狮 (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Haha. Lagot may kaagaw na si Ayban. Deadly fight na to! Hindi talaga ako maingay kung madami.


message 169: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments description

Abangan ang ibang litrato. :)

Salamat sa lahat. Napakasaya.

Paolo, mabuhay ka! At salamat din! Maayos naman itsura non diba? Haha.


message 170: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang ganda! Parang di sa Manila Bay!


message 171: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Na-pressure ako sa paglalarawan ni Itay K.D. sa mga girls. Okey, kailangan ko na yatang seryosohin ang pagpapapayat ko bago ang next meet-up. '^__^


message 172: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maya anak, huwag mo namang dibdibin ang mga kumento ko. Iyon naman ay pagsasabi lang ng totoo. Walang malisya dahil parang mga anak ko na rin sila. Wala namang kwalipikasyong hinahanap upang magpakita sa mga pagtitipon dito sa PRPB. Lahat ng miyembro ito ay mahal ko. Magpakita man o hindi.


message 173: by Ingrid (new)

Ingrid (gridni) | 157 comments @Paolo: Oo nga, parehas kasi tayong tahimik, haha
:)


message 174: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments K.D. wrote: "Maya anak, huwag mo namang dibdibin ang mga kumento ko. Iyon naman ay pagsasabi lang ng totoo. Walang malisya dahil parang mga anak ko na rin sila. Wala namang kwalipikasyong hinahanap upang magpak..."

Tama na, Itay. Naapektuhan na ako. Bonggang crash diet na 'to! \(-__-)/


message 175: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hay...best date ever ang First Date natin! hahahahaha kagigising ko lang, meron kasi kaming pinuntahan pa kagabi at nagpakapuyat pa. pero heto chineck ko agad ang goodreads! hindi ako maka-get over sa napakagandang araw natin kahapon.

excited na ako sa mga retrato natin.

KD, salamat talaga! tsaka dun sa alinagnag! mahirap hanapin yun, e. at saka sobrang galing mong mag-organisa. at saka ambilis-bilis mong mag-follow up kaya di nawawalan ng gana ang mga member. i mean, yung momentum napapanatili mo hahahaha grabe ang suwerte ng PRPB.

Jzhun, ipinapangako ko maghahanap ako ng UV. dalawa sa regalo ko di mo napakinabangan hahahaha at thank you sa mga gift mo sa lahat! ikaw na ang santa klaws. salamat din sa pagsabay sa mabilis kong paglakad hahahaha nag-enjoy ka ba? puro lumang bahay lang ang itinuturo ko sayo nung papuntang san sebastian yikes, ang geek ba? LOL

reev, ang ganda ng photo mo! ang artistic! shocks lang talaga at di mo natanaw ang kagandahan at kaguwapuhan namin sa Quiapo Church hahahaha salamat din sa pagdo-document ng trip na ito lahat ng ngiti namin with f. sionil jose, wagas!

paolo, kuya tawa ako nang tawa nang mabasa ko ang mga sinulat mo rito, andaldal mo naman pala hahahaha wag ka na mahiya next time tayo tayo lang yan para tayong magkakapamilya (ang tambalang claireto/blair lang ang hindi kasi umaatikabo ang spark!!!) pero in fairness, enjoy kami sa presence mo. sayang lang at alang nanalo ng isang chicken BBQ sa amin (di ba dianne, claire, KD at iba pa? hehehehehe)

Po, salamat, napakasaya mong kasama hanggang ngayon yung mga hirit mong pamatay naaalala ko pa sana lagi kang makasama sa mga meet up natin ha nakakatuwa rin na me reference ka na sa baybayin yey!

nga pala baka gusto nyo sabay sabay mag aral. ang alam ko free ang classes sa baybayin dun sa bahay ni Oriang.

dianne, salamat sa pagiging cool and composed, at salamat din sa pagtawa sa mga joke ni po hahahaha thank you rin kahit malayo ka talagang pinilit mong makarating yun nga lang inabot tayo ng gabi. sana ay naging ligtas ka sa piling ni po noong nagsabay kayong umuwi (naku nabuko ko na ba ang ikalawalang pinaka-hot na tambalan ng taon hahahaha)

clare, natutuwa ako kasi parang pareho tayo ng personality! very friendly at cheerful! at sobrang hilig sa picture picture hahahahaha nandun ka ata sa lahat ng kinunan kong eksena.... ayaw paawat! masaya rin ako na nagkatagpo kayo ni ehem ehem sa first date na ito achuchuchuchu (tingle-tingle feeling, as in kilig ha)

ayban, you remind mo of my students in UST, malulusog kasi sila hahahaha joke!

