Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Mga Tipanan
>
First Date Walking Tour with Bebang Siy (Disyembre 1, 2012)
Ok naman sakin yung mga aktibidades na naunang minungkahi. Sana lang po mas maaga sa 1pm yung umpisa.
O sige, ifa-finalize ko na sa bahay mamaya ayon doon sa unang mungkahi. Tutal parang wala namang komento si Bebang. Yon lang oras. Siguro, simplehan na lang muna natin lalo na kung kaunti pa lang tayo. Ganoon talaga sa umpisa.
Mara anak, gusto mo bang may theme? Yong damit na makulay? Ano bang theme ang naiisip natin pag "It's a Mens World" ang pinaguusapan? Kulay mens? Wag sanang amoy mens! Yikes...
Mara anak, gusto mo bang may theme? Yong damit na makulay? Ano bang theme ang naiisip natin pag "It's a Mens World" ang pinaguusapan? Kulay mens? Wag sanang amoy mens! Yikes...
K.D. wrote: "O sige, ifa-finalize ko na sa bahay mamaya ayon doon sa unang mungkahi. Tutal parang wala namang komento si Bebang. Yon lang oras. Siguro, simplehan na lang muna natin lalo na kung kaunti pa lang t..."Eeeew! Itay!!! haha.. Lahat naka kulay pula?
Janssen wrote: "saan po to gaganapin?"Eto yung nakalagay sa imbitasyon.
1) Quiapo Church (meeting place)
2) Bahay ni Ka Oryang o Gregoria de Jesus, ang muse ng Katipunan
3) San Sebastian Church
4) Dadaan sa labas ng ancestral house kung saan tumira at lumaki si Bebang Siy
5) Aristocrat Malate - dito tayo kakain (KKB) at magdi-discuss ng book
6) Manila Bay/Baywalk - mga larong kalye kagaya ng shake, shake shampoo.
7) CCP (uwian na after)
Mara wrote: "Janssen wrote: "saan po to gaganapin?"Eto yung nakalagay sa imbitasyon.
1) Quiapo Church (meeting place)
2) Bahay ni Ka Oryang o Gregoria de Jesus, ang muse ng Katipunan
3) San Sebastian Church
..."
ayos to! sama ako!
Janssen wrote: "Mara wrote: "Janssen wrote: "saan po to gaganapin?"Eto yung nakalagay sa imbitasyon.
1) Quiapo Church (meeting place)
2) Bahay ni Ka Oryang o Gregoria de Jesus, ang muse ng Katipunan
3) San Seba..."
Yehey! 9 na tayo! :) Hintayin na lang natin mafinalize yung details.
K.D. wrote: "Salamat, Janssen!Mara anak, salamat din sa pagsagot kay Janssen. Manang-mana ka sa akin, bibo!"
Syempre naman, Itay. Kailangan na lang po ma-finalize na ang mga gagawin na aktibidades at ang ang oras na sana ay mas maaga sa 1pm. hehe. Hanggang ngayon ay yan pa din ang hirit ko.
Naghihintay pa ako ng sagot ni Bebang Siy sa itinerary sa Dec 1. Pakiramdam ko, baka kulang sa oras. Gaano ba katagal mula Quiapo hanggang San Sebastian Church? Tapos, mula San Sebastian papuntang Malate?
K.D. wrote: "Naghihintay pa ako ng sagot ni Bebang Siy sa itinerary sa Dec 1. Pakiramdam ko, baka kulang sa oras. Gaano ba katagal mula Quiapo hanggang San Sebastian Church? Tapos, mula San Sebastian papuntang ..."Itay, kung mula Quiapo papuntang San Sebastian Church, malapit lang po yun kung may sasakyan, kung lalakarin naman ay mga 30mins. siguro, depende sa bilis o bagal ng paglalakad. Yung San Sebastian papuntang Malate medyo may kalayuan pag nilakad. Mas maganda siguro kung maaga talaga sa 1pm. hehe..
