Pinoy Reads Pinoy Books discussion

89 views
Mga Tipanan > First Date Walking Tour with Bebang Siy (Disyembre 1, 2012)

Comments Showing 1-50 of 255 (255 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa ika-1 ng Disyembre 2012 ay ang first meet up ng Pinoy Reads Pinoy Books para sa FIRST LOVE WALKING TOUR WITH BEBANG SIY.Gagawa ako ng PM para kay Bebang Siy para sa mungkahi nating aktibidades para sa araw na iyon.

Ito rin ang pinakauna nating meet up bilang nagsisimulang book club. Ito na rin ang ating Christmas Party.

So far, 8 pa lang ang nagsabing "YES, a-attend ako." Yong iba, "MAYBE" (malamang nakikiramdam). Wala namang kaso kung 8 lang. Madaling pakainin at madaling aliwin ang 8. Pero lagi nang mas masaya kung marami.

May suggestions o mungkahi ba kayo para sa mga aktibidades? Puwedeng mag-attend kahit di pa nabasa o natapos ang libro. Yon lang nga di kayo masyadong makaka-relate pag nagkuwento na si Bebang Siy.

Hintay ko ang reaksyon ninyo.


message 2: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Ok naman sakin yung mga aktibidades na naunang minungkahi. Sana lang po mas maaga sa 1pm yung umpisa.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
O sige, ifa-finalize ko na sa bahay mamaya ayon doon sa unang mungkahi. Tutal parang wala namang komento si Bebang. Yon lang oras. Siguro, simplehan na lang muna natin lalo na kung kaunti pa lang tayo. Ganoon talaga sa umpisa.

Mara anak, gusto mo bang may theme? Yong damit na makulay? Ano bang theme ang naiisip natin pag "It's a Mens World" ang pinaguusapan? Kulay mens? Wag sanang amoy mens! Yikes...


message 4: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "O sige, ifa-finalize ko na sa bahay mamaya ayon doon sa unang mungkahi. Tutal parang wala namang komento si Bebang. Yon lang oras. Siguro, simplehan na lang muna natin lalo na kung kaunti pa lang t..."

Eeeew! Itay!!! haha.. Lahat naka kulay pula?


message 5: by Janssen (new)

Janssen Cunanan | 4 comments saan po to gaganapin?


message 6: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Janssen wrote: "saan po to gaganapin?"

Eto yung nakalagay sa imbitasyon.

1) Quiapo Church (meeting place)
2) Bahay ni Ka Oryang o Gregoria de Jesus, ang muse ng Katipunan
3) San Sebastian Church
4) Dadaan sa labas ng ancestral house kung saan tumira at lumaki si Bebang Siy
5) Aristocrat Malate - dito tayo kakain (KKB) at magdi-discuss ng book
6) Manila Bay/Baywalk - mga larong kalye kagaya ng shake, shake shampoo.
7) CCP (uwian na after)


message 7: by Janssen (new)

Janssen Cunanan | 4 comments Mara wrote: "Janssen wrote: "saan po to gaganapin?"

Eto yung nakalagay sa imbitasyon.

1) Quiapo Church (meeting place)
2) Bahay ni Ka Oryang o Gregoria de Jesus, ang muse ng Katipunan
3) San Sebastian Church
..."


ayos to! sama ako!


message 8: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Janssen wrote: "Mara wrote: "Janssen wrote: "saan po to gaganapin?"

Eto yung nakalagay sa imbitasyon.

1) Quiapo Church (meeting place)
2) Bahay ni Ka Oryang o Gregoria de Jesus, ang muse ng Katipunan
3) San Seba..."


Yehey! 9 na tayo! :) Hintayin na lang natin mafinalize yung details.


message 9: by K.D., Founder (last edited Nov 07, 2012 01:24AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Janssen!

Mara anak, salamat din sa pagsagot kay Janssen. Manang-mana ka sa akin, bibo!


message 10: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Salamat, Janssen!

Mara anak, salamat din sa pagsagot kay Janssen. Manang-mana ka sa akin, bibo!"


Syempre naman, Itay. Kailangan na lang po ma-finalize na ang mga gagawin na aktibidades at ang ang oras na sana ay mas maaga sa 1pm. hehe. Hanggang ngayon ay yan pa din ang hirit ko.


message 11: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Naghihintay pa ako ng sagot ni Bebang Siy sa itinerary sa Dec 1. Pakiramdam ko, baka kulang sa oras. Gaano ba katagal mula Quiapo hanggang San Sebastian Church? Tapos, mula San Sebastian papuntang Malate?


message 12: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Naghihintay pa ako ng sagot ni Bebang Siy sa itinerary sa Dec 1. Pakiramdam ko, baka kulang sa oras. Gaano ba katagal mula Quiapo hanggang San Sebastian Church? Tapos, mula San Sebastian papuntang ..."

