Pinoy Reads Pinoy Books discussion

300 views
Pangkalahatan > Balak Basahin

Comments Showing 401-450 of 548 (548 new)    post a comment »

message 401: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Biena, meron nga yata ako nun. Yan yong bineso kong writer noon sa Aklatan? Gulat na gulat sya. Kasi naman akala ko TFG sya hehe.

Okay lang. Kailangang suportahan kahit anong genre basta Pinoy books!

At gusto kong magbasa ng chick lit pag may chick na kasamang nagbabasa para di lumabas ang prejudices ko hehe.


message 402: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Meron ka nun! Nakita kong binili mo! :) Yung kulay blue? Meron nga din atang All is Fair in Blog and War??? Not sure.

Nako 'tay kahit hardcore akong magbasa ng Chick Lit,minsan panlalait ang nakukuha sa akin. hahaha.


message 403: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yon yatang author ng All is Fair in Blog and War ang bineso ko hehe.

Masarap din namang magbasa ng chick lit. Parang nasa ibang mundo.

Bumili ako ng 4-disc copy ng "My Husband's Lover" kahapon kasi ipapadala ko sa Nanay ko sa America bilang wala sa TFC nyan dahil GMA7 teleserye yan. Nag-marathon viewing kami ng asawa ko mula 8pm hanggang 12 midnight. Haha. Di pa namin natapos ang Disc 1. Grabe ang haba.

Maganda naman ang pagkakagawa. Inaantok lang ako sa mga drama parts pero maganda si Carla Abellana. Female version ng tatay nya. Nagagalingan kami ni misis kay Tom Rodriguez. Si Dennis Trillo mukhang overage dun sa flashback portion. Di sya mukhang high school student.


message 404: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments PInapanood ko po yan noon pero pasulpot-sulpot lang. Natutuwa ako sa storyline noong mga una palang pero noong sumobrang sikat na parang ayaw ko na, masyado na naging magulo yung story.

Naalala ko pa yang flashback na yan, parang pinapakita na Atenista sila kasi blue ang jersey.


message 405: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di ko binigyan ng interpretation ang blue hehe. Actually di ko napansin. Basta parang di bagay si Dennis Trillo. Pero kumento ng misis ko, para raw si Eric (Dennis Trillo) ang lumalabas na mas matured sa dalawang gay characters.


message 406: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments In time, malalaman niyo po na si Eric naman talaga, kasi maaga siyang naging openly gay eh.


message 407: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hehe. Ayaw sa kanya ng misis ko kasi di raw pogi hehe. Sabi ko lang, alam ko mas sikat yan kaya siguradong maraming ibibigay ng acting highlights later sa story. Pero so far, si Tom at Laly ang bida sa kuwento.


message 408: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dala-dala ko sa bag ko today para umpisahan:

Tagay, Kapatid! by William M. Rodriguez II
TAGAY, KAPATID!
William Rodriguez II

Si William ay kakweba natin! Bina-browse ko kanina ito bago ko ilagay sa bag ko. Parang bagay sa akin na isang tomador!!! hehe


message 409: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Uy, mukhang interesting!

Saan nakakabili ng mga libro ng kakweba nating si William? Gusto ko siyang suportahan. Haha!


message 410: by William (new)

William M. II | 79 comments salamat Sir K.D. sa pagbili ng libro ko :)

Jhunz, meron nyan sa NBS. Pag natuloy, magtitinda ako ng libro sa Readercon kasama ko sa table si Rey Atalia, erpat ni Eros Atalia.


message 411: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, naman hehe

William, nasa page 20 na ako at parang nakaka-relate ako. Di ko pa lang naranasan yong tagay sa iisang baso hehe. Tsaka ang tomador ba, sunog-baga o sunog-atay? Alam ko baga ang mahilig manigarilyo eh.


message 412: by William (new)

William M. II | 79 comments Pampahaba kasi ng inuman at para sa walang ganung budget kapag iisang baso lang ang gamit. Sunog-baga kasi ang tawag sa mga tomador sa Home Along da Riles na palabas dati kaya 'yan din ang ginamit ko hehe


message 413: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Naranasan ko na 'yang inuman na iisang baso lang ang gamit noong college days. Karaniwang hard o brandy ang iniinom gaya ng Emperador. Mura na, madali pa ang tama! Haha! :D


message 414: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kadiri lang, Jzhun. Pero siguro sabi nga ni William sa libro, kapag mga kaibigan mo talaga, walang kadiri factor. Pero di yong mga dumadaan lang sa kanto tapos inalok mo ng tagay hehe.

