Pinoy Reads Pinoy Books discussion

Smaller and Smaller Circles
This topic is about Smaller and Smaller Circles
81 views
ABSBYNGPGBBSNGAKLT > Smaller and Smaller Circles by F. H. Batacan - January 2013

Comments Showing 51-55 of 55 (55 new)    post a comment »
« previous 1 2 next »
dateUp arrow    newest »

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments yehey! Congratz Kuya Doni. anung next natin?


Cecille (cecillemd) | 27 comments Habol-habol din ako sa review kahit tapos na sa kanyang review si KD...

ika-limang araw: Chapter XXI to XXV

Bago na ang paborito kong yugto - XXI. Ewan ko ba, naantig ang damdamin ko sa turon ni Lolita. Ngayon ko lang natanto ang kahulugan ng turon - ang pagsisikap at pagmamahal na napupunta sa bawat piraso, ang mga pangarap na inilalakip dito; pangarap na mairaos ang isang araw, at ang mas matayog na pangarap na sa pagtitinda ng turon, maaaring mapagtapos ng pag-aaral ang anak at maiahon ang pamilya sa hirap balang araw... I will never look at turon the same way again, ika nga. (Haha, ang drama.)

Hindi ko naisip na history ng sexual abuse pala ang dahilan ng pagpatay ni Alex sa mga bata. Ang akala ko, may physical deformity o disability ang mamamatay-tao kaya may paranoia siya at ayaw niyang tinitingnan siya ng ibang tao, at kaya niya binabalatan ang mukha ng kanyang biktima ay dahil sa inggit at galit.

May hindi lang pala ako nagustuhan sa naunang yugto, chapter XX -
"For someone who hasn't had a college education, he was widely viewed as a decent and sensible man." (page 103)
Elitist ang dating sa akin. Hindi ako sang-ayon dahil tingin ko hindi lang edukasyon ang batayan ng pagiging isang desenteng tao. May mga hindi nakapagtapos ng elementarya na matitinong tao, at mayroon namang may graduate degree pero walang pakundangang nanlalamang sa kapwa (tingnan na lamang ang ating mga politiko).


Cecille (cecillemd) | 27 comments huling araw!: Chapter XXVI to XXX

Domine. Dirige. Nos.
Lord, guide us.

Tingin ko, ayos lang ang aklat. Ang nagustuhan ko dito ay ang pagka-Pilipino nito - hindi lamang sa setting, kung hindi pati ang paglarawan sa mga tauhan lalo na sa common tao - ang taumbayan, ang mamamahayag, ang pulis, ang kawani ng gobyerno...

Pero hindi ko ito maire-rekomenda sa mga exposed sa banyagang mystery novel. Sa chapter VI pa lang nahulaan ko na na ang dentista ang mamamatay-tao. Ilang beses kasi binanggit ang masakit na ngipin ni Father Saenz at pagkatapos ay binanggit ang medical-dental van na bumibisita sa Payatas. Kahit hindi pa lumabas sa parteng iyon ang motibo, ipinakita na ang oportunidad na pumatay (nasa Payatas linggo-linggo, at walang maghihinala na ang tumutulong ay siya ring nananakit), at ang skill na kailangan sa pagpatay (pagiging bihasa ng dentista sa paggamit ng mga matatalim na instrumento). Kaya maaga pa lang nawala na ang suspense para sa akin.

Si Father Saenz ang paborito kong tauhan, sapagka't siya ang nagpakita ng puso. Pakiramdam ko kasi hindi ko lubusang nakilala ang ibang tauhan, tulad ni Father Lucero at ni Alex. Sa aking nabasa, tingin ko cold-hearted si Joanna, iyong tipong gagawin ang lahat upang makuha ang gusto. Naisip ko tuloy, kung nabigyan pa kaya ang may-akda ng maraming pahina upang i-flesh out ang kanyang mga tauhan, mas magugustuhan ko kaya ito?

Salamat, Po at KD, for the company sa pagbasa ng aklat na ito. Looking forward din ako sa susunod na sabayang pagbasa, pero naka-lineup na kasi ang mga aklat ni F. Sionil Jose sa mga susunod na buwan...


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments wow! Cecille sang-ayon ako s amga nabanggit mo.

Kaya pala sa tuwing pupunta si alex sa Payatas ay may namamatay. Tsk! tsk! hindi ko agad naisip iyon hehe!

Nagustuhan ko rin ang turon hehe! Naalala ko iyong pinaghuhugutan ng inggit at galit ni Alex. May binabanggit si Freud tungkol sa mga ganyan.

Paborito ko rin si Saenz. At iyong mga eksena na ma-hook ka talaga.

Salamat Cecille at KD, buti na lang may kasabay akong nagbasa para lalo ko siya maintindihan.


message 55: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ganda ng mga pahabol mo, Cecille. Natapos ko ito kagabi at ngayon ay ang mga short stories ang binabasa ko at nagsisimula na akong mag-move on. Pero paborito kong tauhan ay si Jerome kasi nasaktan sya doon sa huli. Kawawa naman hahaha.

Sa Feb 1st ako magsisimula ng F. Sionil. Iisa-isahin ko lahat ng libro nya at tatapusin sa taong ito. Kasihan nawa ako ng Maykapal (na makatapos) hahaha.


« previous 1 2 next »
back to top