Pinoy Reads Pinoy Books discussion

F. Sionil José
This topic is about F. Sionil José
173 views
Mga Maestro ng Ating Panitikan > F. Sionil José (2013: Taon ni Sionil José sa PRPB)

Comments Showing 1-50 of 164 (164 new)    post a comment »
« previous 1 3 4

message 1: by Rise (last edited Oct 04, 2012 08:39AM) (new)

Rise Marami nang naisulat si F. Sionil José, isang Pambansang Alagad ng Sining, at sinasabing pambato ng Pilipinas sa Nobel Prize for Literature.


NOVELS
The Rosales Saga:
Po-on (Dusk)
Tree
My Brother, My Executioner
The Pretenders
Mass

Don Vicente (Tree & My Brother, My Executioner)
The Samsons (The Pretenders & Mass)


Gagamba
Ermita
Viajero
Sin
Ben Singkol
Vibora
Sherds
The Feet of Juan Bacnang

NOVELLA
Three Filipino Women

SHORT FICTION
The God Stealer and Other Stories
Waywaya: Eleven Filipino Short Stories
Olvidon and Other Stories
Platinum: Ten Filipino Stories
Puppy Love and Other Stories
F. Sionil José: Short Stories
Asian PEN Anthology (editor)
Short Story International (SSI): Tales by the World's Great Contemporary Writers (co-author)

CHILDREN'S STORIES
The Molave and the Orchid and Other Children's Stories

VERSE
Questions

DRAMA
Two Plays: Muse and Balikbayan

NONFICTION
In Search of the Word
We Filipinos: Our Moral Malaise, Our Heroic Heritage
Soba, Sensei and Shibuya: A Memoir of Post-War Japan
Gleanings From a Life in Literature
Literature and Liberation (co-author)
To the Young Writer and Other Essays
Why We Are Poor
Why We Are Hungry


message 2: by Rise (new)

Rise Dalawa pa lang ang nabasa ko mula kay Sionil José, parehong mga sanaysay: Why We Are Poor at Why We Are Hungry. Karamihan sa mga ito ay mula sa kolum nya sa Philippine Star. Inilahad nya dito ang mga pinag-ugatan ng mga problema ng bansa at nagbigay ng malalim na kaunawaan sa mga pangyayari sa lipunan. Bagamat may mga opinyon sya na maaring taliwas sa iyo, igagalang mo ang paraan ng kanyan pagpapahayag ng mga ideya.

Kinolekta ko na, bagamat di ko pa nasimulan, ang limang nobelang bumubuo sa Rosales Saga. Ito raw ay ang kanyang natatanging obra na maipantatapat kay Rizal.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pareho tayo. May kumpletong set ako ng Rosales saga (courtesy of my kuya), kaso unang libro pa lang ang nabasa ko.

Ayos, ganda ng thread na ito, Ryan. Kumpletong reference na ng mga gustong magbasa ng F. Sionil collection.


message 4: by Rise (new)

Rise Masyadong prolific si FSJ. Tyak may libro pang di nasali dyan.

Hinahanapan ko pa ng tamang timing kung kelan ko sisimulan ang Rosales saga. Nakalinya na ito sa 2013. Baka basahin ko isang libro kada buwan para hindi masyadong mabigat sa iskedyul.


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Binigyan mo ako ng ideya. Book 1 pa lang ako ng Rosales saga. Sabi kasi ng kuya ko, Book 1 lang ang maganda. Kaya ayon, hanggang ngayon, nakatengga sila. Pero kung babasahin ng kada buwan, uusad na.


message 6: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Ola! Wohooo! May thread na si Sionil!
Pasali, hehe

Mga nabasa ko na
Po-on (Dusk)
Tree
My Brother, My Executioner
Mass
Gagamba
Ermita
Sin
Ben Singkol
Sherds

The God Stealer and Other Stories
Waywaya: Eleven Filipino Short Stories
Olvidon and Other Stories
Puppy Love and Other Stories

Balak kong basahin ang buong Rosales Saga ngayong taon, at isa nalang ang nalalabing libro na hindi ko pa nababasa, ito yung The Pretenders huli kong nabasa ang My Brother My Executioner.

Paborito kong nobela nya ay Sin. Dahil may incest. Joke lang. Hahaha. At Tree, kahit manipis at maikli lang ang Tree, maganda at malungkot ang librong ito.


message 7: by Rise (new)

Rise Ayban, malapit ka na palang Hall of Famer ni Sionil dahil magro-Rosales Saga completist ka na! Na-curious ako sa incest, este sa Sin pala.


message 8: by Ultimotomasino (new)

Ultimotomasino | 25 comments Homaygash! Thread ni Manong Frankie you say?
Pasali ako!

