Pinoy Reads Pinoy Books discussion

F. Sionil José
This topic is about F. Sionil José
173 views
Mga Maestro ng Ating Panitikan > F. Sionil José (2013: Taon ni Sionil José sa PRPB)

Comments Showing 51-100 of 164 (164 new)    post a comment »

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments PM sent, Jzhun!

Maraming thanks!


message 52: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Tignan niyo guys, ang Solidarida Bookshop noon...




message 53: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Parang ganooon pa rin! Pati ang store signage.


message 54: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Update ko yung mga nabasa ko mula kay Daddy Frankie. May nagtanung kasi nung isang araw lang kung ilan na daw nabasa ko mula sa kanya.

Mga nabasa ko na
Po-on (Dusk)
Tree
My Brother, My Executioner
The Pretenders
Mass
Gagamba
Ermita
Sin
Ben Singkol
Sherds
Three Filipino Women

The God Stealer and Other Stories
Waywaya: Eleven Filipino Short Stories
Olvidon and Other Stories
Puppy Love and Other Stories
The Molave and the Orchid and other Children's Story

Ayun, pero marami pa rin akong hindi nababasa sa kanya. Hahaha!


message 55: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Huh, sinong nagtanong? Pinagdududahan ka? Hahaha! :D
Batid naman namin (mga kaibigang nakausap mo) na ikaw ang ultimate fan ni Manong Frankie. :)


message 56: by Rise (new)

Rise Mahaba-haba pang oras ang kailangan naming bunuin para lang mangalahati ng nabasa mo, Ayban. Pero taon naman ito ni FSJ kaya baka mabasa pa namin ang ilan sa listahan mo, bukod sa 5 Rosales novels.


message 57: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, ang plano ko ay basahin LAHAT ng available na libro ni F. Sionil sa taong ito.

Kaso, busy ako ngayong linggong ito kaya't kahit pagre-reread ng "Po-On" ay di ko pa maharap. Ngayon weekend, hahabol ako.


message 58: by Rise (new)

Rise K.D., ako naman interesado sa ilang mga nobela.

No pressure sa paghahabol sa Po-on.


message 59: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Thank you for understanding, Rise. Basta hahabol ako tonight (sa pagbabasa).


message 60: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments jzhunagev wrote: "Huh, sinong nagtanong? Pinagdududahan ka? Hahaha! :D
Batid naman namin (mga kaibigang nakausap mo) na ikaw ang ultimate fan ni Manong Frankie. :)"


Haha, si Ingrid nagtanung nun, tinanung kung ilan na ang nabasa kong Sionil, nahirapan akong sumagot kasi hindi ko kabisado lahat ng Titles ng book nya, tapos ayun, naalala ko ang thread na 'to. Hehe.


message 61: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Sa mga fans ni Manong Frankie, siya ang Man of the Month ngayon sa Jan-Feb issue ng Playboy Philippines. Mayroon siyang interview. Kaso, para generic ang dating sa akin, kasi alam ko na halos 'yong ibang mga naitanong sa kanya. Well, siguro ang nais ng nagsulat na maging introduction ito ng magbabasa sa kung sino nga ba si F. Sionil José.

(Pasubali: Mas gusto ko pa ang panayam ni Charlson Ong na nabasa ko sa Likhaan 5; mas insightful ito sa aking opinyon.)

Isang bahagi na nagustuhan ko sa nasabing interview nang sabihin ni Manong Frankie na may isinusulat siyang bagong nobela, tentatively titled Esperanza (Juday, ikaw ba yan?!), na inspired ng isa sa mga aklat na may malaking bahagi sa kanyang pagkamanunulat, ang My Ántonia ni Willa Cather. Yey! L(^_^L) *double fist pump*




message 62: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kakatakot namang makaharap sa totoong panayam si Tatay Frankie hahaha. Kailangan matalino ang tanong hahaha.

