Pinoy Reads Pinoy Books discussion

300 views
Pangkalahatan > Balak Basahin

Comments Showing 201-250 of 548 (548 new)    post a comment »

message 201: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sana, ang dalangin ko na lang sa Poong Lumikha ay maging kagaya mo ang bunso kong anak na si Maya. Sana'y gayahin ka nya sa sipag sa pagbabasa.


message 202: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Sana, ang dalangin ko na lang sa Poong Lumikha ay maging kagaya mo ang bunso kong anak na si Maya. Sana'y gayahin ka nya sa sipag sa pagbabasa."

Hayaan mo Itay at pagsasabihan ko.


message 203: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Pagkatapos ng Looking Back balak kong basahin ang State of War ni Ninotchka Rosca


message 204: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Wow. Parehong maganda yan, Mara anak.


message 205: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Meron na bang nakabasa nito? :)

Laguna de Bay The Living Lake (Water Series Trilogy, #1) by Reynaldo Gamboa Alejandro


message 206: by Christine (last edited Dec 10, 2012 10:39PM) (new)

Christine (diwataluna) | 16 comments Walong Diwata ng Pagkahulog
Ermita: A Filipino Novel
Mass MurdersUnreported Murders
Last Seen After Midnight
Midnight Tribunal

Salamat sa PRPB, for next year, isa na sa reading goals ko ang at least 1 Phil Lit book per month!


message 207: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Magandang balak, Christine!


message 208: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments K.D. wrote: "Sana, ang dalangin ko na lang sa Poong Lumikha ay maging kagaya mo ang bunso kong anak na si Maya. Sana'y gayahin ka nya sa sipag sa pagbabasa."

Itay, naubos na po noong hayskul ang sipag ko sa pagbabasa. Ako lang po ang walang sawang humihiram ng mga aklat sa Panitikang Filipino. NOON. '^__^

Bukod po sa may mild dyslexia ako, napagod na po ako sa kakabasa ng mga pinipilit ipabasa sa akin na, sa totoo lang, ayaw ko talagang basahin. At napansin ko rin po na mabagal na akong magbasa ngayon kumpara noong bata pa ako. (╥_╥)

Pero sige, bigyan nyo po ako ng pagsubok (challenge?) sa pagbabasa. Susubukan ko pong habulin si Ate Mara.


message 209: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mild dyslexia, para ka palang yong mga nababasa kong henyo.


message 210: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Self-diagnosed lang po 'yan so malamang sa malamang eh echos lang po siguro. Pero hindi rin eh. Hay, magpapa-check na lang po ako sa'min. Hehe.


message 211: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
A, hindi pa pala confirmed. Pero wala na man yata talagang problema yan. Parang lumilipad lang minsan ang mga letra. Tama ba?


message 212: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Nagpapalit-palit po ang mga letra at salita. Madalas. :(


message 213: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments May mild dyslexia ka, Mara?

Di kaya ikaw si Petra Jackson? Subukan mo kayang magbasa ng Greek, baka sakaling maintindihan mo.

Ahihihi! (^,^)v Peas!


message 214: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Si Charlie sa "Perks" ganyan eh. Nakakabasa ng "Ulysses" in 3 days hahaha.


message 215: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments jzhunagev wrote: "May mild dyslexia ka, Mara?

Di kaya ikaw si Petra Jackson? Subukan mo kayang magbasa ng Greek, baka sakaling maintindihan mo.

Ahihihi! (^,^)v Peas!"


Grabe, Petra Jackson pala woman version ni Percy Jackson?! hahaha

Maya, naku. Baka may games kang nilalaro? Ako kasi parang nagkaganyan nung nag-Hello Kitty cafe game ako. hehe Pacheckup na :)


message 216: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Wala nga akong nilalaro eh. Ewan ko ba. Maski sa klase nahihiya na ako minsan kapag namamali-mali 'yung basa ko sa ppt slides/reports ko. (╥_╥)


message 217: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mas eksayting ang buhay mo kaysa amin.


message 218: by ♥Nica♥ (new)

♥Nica♥ (nicanicanica) | 60 comments Bakit naman po? Hindi kaya masaya magtrabaho at mag-aral nang full-time. '^__^


message 219: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Si Charlie sa "Perks" ganyan eh. Nakakabasa ng "Ulysses" in 3 days hahaha."

Kuya, di nagbasa ng Ulysses si Charlie. Haha! :D


message 220: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hindi ba? Alin na nga yong makakapal na librong nakalista roon? Gravity's Rainbow ba?


message 221: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Hindi ba? Alin na nga yong makakapal na librong nakalista roon? Gravity's Rainbow ba?"

The Fountainhead, ang pinakamakapal sa lahat ng nabasa niya. Actually, gaya na nga ng ibang nakuwento sa ibang mga kaibigan (real and imagined), nabasa ko rin ang aklat na 'to noong high school. Madali lang basahin, halos inabot ako ng isang buwan kahit pa bakasyon ko binasa. Hanggang ngayon nasa akin pa rin ang kopya ng libro na nabili ko sa palengke ng PHP 10. :)


message 222: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ikaw na at si Charley ay iisa! Salamat sa pagtatama, Jzhun. Gusto ko kasi Ulysses para kami ang may connect at hindi kayo :)


message 223: by Apokripos (last edited Dec 11, 2012 05:11PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Ikaw na at si Charley ay iisa! Salamat sa pagtatama, Jzhun. Gusto ko kasi Ulysses para kami ang may connect at hindi kayo :)"

Si Charley naman po ay ang paboriting alagang aso ni John Steinbeck, re: Travels with Charley: In Search of America. Hahaha! :D


message 224: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha. Pasensiyahan mo na ang kuya mo dahil sobrang naghahabol sa quota nya sa Reading Challenge kaya halo-halo na silang lahat.


message 225: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Haha. Pasensiyahan mo na ang kuya mo dahil sobrang naghahabol sa quota nya sa Reading Challenge kaya halo-halo na silang lahat."

