Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Balak Basahin
Ayban wrote: "saan kayo nakabili ng Utos ng Hari? *excited."Sa UP Press sa tingin ko mayroon. Nakabili ako sa Popular Bookstore noong huling punta namin ni Kuya D.
Eksayted na rin akong basahin yan sa darating na Disyembre.
Mga bata, please pakitakpan muna ang inyong mga mata:
Bukod sa maganda ang nasa pabalat ng magasin, interesado rin akong basahin ang isyu ng Esquire Philippines para sa buwang ito dahil sa "Fiction Issue" ng mga maiikling kwento ng mga premyado nating manunulat.
Pramis, iyong mga kuwento sa loob nito ang nakahikayat sa akin, kung sakali, na bilhin 'to at di si Andi. Uhhmm, well... *kibit balikat*
Basahin ang ilan pang detalye sa kanilang website.
*sipol*
jzhunagev wrote: "Mga bata, please pakitakpan muna ang inyong mga mata:Bukod sa maganda ang nasa pabalat ng magasin, interesado rin akong basahin ang isyu ng Esquire Philippines para sa buwang ito dahil sa "Fict..."
Kuya, sa presinto kana magpaliwanag! Haha..
(hmmm. iba itsura ni Andi sa cover na 'to)
Eto ang aking mga balak basahin:Ang Mananayaw - Rosauro Almario
Ang Mga Anak Dalita - Patricio Mariano
Ang Singsing ng Dalagang Marmol - Isabelo Delos Reyes
Esperanza - Jose Maria Rivera
Si Tandang Basio Macunat - Fray Miguel Lucio y Bustamante
Mara anak, ako'y nagagalak at ikaw ang isang tunay na nagmamahal sa ating sariling literature. Napakagagandang mga aklat ang mga iyan!
Mabuti't ikaw ay hindi nararahuyong magbasa ng mga kagaya ng ipinamamayagpagang babasahin ng iyong Kuya Jzhun. Huwag mo siyang tutularan dahil siya ay makabago na ang paguugali. Hindi pa niya nababasa ang mga turo ni Padre Modesto de Castro.
Mabuti't ikaw ay hindi nararahuyong magbasa ng mga kagaya ng ipinamamayagpagang babasahin ng iyong Kuya Jzhun. Huwag mo siyang tutularan dahil siya ay makabago na ang paguugali. Hindi pa niya nababasa ang mga turo ni Padre Modesto de Castro.
K.D. wrote: "Mara anak, ako'y nagagalak at ikaw ang isang tunay na nagmamahal sa ating sariling literature. Napakagagandang mga aklat ang mga iyan!Mabuti't ikaw ay hindi nararahuyong magbasa ng mga kagaya ng ..."
Oo nga po, Itay. Napakalaki pa ng larawan na nakalagay. Haha.
Itay, maganda pala ang turo ni Padre Modesto. Buti na lamang at nagkameron ako ng kopya nito. Napapangiti ako at di ko maiwasang ihalintulad sa panahon ngayon. Mukhang mahaba ang aking magagawang review dito.
Ginagawa ko pa hanggang ngayon ay iyong pagkukrus pag umaalis ng bahay sa umaga at kapag magdaraan sa tapat ng simbahan. Minsan lang ay di ko alam kung Katoliko ba o Protestante at kung anong relihiyon pa ang dinaraanang simbahan. Minsa'y mahirap reparuhin. Minsan naman ay mabilis ang takbo ng sasakyan.
K.D. wrote: "Ginagawa ko pa hanggang ngayon ay iyong pagkukrus pag umaalis ng bahay sa umaga at kapag magdaraan sa tapat ng simbahan. Minsan lang ay di ko alam kung Katoliko ba o Protestante at kung anong relih..."Gawain ko din iyan, Itay. Pati ang pagdadasal ng rosaryo.
Itay, natanggap nio po ba yung pnadala kong email?
Oo, anak. Bukas ko pa iyong maaasikaso. Dapat maagang matulog ang matanda. Salamat ng marami, Mara anak. Matulog ka na rin at maaga ka pa bukas.
Mara, nabuksan ko na at cononvert ko ang mga files sa MS Word. Balak ko silang basahin utay-utay kapag oras ng pananghalian araw-araw mula noong Biyernes. Sinimulan ko ang "Basyong Makunat." Nakakatawa lang.
K.D. wrote: "Mara, nabuksan ko na at cononvert ko ang mga files sa MS Word. Balak ko silang basahin utay-utay kapag oras ng pananghalian araw-araw mula noong Biyernes. Sinimulan ko ang "Basyong Makunat." Nakaka..."Itay, 30 pahina na lang at matatapos ko na ang Basyong Makunat.
Sunod kong babasahin ay
kumpleto na Kikomachine ko! RAKenROL.
kumpleto na rin full-length Manix books ko. Large format paperback pala 'to. 'Steeg.
at kumpleto na Trese ko!
Salamat ulit kay Jhive sa tip ng Visprint sale.
Wow! Sinamantala mo pala ang free delivery offer ng Visprint. Ang galing nga ng marketing nila, sa pamamagitan niyan naabot ang mga mambabasa sa probinsya at malalayong lugar—symepre di kasama abroad. :D
Yung 12 yata merong e-book, pwedeng ma-order online ng taga-abroad. What more: no language skills required!
