Pinoy Reads Pinoy Books discussion

300 views
Pangkalahatan > Balak Basahin

Comments Showing 351-400 of 548 (548 new)    post a comment »

message 351: by Rise (new)

Rise Hmmm. Ang alam ko magkaibigan yang sina Jessica H. at Miguel S.


message 352: by Apokripos (last edited Aug 01, 2013 12:31AM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Rise wrote: "Hmmm. Ang alam ko magkaibigan yang sina Jessica H. at Miguel S."

Pero ang alam ko mas malapit si Miguel S. kay Ninotchka R. (Sa pagkakatanda ko isa siya sa mga pinasalamatan niya sa Ilustrado)
Ang mais natin, Rise! Haha! :D


message 353: by Rise (new)

Rise Baka inimbitahan din si Miguel S. Wala lang mai-kontribyut na istoryang noir.


message 354: by Juan (new)

Juan | 1532 comments umaasa ako na gagawa ng himala ang mga Noiranians!


message 355: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Rise wrote: "Baka inimbitahan din si Miguel S. Wala lang mai-kontribyut na istoryang noir."

At sa pagkakaalam ko ay writing fellow siya ng isang grupo ngayon. Nasa Italy ata siya base na rin sa mga updeyts niya sa MukhangLibro. :)


message 356: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Balak ko sanang basahin ang mga akda nina Gina Apostol, Edgardo M Reyes, Lualhati Bautista at Norman Wilwayco.. Kung may magpapahiram, PAHIRAM PO! Maraming salamat!


message 357: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments mukhang maganda yung seroks ni david hontiveros. mayroon na ba sainyo nakabasa nito? :)


message 358: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Wala pa. Pero meron akong kopya. Naghihintay-hintay rin ako ng nakabasa na para magkaroon sana ako ng motibasyon na isunod.


message 360: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Gusto kong mag-buddy read ng tagalog na Bibliya.

Sinong gustong sumama? Isang libro (book) isang linggo.

Siguro matatapos tayo tamang tama sa Semana Santa.


message 361: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Sama ako. :) Ano pong version? English ata yung meron ako dito sa condo. Check ko po.

Feeling ko ito ang kailangan ko para sumipag ako magpost online. Sumasali po ako ng Bible Quiz before. hahaha. Champion ako nun lolz.


message 362: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige. Revised Standard Edition daw yong "standard." Kumbaga hindi kumikiling sa alin mang relihiyon. Kaya mas safe basahin.

Puwede naman natin basahin sa historical perspective (parang nagbabasa ng nobela) kasi di naman tayo lahat super religious. Nabasa ko na ito sa TFG noon sa English. Type ko naman sa Tagalog.

Pero kung tamaan tayo at bumaba sa atin ang espiritu santo, fine. Mas maganda lang may kasamang nagbabasa para nagkaka-motivate-tan. Hehe.

Sige, hintayin natin ang ibang kakweba. Salamat, Biena anak.


message 363: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Magpopost ako ng mga trivia. Pero dahil babasahin naman nating buo, malalaman niyo na din yun.

Ang favorite book ko po ay The Book of Ruth. Feeling ko kasi, kaugali ko si Ruth. :)


message 364: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Naroon ang isa sa dalawang tinuturing na kuwento ng friendship sa bibliya. Nae-excite na akong magbasa ng Tagalog na Bibliya.

Sige lang, magbigay ka ng trivia. Parang wala nang spoilers. Nagiging reminders na nga lang. Wala naman sigurong sasali na totally eh walang alam sa mga kuwento sa Bibliya.


message 365: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Yun na nga po. Pero matutuwa kasi kayo sa mga trivia. Parang kunwari, yung laging tanong sa lahat ng Bible Quiz Bee: The shortest verse in the Bible. haha.


message 366: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di ko alam yan!

Dati nga mga Bible Quiz pero nasa college pa yata ako noon (at di ka pa tao). Magagaling ang mga contestants doon. Parang Ch 7 yata yon. Early 80's. Di naman ikaw yon hehe.


message 367: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Matthew 35: Jesus wept.

