Pinoy Reads Pinoy Books discussion

184 views
Kahit Ano > Mga Blogs

Comments (showing 1-50 of 236) (236 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5

message 1: by K.D., Elder (last edited Oct 22, 2012 02:05PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Napansin ko, marami sa atin ang may mga blogsites. Siyempre, gusto ninyong i-share sila para naman mabasa. Kaya ginawa ko itong thread na ito para dito ninyo ilagay ang mga links. Huwag mag-atubili. Pinagpapaguran yan. Kahit hindi Pinoy books ang laman ng blog, okay lang.

Meron din ako. Pero sobrang di name-maintain kaya di ko na lang ilalagay muna.


message 2: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments ....Naghihintay sa magpopost :)


message 3: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hullo sa lahat!

Ayos ang timing ng pagkakaayos ko ng blog ko kani-kanina lang. Nagbago po kasi ako ng theme.

Dark Chest of Wonders po ang pangalan ng aking blog at narito ang aking url address:
http://darchwonders.wordpress.com/

Bukas po ako sa mga komento at puna ninyo.

Tara kaibigan, usap tayo... sa blog ko! :D


message 4: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maganda rin ang pisi ng usapan na ito para ma-update ko ang aking blogroll at ilagay ang ilan sa mga kaibigan at mimyembro ng PRPB. :)


message 5: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Jzhun, salamat sa panimulang post. May pumansin din.


message 6: by Rise (new)

Rise Jzhun, tagasunod na rin ako ng Dark Chest. Salamat uli.

Ang sa akin ay matatagpuan sa http://booktrek.blogspot.com/

Karamihan sa mga review ko dito sa GR ay nacross-post ko din dun.


message 7: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 155 comments Bagong interbyu!

Nakapanayam ko si John Mike Lu, illustrator at colorist ng Polyhedron Comics.

http://reevwrites.wordpress.com/2012/...


message 8: by Bethany (new)

Bethany  (Book Noy) | 1028 comments wow! nice one Reev. Bigtime!...gawa na tayo ng fans club ni John Mike Lu at sa mga bagong gustong maging illustrator!


message 9: by Rise (new)

Rise Great interview, Reev.


message 10: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Para sa mahilig sa Young Adult literary works at literature for children eto ang blog ni Miss Tarie Sabido, blog writer at reviewer ng mga nabanggit na forms: http://asiaintheheart.blogspot.com/


message 11: by Rise (new)

Rise Mga interesanteng blogs pa na may interview:

anik-anik love
http://anikaniklove.blogspot.com/sear...

On the Flipside
http://flipsidepublishing.wordpress.com/


message 12: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Bebang at Ryan, ganda ng links. Salamat. Mauubos ang maghapon ko kung iki-click ko lahat at babasahin. Dami nila!

Nag-enjoy ako ng sobra sa transcript ng interview with Sionil. Nakakatuwa siya kapag verbatim ang interview. I mean, minsan sa dyaryo, ina-translate sa English ang buong text.


message 13: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 155 comments Prelude to my first full-length novel. Coming this December.

http://reevwrites.wordpress.com/2012/...

Please be kind. :-D


message 14: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments For poems, essays, short stories and whatevers.

www.pagexero.wordpress.com


message 15: by Rise (new)

Rise Reev wrote: "Prelude to my first full-length novel. Coming this December."

That is cool, Reev.


message 16: by Rise (new)

Rise nik, salamat sa pag-share ng writings and whatevers.


message 17: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 155 comments Ryan wrote: "Reev wrote: "Prelude to my first full-length novel. Coming this December. http://reevwrites.wordpress.com/2012/...

That is cool, Reev."


Salamat Ryan!


message 18: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Salamat sa pagbabahagi ng mga links, Reev at Nik.

Nawa'y maging matagumpay kayong manunulat. Huwag sana kayong magsasawang ibahagi sa ating mga kasapi sa pangkat na ito ang anumang ipinagmamakapuri ninyo.


message 19: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Reev wrote: "Prelude to my first full-length novel. Coming this December.

http://reevwrites.wordpress.com/2012/...

Please be kind. :-D"


Bitin... Hehe! But its a promising start! :)

Eto yung gusto ko na line.

"He followed the beating of his heart and gave in to the pain and its grip on his life. He surrendered to the truth."


message 21: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments Ryan wrote: "nik, salamat sa pag-share ng writings and whatevers."

np


message 22: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Nik, not found yong 3rd link.


message 23: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Walang anuman, Reev. Mahusay ka palang magsulat.


message 24: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Walang anuman, Sir Reev! Aabangan ko yan.

At yung hindi nio inaakala na mapapansin, yun pa ang napansin ko. Yan po kasi yung tumatak na linya sakin :)


message 25: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments K.D. wrote: "Nik, not found yong 3rd link."


it's okay na:) salamat.


message 26: by Lyn Liza (new)

Lyn Liza (elaineandbiting) http://dreamworthkeeping.blogspot.com
---hindi ko masyadong name-maintain yan kasi busy sa school, pero mostly reviews lang yan. pag may naligaw na page dyan, malamang iyon ang ligaw na first draft ng NaNoWriMo entry ko ngayong taon.


message 27: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Thanks for sharing your blog site, Lyn. Nice review for The Little Prince. It's a Pinoy book (since it has been translated to Filipino).


message 28: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 155 comments K.D. wrote: "Walang anuman, Reev. Mahusay ka palang magsulat."