Itay, kung mula Quiapo papuntang San Sebastian Church, malapit lang po yun kung may sasakyan, kung lalakarin naman ay mga 30mins. siguro, depende sa bilis o bagal ng paglalakad. Yung San Sebastian papuntang Malate medyo may kalayuan pag nilakad. Mas maganda siguro kung maaga talaga sa 1pm. hehe..


message 13: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa mga a-attend ng Christmas Party sa Dec 1st:

Anong ideya ninyo tungkol sa Exchange Gift? Paano natin gagawin?


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa mga a-attend ng Christmas Party sa Dec 1st:

Anong ideya ninyo tungkol sa Exchange Gift? Paano natin gagawin?


message 15: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Dahil hindi pa naman sure kung ilan ang a-attend sa party, baka pwedeng magdala na lang ng gift, then bunutan na lang Itay. para sure na lahat may matatanggap. Pero syempre para fair kailangan susunod dun sa price range.

Kung magkano yung price range ng gift, yun ang pagbobotohan


message 16: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mura lang naman ang mga librong Pinoy.

P200-P300? May mabibili ka nang Bob Ong, Eros Atalia, Bebang Siy, "Supot" at KikoMachine.

Paano kung meron ka na? Swap swap na lang doon?


message 17: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Iisipin ko pa kung magkakaroon tayo ng wish list. Sampu lang o kung yong sinasabi ng anak kong si Mara na magkakaroon na lang ng 10 libro na puwedeng pagpilian ng lahat tapos kung magkadoble o mayroon na yong makakatanggap, pasensiyahan na lang. Ipalit na lang niya doon sa wala pa. Siguro, yong mga nasa Bookay Ukay or UP Press, malamang yong makakatanggap eh wala pa noong mga yon.


message 18: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments ako po kahit na anong book ok sakin. hindi madodoble, dahil wala pa ko masyadong librong tagalog :)


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ah, mabuti't sinabi mo. Ako naman, kapag maganda, okay lang magka-doble. Ipamimigay ko rin ang kopya ko. Doon sa dinalaw naming home for streetchildren last February, gustong-gusto ng mga bata si Bob Ong. So, I don't mind getting new copies of Bob Ong books para ipasa ko sa kanila.


message 20: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sumagot na si Beverly sa plano. Busy raw sobra kaya talagang di sya agad nakasagot. Salamat ulit, Beverly.
Aayusin ko na ang final plan sa Dec 1st para makahanda na tayo. Hintay na lang in the next couple of days.

Mara anak, luwas ka na lang ng maaga. Lunch na lang tayo sa Aristocrat Roxas Blvd. Doon ko na lang ipa-park ang car. Tapos taxi tayo papunta sa Quiapo. Dahil tayo ay mag-ama, di naman kita kikidnapin. Sigurado rin na sasamahan tayo ni Po. Madali yong yayain. Di pede si Beverly ng mas maaga. May klase siya tuwing Sabado ng umaga.


message 21: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Sige,sige Itay! game ako dyan! gusto ko yang maagang gumagala para makarami. haha..

egsayted na koooo!!!


message 22: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ay sa wakas, makikita ko na (ulit) ang anak ko! Kay tagal mong nawala, anak!


message 23: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments hahaha.. oo nga Itay! miss ko na kayo ni Inang!


message 24: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahahahahaha excited na akong makita ang mag amang to!


message 25: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments may exchange gift tlagang aklat? may napagkasunduan na sa presyo?


message 26: by K.D., Founder (last edited Nov 13, 2012 01:08PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, mag-ingat ka sa pagluwas mo anak. Huwag mong kalilimutan na sumambit ng ilang panalangin habang lumalabas ng tarangkahan ng bahay kagaya ng mga aral ng saserdote ni Urbana. Matay ko pang isipi'y ang mga aral ni Padre Castro'y kahit matagal nang nasulat ay parang nangungusap pa rin sa atin sa mga panahong ito.

Beverly, kapag kami'y nagyapos dahil sa pananabik sa isa't isa'y, alam mo na kami ang mag-ama! (Biro lang Mara anak).

Wala pang napagkasunduan na presyo ng aklat. Malamang ay mura lang P200-300 para di masakit sa bulsa lalo na ng mga bata't bago pa lang nagtratrabaho. Kadalasan, walang problema sa mga estudyante pa o yong wala pang mga trabaho, nakakahingi sila sa mga magulang.


message 27: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Nov 13, 2012 01:51PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Sumagot na si Beverly sa plano. Busy raw sobra kaya talagang di sya agad nakasagot. Salamat ulit, Beverly.
Aayusin ko na ang final plan sa Dec 1st para makahanda na tayo. Hintay na lang in the next..."