Kwela ang libro, bumili ka na!!!


message 415: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Kadiri lang, Jzhun. Pero siguro sabi nga ni William sa libro, kapag mga kaibigan mo talaga, walang kadiri factor. Pero di yong mga dumadaan lang sa kanto tapos inalok mo ng tagay hehe."

Mga kaklase at kaibigan ang kasama ko noon. Di ako basta-basta rumerekta sa tagayan ng iba. 'Yon ang kadiri. Hahaha! :D

Sige, 'pag may time. Sino nga pala ang publisher n'yan? PSICOM ba?


message 416: by William (new)

William M. II | 79 comments Oo Jzhun, Psicom nga. Meron naman akong kaibigan na kainuman ko rin dati. Naging maselan na siya kasi kapag siya na tatagay pinupunasan niya muna ng tissue. Pero noon kahit sino kaharap nun tagay lang ng tagay hehe


message 417: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
William, minsan nga inuman tayo hehehe!!!

Para maranasan ko yang tagay-tagay na yan hehe.


message 418: by William (new)

William M. II | 79 comments Sige, inom tayo kapag nagkaroon ng pagkakataon. Mahina na nga lang akong uminom ngayon. Red Horse na lang ang pinaka-hard ko hehehe


message 419: by Juan (new)

Juan | 1532 comments naaalala ko yung mga tambay at ilang kaibigan ng tatay at mga tito ko doon sa lugar kung saan kami dati nakatira. Dalawang Baso lang ang ginagamit nila kapag nag-iinuman, na-aalala ko, yung isang baso (bote ng kape) para sa alak at yung ikalawang baso ay para sa chaser o tubig panulak sa pakla ng naunang nilagok.
Tapos namumulutan ng mga pampa-bata. Ayos!

Tagayan na! Inuman na! :D


message 420: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Noong uminom kami nila Clyde at Nik nung Friday night, dalawang baso lang kami. Clockwise at counter clockwise ang ikot ng baso. Haha.


message 421: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tatlo lang kayo at dalawang baso haha? Paano yon pag napunta sa yo ang dalawang baso? hehe


message 422: by Marice (new)

Marice | 9 comments Tipid sa hugasin pag isa lang baso. Haha


message 423: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments KD: may mga kasama po kami, pero dumating ang oras na dalawang baso ang natatapat sa akin, no choice lagok pareho haha!


message 424: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
First time mo silang makainuman, tapos nangyari agad yon. Dito sa Maynila, matagal na tayong umiinum pero never pa natin naisip yan hehehe.


message 425: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Si Clyde po lagi ko nakakasama maglasing mag-social drink hahaha. Iba-iba po kasi tayo ng tolerance sa alak eh, yung iba isa isang bote lang kaya parang di feasible ang tagayan.


message 426: by Juan (new)

Juan | 1532 comments pwede naman ang tagay-tagay pero kanya kanyang baso nga lang..


message 427: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan, agree ako dyan hehe!

Unless may pagnanasa ako doon sa babae, parang gusto kong inuman ang ininuman nya para parang nahalikan ko na rin hehe. Ang babaw lang.


message 428: by Juan (new)

Juan | 1532 comments parang nalasahan mo na rin ang kanyang mga mapupuang labi. ang kanyang dila.. haha!


maiba ako,
Balak kong basahin after ng Manila Noir ay mga FSJ, RIO Alma at Gina Apostol, problema pwera kay FSJ, wala akong kopya ng huling dalawa. haha!


message 429: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Gusto ko sanang gawing solido yung pagbabasa ko ng Pinoy Books bago magtapos ang taon, kaso may ilan ng banyagang aklat ang nabasa ko, sa reading challenge ko from 25 ginawa kong 50 ito at dapat Pinoy lang,
(arte?) kaso problema wala pang 25 ang books ko, the rest hiram lang. Ang hirap kung may hahabulin akong target. Sa susunod na taon hindi na lang ako mag-rereading challenge pero susubukan kong mapanatili na Pinoy Books lang muna talaga ang uunahin kong basahin. Pramis!


message 430: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Papahiramin kita. Tambak ako ng Pinoy books. Pag bumibili ako ngayon, more often than not, Pinoy books.

Lagi kong naririnig ang kabiyak ko: "Phil Lit ka na naman?"

