Pinoy Reads Pinoy Books discussion

300 views
Pangkalahatan > Balak Basahin

Comments Showing 101-150 of 548 (548 new)    post a comment »

message 101: by Lyra (new)

Lyra (azure_1395) It's A Mens World by Bebang Siy
Murder On Balete Drive (Trese, #1) by Budjette Tan
Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar
Tres Amores Tatlong Nobeleta ng Pag-ibig sa Siyudad by Layeta Bucoy Looking Back by Ambeth R. Ocampo

Eh yung gustong gusto ko na talagang mabasa ang kahit isa lang sa mga librong to pero wala namang available sa Pandayan dito samin. *sighs* Meron ngang looking back, book 4, 5 at 6 naman. *teary eyed* Bakit ba kasi kokonti ang bookstore dito eh. Di pa pinapayagan magpunta ng SM. Haaaays.


message 102: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Lyra, normally yang mga yan, nasa NBS outlets dito sa Maynila.


message 103: by Lyra (new)

Lyra (azure_1395) K.D. wrote: "Lyra, normally yang mga yan, nasa NBS outlets dito sa Maynila."

Yun nga po problema ko eh. Hindi ako makaluwas. Mukhang matatagalan pa bago ko mabasa tong mga to. haaaayssss.


message 104: by Rise (new)

Rise Di bale, Lyra. Mapapasakamay mo rin yan. Pwede mo rin i-try ang mga online sellers, ang alam ko maraming nagbebenta sa Multiply at Facebook, minsan mas mura pa sa bukstor.


message 105: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo nga. At matagal pa naman bago matapos ang diskusyong sa "It's a Mens World." Mid pa ng December. Puwedeng puwede ka pang makahabol. Kasi yong libro kaya mong tapusin ng 2 days.


message 106: by Pjk (last edited Oct 30, 2012 07:22AM) (new)

Pjk (pichoy01) | 8 comments Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar It's A Mens World by Bebang Siy
Gusto ko sana basahin 'tong mga libro dahil na rin sa mga rebyu nyo, kaso wala naman sa mga NBS na malapit rito sa amin.
Wag Lang Di Makaraos 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)  by Eros S. Atalia Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) by Ricky Lee Bata, Bata... Paano Ka Ginawa? The Screenplay by Lualhati Bautista


message 107: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pjk, Cavite? Maraming NBS dyan ah. Sabagay malaki ang Cavite.

Madalas nakikita ko ang mga librong nabanggit mo. Naroon ako sa NBS SM Dasma noong Biyernes. Na-meet ko nga si Yeng sa Pick-A-Book.


message 108: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments KD, try NBS Crossings daw for Velasco's book. :)


message 109: by Pjk (new)

Pjk (pichoy01) | 8 comments K.D. wrote: "Pjk, Cavite? Maraming NBS dyan ah. Sabagay malaki ang Cavite.

Madalas nakikita ko ang mga librong nabanggit mo. Naroon ako sa NBS SM Dasma noong Biyernes. Na-meet ko nga si Yeng sa Pick-A-Book."


K.D, Malayo na sa'min yang sm dasma, taga rito po ako sa bacoor, sm bacoor/molino wala rin. @__@ Kapag napunta 'ko siguro ng maynila. hahaha.


message 110: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sana may naglu-lurk na taga NBS (feeling ko mayroon) at mabasa ito: ANO BA NAMAN YANG BRANCH NYO SA SM BACOOR! MAY STOCK NAMAN KAYO NG MGA LIBRONG NABANGGIT NI PJK!!!


message 111: by Rise (new)

Rise Sana nga may lerker na taga-NBS Sales dito. Kung wala man, pwede natin ipaabot sa NBS ang mga requests natin.

Ito ang contact page: http://www.nationalbookstore.com.ph/c...
Telepono ng mga branches (sangkatutak): http://www.nationalbookstore.com.ph/b...

Disclaimer: Hindi po ako empleyado ng NBS o anuman bookstore, at di rin binayaran para mag-promote. hehe.


message 112: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan, ako rin. Pero mas professional nga kung pumunta dyan sa links na yan at doon may complaint. Kaysa magsulat ng all caps.


message 113: by Rise (new)

Rise Sana nga lang ay mabilis sila magre-stock ng isang branch kapag may bagong requests. Ang alam ko sa ibang bookstore (Fullbooked) meron talagang sistema kung paano mag-request sa isang branch tapos maghihintay lang ng ilang araw. Sila pa mismo ang kokontak sa nag-request kapag dumating na ang mga libro.


message 114: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ryan wrote: "Sana nga lang ay mabilis sila magre-stock ng isang branch kapag may bagong requests. Ang alam ko sa ibang bookstore (Fullbooked) meron talagang sistema kung paano mag-request sa isang branch tapos ..."

Hindi mapasusubalian, maganda ang customer service ng Fully Booked, d'yan sila namumuhunan at kung maganda ang naging karanasan ng customer at mabisa ang serbisyong naibigay, panigurado babalik iyan para sa iba pa.