Rise, kaya mo yan! Gohw!!!


message 63: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Sa mga fans ni Manong Frankie, siya ang Man of the Month ngayon sa Jan-Feb issue ng Playboy Philippines. Mayroon siyang interview. Kaso, para generic ang dating sa akin, kasi alam ko na halos 'yong..."

Playboy ba kamo, jzhun? Sold.

Nakalimutan ko yung interbyu na yun sa Likhaan, ah. Di ko pa nabasa. Teka, mabasa nga.

Yung 'Tree' din daw naimpluwensyahan ng nasabing nobela ni Willa Cather.


message 64: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Kakatakot namang makaharap sa totoong panayam si Tatay Frankie hahaha. Kailangan matalino ang tanong hahaha.

Rise, kaya mo yan! Gohw!!!"


Ah eh, first question, Manong Frankie: What interview question do you always look forward to answering?


message 65: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Rise wrote: "Playboy ba kamo, jzhun? Sold.

Nakalimutan ko yung interbyu na yun sa Likhaan, ah. Di ko pa nabasa. Teka, mabasa nga."


Ngayon lang ako nakabili ng issue ng Playboy Philippines (Asssusss!). Masyadong cop out ang bersyon sa atin — (view spoiler)

May nada-download na Likhaan 5 sa et, Rise. D'yan ko nakuha 'yong akin. Search-search mo lang. Kung di rin ako nagkakamali, ang parehong isyu ay may panayam din kay Lualhati Bautista na isinulat ni Luna Sicat-Cleto. :)


message 66: by Rise (new)

Rise Ito yung link sa Likhaan 5. http://icw.kal.upd.edu.ph/Documents/J...

Nabanggit ko na dati sa message #17, nakalimutan ko lang hehe.


message 67: by Rise (last edited Feb 26, 2013 11:02PM) (new)


message 68: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Dahil taon ni FSJ ngayon, kukumpletuhin ko lahat ng libro nya!!!


Dear God,

Bigyan niyo po ako ng madaming pera para may maipambili ako. Hihihi.




message 69: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Kukumpletuhin natin. Iisa-isahin ang mga libro niya sa buddy read. Pamumunuan namin ni Rise ang page-engganyo na gawin yon. Tapos later this year, kapag dumalaw si Rise dito sa Maynila, magse-set ulit kami ng appointment kay F. Sionil para sa mahabang talakayan tungkol sa lahat ng libro nya.

Sa ganang akin, ang mga akda ng mga Pambansang Alagad ng Sining ay angat sa iba. Mas importante. Kaya't dapat silang pahalagahan. Dapat basahin ng mga Pinoy na nagmamahal sa sarili nitong panitikan.


message 70: by Rise (new)

Rise Hwoooh. Andaming sinulat si FSJ. Good luck sa pagkumpleto, Biena at K.D. Ano ba ang magandang isunod nating basahin pagkatapos ng Rosales saga?


message 71: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ermita, Sin, Gagamba, Vibora. Kahit alin dyan gusto kong isunod.


message 72: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^^ Kaya nanghihingi ako ng pera kay God. Hahaha. Sana madaming dumating na trabaho at mga sponsorship at kung anu-ano pa para masuportahan ko ang challenge na ito.

May apat na akong libro. Huhulihin ko ang Rosales saga sa mga kukumpletuhin ko, pero baka magbago pa ang isip ko hahaha


message 73: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pangatlong F. Sionil ko itong "Tree" at so far, gusto ko syang magkuwento. Twice kong nabasa ang "Po-On" at ito yong book na parang naggro-grow sa loob mo habang lumilipas ang panahon.

Pangalawa yong "Molave and the Orchid and Other Children's Stories." Maganda yong mga kuwento roon.

