Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Balak Basahin
Paolo, nakakakita rin ako niya noon. Kaso, gusto ko pang sumubok ng ibang manunulat dahil nabasa ko ang ang Mga Ibong Mandaragit.
Napakagandang pagpili. Isang makabuluhang aklat. Sana'y maibigan mo, Rhisa. Hindi siya pang-aliw. Malulungkot ka ngunit may mapupulot kang kaalaman. Harinawa'y maibigan mo rin.
Tama. At lalong lalo na sa mga kabataan kagaya mo, may matututunan ka tungkol sa kasaysayan ng relasyong US at Pilipinas. Kung hindi man ay paala-ala. Upang di na muling mangyari ang maling nangyari noon.
Pagbalik ko ng bahay matapos ang ilang araw na travel, eto ang aking nadatnan:
Salamat kay Jim Pascual Agustin sa pagrerekomenda ng Mangyan Treasures!
Very large softback pala ang Nagmamagandang-Loob Po!. Pero pareho lang sila ng presyo ng Mangyan Treasures.
Kakatapos ko lang ng ZsaZsa Zaturnnah. Nakakatuwa ang librong yan, ang kulit at magaling magdrowing si Carlo. Hehe.
Ryan, pinahiram ako ni Ayban ng "Luha ng Buwaya." Yang "ZsaZsa," di ko pa binasa pero mayroon na ako nyan. Ewan ko, di ko pa naisip bumili ng "Timawa" kasi parang may libro pa ako ng author na yan. Hintay ko ang mga rebyu mo.
Beverly, bisyo na 'to. Buti walang sin tax ang libro. Hehe. Second printing ng It's a Mens World ang nakuha ko.K.D., naging interesado ako sa Timawa kasi nabanggit ni Edgardo M. Reyes si A. C. sa Sa Aking Panahon na dati nyang kaibigang editor.
Hello, Ryan. Salamat sa pagbili ng mens. ayan, may mens ka na rin hahahaha Okey ang bisyo mo, hahahaha very enlightening. sana lahat ng kabataan, reading din ang bisyo. reading pinoy books.
KD ako rin di ko pa nababasa ang ZsaZsa! magkakapanahon din ako diyan, hehehe
nasa gitna na ako ng Letters from Palawan. ang next na gusto kong basahin:
ang sandali ng mga mata ni alvin yapan. bumili si boyfriend a few months ago. nabasa ko ang unang mga pahina, parang okay sa akin ang lengguwahe.
Ryan, Timawang may mens. LOL.
Beverly, Maganda yan. Una kong nabasa yong Sambahin ang Katawan ni Alvin Yapan bago yan. Pareho silang maganda.
Paolo, Mayroon nang cover yang book na Filipino version. Medyo matagal na ring narito sa GR. Yan ingles ay ako ang nag-upload ng cover. Di ako mapakali kapag di tama ang cover ng libro kong nabasa. Ako na isang OC.
Beverly, Maganda yan. Una kong nabasa yong Sambahin ang Katawan ni Alvin Yapan bago yan. Pareho silang maganda.
Paolo, Mayroon nang cover yang book na Filipino version. Medyo matagal na ring narito sa GR. Yan ingles ay ako ang nag-upload ng cover. Di ako mapakali kapag di tama ang cover ng libro kong nabasa. Ako na isang OC.
K.D., ang timawa daw ay freeman, kaya "freeman with mens". hehe. ewan ko ba kung bakit nag-iba na ang konotasyon ng salitang iyan.Paolo, suwerte mo kasi may mga dagdag pa yatang kuwento yang Tagalog na edisyon.
Ryan, ang totoo nyang wala akong ideya kung anong ibig sabihin ng "timawa." Salamat sa impormasyon.
Paolo, saan ka nakabili ng Ginto sa Makilinh? Parang nais ko siyang basahin sa orihinal na Filipino. :)
Paolo wrote: "Jzhunagev, sa Robinsons po, along Marcos Highway, katabi ng Sta.Lucia East Grand Mall. NBS po."Nya! Ang layo niya pala sa amin. Sayang naman.
Jzhunagev, meron sa National Book Store Robinson's Galleria. Parang 5 copies yon. Nasa pinakahuling shelf. Tagalog. Totoo ang sabi ni Paolo, mahaba ang intro.
Paolo, hmmm. Bakit nga hindi na nagpapakita? Baka may nag-delete. Librarian ka na ba? Kung di man, pag nakakuha na si Jzhun ng kopya.
Paolo, hmmm. Bakit nga hindi na nagpapakita? Baka may nag-delete. Librarian ka na ba? Kung di man, pag nakakuha na si Jzhun ng kopya.