Di ba ang saya? Haha. How old is Noah when he built the Ark?


message 368: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hindi ko alam eh.

Ang alam ko lang mahaba ang balbas nya.

Pero wait... siguro 30ish?

Kasi nabasa ko yan si Jesus at si Rizal... 30+

Ang peak daw ng creativity ng tao ay 30. Pag daw lumampas ka dyan at di mo pa nagawa ang iniisip mong "big bang" nalilipasan ka na.

So, si Jesus at si Rizal yong mga ginawa nila, naisip nila noong 20's sila. Isinakatuparan lang nila noong early 30's.


message 369: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Si Noah po ay 600 y/o nung nabuild ang Ark at 950 nung namatay. Kalurks di ba? Haha. Grabe ang life expectancy noong araw daig pa bampira! Haha.

33 po namatay si Jesus. Si Rizal naman ay 35. Kailangan ko na magplano ng mga gagawin ko pag 30 na ako. Hahaha.


message 370: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayun... the importance of doing what you want to do when you hit your third decade hehe.

May lalampasan ka pa in the next few years: quarterlife.

Yong iba, may plano na maging milyonaryo when they hit 25. Mayroon ka bang ganoon? Ito yong mga talagang driven na yumaman.


message 371: by Juan (new)

Juan | 1532 comments (napadaan lang po)

Naalala ang mga karakter sa Last Order sa Penguin. Pinuproblema ang pagtuntong nila sa edad na 30.


message 372: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo, Juan. Doon ko rin nakita yong karakter na nag-iisip na dapat pag 25 na sya, he has earned his first million pesos.


message 373: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments K.D. wrote: "Yong iba, may plano na maging milyonaryo when they hit 25. Mayroon ka bang ganoon? Ito yong mga talagang driven na yumaman. "

Ay hindi naman po. Gusto ko lang magkakotse pag 25 na ako. Yung ako ang bumili para di na binabawi pag trip nila. Hahaha.


message 374: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Balak kong basahin ang Ermita ni F. Sionil Jose. P350 ito sa NBS, ganun din kaya sa Solidaridad?


message 375: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^ Parang ganun na nga Clare. :)


message 376: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Yay. Akala ko pa naman may discount kahit sampung piso. Sige na nga. :) hehe Mukhang maganda naman.


message 377: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayaw mong manghiram na lang sa kuya mo?


message 378: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Sayo po? Nasa akin pa nga po Rosales Saga nyo. Tatlo pa lang natatapos ko. hehe


message 379: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^ Ipapahiram ko sana yung akin kaso di ko alam kung nasaan. Ibinalik na yun ni Nibra eh, di ko alam kung saang box ko nilagay


message 380: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clare, hahanapin ko ang Ermita ko at ipapahiram ko sa yo. Okay lang na marami akong libro sa iyo. Alam ko naman ang address mo hehe.


message 381: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Clare talagang napatingin ka sa NBS ng F Sionil ah. At buti ka pa may nabasa na pero

Mas lalo akong ginaganahan para basahin yung Rosales Saga nya nang basahin ko kanina yung Preface ng Bones of Contention. Nabanggit ni Sir Ambeth yung Po-on ni F Sionil. Si Istak at Mabini may moment na mala-padre Florentino at Simoun? Gusto ko na mabasa!


message 382: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Advanced ka na sa Bones, Juan.

Nasa Introduction pa lang tayo. Hinay-hinay lang sa pagbanggit sa thread hehe.


message 383: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ha? advance na ba iyon? sori! sori! hindi ko alam! di ba bahagi iyon ng Preface? sori po! na-carried away lang..


message 384: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ay oo nga.. nasa Meaning and History na pala yung sinabi ko. Pasensya na po!


message 385: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hehe. Okay lang. Ganyan di ako minsan hehe.