Desidido akong basahin ang lahat ng F. Sionil. Tinggin ko, kaya ko yan bago matapos ang taon. Mabilis lang basahin ang Rosales saga. May buddy read lang kaya di ko gustong basahin ng dire-diretso. Tsaka mas enjoy pag may kasabay magbasa. It takes more time, pero mas masaya kasi I really pay attention to the details at iisipin ko pa yong gusto kong i-share sa thread.


message 74: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^ Ako din, Kuya Doni. Feel na feel ko ang pagbabasa ng mga libro ni FSJ. Parang pakiramdam ko, yung hinahanap hanap kong idolo buong buhay ko ay natagpuan ko na.


message 75: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments jzhunagev wrote: "Sa mga fans ni Manong Frankie, siya ang Man of the Month ngayon sa Jan-Feb issue ng Playboy Philippines. Mayroon siyang interview. Kaso, para generic ang dating sa akin, kasi alam ko na halos 'yong..."

Huhuhu. I expect intelligent questions. Kaya nga takot na takot ako mameet sya. Parang manliliit ako.


message 76: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, anong pagkakaiba ang "Two Filipino Women" at "Tree Filipino Women?" Dinagdagan lang ba ng isang kuwento yong "Three?"

26 pala lahat ng libro ni F. Sionil. 3 pa lang ang nababasa ko. May 23 pa na dapat tapusin sa taong ito. Dapat maka-3 ako bawa't buwan hahaha.


message 77: by Rise (new)

Rise Ganun nga yata, K.D. Each contains two and three novellas, respectively. Yung isang novella sa TFW ay naka-incorporate din sa Ermita.


message 78: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama. Pagkatapos ko nga nitong "My Brother, My Executioner" puwede ko na ring i-review ang "Don Vicente" at i-tag as "read" yong libro haha. Tapos pagtapos ko na pareho ang "The Pretenders" at "Mass" counted na read na rin ang "The Samsons." Makakarami na ako dito sa plano kong maging completist ni F. Sionil hahaha.


message 79: by Rise (new)

Rise Hardcore. Pwede nga yon pag omnibus editions. Ang alam ko ni-release din ang Rosales saga ng isang volume, pero out of print na yung aklat na yun.


message 80: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments KD: Ako din gusto kong maging completist! So far, malapit na ako makatapos ng apat! Bibili ako ng Ermita at isa pang libro mamaya. Basta kailangan maka-pito ako bago kami magkadaupang palad!


message 81: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Makapag-recap nga:

NOVELS
The Rosales Saga:
Po-on (Dusk) - READ
Tree - READ
My Brother, My Executioner - READ
The Pretenders - READ
Mass - READ

Don Vicente (Tree & My Brother, My Executioner) - READ
The Samsons (The Pretenders & Mass) - READ

Gagamba - TBR
Ermita - CURRENTLY READING
Viajero - TO BUY
Sin - TBR
Ben Singkol - TO BUY
Vibora - TO BUY
Sherds - TO BUY
The Feet of Juan Bacnang - TBR

NOVELLA
Three Filipino Women - TO BUY

SHORT FICTION
The God Stealer and Other Stories - TO BUY
Waywaya: Eleven Filipino Short Stories - TBR
Olvidon and Other Stories - TO BUY
Platinum: Ten Filipino Stories - TO BUY
Puppy Love and Other Stories - TO BUY
F. Sionil José: Short Stories - TO BUY
Asian PEN Anthology (editor)- TO BUY
Short Story International (SSI): Tales by the World's Great Contemporary Writers (co-author) - TO BUY

CHILDREN'S STORIES
The Molave and the Orchid and Other Children's Stories - READ

VERSE
Questions - TO BUY

DRAMA
Two Plays: Muse and Balikbayan - TO BUY

NONFICTION
In Search of the Word - TO BUY
We Filipinos: Our Moral Malaise, Our Heroic Heritage - TO BUY
Soba, Sensei and Shibuya: A Memoir of Post-War Japan - TO BUY
Gleanings From a Life in Literature - TO BUY
Literature and Liberation (co-author) - TO BUY
To the Young Writer and Other Essays - TO BUY
Why We Are Poor - TBR
Why We Are Hungry - TBR

Read: 8
Currently Reading: 1
TBR: 6
To Buy: 20

Read: 8/35 = 23%

Wala pang 1/4!!! :(


message 82: by Rise (new)

Rise K.D., idagdag mo pa: The Rosales Saga (1998). 5 volumes in one yata ito, pero out of print.


message 83: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kuya D., di ba naibili na kita ng Three Filipino Women? Naisabay ko noong binili rin kita ng Waywaya: Eleven Filipino Short Stories? At signed 'yon. :)


message 84: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Meron na akong Viajero! :D


message 85: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, nawala na sa isip ko.