Yung sa English, yung nobela lang nga, wala yung maiikling kwento. Tapos yung intro mas maigsi yata kaysa dun sa intro sa Tagalog.
Paolo, parang nagpapasalamat na tuloy ako na edisyong ingles ang binasa ko. Intro pa lang sa Filipino ay 62 pahina na!
Parang sobrang nauna yata si Macario Pineda kaysa kay Edgardo Reyes. Doon sa Sa Aking Panahon ang kasabay niya ay si Rogelio Sicat. Sila ang mga "bagong dugo." Si Liwayway Arceo ang parang pinaka-pinuno ng editoryal.
Ryan wrote: "Pagbalik ko ng bahay matapos ang ilang araw na travel, eto ang aking nadatnan:
[bookcover:It's A Mens World|129154..."Ryan, isang araw gusto kong makabalik sa Mindoro at subukang isalin sa Filipino ang mga ambahan ng mga Mangyan.
Magandang proyekto yan, Jim! Umaabot sa 261 ambahan ang nasa 2 libro. Talagang may pagka-sopistikado ang paraan ng panulat na ito ng mga Mangyan. Parang mas madali ang baybayin ng mga Pala'wan. Ako gusto ko ring subukan na isalin sa Ingles ang Filipino ni Postma.
Dalawa nga, Jim. Yung English ay Mangyan Treasures ni Antoon Postma. Yung Filipino ay Nagmamagandang-Loob Po! ni Restituto Reyes Pitogo na mas detalyado at may mga anotasyon ang mga salin.
May mga ambahang salin nina Soledad Reyes at Isagani Cruz sa dating textbook namin sa Filipino sa Ateneo - daming typos ng buong aklat, at hindi ko nagustuhan ang mga salin. Oddly, I only began to like Ambahan when I was doing Philippine History under Noelle Rodriguez (translator of Laureano's vintage photo-essay book - which I still need to review!) and at the same time sitting in Benilda Santos's criticism course at Ateneo.I want to see this book.
May ilan na rin palang may bersyon ng ambahan. Maganda siguro pagtabi-tabihin at ikumpara ang mga ito.
inggit ako sa inyong nariyan. :(Sino pa ba ang mga mahilig magbasa (bumili?) ng mga aklat ng tula? Rekomendado ko ang aklat ng kapwa-National Book Award nominated ng isang kaibigan - DALAWANG PULDAGA AT TUBIG (Emmanuel Q.Velasco). UST Publishing House din siya lumabas, tulad ng mga beybi ko (na sana basahin din ninyo). Mas mura ang aklat niya sa aklat ko, at unang aklat niya ito kaya tuwang-tuwa ako at nominado rin siya. Medyo iiyak sa tuwa at lungkot lang ako kung manalo siya at hindi ang aklat ko. hahahaha. Ang endplan - bumenta ang mga aklat ng tula para patuloy na ilathala. Time out... nagpromo yata ako. Sori. Saan ba ang lugar para sa pagbubuhat ng sariling bangkito?
Jim, kararating ko lang sa bahay. Dumaan ako sa SM City. Wala nyang librong sinasabi mo. Lumabas na ba?
Ryan, sa PB SM Megamall, kumpleto ang KikoMachine Komiks. Mayroong #1 at #2. Sale starting today hanggang sa Sunday. 20% off.
Ryan, sa PB SM Megamall, kumpleto ang KikoMachine Komiks. Mayroong #1 at #2. Sale starting today hanggang sa Sunday. 20% off.
K.D. wrote: "Jim, kararating ko lang sa bahay. Dumaan ako sa SM City. Wala nyang librong sinasabi mo. Lumabas na ba?Ryan, sa PB SM Megamall, kumpleto ang KikoMachine Komiks. Mayroong #1 at #2. Sale starting t..."
KD, sinulatan ko si Emman. Pagsagot niya sabihin ko sa iyo.
Sa office, malapit ako sa NBS Bestsellers Podium at NBS Bestsellers Robinson's Galleria, NBS SM Megamall at NBS EDSA Shangrila.
Sa bahay, malapit ako sa NBS SM North EDSA, NBS Bestsellers SM City Annex, NBS Crossings.
Sa bahay, malapit ako sa NBS SM North EDSA, NBS Bestsellers SM City Annex, NBS Crossings.
Books mentioned in this topic
Apocalypses (other topics)Nightfall (other topics)
After Lambana (other topics)
Project 17 (other topics)
Unseen Moon (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Francisco Laksamana (other topics)Resil B. Mojares (other topics)
John Steinbeck (other topics)
Kajo Baldisimo (other topics)
Budjette Tan (other topics)





Magugustuhan ko ito for sure Ayban!