Dinalaw ko ang U.P. Diliman tiangge. May tatlong stall dun na nagbebenta ng mga librong 2nd hand na mukhang naalagaan ng mabuti. (Di ko lang masyado napansin kung may Pinoy na libro kasi iba yung hinahanap ko. Pero malay nyo, andun yung hinahanap nyo.)Kung gusto nyo makita ang mga letrato na mas malaki, dalawin lamang ang aking FB page. Paki-"like" na rin nung page...kung hindi...I will hunt you down—parang hindi cute sabihin sa Tagalog e :)
https://www.facebook.com/pages/Reev-R...
Booksmates Zone:

A8 Ramos. O. (Kung ano man ibig sabihin nito)
K.D. wrote: "Salamat, Reeve. *tulo laway* (ako)"Walang anuman, K.D.!
May mga 3 pang mga 2nd hand bookstores na nakakalat sa UP bukod dyan sa tiangge.
Kuya Rise at Amba maghanda na para sa paghihimagsik! Haha.. anong lugar ang una nating susugudin? sa mala-vacuum na mga Press, sa Tiangge o sa NBSBazaar?
jzhunagev wrote: "Ano ba yan! Pwede bang magwala?*sumigaw sa Balintawak noong dumaan papuntang trabaho*"
Hahaha.. Ano sinigaw mo, Jzhun?
Baka bukas sumugod ako sa bazaar ng NBS. Sana matuloy ako.
Mara wrote: "Hahaha.. Ano sinigaw mo, Jzhun?Baka bukas sumugod ako sa bazaar ng NBS. Sana matuloy ako. "
Wala na kong pera!!!!
Uy, happy book hunting sa iyo! :)
jzhunagev wrote: "Mara wrote: "Hahaha.. Ano sinigaw mo, Jzhun?Baka bukas sumugod ako sa bazaar ng NBS. Sana matuloy ako. "
Wala na kong pera!!!!
Uy, happy book hunting sa iyo! :)"
Hahaha.. Sana matuloy ako :)
******
Mga Balak Basahin
1. Sin ni F. Sionil Jose
2. Ben Singkol ni F. Sionil Jose
3. Looking Back ni Ambeth Ocampo
4. Luha ng Buwaya ni Amado Hernandez
@kuya Ryan - Walang anuman. Nakakatuwa naman nakatulong pala yung tip ko :)) hahahaha Gudluck pala sa panginginig!
Reev wrote: "Dinalaw ko ang U.P. Diliman tiangge. May tatlong stall dun na nagbebenta ng mga librong 2nd hand na mukhang naalagaan ng mabuti. (Di ko lang masyado napansin kung may Pinoy na libro kasi iba yung h..."Eto po ba 'yung tiangge sa pagitan ng International Center at simbahan? Bakit parang hindi ko napansin 'yung mga libro?
Booksmate's Zone pala tawag dun sa stall ni Manong na dating nasa AS Walk. Dati hanggang tingin lang ako sa mga libro nya dahil sa kakapusan ko sa pera, ngayon tiyak mabibili ko na'ng lahat ng gusto ko. (Salamat sa payday!)
Reev wrote: "K.D. wrote: "Salamat, Reeve. *tulo laway* (ako)"Walang anuman, K.D.!
May mga 3 pang mga 2nd hand bookstores na nakakalat sa UP bukod dyan sa tiangge."
Meron pa po sa AS Walk pero 'pag weekdays lang po yata bukas. Sa tabi rin po ng Shopping Center saka sa Maginhawa meron.
Jhive wrote: "@kuya Ryan - Walang anuman. Nakakatuwa naman nakatulong pala yung tip ko :)) hahahaha Gudluck pala sa panginginig!"Natapos ko na nga yung Trese 5. Akala ko episodic pa rin kaya isang istorya lang sana muna babasahin ko. Ayun, continuous pala. Di ko na tinantanan hanggang matapos. 5 stars.
Rise, maganda nga ang Trese. Mabilis lang basahin at kakaiba sa pangkaraniwang komiks. Nagulat lang ako noong isang gabi nakita ko na ni-rate mo ng 2 stars ang "12" ni Manix Abrera. Di na ako super-fan ng komiks ngayong may edad na ako pero natuwa rin ako roon.
K.D., nagustuhan ko rin yung 12 ni Manix. Nasimplehan lang ako sa ilang istorya. Mas na-enjoy ko lang ang down-to-earth approach ng Kikomachine. Maliit lang na paperback, hindi glossy. Hindi masyado kumakain ng pahina ang ilang panels.
Sa pagbabasa ko rito, bigla kong naalala na wala pa pala akong Trese 4 at 5. 'Yung naunang tatlo napapirmahan ko kay Kajo Baldisimo, si Budjette Tan na lang ang kulang. Isa na lang ang kulang makukumpleto ko na ang koleksyon ko ng Kikomachine. Kailangan ko na talagang pag-ipunan ang 12. Bakit naman kasi ang mahal nya?!
Books mentioned in this topic
Apocalypses (other topics)Nightfall (other topics)
After Lambana (other topics)
Project 17 (other topics)
Unseen Moon (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Francisco Laksamana (other topics)Resil B. Mojares (other topics)
John Steinbeck (other topics)
Kajo Baldisimo (other topics)
Budjette Tan (other topics)





Magandang pamana yan.