Sorry, nahiya naman ako sa inyo, andami niyo nang nabasa. Ako iilan pa lamang:

Three Filipino Women
The God Stealer and Other Stories
Waywaya: Eleven Filipino Short Stories
Olvidon and Other Stories

at saka Puppy Love and Other Stories

pero gustong-sgusto kong basahin yung essays niya sa Why We are Hungry at Why We are Poor. :p


message 9: by Ayban (last edited Oct 06, 2012 05:27AM) (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments @Ryan- Hahaha! Balak kong basahin lahat ng likha nya, kaso wala pa akong kopya ng ilan sa libro nya. Yung pinakahuling nobela nya na Feet of Juan Bacnang gusto kong basahin kaso medyo mahal ang kopya kaya hindi pa ako nakakabili.

@Ulti- Subukan mong magbasa ng mga nobela nya! Una kong irerekomenda sayo yung "Tree". Manipis lang at maikli pero maganda. :)


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ultimo, buti ka nga marami na. Ako, isa pa lang.


message 11: by Rise (new)

Rise Aba, ultimo, FSJ stories fanatic ka nga.

Ayban, balak ko din basahin ang ilan pang nobela pero uunahin ko muna ang Rosales saga.

Meron na rin palang salin ang Po-on: A Novel sa Filipino: Po-on: Isang Nobela.


message 12: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
5 stars sa akin yang Dusk (Po-on). Gustong gusto ko noong lumabas si Mabini.


message 13: by Rise (last edited Oct 06, 2012 06:16PM) (new)

Rise Nice. Aabangan ko yang "cameo" na yan.


message 14: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments @Ryan, ou, meron nga, ayun ang una kong nabasa, yung Po-on na salin sa Filipino. Maraming Cameo ng mga bayani, si Silang, Goryo at ang lumpo.


message 15: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Diane, mabuti ka pa. Gusto ko rin siyang makita. Thrice na akong pumunta sa Solidaridad Bookstore at nahihiya lang akong magsabi sa kahera kung puwedeng pumanhik para masulyapan man lang si G. Sionil.


message 16: by Rise (new)

Rise Itong journal na UP Likhaan 5, may panayam kay FSJ. Meron din kay Lualhati Bautista, mga kwento at tula. Hitik!

pdf: icw.kal.upd.edu.ph/Documents/Journal%...


message 17: by Rise (new)

Rise Speaking of FSJ, binabalak kong basahin ang Twilight Saga, este Rosales Saga, sa susunod na taon. Sa mga interesadong sumabay (online) ipaalam nyo lang at gagawa ako ng thread sa ABSBYNGPGBBSNGAKLT.

Ang plano ay isang nobela bawat buwan, ang iskedyul ng diskusyon ay tuwing huling linggo ng buwan.

January - Po-on / Dusk
February - Tree
March - My Brother, My Executioner
April - The Pretenders
May - Mass


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rise, ako sasali mula sa February. Game, gawa ka na ng thread!


message 19: by Rise (new)

Rise Ayus. Hintayin ko muna may sumali sa unang libro (Po-on).


message 20: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Willing akong ulitin ang Po-on, this time in english naman. Haha!


message 21: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
O sige, magbasa na kayo. Ako, talaga ingles yong mga librong Rosales na pinamana sa akin ng kuya ko. Matagal na akong hinihintay.


message 22: by Rise (new)

Rise Ayus, Ayban. Mag-iba kaya ang pananaw mo sa libro pag English naman?

K.D., puro English lang din sa akin. Po-on lang yata ang may salin sa Filipino. Meron din yatang salin sa Dutch at iba pang wika yung mga libro ni FSJ.


message 23: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa totoo lang mas madali talagang basahin ang ingles. Kasi ang tagalog, "ikinatatakot" pag nagkamali ka ng basa dahil mabilis ang mata mo, minsan naging "natatakot" na lang. Iba na ang ibig sabihin, distorted na ang sentence. Pero pag nakita mo ang "fear" kahit fearing or fearsome or fearful, parang madaling i-connect sa sentence at kuha mo agad ang thought ng writer. So, mabilis lang ang mata, mabilis ang basa. Pag tagalog iniisa-isa ko ang i-ki-na-ta-ta-kot.


message 24: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Sionil.
Sin.
Smile.

description


message 25: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
OMG! Ang maestro at ang kanyang tagahanga. Parang akong nasa langit!


message 26: by Rise (new)

Rise Nasa langit ka talaga. Kahit na ang hawak mo ay Kasalanan.


message 27: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Binanatan daw nya dyan ang mga Zobel at Ayala. Babasahin ko na yan ngayong buwang ito!


message 28: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments K.D. wrote: "Binanatan daw nya dyan ang mga Zobel at Ayala. Babasahin ko na yan ngayong buwang ito!"