Wala kasi akong nabasang ganyan noong nagre-read ako ng Preface at Introduction last weekend. :)


message 386: by Pacs (new)

Pacs Pacala (pacspacala) | 11 comments Mga balak kong basahin (kung makakahanap ng kopya)ngayong Oktubre:

1. Himagsik ng mga puno
2. Hari Manawari

Yown.


message 387: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Those are nice books. They are issues of Tapat Journal, a baby publication of our friend author Edgar Calabia Samar.

Do you have his FB? I think it is very easy to get in touch with him. Very approachable guy hehe.


message 388: by Juan (new)

Juan | 1532 comments John pareho tayo! mga TAPAT journal iyan. Sana makakita ka pa dahil ako din umaasam niyan. Sabi kasi ni Sir Egay out of print na iyan kaya himala na lang kung makakakita pa tayo niyan! sana kahit in ebook form...


message 389: by Pacs (new)

Pacs Pacala (pacspacala) | 11 comments @K.D. Hindi ko pa natatanong si Sir Egay.

@Juan Mukhang pahirapan nga. HAHA.


message 390: by Pacs (new)

Pacs Pacala (pacspacala) | 11 comments Pinag-iisipan ko rin yung Perktus tsaka Penzette III :))


message 391: by Rise (new)

Rise wala na ba silang balak i-reprint ang Tapat journals? sayang naman.


message 392: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Walang resources si Sir Egay. Tatlo lang kasi silang nagtratrabaho sa journal na yon eh. Di na nga nila nagawang gawing quarterly.


message 393: by Juan (new)

Juan | 1532 comments sayang nga Rise! huhu!


message 394: by Pacs (new)

Pacs Pacala (pacspacala) | 11 comments Mukhang matutuloy ang pagbabasa ko ng Himagsik ng mga Puno. Naka kuha ako ng inside source kung saan makakabili *wink, wink HAHA.


message 395: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Good luck, Pacs. Sana makayanan mong tapusin. Gusto ko ngang makausap si Khavn para tanungin ano pa ang point ng libro nya. Nakausap ko si Sir Egay ang publisher ng Tapat at ang hangarin daw niya ay makapag-publish ng mga di pangkaraniwang akda. Yun.


message 396: by Panganorin (new)

Panganorin (kisapmata) | 32 comments Gusto ko ring magbasa ng mga tapat Journals. hihihi. >:D


message 397: by Pacs (new)

Pacs Pacala (pacspacala) | 11 comments Thanks K.D. Follower naman ako ni Khavn ever since. Pati yung poetry books niya, tinira ko na. So far, okay naman.


message 398: by K.D., Founder (last edited Oct 13, 2013 04:29PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pacs, sige, hinitayin ko kung ano ang reaksyon mo sa Himagsik ng mga Puno. Major influence din daw si Khavn ng mga Ungaz boys. Mahusay kasi sya. May dalawang poetry books ako ni Khavn. Di ko pa lang nababasa. Uunahin ko muna si Sir Roberto Anonuevo. Kulang ang oras! Gusto kong basahin silang lahat hehe.

Guys,
Sino gustong mag-buddy read with me ng mga sumusunod:

1) Gitarista ni Reev Robledo
2) Interim Goddess of Love by Mina V. Esguerra
3) Queen of the Clueless by Mina V. Esguerra
4) Icon of the Indecisive by Mina V. Esguerra

Yong 2-3 parang trilogy yata yan eh. Mukhang maganda ang feedbacks. Lalo na yong #1 hehe.


message 399: by Biena (last edited Oct 13, 2013 04:37PM) (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Ako! :) Meron ako nyan lahat KD. Kaso, nabasa ko na yung 2 at 3 pero pwede ako maki-kibitz. Para updated ako hanggang IGoL3. Dapat babasahin ko na yan today pero dahil nakita ko 'to hintay hintay muna. :D


message 400: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Meron din po kayo nung Cover Story Girl di ba? Yun din hahaha. Anubayan. Inaaya kita magbuddy read ng Chick Lit Itay!


back to top