Rise, wala pa akong nakitang kopya eh.

Ella, next na naming babasahin ang Viajero. Sali ka ha.


message 86: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Yes PLEASE! i shall try to jot some notes kasi ang pagababasa ko ay base sa workload. :)


message 87: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Sasali po ako sa Viajero! :) Pati sa Ben Singkol. :D Feeling ko magugustuhan ko yun kasi sobra ko nagustuhan yung Vibora. :D

35 pala lahat! Ano ba yan! 31 to go! :D


message 88: by Apokripos (last edited Apr 05, 2013 08:59PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Speaking of Ben Singkol, may bagong reprint na ito ngayon, bago na rin ang cover: puti tapos may mga pictrure ng mga ruins ng mga nasirang building noong WW2 na Battle of Manila ata ang setting.

Pero parang may gusto ko pa rin yung dilaw na may flower kasi 'yon yung edtion na partially na binasa (at di na naituloy) noong high school. :)


message 89: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Ella at Biena. Sige, ituluy-tuloy lang natin ang pagbabasa ng F. Sionil at matatapos din nating lahat yan. So far naman, di ako nagsasawa. :)

Jzhun, salamat sa impormasyon :)


message 90: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^KD, ako din. Nakakagulat kasi di ako nagsasawa. Normally, di ko kaya magmarathon ng isang author. Mga 3 books tapos hiatus ulit. Ngayon ko lang kinaya na sunud-sunod talaga.


message 91: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Biena, tama. Itinitigil ko ang "Ermita" para sumunod sa rules ng pagbabasa (hintayan sa buddy reading) pero di ko mapigilan na mandaya ng pailan-ilan na pages.


message 92: by Elisha (new)

Elisha Natsume (elishanatsume) | 6 comments Marami na akong nabasang libro at short stories ni Sionil. Palagi rin ako nagpupunta sa bookstore niya mismo sa Faura para bumili at magpasign ng libro. Nakakatuwa na may mga taong nagbabasa ng mga Filipiniana. Karamihan sa mga nagbabasa ouro banyagang manunulat ang pinipili kaya madalas wala sa mga komersyalisadong bookstore ang mga Filipiniana.

Anyway, maganda ang mga akda ni Sionil, kung matatapos niyo ang saga at ang iba pang nobela o short stories, may mga personang umuulit ng paglabas sa ibang mga kwento, sa iba't ibang perspektiba. magaling din ang paksang umiinog sa historical fiction ukol sa bansang Pilipinas.

(naki-komento muna ako, sa nobya ko itong account :D)


message 93: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hello Nobya!

Fan na fan ako ni FSJ! Gaya mo, sa Solidaridad Bookshop ko rin mismo binibili ang ilang mga libro niya. Suporta na rin, kasi kung sa NBS nakikihati pa ang Kapitalista sa dapat sana'y kikitain niya.

Kasalukuyang sabay-sabay na binabasa ng mga kakweba ang Ermita: A Filipino Novel.

Nobya, sali ka! :))


message 94: by K.D., Founder (last edited Apr 12, 2013 06:22AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa nobyo ni Elisha:

Sumapi ka sana dito sa PRPB para makapalitan ka talaga namin ng mga kuru-kuro.

May nakapagsabi nga niyan. Iyang recurring characters ni F. Sionil Jose. Sa Rosales saga, bilang isang saga, talagang may recurring characters.

Kaso di pa kami nakakalampas sa Ermita dahil naghihintayan pa. Ang narinig ko ay si Pepe Samson sa "Mass" ay lalabas briefly sa "Viajero." Isusunod namin yon sa "Ermita" ng kasalukuyan naming bina-buddy read.