Sa mga a-attend ng Christmas Party sa Dec 1st:
Anong ideya ninyo tungkol sa Exchange Gift? Paano natin gagawin?

Dahil hindi pa naman sure kung ilan ang a-attend sa party, baka pwedeng magdala na lang ng gift, then bunutan na lang Itay. para sure na lahat may matatanggap. Pero syempre para fair kailangan susunod dun sa price range.Kung magkano yung price range ng gift, yun ang pagbobotohan
Mura lang naman ang mga librong Pinoy.
P200-P300? May mabibili ka nang Bob Ong, Eros Atalia, Bebang Siy, "Supot" at KikoMachine.
Paano kung meron ka na? Swap swap na lang doon?
P200-P300? May mabibili ka nang Bob Ong, Eros Atalia, Bebang Siy, "Supot" at KikoMachine.
Paano kung meron ka na? Swap swap na lang doon?
Iisipin ko pa kung magkakaroon tayo ng wish list. Sampu lang o kung yong sinasabi ng anak kong si Mara na magkakaroon na lang ng 10 libro na puwedeng pagpilian ng lahat tapos kung magkadoble o mayroon na yong makakatanggap, pasensiyahan na lang. Ipalit na lang niya doon sa wala pa. Siguro, yong mga nasa Bookay Ukay or UP Press, malamang yong makakatanggap eh wala pa noong mga yon.
Ah, mabuti't sinabi mo. Ako naman, kapag maganda, okay lang magka-doble. Ipamimigay ko rin ang kopya ko. Doon sa dinalaw naming home for streetchildren last February, gustong-gusto ng mga bata si Bob Ong. So, I don't mind getting new copies of Bob Ong books para ipasa ko sa kanila.
Sumagot na si Beverly sa plano. Busy raw sobra kaya talagang di sya agad nakasagot. Salamat ulit, Beverly.
Aayusin ko na ang final plan sa Dec 1st para makahanda na tayo. Hintay na lang in the next couple of days.
Mara anak, luwas ka na lang ng maaga. Lunch na lang tayo sa Aristocrat Roxas Blvd. Doon ko na lang ipa-park ang car. Tapos taxi tayo papunta sa Quiapo. Dahil tayo ay mag-ama, di naman kita kikidnapin. Sigurado rin na sasamahan tayo ni Po. Madali yong yayain. Di pede si Beverly ng mas maaga. May klase siya tuwing Sabado ng umaga.

Sige,sige Itay! game ako dyan! gusto ko yang maagang gumagala para makarami. haha.. egsayted na koooo!!!
Mara anak, mag-ingat ka sa pagluwas mo anak. Huwag mong kalilimutan na sumambit ng ilang panalangin habang lumalabas ng tarangkahan ng bahay kagaya ng mga aral ng saserdote ni Urbana. Matay ko pang isipi'y ang mga aral ni Padre Castro'y kahit matagal nang nasulat ay parang nangungusap pa rin sa atin sa mga panahong ito.
Beverly, kapag kami'y nagyapos dahil sa pananabik sa isa't isa'y, alam mo na kami ang mag-ama! (Biro lang Mara anak).
Wala pang napagkasunduan na presyo ng aklat. Malamang ay mura lang P200-300 para di masakit sa bulsa lalo na ng mga bata't bago pa lang nagtratrabaho. Kadalasan, walang problema sa mga estudyante pa o yong wala pang mga trabaho, nakakahingi sila sa mga magulang.

K.D. wrote: "Sumagot na si Beverly sa plano. Busy raw sobra kaya talagang di sya agad nakasagot. Salamat ulit, Beverly.Aayusin ko na ang final plan sa Dec 1st para makahanda na tayo. Hintay na lang in the next..."
@K.D. at dahil jan eh sasamahan ko nga kayo haha! dapat may bodyguard kayo diba? K.D. at Mara lalo na sa panahon ngayon diba?...basta kapag may trouble...bibilang ako ng isa.,dalawa.,takbo!..OK! hehe! joke.