@K.D. at dahil jan eh sasamahan ko nga kayo haha! dapat may bodyguard kayo diba? K.D. at Mara lalo na sa panahon ngayon diba?...basta kapag may trouble...bibilang ako ng isa.,dalawa.,takbo!..OK! hehe! joke.


message 28: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Super Po! *music please*


message 29: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Itay, huwag kayong magalala at hindi ko nakakalimutan ang mga aral na winika ni Padre Modesto.

Ate Bebang eksayted na din akong makita kayo :)

Po bodyguard talaga? haha.. lalakasan mo ang bilang para makatakbo agad ako! :p


message 30: by K.D., Founder (last edited Nov 21, 2012 01:33AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
MGA AKTIBIDADES PARA SA KAUNA-UNAHAN NATING PAGKIKITA-KITA:

First Love Walking Tour with Bebang Siy and the 1st GR-PRPB Christmas Party, ika-1 ng Disyembre 2012 at 1-6pm

1:00pm QUIAPO CHURCH
- matapos magkita-kita, lalakad papunta sa bahay ng asawa ni Andres Bonifacio

1:30pm BAHAY NI ORYANG
- kung sarado, dadaan lang kasi maraming di nakakaalam nito. Pagkadaan, maglalakad papunta sa

2:00pm SAN SEBASTIAN CHURCH
- tapos sasakay ng dyip papuntang Ermita

2:30pm THE LITTLE ERMITA SIDETRIP
- paki-repaso ang mapa sa pahina 7 ng "It's a Mens World." Yon ang iikutin natin habang naglalakad.

5:00pm ARISTOCRAT MALATE
- meryenda at pahinga sa paglalakad. Pagpapakilala ng bawa't isa. Exchange gifts. Diskusyong para sa "It's a Mens World." Mga Tanong at Mga Sagot (Q&A).

6:00pm PANONOOD NG PAGLUBOG NG ARAW SA CCP
- Street games: Shake, Shake, Shampoo atbp.
- Hangout. Kuwentuhan. Tuloy ang mga nabiting Q & A.

8:00pm END

MGA DADALHIN:

1) Kamera - magaganda ang pupuntahan natin
2) Panyo, Pamaypay, Tubig
3) Pamalit na damit
4) Mga sitsiryang nabanggit sa libro
5) Mga librong pinoy na gusto na ninyong ipamigay (pang premyo sa games)
6) Yong exchange gift - P200-300 lang (paki-post ang wish list sa bagong kagagawang thread). Ako na ang bubunot ng baby ninyo.
7) Pera sa inyong pagkain (KKB).

BABALA:
1) Wag mag-jewelry.
2) Wag masyadong mamahalin ang mga dadalhin na kamera, cellphone o kung ano pang gamit.
3) Magsuot ng komportableng damit.
4) Magsuot ng rubber shoes o ano mang komportableng sapatos.
5) Magdala ng barya para sa dyip.
6) Wag magdala ng maraming pera. Ingatan ang bag at mga wallet. Maraming magnanakaw sa Quiapo at sa mga dadaanan nating lugar.
7) Baka marami tayo kaya't konting alisto. Tandaan ang mga kasama. Bilisan ang kilos para di maiwan.

Mga Kumpirmadong Kasama:

1. Bebang Siy
2. Mara Atienza
3. Diane Samson
4. Christine Gapuz
5. Clare Almine
6. Phoebe Andamo
7. Ingrid

8. K.D.
9. Po
10. Jzhun
11. Ayban Gabriyel
12. Reev Robledo
13. Berto Poblete
14. Janssen

15. BF ni Bebang Siy (hayaan na lang natin syang magpakilala)

Ganito ang mechanics ng Exchange Gift:
1) Sa kabilang thread, maglilista ka ng 10 Librong Pinoy na gusto mong matanggap.
2) Ang numero mo sa itaas ay bobolahin ko dito. Ibubunot kita.
3) Ipi-PM ko ang number na napili mo. Sakto ang numero ng lalaki't babae so, pare-parehasin na lang natin.
4) Kapag nakabili na ang mama o papa mo, sasabihin sa akin para ma-cross out ko na.
5) Kasi baka may mga miyembro rin na gustong regaluhan ka ng ibang libro sa wish list mo. Malay mo? May mga nabasa na sila at gustong iregalo na lang sa iyo ang libro nila.