thank you for being so cool pare alam mo every time na titingin ako sayo parang napa-pacify ako kasi parang walang problema ganun steady lang

maraming times na kinakabahan ako baka pagod na kayong lahat at medyo stressed sa mga sinasakyan na dyip (o di ba halos magkapalitang mukha at balakang lang tayo nung papunta na tayong aristocrat?) pero pag nakikita ko si ayban, ala lang, parang me nakakabit na electric fan sa dibdib, cool and refreshed panatag na ako

kwesi tuwi namang nakikita kita naaalala ko yung mga kamag-anak ko. kamukha mo talaga. maputi payat at higit sa lahat, taas-taas din ang buhok.

napansin ko nga ang tahimik mo, expected ko pa naman makulit ka hahaha pangalan na pangalan pa lang e! pero alam mo dahil diyan naisip ko parang bagay pala kayo ni ingrid :)

ingrid, thank you sa presence mo kahit na tinititigan mo lang kaming lahat with your ever bright smile masaya kami na nakaabot ka talaga dun sa place kung san ako lumaki (hindi katulad ni ....

feevee! hahhaha josko te, mahirap talaga hanapin ang bahay ni oriang. yung mga tao dun, hindi nila kilala si oriang pero kung nasabi sana namin na katabi ito ng haven ng dvd sellers, naituro agad sana ito sayo! at baka hinatid ka pa doon at nagrekomenda ng mga lumang pelikula ni sharon at gabby.

pero at least pagkatapos ng mahaba-haba mong self organized self executed first date walking tour, nakasama ka naman namin sa sunset watching, dinner at xmas party. pero ang tahimik mo rin susme, waley tuloy kaming masabi sa hair mo, te. ang haba!

berto, ayan kuya aktibo na ang love life mo, sana ay ma update kami dito sa goodreads PRPB. alam mo dito sa PRPB hindi lang panitikang Filipino ang concern ng mga moderator kundi pati na rin ang pagmamahalang Filipino. kaya naman inorganisa talaga ang First Date alang-alang sa inyong mga puso ni.... alam na!

salamat sa regalo mo! first book ever ko yun ng sionil. gusto ko na nga ipaframe hahaha first book ever tapos me pirma agad! o di ba? saka thank you rin dahil kahit nasa manila bay na tayo at sa aristocrat para pa rin naming kasama si f. sionil jose, naaalala namin siya sa suot mong head dress hahahaha! madali ka rin bang sipunin kung alang sombrero? thank you rin sa presence mo, nakakatuwa ang mga sablay mong hirit, pare. naaaliw kami ni reev! hahahaha miss pala ha!

sa mga di nakapunta, di bale, may mga next time pa at tiyak na masaya na naman yun. dito sa PRPB, its the company not the destination! wohooo!

dahil sa inyo, may kutob akong magiging super saya ng buong disyembre ko. dec 1 pa lang, e, ganito na?

maligayang pasko!


message 176: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hindi nga pala natin nabanggit, nadaanan din natin ang MLQU, kung saan nagtapos/nag-aral ang ilan sa mga awtor natin!

nakita rin natin ang historical marker sa Ermita ni Leon Ma. Guerrero na isa ring writer. tapos nakita rin natin si Amadis Ma. Guerrero sa Solidaridad bookshop. siya ang nephew ni Leon Ma. Guerrero. at writer din si Sir Amadis! tungkol sa travels ang book niya, published ang mga ito noong di pa uso ang mga travelogue at puro analogue pa ang mga camera.

serendipity ano? grabe talaga! andami-dami nating naranasan kahapon!

yun nga palang building (ermita building ang name) dun ako nahulugan ng tubo, dun yung langit lupa scene. pagdating ko doon, na-realize ko na ang kikitid pala nung mga kalsada namin. akala ko dati sobrang lapad at sobrang malalaki. parang di ka naman masyadong makakaiwas sa taya kung mabilis siya tumakbo at manghabol hahahaha ano ba yan? ang weird kung paanong binabago ng panahon ang perspective at way of seeing ng isang tao, no? at akala ko rin, sobrang haba ng street sa ermita pag naghahabulan kami mamatay matay na kami sa pagod iyon pala ang iikling lakaran lang. one minute lang ata? pero block? hahahaha


message 177: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Miss Bebs, hindi po kayo geek, sadyang mahilig din talaga ako sa mga lumang bahay na bato (Ding ang bato! Zaturnnaaah!). May feeling of affliation ako sa Old Manila at kapag vacant hours noong college naglalakad-lakad ako sa Intramuros pata chicks-seeing sa may Round Table malapit sa PLM. Hahaha! :D

Beteranong manlalakad po ako kaya mabilis talaga ako maglakad (may varicose veins na nga! Chos! :D) . I live by the philosophy of Pura Santillian Castrence's essay, Shall We Walk? (Double Chos!)