Ang nakalulungkot lang sa bookstore na yan limitado ang pamimilian sa kanilang Filipiniana.


message 115: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments jzhunagev wrote: "Ryan wrote: "Sana nga lang ay mabilis sila magre-stock ng isang branch kapag may bagong requests. Ang alam ko sa ibang bookstore (Fullbooked) meron talagang sistema kung paano mag-request sa isang ..."

Magbabago sila kapag nagising sila sa hindi mapigil na paglaganap ng mga nagbabasa ng mga akdang Pinoy. For the meantime, bumili sa Solidaridad Bookshop at iba pang tulad nila. :)


message 116: by Rise (new)

Rise Jim Pascual Agustin wrote: "Magbabago sila"

Korekek, Jim! Suportahan pa din ang mga independent book sellers.


message 117: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments PJK, yung bata, bata, hindi yan yung nobela. yan yung screenplay. si lualhati rin ang nagsulat pero magkaiba ng porma siyempre, yun isa, nobela, prose...yung isa, pautos, script kasi.

i suggest, kontakin ang Visprint. sobrang friendly sila sa mga reader ng mga aklat nila. (para sa wag lang di makaraos), yung para kay B, kontakin si jerry, siya ang assistant ni Sir Ricky Lee. heto ang number niya. 0917-5331948. self published ang para kay b, kaya masaya si sir jerry na mag-entertain ng buyer na katulad mo. at malay mo me personal pang dedication ni ricky lee ang mabili mong aklat from him. yung aklat ko, please contact pandora's books online sa FB. nagbebenta siya ng mens. (eeeww...) yung walong diwata, pwede mo siguro tanungin si Sir Egay Samar. kasama natin siya dito sa good reads group natin.


message 118: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat sa mga pagbibigay ng giya sa mga miyembro, Beverly. Mabuti't kasama ka namin dito.


message 119: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments balak kong basahin ang Juan Ponce Enrile A Memoir by Juan Ponce Enrile sana ay mabili ko na ito bago matapos ang buwan. May kamahalan nga lang. Pero sigurado namang worth it ito, magaganda ang mga review na nababasa ko.


message 120: by Rise (new)

Rise Mara, may dokumentaryo tungkol kay Enrile na lumabas sa TV nung Martial Law celebration. Hindi ko napanood. Sayang.


message 121: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Kuya Ryan napanood ko po ung dokumentaryo na yun. Mataas ang respeto ko kay Enrile, isa siya sa mga hinahangaan ko. Sa kanyang edad, napakatalas pa din ng kanyang memorya.


message 122: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, gusto ko rin yang mabasa. Yan ang ilalagay ko sa Wish List ko sa Kris Kringle sa opisina.


message 123: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Daddy K.D nasa wishlist ko nga din po ito, pero baka ang mangyari ako din ang tumupad sa wish ko. haha..


message 124: by K.D., Founder (last edited Nov 02, 2012 08:06PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mabuti naman at di mo sinabing ako, Mara anak.


message 125: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Binigyan mo ako ng ideya,Daddy K.D! Pwede din naman itay, ibinili nio po ako :)


message 126: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mabuti pa kaya'y hekstsange gip na lang tayo Mara anak. Bibili ako at ibibigay ko sa iyo. Pagkatapos ay bibili ka rin at ibibigay mo saken.


message 127: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Haha! Sige Daddy K.D, magpalitan tayo. Ibabalot ko po ng maganda para hindi ninyo malaman kung ano ang regalo ko sa inyo :)


message 128: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige anak. Ipitan mo na rin ng mga ube.


message 129: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Anong hugis ng ube ang gusto nio Daddy K.D? Yung hugis isda ba o yung normal na oblong? haha!


message 130: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, yong may litrato.


message 131: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Sige Daddy K.D, lalagyan ko ng litrato ko :)


message 132: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahaha ang kulit ng mag-amang ito. Pantapat sa mag BFF na sina Urbana at Feliza!


message 133: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Beverly wrote: "hahahaha ang kulit ng mag-amang ito. Pantapat sa mag BFF na sina Urbana at Feliza!"

Si Itay po kasi eh! Ang gusto may mga "ube",tapos may litrato pa. Hindi po kaya masira yun pag binalot ko? baka mapanis. Haha!


message 134: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments Ingat sa pagbasa kay Enrile. Tingnan ang komentaryo mula sa interaksyon.com. Marami raw kasinungalingan o di-katotohanan (pareho ba iyon?) tulad ng fake assassination attempt sa kanya to justify Martial Law.


message 135: by Rise (new)

Rise Noted, Jim. Interesado din akong malaman ang bersyon ni Enrile. Pero kailangang timbangin natin ito at tingnan din ang naisulat ng iba pa tungkol sa Martial Law.


message 136: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments Malaki ang bahagi niya sa Martial Law at mga Marcoses. Marami ring kontrobersya ang kanyang pamilya.


message 137: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Jim Pascual Agustin wrote: "Ingat sa pagbasa kay Enrile. Tingnan ang komentaryo mula sa interaksyon.com. Marami raw kasinungalingan o di-katotohanan (pareho ba iyon?) tulad ng fake assassination attempt sa kanya to justify Ma..."