Ako: Eh wala namang ibang maganda e. Lahat ng librong gusto ko na non-Pinoy, meron na ako.


message 431: by Juan (new)

Juan | 1532 comments naks! salamat po! panalo! :D


message 432: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Gusto ko na tapusin ang Rosales Saga para maibalik na kay KD. Haha Eto na lang My Brother, My Executioner (Rosales Saga, #3)  by F. Sionil José The Pretenders (Rosales Saga, #4) by F. Sionil José at Mass (Rosales Saga, #5) by F. Sionil José


message 433: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Nagsisimula pa lang ako kay FSJ! Malayong malayo pa ako Masarap basahin. Historical-sexy-romantic-revolutionary! so far yan pa lang ang remarks ko sa PO-ON. Sige basa ulit! :D


message 434: by K.D., Founder (last edited Oct 24, 2013 05:04PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Binabasa ko ang huling akdang meron ako ni Ginang Lualhati Bautista:

Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang Dalawang Dekada ng Maiikling Kuwento by Lualhati Bautista
BUWAN, BUWAN, HULUGAN MO AKO NG SUNDANG: DALAWANG DEKADA NG MAIIKLING KUWENTO
ni Lualhati "Isnabera" Bautista

Joke lang yong isnabera. Peace, nanay! :)

So far, ang husay husay noong unang tatlong mga kuwento.


message 435: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Hahaha isnabera talaga lol.

Itay pwede po bang dalin niyo ito sa ReaderCon? Kasama ito sa Reco List natin eh


message 436: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, dadalhin ko anak. :)


message 437: by Juan (new)

Juan | 1532 comments talagang NOLI ME TANGERE ang susunod na babasahin natin after ng BONES of Contention?


message 438: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo! Disyembre a-uno, Juan.


message 439: by Juan (new)

Juan | 1532 comments naku, sana magkabudget ako, mukhang medyo may kamahalan ang presyo nyan kung Penguin edition. Internasyonal e.


message 440: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Eh di yong mga Tagalog ang basahin mo. Last year, yong textbook ng unica ko ang binasa ko.


message 441: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ganun na nga po ang naiisip ko. Hindi po maganda yung textbook namin nun, lagom na lagom ang Noli-FIli. Parang Sapal na lang ang mga iyon. Mas gusto ko yung buong sipi at salin nito sa tagalog.


message 442: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Try mo yong kay Almario. Mura lang kasi textbook. Ako last year yon kay Ongcoco. Maganda naman. Di lang maganda yong version nya ng El Fili. Kasi parang minadali na. Pero yong Noli nya, mabusisi yong analysis (gabay sa pagbasa) at check up questions, panalo. Ito ang ginagamit sa St. Theresa's College at sa Miriam High School (yata).


message 443: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ok po.. subukan ko.


message 444: by William (last edited Oct 30, 2013 06:11PM) (new)

William M. II | 79 comments K.D. wrote: "Biena, meron nga yata ako nun. Yan yong bineso kong writer noon sa Aklatan? Gulat na gulat sya. Kasi naman akala ko TFG sya hehe.

Okay lang. Kailangang suportahan kahit anong genre basta Pinoy boo..."


Nasa Aklatan rin ako nun. Nakita ko si Mina, ang danda niya parang gusto ko tuloy magbasa ng chick lit na gawa niya haha.


message 445: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katabi nya ang asawa't anak nya nun hahaha


message 446: by William (new)

William M. II | 79 comments ah andun ba tapos nabeso-beso mo haha


message 447: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di ko sya na beso-beso kasi nakaupo sya at nakatayo ako hehe.

Kahit noon na bday party ko at guest sya, di ko pa rin na beso-beso. Di yata nagbe-beso yon. Hehe.


message 448: by William (new)

William M. II | 79 comments sa girls lang siguro nakikipag-beso-beso hehe. kahit di ko pa siya nami-meet tingin ko mukha naman siyang mabait.


message 449: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Ito ang mga nais kong basahin bago matapos ang taon:

1. Don't Forget The Soap (And Other Reminders From My Fabulous Filipina Mother) by Marie Claire Lim Moore

2. Anghel at Viktor (Anghel and Viktor, #1). by Karl Marx S.T.

3. Queen of the Clueless (Interim Goddess of Love, #2) by Mina V. Esguerra


message 450: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments William: Dala ko sa Sabado yung mga libro ni Mina, gusto mo manghiram? :)


back to top