Itay, huwag kayong magalala at hindi ko nakakalimutan ang mga aral na winika ni Padre Modesto. Ate Bebang eksayted na din akong makita kayo :)
Po bodyguard talaga? haha.. lalakasan mo ang bilang para makatakbo agad ako! :p
MGA AKTIBIDADES PARA SA KAUNA-UNAHAN NATING PAGKIKITA-KITA:
First Love Walking Tour with Bebang Siy and the 1st GR-PRPB Christmas Party, ika-1 ng Disyembre 2012 at 1-6pm
1:00pm QUIAPO CHURCH
- matapos magkita-kita, lalakad papunta sa bahay ng asawa ni Andres Bonifacio
1:30pm BAHAY NI ORYANG
- kung sarado, dadaan lang kasi maraming di nakakaalam nito. Pagkadaan, maglalakad papunta sa
2:00pm SAN SEBASTIAN CHURCH
- tapos sasakay ng dyip papuntang Ermita
2:30pm THE LITTLE ERMITA SIDETRIP
- paki-repaso ang mapa sa pahina 7 ng "It's a Mens World." Yon ang iikutin natin habang naglalakad.
5:00pm ARISTOCRAT MALATE
- meryenda at pahinga sa paglalakad. Pagpapakilala ng bawa't isa. Exchange gifts. Diskusyong para sa "It's a Mens World." Mga Tanong at Mga Sagot (Q&A).
6:00pm PANONOOD NG PAGLUBOG NG ARAW SA CCP
- Street games: Shake, Shake, Shampoo atbp.
- Hangout. Kuwentuhan. Tuloy ang mga nabiting Q & A.
8:00pm END
MGA DADALHIN:
1) Kamera - magaganda ang pupuntahan natin
2) Panyo, Pamaypay, Tubig
3) Pamalit na damit
4) Mga sitsiryang nabanggit sa libro
5) Mga librong pinoy na gusto na ninyong ipamigay (pang premyo sa games)
6) Yong exchange gift - P200-300 lang (paki-post ang wish list sa bagong kagagawang thread). Ako na ang bubunot ng baby ninyo.
7) Pera sa inyong pagkain (KKB).
BABALA:
1) Wag mag-jewelry.
2) Wag masyadong mamahalin ang mga dadalhin na kamera, cellphone o kung ano pang gamit.
3) Magsuot ng komportableng damit.
4) Magsuot ng rubber shoes o ano mang komportableng sapatos.
5) Magdala ng barya para sa dyip.
6) Wag magdala ng maraming pera. Ingatan ang bag at mga wallet. Maraming magnanakaw sa Quiapo at sa mga dadaanan nating lugar.
7) Baka marami tayo kaya't konting alisto. Tandaan ang mga kasama. Bilisan ang kilos para di maiwan.
Mga Kumpirmadong Kasama:
1. Bebang Siy
2. Mara Atienza
3. Diane Samson
4. Christine Gapuz
5. Clare Almine
6. Phoebe Andamo
7. Ingrid
8. K.D.
9. Po
10. Jzhun
11. Ayban Gabriyel
12. Reev Robledo
13. Berto Poblete
14. Janssen
15. BF ni Bebang Siy (hayaan na lang natin syang magpakilala)
Ganito ang mechanics ng Exchange Gift:
1) Sa kabilang thread, maglilista ka ng 10 Librong Pinoy na gusto mong matanggap.
2) Ang numero mo sa itaas ay bobolahin ko dito. Ibubunot kita.
3) Ipi-PM ko ang number na napili mo. Sakto ang numero ng lalaki't babae so, pare-parehasin na lang natin.
4) Kapag nakabili na ang mama o papa mo, sasabihin sa akin para ma-cross out ko na.
5) Kasi baka may mga miyembro rin na gustong regaluhan ka ng ibang libro sa wish list mo. Malay mo? May mga nabasa na sila at gustong iregalo na lang sa iyo ang libro nila.
Kung may tanong, pakisabi na lang dito kung tungkol sa Christmas Party. O sa kabilang thread kung tungkol sa "Ekstsange Gips."