Uy, joke lang, Kuya. :D 'To naman!
Good luck! Sana mahabol mo ang quota ng mga nabasang libro. Alam mo namang di ako naniniwala sa mga quota-quota na 'yan. Haha! :D


message 226: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
For fun lang naman ang quota-quota na yan. Pampasaya kapag naghahabol. Pressure time kuno. Wala lang. Para rin makabawas ng maraming maiikling nobela ngayong maraming available na araw na walang pasok.


message 227: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments KD ilan ang quota? curious ako


message 228: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
300 ako ngayong taon, Beverly.


message 229: by Pjk (new)

Pjk (pichoy01) | 8 comments Interesante talaga nitong librong 'to.

Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar

@___@ Sana may mag regalo sa'kin nito. hahaha


message 230: by Rise (new)

Rise Di ko pa rin matapos-tapos ang librong yan, pjk. Kakaiba nga.

Balak pang basahin:

100 Kislap by Abdon Balde Jr. Meaning and History The Rizal Lectures by Ambeth R. Ocampo Rizal without the Overcoat by Ambeth R. Ocampo


message 231: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pjk: Maganda yan. Post modern. Tapos mas gumanda noong nakapanayam namin si Edgar Calabia Samar. Tatargeten naming maging guest si Sir Egay sa loob ng taong ito. At inaantay na lang nya ang aming imbitasyon.

Rise: Magkasunod ko ring binasa yang dalawang Rizal ni Ambeth. Ito'y noon panahong binabasa o re-reread ko rin lang ng Noli at El Fili. Parang may mga naulit-ulit lang ang ibang mga punto ni Rizal. Sa madali't salita, baka gusto mong lagyan ng patlang ang dalawang libro. Mungkahi lang.


message 232: by Rise (new)

Rise Baka yung Meaning and History lang muna ang basahin ko. Mas maigsi kasi. Ang balak ko sanang bilihin ay yung The Anvil Jose Rizal Reader kaya lang sa kasamaang palad ay mukhang may bumili na nung nag-iisang kopya. Pero swerte din at biglang nagpakita si Clark Kent Rizal Without the Overcoat.


message 233: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments 300?!!!!!!!!


message 234: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo naman, Beverly. Walang humpay at walang puknat na libro, libro, libro.


message 235: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments grabe, thats almost 1 book a day! talagang paglalaanan ng oras! dakila ka KD


message 236: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments We're not worthy!!!


message 237: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahaha


message 238: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mahilig kasi akong bumili tapos pinapagalitan ako ng maybahay ko. Kaya't gusto kong patunayan sa kanya na nababasa't natatapos ko. Pero mula noong naging palabasa ako, di na ako mainitin ang ulo. Tsaka nabawasan ang mga sakit-sakit ko hahaha.


message 239: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments therapy ang reading ano? sabi rin ni po sa amin kagabi. parang therapy at saka nababawasan daw ang stress niya sa mga proble-problema. (hindi nagdruhmu si po kagabi ha?)


message 240: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sinabi mo. Kasi sa pagbabasa, basta buong-buo yon sarili mo naka-concentra sa binabasa mo, puwede kang ma-transport sa kung saan eh. Kaya yong mga sakit-sakit ng katawan mo di mo na lang napapansin.

Hindi naman pala-emo si Po. Chill lang yan. Pero pag nagdrama di na rin lang pinapansin kasi maraming personalities yan eh. Baka pag pinansin mo, mamaya lang mag-shift na sa isang persona at sayang lang ang emphatic listening time mo.


message 241: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments I agree, may healing powers talagang dulot ang pagbabasa. ^_^ Bukod pa doon, mas lumalawak ang pananaw ko sa mga bagay-bagay at mas naiintindihan ko rin ang mga pananaw ng ibang tao. :)


message 242: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Balak kong basahin ang PAK U


message 243: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Balak pa lang? Basahin na yan! Hahaha. Now na :)


message 244: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Balak pa lang? Basahin na yan! Hahaha. Now na :)"

Itay, binabasa ko na!


message 245: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ano, tapos na ba? :)


message 246: by [deleted user] (new)

It's a Men's World at Smaller and Smaller Circles! :)

Alam ko kayo's natapos na sa dalawang librong ito..haaaay..Sobrang nanghihinayang ako sa nangyaring field trip / walk through sa It's a Men's World kasama si Ms. Bevs..haaaay..

*Bakit? Bakiiiiiit hindi pa ako aktibo sa Goodreads ng mga panahong iyon? haaaaay..


message 247: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
E di sumama ka sa Peb 17 para makita mo si Beverly. Puwede ka pang magtanong sa kanya, magpakuha ng litrato at magpapirma ng aklat. Napakabait ni Beverly at napakaganda pa! Oha?


message 248: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Balak kong basahin sa susunod na mga linggo sa buwan ng Pebrero:


Waywaya Eleven Filipino Short Stories by F. Sionil José
Waywaya: Eleven Filipino Short Stories

Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe by Jun Cruz Reyes
Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe


message 249: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Parehong garantisadong maganda, Jzhun. Ang Tutubi ay Palanca awardee!


message 250: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ang Waywaya rin Kuya nanalo ng 1st prize sa Palanca, English short story category. Ayus! :)


back to top