Enjoy po talaga kayong kasama Miss Bebs! Basta kahit anong librong galing sa inyo, kayamanan ko na. Salamat! *galak!*


message 178: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Nakakatuwa naman magbasa ng mga kwento nio, naiimagine ko yung saya. sayang lang at hindi ako nakapunta. di bale, bawi na lang ako next time.

Bigla naman ako nahiya, ang gaganda pala nila Diane at Clare. Kailangan ko na din magdiet kagaya ng kapatid ko na si Maya. Ishare nio sakin ang inyong beauty secrets. hehe

Ate Bebang, sa susunod na po ako magpapasign ng book sa inyo at picture na din. hehe..

Sana makilala ko din si Maestro F. Sionil Jose ng personal. Pupuntahan ko cia sa Solidaridad bookstore. Haha.. Jusko, sana makaya ng powers ko yun.

Calling the attention of my baby PO hinihintay ko ang PM mo, para maipadala ko na yung gift ko.


message 179: by K.D., Founder (last edited Dec 01, 2012 10:02PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Diane, alam kong si Bebang yon pero ayaw ko lang gawing obvious. Basta sa Disyembre sa susunod na taon, tingnan natin sya kung ilang balde ng luha ang papa-Agosin.

Maya anak, hinay-hinay lang ang diyeta. Ang tunay na ganda ay nasasa-loob at hindi lang sa panlabas.

Beverly, walang anuman. Masaya nga kahapon. Sobra. Maliit lang ang grupo. Kaya siguro mas masaya. Pero sobrang naging kakaiba talaga ito kaysa sa mga nakaraan kong book club discussions dahil sa iyo. First time kong nagpagala-gala sa mga lugar sa Maynila na ni sa panaghinip ay inisip kong puntahan. Yan yong mga lugar, iskinita, daan na maraming tao na nakatambay sa gilid ng daan na pakiramdam ko pag nagiisa ako ay hahablutin ang bag ko o tututukan ang tagiliran ko. Kaya salamat, sobrang ganda pa rin pala ng Maynila: kung hindi man sa pisikal nitong anyo ay sa mga kasaysayang nangyari hindi lamang yong pangkalahatang ukol sa ating bansa kundi sa mga mumunting ala-ala rin tungkol sa mga taong dating nanirahan doon. Ngayon, kung magagawi ako sa Solidaridad, sa ihaw-ihaw doon sa kanto, lagi nang sasagi sa aking isip na minsa'y nakasama ko kayo roon. Minsa'y nagtinda ng ihaw-ihaw ang dalagitang si Bebang Siy sa kantong iyon. Chug-chug-chug.

Berto, di na kita nasagot sa text mo. Pero ayos lang yon. Sa muling pagkikita na lang.

Salamat ulit sa inyong lahat. Unang pagtatagpo. Sana'y kasama namin kayong lahat ulit sa mga susunod pa.

Pumiglas sa Las Pinas!!! Mag-tour kaya tayo sa Bamboo Organ?


message 180: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments First Date kasama si Bebang Siy
Ambushing F. Sionil Jose
Christmas Party

Pics dito: https://www.facebook.com/pages/Reev-R...

Paki-"like" na rin yung page. :)


description

description

description


message 181: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Ngayon ko lang tlaga narealize, ANG GULO PALA NG BUHOK KO KAHAPON! Hahahaha!


message 182: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Wow! Ang gaganda naman ng mga pics nio. Bigla naman ako nahiya. Haha.. Magaganda ang mga kababaihan, gwapo naman ang mga kalalakihan.


message 183: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Robertson wrote: "Clare wrote: "Ngayon ko lang tlaga narealize, ANG GULO PALA NG BUHOK KO KAHAPON! Hahahaha!"

Oo nga, di ko na pinuna, baka mahiya ka...hihihi!!"


Si Bebang lang nangahas na pumuna! hahahaha! Nung pauwi nko ngayos :P


message 184: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Sabi na nga ba dapat nakipag-usap pa ko sa inyo eh. Puro buhok ko lang ang mga comment niyo haha.

Ms. Bebang, dahil po successful naman ang self organized self executed first date walking tour ko eh hinding hinding hindi ko na uulitin pa iyon haha. Yung katahimikan ko naman po ay dahil sa nahihiya pa ko at kasama na rin yung asthma ko kasi. Siguro po next time hihi :)


message 185: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Diane wrote:
Reev: Ang gaganda ng pics! Maraming salamat! :D Parang ang seryoso natin nung kaharap si F..."