Naku, K.D. Maraming salamat!
Katuwa rin lahat ng mga nag post ng blogs nila. :-D


message 29: by Jim (new)

Jim Agustin (Jim_Pascual_Agustin) | 88 comments eto ang sa akin - www.matangmanok.wordpress.com

may essays, poetry drafts, at blah blah... :P


message 30: by Rise (new)

Rise Salamat sa link, Jim. At congrats sa pagkapasok sa Modern Poetry in Translation.


message 31: by Jim (new)

Jim Agustin (Jim_Pascual_Agustin) | 88 comments Ryan wrote: "Salamat sa link, Jim. At congrats sa pagkapasok sa Modern Poetry in Translation."
Uy, may bumisita! :)

Ryan, kinukulit ko ang mababait na editors ng Modern Poetry in Translation at ang website editors ng Poetry International... para magkaroon ng "presence" ang Philippine poetry. Kung successful ako sa Poetry International ay baka magka-feature ang Pilipinas. If you know of good contemporary poets in Filipino or other dialects, send me some. Subukan kong isalin at ipadala. There are more journals/ezines na puwedeng padalhan, but I also have my own limitations.


message 32: by Rise (new)

Rise Magandang initiative yan, Jim. Kahit sa online translation magazine na Words Without Borders wala pa kahit Pilipinong na-feature, poetry man o fiction. Ang totoo kakaunti pa lang ang nababasa kong makata sa Filipino.


message 33: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, Ryan, try mo ang panitikan.com.ph pakalat kalat ang mga makata diyan hahahaha try mo rin po ito google dalityapi, mga makata rin ang nandiyan...


message 34: by Jim (last edited Nov 05, 2012 08:52AM) (new)

Jim Agustin (Jim_Pascual_Agustin) | 88 comments Ryan wrote: "Magandang initiative yan, Jim. Kahit sa online translation magazine na Words Without Borders wala pa kahit Pilipinong na-feature, poetry man o fiction. Ang totoo kakaunti pa lang ang nababasa kong ..."

Check out Rhino Poetry - nariyan kami nina Cirilo F. Bautista, Jose Reyes, Eric Gamalinda at Rio Alma ... naku sino pa nga? hehehehe. http://rhinopoetry.org/the-journal/pa...

There's Our Own Voice - Filipino-expat sort of. :)


message 35: by Maria Ella, Moderator (last edited Nov 05, 2012 12:40PM) (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
makikisabat: nahihiya ako. pero ito yung akin. :)
Markings of a Dreamer


message 36: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Ella, maganda naman a.


message 37: by Maria Ella, Moderator (last edited Nov 05, 2012 01:26PM) (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 726 comments Mod
Nahihiya ako kasi minsan ko na lang siya kalikutin at bigyang-pansin. Baka may mga grammar lapses pa na hindi ko sure kung nailimbag ko na.


message 38: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Okay lang ang grammar lapses. Natural lang yon. Wag lang yong over-over.


message 39: by Rise (new)

Rise Salamat sa links, Beverly at Jim! Mabuti naman at marami-rami pala ang pakalat-kalat nating poets. hehe.


message 40: by Rise (new)

Rise At narinig ko pa talaga ang boses mo, Jim.


message 41: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Alam mo bang na-meet na namin si Jim in flesh?


message 42: by Rise (new)

Rise Nice, K.D. Naghihintay nga ako magkakopya ng mga libro ni Jim sa bookstore, pero wala pa.


message 43: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Marami pang kopya dito sa Maynila. P400 ang isa. Si Jim yata ang isa sa may pinakamahal na mga libro ng tula.


message 44: by Jim (new)

Jim Agustin (Jim_Pascual_Agustin) | 88 comments hahaha, KD, in the flesh? more like in the skin and bones. hahaha. at saka compare mo naman ang production quality ng mga aklat ko - hindi ba parang international? hahahaha. hardsell.

Ryan, I will ask around for you. Kung nariyan lang ako I could send you sana a signed copy pa. :)


message 45: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Hindi ko naman kinukuwestiyon ang quality, Jim. Para sa akin, the best pa rin ang mga libro mo. Maihahambing ko kay Edgar Allan Poe (most recent read poet). 'Kaw na!


message 46: by Jim (new)

Jim Agustin (Jim_Pascual_Agustin) | 88 comments Hahaha KD! wow naman! Poe? :)
hayaan mo, mas manipis ang new books kong ilalabas ng UST Publishing House. sana mas mura. :)


message 47: by K.D., Elder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6582 comments Mod
Itapat mo sa sale: Dec 3-20 yata. Pupunta kami roon sa UST para may discount. :)

Kulang ka lang sa inspirasyong mga babae. Si Poe, sa mga nabasa ko last weekend, puro may tungkol sa mga girlfriend niya ang mga poems. Mukhang playboy yang si EAP. Siguro ganoon talaga ang mga makata ano?


message 48: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Jim Pascual Agustin wrote: "Hahaha KD! wow naman! Poe? :)
hayaan mo, mas manipis ang new books kong ilalabas ng UST Publishing House. sana mas mura. :)"


Kuya Jim, pwede mo ba ako regaluhan ng signed copy ng ilalabas mo na libro? hehe.. Sana nandito pa ko sa Pinas pag inilabas ito ng UST Publishing House.


message 49: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Marami pang kopya dito sa Maynila. P400 ang isa. Si Jim yata ang isa sa may pinakamahal na mga libro ng tula."

Saang bookstore meron nito, Daddy K.D?


message 50: by Rise (new)

Rise Jim Pascual Agustin wrote: "Ryan, I will ask around for you."

Naku, Jim, maraming salamat. Kapag wala man ay maghahanap ako sakaling maligaw sa mga kuko ng Maynila.


« previous 1 3 4 5
back to top