Ganun po ba? Katulad ng sinabi ni Kuya Ryan, dapat timbangin muna natin lahat ng mga naisulat patungkol sa Martial Law. At gusto kong mabasa ang bersyon ni Enrile.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Hi! Mara

nun lumabas iyan libro ni Enrile, ang daming nag-comment ng negative sa editoryal ng kanilang newspaper. Mas hahanga ata ako kay Trillanes, cguro?!...


message 139: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tsaka may mga nabanggit yata sa libro na di tama. May mga komentaryo sa Inquirer na nagtatama sa ala-ala ni Manong Johnny. Apparently, marami na rin siyang claims na di sakto.

Those I think make the book more interesting. Matanda na siya upang maala-ala ang mga eksaktong pangyayari. Tayo ngang mas bata, minsan nangyari lang kahapon, iba na ang rekoleksyon natin. So, pag nagbabasa ka ng memoir na ito, handa kang makabasa ng di totoong nangyari pero yon ang sa pagkakaala-ala ng 70+ man na gaya ni Enrile ay totoong nangyari.


message 140: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Po wrote: "Hi! Mara

nun lumabas iyan libro ni Enrile, ang daming nag-comment ng negative sa editoryal ng kanilang newspaper. Mas hahanga ata ako kay Trillanes, cguro?!..."


Hmmm.. Wala akong komento kay Trillanes, KUYA Po! haha! Kaya gusto ko mabasa ang librong yan, masyadong controversial.


message 141: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, mabuti pa kaya'y ikaw na lang ang bumili at magbasa. Tapos pag maganda, hihiram na lang kami sa iyo. Tutal, mayaman nang sobra si Sen. Enrile at pag bumili ka pa ng libro, baka wala nang paglagyan ang salapi niya. Kaya't hiraman na lang. Hiram na lang kami sa iyo kapag binigyan mo yang ng 5 stars.

Meron ding mga politiko kasi na nagsusulat ng memoir either dahil madali na silang mamatay (pakiramdam nila) o nagbabalak silang kumandidato. Kung yong una, magandang bumili ngayon dahil pag namatay na, mas maraming magkaka-interes dyan at mamahal ang libro (parang noong mamatay si Michael Jackson o si Dolphy) yan. Pero pag yon sa huli, ewan ko. Puwede naman siyang maging presidente. Noong nagkandidato kasi yan noon, sariwa pa ang papel niya sa Martial Law. Sa mga kabataang kagaya mo halos wala nang alam sa Martial Law at ang naaala-ala mo ay yong Manong Enrile na "gusto ko happy ka!" at yong role niya sa pagpapatalsik sa tiwaling Chief Justice.


message 142: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Daddy K.D, ikaw na lang kaya ang bumili. Ako na lang ang pahiramin mo, Itay! Bigla ako nagdalawang isip kung bibilhin ko ito.


message 143: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hintay ko muna baka may mag-regalo sa Pasko. Pag wala at may natira pa sa Christmas bonus ko at nariyan pa ang libro, bibili ako. Well, depende rin kung may lalabas pang mga mali sa libro mula sa mga kritiko.

Medyo romanticized na kasi ang imahen ni Enrile ngayon. Kasi sikat siya dahil sa Chief Justice trial na yan.


message 144: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Sige Itay, maghihintay din ako. Baka may mag regalo din sakin nyan. Sana meron para malibre naman ako. Hehe


message 145: by Jim (new)

Jim Agustin (jim_pascual_agustin) | 88 comments :)


message 146: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Balak basahin:


Nine Supernatural Stories by April T. Yap

Pagkatapos basahin ang Cloud Atlas, plano kong basahin ang antolohiyang ito mula sa UP Press na binili namin kasama si Kuya D sa Popular Bookstore.

Napansin ko, magandang magbasa ng mga akdang Pinoy para matanggal umay o pananawa mula sa pagbabasa ng mga akdang Kanluranin.

Hiling ko lang, sana nakaisip ang editoyal ng UP Press ng mas magandang titulo dahil masyadon itong pang-karanwian sa aking opinyon at upang maaaya na rin ang ilang prospektong mambabasa at para na rin bigyang interes ang ilan na hindi naman mahilig magbasa ng mga istoryang pawang kababalaghan o kahiwagaan (supernatural).


message 147: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jzhun, pahiram pagkatapos mo ha? Tsaka yong "Utos ng Hari" ni Prof. Jun Cruz Reyes. *nanginginig*


message 148: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Jzhun, pahiram pagkatapos mo ha? Tsaka yong "Utos ng Hari" ni Prof. Jun Cruz Reyes. *nanginginig*"

Sige, Kuya! Kaso baka sa Disyembre ko na mabasa ang Utos ng Hari. Huwag ka munang manginig sa ngayon. Haha! :D


message 149: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige, dadaanin ko na lang sa balot ng kumot.


message 150: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Ang ginto sa Makiling: at iba pang kuwento ni Macario Pineda
Isinaayos at binigyan ng Introduksyon ni Soledad S. Reyes.
wala pa dito sa Goodreads. Hintayin ko baka may maglagay:)

Pamana nga pala ng aking butihing Tita:)


back to top