Salamat. Maganda ang mga subjects. :)


message 186: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Diane: naku dapat di na ko male-late dahil wala akong talent na mapapamalas! haha
Ang ganda mo, Diane :) hindi nga lang kita nakausap, nahihiya pa ko eh.

Reev: Salamat sa mga pics :D


message 187: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ganda ng kuha mo sa amin, Reev.


message 188: by Rise (last edited Dec 02, 2012 08:04AM) (new)

Rise Ansaya! May Bebang encounter na, may Sionil signing pa. Yayks. Nice shots, Reev.


message 189: by kwesi 章英狮 (last edited Dec 02, 2012 06:20PM) (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Bebang: Ate Bebs, makulit ho talaga ako basta small group lang. Like two to three persona lang ang nakapaluob dito. Nahihiya kasi ako kung marami at di ako prepared nung petsa uno. Haha. Next time na lang, kukulitin kta hanggang mapikon ka sa akin. At sana wala ka namang hinanakita sa akin, kasi sabi mong kamukha ko mga pinsan mo. Haha. Parang may double meaning to ah! Joke lang.

Reev: Salamat sa picture, ang ganda ng pagkuha. Haha.

Ay! Ang kukulit ng mga tao dito, grabeh. Kahit ang kaunti niyo lang pero ang daldal. Ang bilis maghaba ang thread. Magstay nga ako dito sa Christmas break para lalong hahaba. Haha. Busy pa ako ngayon, so basa basa muna sa mga kakulitan niyo.


message 190: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kwesi 章英狮 wrote: "At sana wala ka namang hinanakita sa akin, kasi sabi mong kamukha ko mga pinsan mo. Haha. Parang may double meaning to ah! Joke lang."

May double meaning talaga! Kamukha mo raw kasi 'yong mga pinsan ni Miss Bebs na laging binibigyan ng Lolo at Lola niya ng Royal at Chipee. Nagpupuyos ang damdamin ni Miss Bebs kapag nakikita ka niya kasi pinaaalala mo ang tagpo ng Chicklet sa buhay niya. Humanda ka Kwe Siy! Buwahahaha! >:D


message 191: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Robertson wrote: "Oo nga...ang ganda ko :)"

Berto, binigo mo ko. Inaakala ko kasing kahawig mo man lang si Bertong Badtrip. Di natupad ang pangarap ko haha pero dahil maganda ka naman, ayos na :)

Jzhunagev: tama yung hula kong ikaw ang daddy ko! hihi

oo nga noh, Kwe Siy! hindi na Ya ___ ang itatawag ko haha


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Reev wrote: "Clare wrote: "Reev wrote: "PAALALA LAMANG PO:

Ang nakatakdang oras sa pagmasid sa paglubog ng araw ay 6:00pm.

5:25pm pa lang po ay lumulubog na sya. :) Wala na tayong aabutan.
Maganda siguro kung..."


Reev pwede bang ka-holding legs na lang haha! jojke


message 193: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Phoebe wrote: "Robertson wrote: "Oo nga...ang ganda ko :)"

Berto, binigo mo kooo nga noh, Kwe Siy! hindi na Ya ___ ang itatawag ko haha"


Feevee, curious ako sa dati mong tawag kay Kwe Siy? Matagal na ngang banas sa akin 'yang si Kwe Siy dahil sa dami ng mga pangalang naiimbento ko sa kanya. Ahihihi! >:D


message 194: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Baka magalit, naaasar kasi siya. Sasabihin ko sa susunod na pagkikita! hehe


message 195: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kwe Siy ang kamag-anak ni Bebang Siy.

Pero di sila related to Henry Sy.

Maging kina Sy-cip and Velayo.

Pero baka meron kay Sy-sa na ina ni Crispin at Basilio! Bwahahaha


message 196: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Si Kwes-pin na nilatigo ng Matandang Sakristan. Kaawa-awang Kwes-pin. :`(


message 197: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juice-meh, hanggang kay Kwes-pin nagawan ng konek! hahaha


message 198: by Rise (new)

Rise Bas-wil-yoooo... Kwes-piiiin...


message 199: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Si Kwes-pin na nilatigo ng Matandang Sakristan. Kaawa-awang Kwes-pin. :`("

Haha.. pamatay talaga mga hirit mo Jzhun! Wala kang kupas! Hahaha..

Ba-sil-yoooo, Kwes-pinnnn, nasan na kayooooo?


message 200: by kwesi 章英狮 (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Grabe na kayo, lahat na lang gawan ako ng connection! Haha. Pangalan ko na ang masasabi kong universal name. Niyahaha.

Phoebe: Baliw, di ako naasar. Haha. Ya Chang pala tawag sa akin Phoebe, kamukha ko ba yon? Kasi kung kamukha ko yon that means kamukha rin yun ni Bebs. Bwahaha!


back to top