Naintriga rin ako kung bakit nya ayaw sa kanila! :)


message 29: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Nang minsang nasa National Bookstore ako at nakita ko ang mga akda nya gustong-gusto ko na talagang bilhin. Kaso hindi ko alam kung alin ang unang aklat sa Rosales saga. Pare-pareho lang kasi silang lahat sa paningin ko (dahil halos magkakamukha ang cover ng mga aklat nya). Sa Solidaridad na lang ako bibili at baka palaring matiyempuhan ko si FSJ dun!

Sayang nga lang ang points sa Laking National card ko. :(


message 30: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Reev, di ko rin alam. Mabasa nga.

Maya anak, tinanong yan ni Jzhun kay Sionil. Hindi raw importante ang sunud-sunod ng Rosales. Design daw yon na puwedeng basahin ang bawat isa na independently.

Good luck, matagal na rin akong pumupunta sa Solidaridad. Si Ayban din. Pero laging nasa itaas si Sionil. Feeling ko, may camera sa itaas at yong mga laging pumupunta (Ayban, Jzhun) ay natatandaan nya. Kung di ka man pagbigyang umakyat sa itaas, kumaway-kaway ka sa camera. "Hello po, F. Sionil! Puwede po bang umakyat?"


message 31: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Hindi po ba ako malilito 'pag ganun? Itay, gagawin ko talaga 'yan pagpunta ko sa Solidaridad! 'Yung camera nga sa elevator lagi kong kinakawayan eh. Minsan nagmi-mini concert din ako. Ewan ko lang kung naririnig nina kuya guard sa control room, hahaha!


message 32: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Diane wrote: "Iba-iba kasing kwento at karakter sa bawat isang libro ng Rosales Saga diba? Iba't ibang period din ng kasaysayan?"

Yes, spanning to the 1898 Filipino revolution up to the People Power Revolution 1986. Ay, ngayon ko lang napagtanto na bordered ng dalawang importanteng kasaysayan ng bansa ang Rosales Saga. Ang galing! :)


message 33: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Gusto ko kasi syang basahin chronologically para naman may coherence.

Ganda nga ng ideya na may mala-PBB sya na cam sa bookstore nya. Eh di kabisado na rin nya kung sino 'yung pabalik-balik lang para magbasa pero never namang bumili, hihi!


message 34: by Apokripos (last edited Dec 02, 2012 06:59PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maya wrote: "Ganda nga ng ideya na may mala-PBB sya na cam sa bookstore nya. Eh di kabisado na rin nya kung sino 'yung pabalik-balik lang para magbasa pero never namang bumili, hihi!"

Maya, ako nga sinabihan na namumukhaan daw niya. Well, nakabili na ako ng ilang libro sa Solidaridad noong college at maging sa ngayon at nakita na rin si G. Sionil Jose sa mga ilang conferences, pero noong Dis. 1 ko lang talaga siya nakausap at malapitan pa! Tsaka, di pa naman ako nakakapag-sholift sa Solidaridad, eh. Paano ako magiging pamilyar sa kanya? Haha! :D


message 35: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Ano kayang ginagawa nya sa nahuhuli nyang nagsya-shoplift, kung meron man?

Hala ka, jzhunagev! Sure ka bang wala kang ginawang kalokohan nung college? :P


message 36: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maya wrote: "Ano kayang ginagawa nya sa nahuhuli nyang nagsya-shoplift, kung meron man?

Hala ka, jzhunagev! Sure ka bang wala kang ginawang kalokohan nung college? :P"


Kung kalokohan din lang naman, marami talaga noong college, ngunit wala pa sa listahin ang pagsa-shoplifting. Weightlifting, siguro. (Nyaks! Ang korneeee!!!) :D


message 37: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Naku, delikado pala 'ko kay Sionil 'pag nagkataon. Nakakatakot daw kasi ako kapag nasa-starstruck sabi ng mga kaibigan ko. Pinakagrabe nung nakita ko si Randy David (na tatay rin ng isa kong prof). Nakatitig lang ako sa kanya, tapos napatingin din sya sa 'kin... sabay bilis na umakyat sa hagdan (napadaan sya sa harap namin eh, paakyat sya sa second floor).