Kung may tanong, pakisabi na lang dito kung tungkol sa Christmas Party. O sa kabilang thread kung tungkol sa "Ekstsange Gips."


message 31: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments wow! lalo naman ako naging eksayted! ganda ng itinerary!


message 32: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama, Mara anak. Kita tayo sa Aristocrat Malate ng lunch ha. Mga 11am andoon na kami ni Po.


message 33: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Tama, Mara anak. Kita tayo sa Aristocrat Malate ng lunch ha. Mga 11am andoon na kami ni Po."

Sige, Itay! Kita kits po muna tayo sa Aristocrat bago tayo magpuntang Quiapo :)


message 34: by Phoebe (last edited Nov 16, 2012 05:02AM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments yey~ naexcite naman ako. sana bukas december na jk
bakit natawa ko sa babala, weird ko lang haha lalo na yung #6 wala ako niyan hihi

add ko lang yung mga dadalo ha? ;)


message 35: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo nga, Phoebe. Napansin ko rin mali spelling ko "Babala" sa halip na "Pabala." Inisip ko kasi bakit ka natawa. Kasi obvious yang mga yan. Kaso, alam mo na, maigi na yong pinapaalalahan ang mga bata. Tatay mode lang.


message 36: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments opo, dahil sa tatay mode nga; ang cute lang kasi, parang mga batang sinasabihan. :D


message 37: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Para lang sigurado.


message 38: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments ayan na ayan na! see you ha!!! sana talaga hindi umulan


message 39: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments ano nga pala suot natin? may theme ba pati damit?


message 40: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments oo nga, Itay! may theme ba tayo? yung color ng damit para mabilis ma-identify ang mga kasama. hehe


message 41: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pula nga. Kulay ng mens.


message 42: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Pula nga. Kulay ng mens."

final na pala yung pula. hehe. ok po!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Kahit na anong kulay basta Red, haha!


message 44: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di pa ako nakakita ng kulay ng mens. I mean ng shade. Nakakita na ako noon ng pasador ng ate ko pero parang iba't ibang shade. Parang mag buo-buo na darker kaysa sa hindi. Pasingtabi sa mga kumakain.


message 45: by Lyn Liza (new)

Lyn Liza (elaineandbiting) K.D. wrote: "Di pa ako nakakita ng kulay ng mens. I mean ng shade. Nakakita na ako noon ng pasador ng ate ko pero parang iba't ibang shade. Parang mag buo-buo na darker kaysa sa hindi. Pasingtabi sa mga kumakain."
gross. :P pero dugo ito, mahirap idescribe and kulay ng dugo. basta dugo. anyway, sorry, di ako makakapunta sa trip na ito. [one kasi Christmas chuchu ito, bawal; second kasi wala akong pera; third kasi busy ako] pero kwentuhan nyo ko ah!


message 46: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, Lyn, mami miss ka namin! KD kadiri as in kulay talaga ng mens hahahahahahaha josko wag mo na pangarapin makakita ng nasa pasador/napkin at talagang unforgettable.

meron pa kaya tayong nakalimutang ipagbilin or sabihin? basta kung may tanong, itanong na yeba


message 47: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Beverly wrote: "Hello, Lyn, mami miss ka namin! KD kadiri as in kulay talaga ng mens hahahahahahaha josko wag mo na pangarapin makakita ng nasa pasador/napkin at talagang unforgettable.

meron pa kaya tayong naka..."


Ate Bebang, ewan ko ba kay Itay, talagang kulay mens pa ang sinasabi. Haha. Iba kaya kulay nun! Eeewww.. Hahha


message 48: by K.D., Founder (last edited Nov 18, 2012 11:51PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa mga sasali sa Christmas Party na gustong sumabay:

Meeting Place
McDo, QC Avenue MRT Station
Along EDSA, in front of Eton Centris
10:00am sharp

1) Po
2) Diane
3) Ayban
4) Jzhun
5) Janssen

then iikot kami sa Philcoa
10:30am sharp

6) Paolo

then labas ulit sa EDSA, diretso sa Pasay labas na ng Roxas Blvd.

11:30 Aristocrat Malate

7) Mara

Doon na kami magtatanghalian. Alis ng 12:00 noon para pumunta sa Quiapo. Magta-taxi na lang mula roon.

Paki-sabi kong may gusto kayong samahan na meeting place o kung gusto ninyong daanan ko kayo.

8)

May isa pang bakante going to Aristocrat. Sa taxi, going to Quiapo, first come, first serve na lang. Mag-separate taxi ang apat.


message 49: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Sama ako kuya, sa QC Ave. dun tayo kita kita. hehe.


message 50: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Yihaaa! Yun naman! Kita Kits na lang po sa 1 :)


« previous 1 3 4 5 6
back to top