Yong mga names, nauulit. Yong "Dalin" na nasa "Po-On" ay ginamit ding pangalan sa "Dalipawen" na short story for children. Yong "Orang" na nasa "Po-On" din ay ginamit ding pangalan ng karakter sa "Ermita." So far, yon pa lang.

Nage-enjoy ako so far sa pagbabasa. Kahit tuluy-tuluyin hindi nakakasawa ang prosa ni FSJ.


message 95: by Elisha (new)

Elisha Natsume (elishanatsume) | 6 comments Hindi ako nobya. Nobya ko si Elisha. Ako si Aj Garchitorena. Maganda yang Ermita. Kung nagtatrabaho ka na, o kumikita ng pera, magbabago ang perspektiba mo sa pagkita ng pera. haha!

Gusto ko rin ang pagka-satire niya. Kasalukuyan kong binabasa ang Viajero at Sherds. Di ko pa tapos pareho. Haha!


message 96: by Elisha (new)

Elisha Natsume (elishanatsume) | 6 comments Hindi lang sa Rosales Saga, kundi sa lahat ng mga isinulat niya. Palaging may kuneksyon kahit sa short stories. Kung babasahin mi ang Viajero may characters doon na nasa mass (Pepe Samson) at iba pa halimbawa sa Ermita, may isang short story sa Three Filipino Women na tila isang kwento mula sa Ermita na mula sa ibang karakter, sa ibang perspektiba. at iba pa.

At, oo. Nagdodownload na si Elisha ng app sa ipad ko ngayon. lol. Salamat sa imbitasyon.


message 97: by Elisha (new)

Elisha Natsume (elishanatsume) | 6 comments Bigyan niyo ng pansin ang minor characters. Kahit ang mga Cobello sa Dancing on Fire (short story), ay mababanggit bilang isang pamilyang prominente sa ibang kwento. Sa gGagamba ay mababanggit ang Camarin at si Didi Reyes ng Ermita. At iba pa. Di ko nabasa comment mo, na excite ako. ;)


message 98: by K.D., Founder (last edited Apr 12, 2013 06:29AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
AJ (ang nobyo ni Elisha):

Ha! Lampas ka na sa Kabanata 9 dahil kumikita na roon si Ermita pero hindi pa nakakapagpabago sa perspektiba ko ng pagkita ng pera. Biglang yaman kasi siya roon dahil sa taga-Indonesia. Sino ba ang pinapatamaan dito ni FSJ? Si Sukarno? Yong corrupt na babaero na kasabayan ni Presidente Marcos? May bad breath? hahaha

Si Biena pa lang ang alam kong nakabasa na ng Sherds. At dala-dalawa ang magkasabay mong FSJ? Di ka nalilito?


message 99: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Sa pagkakaalam ko, ang "Ermita" ay nobella lang talaga, na ginawa lang ganap na nobela. At nauna itong nobella at maipublish kesa sa Ermita.


message 100: by Elisha (new)

Elisha Natsume (elishanatsume) | 6 comments Tama si Ayban. Mahilig siya tumesting ng trabaho. Minsan parang excerpt na short story muna tapos magiging isnag chapter na kapag nagkataon, binabasa ko kasi ang ilang nites sa mga lumang libro na may kasali siyang short story.

KD, oo, di naman ako nalilito. Di naman talaga sabay, oero kaoag nagsawa ako sa isa, yung isa naman, at maraming libro rin in between. Di naman nasisira ang aesthetic experience. pang-motivate. 2009 ko pa yata yan natapos, pati mga short stories, ang saga at ang essays tapos nagbabasa parin ako hanggang ngayong mga panahon na ito. Kahit ulitin ko di nakakasawa. Ang plot din niya umuulit, so much to say about Sionil's biography. Sa Linggo baka pumunta kami ni Elisha ng Rosales. I can try to post photos of whatever to find there.

Basahin niyo ang paborito ko, ang waltz. :)


back to top