Ini-"stalk" ko rin pala si Atom Araullo nung college freshman ako. Kabisado ko classes nya pati rooms saka kung kanino sya bumibili ng taho bago pumunta sa next class nya.

Nakakatakot ba ako? '^__^


message 38: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maya wrote: "Ini-"stalk" ko rin pala si Atom Araullo nung college freshman ako. Kabisado ko classes nya pati rooms saka kung kanino sya bumibili ng taho bago pumunta sa next class nya."

May mga kaibigan din ako dati na crush si Atom Araullo.
Siguro nakakatako ka lang sa mga taong ini-stalk mo. :D


message 39: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Hindi naman natakot si Atom sa'kin... kasi hindi naman nya ako nakikita 'pag inii-stalk ko sya. :P
Sabi ng mga kaibigan ko grabe raw kasi ako matitig, mala-serial killer lang ang peg! Chos!


message 40: by Apokripos (last edited Dec 02, 2012 08:54PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Tamang-tama na pinag-uusapan natin si F. Sionil José, kaarawan niya sa araw na 'to!

Maligayang Kaarawan sa inyo, Mang Frankie!


message 41: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Happy birthday, Amang F. Sionil!!!

May sinabi si F. Sionil noon eh. Marami raw pumupunta sa tindahan niya na mga kilalang tao pero din nagpapakilala. Gusto raw niya sana na magpakilala. Siguro si Jzhun, akala nya eh si Ricky Martin kasi telegenic rin. Si Ayban, namukhaan din niya. Ako, hindi. Kahit by bag akong bumili ng libro nya. Siguro wala akong kamukhang rich and famous hahaha.


message 42: by Rise (new)

Rise Maligayang kaarawan, Sir F. Sionil José! Belated regalo namin sa inyo: pagtangkilik ng Rosales novels.


message 43: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kung sakaling interesado kayo, basahin niyo ang dalawang artikulong ito tungkol kay Mang Frankie:

F. Sionil Jose: A portrait of a great Filipino writer

Frankie, frankly


message 44: by Rise (new)

Rise *bookmarked* salamat sa links. sobrang generous magpaunlak ng panayam ni FSJ.


message 45: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Uumpisahan ko ng basahin ang Ben Singkol :)


message 46: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Gudlak, Mara anak. Hihintayin ko ang rebyu mo.


message 47: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 09, 2012 10:14AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Iba talaga ang epekto/karisma kapag nakatabi mo, naka-usap, nakapag-picture taking sa iniidolo mo. HS at College eh nakikita ko na sa libro. newspaper, t.v. ang pangalang F.Sionil Jose. Hindi ko akalain na makaka-jamming ko rin pala siya! at natupad na ang aking mga pangarap! hehe! Binabasa ko na ang Gagamba o The Spiderman ni F.Sionil. Sa umpisa masasabi kong nakalulungkot isipin na nagaganap sa kasalukuyana ng ganitong senaryo subalit hindi pa huli ang lahat....


message 48: by Apokripos (last edited Dec 09, 2012 06:40PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Sa mga kaibigang kasama sa tambalang pagbabasa (Book Buddy Reading) ng mga nobela sa ilalim ng serye ng Rosales Saga ng Pambansang Alagada ng Sining na si F. Sionil José, may inihahanda akong karagdagang reading material ukol sa kanyang buhay. Nakakadismaya kasi na kulang ang impormasyong nakasulat sa wikipedia o ng iba pang artikulong mahahanap sa internet.

Sa mga interesado, paki-PM niyo lang po ang inyong email address sa akin at ipapadala ko ito bilang PDF file, kaya't nararapat lang na may PDF program kayo para mabuksan at mabasa ang nasabing artikulo pagkatapos niyo itong ma-donwload.

Dahil sa dami ng PM na natatanggap ko araw-araw mula sa friends, fans, crush(es), stalkers at indecent proposals, pakilagyan lang ng F. Sionil Jose Bioraphy sa ilalim ng subject nang madali kong makita.

Salamat! :)

P.S. Pagpasensiyahan niyo na lang kung sakaling matatagalan ang pagpapadala ko sa inyo ng email. May mga ibang bagay din po kasi akong ginagawa.


message 49: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments PM sent, Jzhun!

salamat!


message 50: by Rise (new)

Rise pm sent.

jzhun, pwede mo rin i-post siguro sa creative writing section ng GR. http://www.goodreads.com/story


« previous 1 3 4
back to top