K.D. wrote: "Tama, Mara anak. Kita tayo sa Aristocrat Malate ng lunch ha. Mga 11am andoon na kami ni Po."Sige, Itay! Kita kits po muna tayo sa Aristocrat bago tayo magpuntang Quiapo :)
yey~ naexcite naman ako. sana bukas december na jkbakit natawa ko sa babala, weird ko lang haha lalo na yung #6 wala ako niyan hihi
add ko lang yung mga dadalo ha? ;)
Oo nga, Phoebe. Napansin ko rin mali spelling ko "Babala" sa halip na "Pabala." Inisip ko kasi bakit ka natawa. Kasi obvious yang mga yan. Kaso, alam mo na, maigi na yong pinapaalalahan ang mga bata. Tatay mode lang.
Di pa ako nakakita ng kulay ng mens. I mean ng shade. Nakakita na ako noon ng pasador ng ate ko pero parang iba't ibang shade. Parang mag buo-buo na darker kaysa sa hindi. Pasingtabi sa mga kumakain.
K.D. wrote: "Di pa ako nakakita ng kulay ng mens. I mean ng shade. Nakakita na ako noon ng pasador ng ate ko pero parang iba't ibang shade. Parang mag buo-buo na darker kaysa sa hindi. Pasingtabi sa mga kumakain."gross. :P pero dugo ito, mahirap idescribe and kulay ng dugo. basta dugo. anyway, sorry, di ako makakapunta sa trip na ito. [one kasi Christmas chuchu ito, bawal; second kasi wala akong pera; third kasi busy ako] pero kwentuhan nyo ko ah!
Hello, Lyn, mami miss ka namin! KD kadiri as in kulay talaga ng mens hahahahahahaha josko wag mo na pangarapin makakita ng nasa pasador/napkin at talagang unforgettable. meron pa kaya tayong nakalimutang ipagbilin or sabihin? basta kung may tanong, itanong na yeba
Beverly wrote: "Hello, Lyn, mami miss ka namin! KD kadiri as in kulay talaga ng mens hahahahahahaha josko wag mo na pangarapin makakita ng nasa pasador/napkin at talagang unforgettable. meron pa kaya tayong naka..."
Ate Bebang, ewan ko ba kay Itay, talagang kulay mens pa ang sinasabi. Haha. Iba kaya kulay nun! Eeewww.. Hahha
Sa mga sasali sa Christmas Party na gustong sumabay:
Meeting Place
McDo, QC Avenue MRT Station
Along EDSA, in front of Eton Centris
10:00am sharp
1) Po
2) Diane
3) Ayban
4) Jzhun
5) Janssen
then iikot kami sa Philcoa
10:30am sharp
6) Paolo
then labas ulit sa EDSA, diretso sa Pasay labas na ng Roxas Blvd.
11:30 Aristocrat Malate
7) Mara
Doon na kami magtatanghalian. Alis ng 12:00 noon para pumunta sa Quiapo. Magta-taxi na lang mula roon.
Paki-sabi kong may gusto kayong samahan na meeting place o kung gusto ninyong daanan ko kayo.
8)
May isa pang bakante going to Aristocrat. Sa taxi, going to Quiapo, first come, first serve na lang. Mag-separate taxi ang apat.

Books mentioned in this topic
Mga Agos sa Disyerto (other topics)It's a Mens World (other topics)

Ito rin ang pinakauna nating meet up bilang nagsisimulang book club. Ito na rin ang ating Christmas Party.
So far, 8 pa lang ang nagsabing "YES, a-attend ako." Yong iba, "MAYBE" (malamang nakikiramdam). Wala namang kaso kung 8 lang. Madaling pakainin at madaling aliwin ang 8. Pero lagi nang mas masaya kung marami.
May suggestions o mungkahi ba kayo para sa mga aktibidades? Puwedeng mag-attend kahit di pa nabasa o natapos ang libro. Yon lang nga di kayo masyadong makaka-relate pag nagkuwento na si Bebang Siy.
Hintay ko ang reaksyon ninyo.