Pinoy Reads Pinoy Books discussion

459 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 701-750 of 820 (820 new)    post a comment »

message 701: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "K.D. wrote: "The Spirit Quest Chronicles (Transpersonal Psychology Series) by Ruel S. de Vera
THE SPIRIT QUEST CHRONICLES
by Ruel S. de Vera

Nabili ko ng P50 lang. Mga articles na lumabas sa Philippine Daily Inquirer tungkol sa m..."


Sa Fisher Mall. Nakatambak sa harapan ng NBS. Mga books ng Anvil. Parang P50 yata lang yan.


message 702: by K.D., Founder (last edited Mar 07, 2015 04:54AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos pa lang:

In Binondo, Once Upon a War by Amelia Lapeña-Bonifacio
IN BINONDO, ONCE UPON A WAR
by Amelia Lapena-Bonifacio

Si Gng. Bonifacio ay isang feminist. Isang mahusay na playwright. Isang scholar sa panulat. Isang puppeteer. Isang ina. Lumaki sa Binondo. Naroroon ang pamilya niya bago ang digmaan, habang may digmaan at pagkatapos ng digmaan.

Rekomendado sa lahat ng gustong malaman kung ano ang buhay noong panahon ng digma sa mata ng isang bata. 15 years old sya noon.

Marami na akong nabasang libro tungkol sa karanasan ng mga Pilipino o mga dayuhan lalo na ng mga Amerikano noong panahon ng digma dito sa Maynila pero ito yong parang hindi naging exaggerated. Feeling ko lang.

Sana balang araw maging book of the month natin ito. Parang masayang pagusapan.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Katatapos lang maglaba! kapagod haaaay! buhay!


message 704: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Claire wrote: "Katatapos ko pa lang pong basahin:
Ang Paboritong Libro ni Hudas
Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong

my review"


Claire, Sana magpakita ka sa isang events ng PRPB o sa maraming events. Tapos ikaw ang moderator pag nanalo ang "Si" haha


message 705: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po wrote: "Katatapos lang maglaba! kapagod haaaay! buhay!"

Dyusme, pati paglalaba! haha


message 706: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Apat na Screenplay by Armando Lao
APAT NA SCREENPLAY
ni Armando Lao

Kung gusto ninyong malaman kung paano sumulat ng screenplay (kuwento para sa pelikula), ito yong isa sa mga librong puwede ninyong gawing reference.

Narito rin ang screenplays na sinulat nina Lualhati Bautista (Maricris Sioson: Japayuki), Jose Dalisay, Jr (Tayong Dalawa) at ni FANNY A. GARCIA na malapit na nating makapanayam: SAAN DARATING ANG UMAGA?

Sale sa Anvil. P50 lang ang bili ko nito last month.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Guys basahin ninyo un Phil. Speculative Fiction sobrang ganda! pinagsama-sama ang genre para makabuo ng kakaibang timpla ng kwento!


message 708: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kababasa pa lang (dahil bakasyon) haha:

Stupid is Forever by Miriam Defensor Santiago
STUPID IS FOREVER
by Senator Miriam Defensor-Santiago

Haha. Tama si Ang Kawangki!!!

60ZENS Tips On Senior Citizenship by Jun Balde
60ZENS: TIPS ON SENIOR CITIZENSHIP
ni Jun Balde

Haha! Very timely! 10 years from now my senior citizen card na ako. Bigay ito ni Bebang 2 christmas parties ago, pero ngayon ko lang naisipang basahin. Time to prepare na hahaha!


message 709: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "K.D. wrote: "Kababasa pa lang (dahil bakasyon) haha:

Stupid is Forever by Miriam Defensor Santiago
STUPID IS FOREVER
by Senator Miriam Defensor-Santiago

Haha. Tama si Ang Kawangki!!!

[bookcover:60ZENS:..."


Oo! Ikaw na ang isa sa mga references ko sa pagpili kung ano ang babasahin haha.


message 710: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Idol Ko Si Sir by Michael Juha
IDOL KO SI SIR
ni Michael Juha

Nakakaiyak daw sabi noong dalawang unang nag-review dito sa GR.

Hindi naman. Pero mahusay ang pagkakasulat.


message 711: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Idol Ko Si Sir by Michael Juha
IDOL KO SI SIR
ni Michael Juha

Nakakaiyak daw sabi noong dalawang unang nag-review dito sa GR.

Hindi naman. Pero mahusay ang pagkakasulat."


hindi kaya pinigil mo lang, kd. hehe, joke.


message 712: by Rise (new)

Rise Sa Kasunod ng 909 ni Edgar Calabia Samar.

Para sa akin, mas angat ang nobelang ito sa Walong Diwata ng Pagkahulog. Mas makapangyarihan ang paghahalo ng mga elementong supernatural, personal, at politikal. Kuwento ng matalik na kaibigan na nawawala at pilit na hinahanap, kuwento rin ng isang ama na may kakayahang maglaho. Higit sa lahat, kuwento ng madilim na kasaysayang ipinagkait sa mga tauhan.


message 713: by Rise (new)

Rise The Death of Summer by Rosario de Guzman Lingat

The Death of Summer ni Rosario de Guzman Lingat, salin sa Ingles ni Soledad S. Reyes

Salin ng Kung Wala na ang Tag-Araw, unang lumabas sa magasing Liwayway noong pagtatapos ng 1960s. Nobela na nagsimula sa pagliligawan, humantong sa pagtatanan at pagpapakasal. Ang lalaki ay nagkaroon ng relasyon sa maraming babae, papalit-palit, kahit may-asawa na at nagkaroon ng mga anak. Sa paglipas ng panahon, lumayas ang babae sa bahay, tinunton ng lalaki, kinuha ang lahat ng mga anak, at di na nagpakita sa babae. Lumipas ang maraming taon, ang mga anak ay lumaking walang ina. Sa paglubog ng tag-araw ng kanyang kabataan, nalaman ng lalaki ang isang napakahalagang bagay tungkol sa pag-ibig. Basahin para malaman.


message 714: by Rise (last edited Apr 25, 2015 04:50AM) (new)

Rise The Cloak of God by Rosario de Guzman Lingat

The Cloak of God ni Rosario de Guzman Lingat, isa pang salin sa English ni Soledad S. Reyes

Ang Balabal ng Diyos ay unang lumabas sa Liwayway noong kalagitnaan ng 1970s. Dahil sa pagkukunwari na isang propetang, isang aktor sa teatro ang aksidenteng naging pinuno ng isang religious cult. Dumami ang kanyang tagasunod at hindi na nakatakas pa ang aktor sa kanyang role dahil lagi syang sinusundan ng mga tao. Pinanindigan na lang ng aktor ang kanyang pagiging propeta at humakot sya ng maraming kayamanan mula sa donasyon ng mga tagasundo. Ang librong ito ay may pagka-tragicomic. Seryoso ang pananalita at mga eksena ngunit sadyang nakakatawa ang sitwasyong kinahantungan ng bida. Sa bandang huli, di ko akalaing may pagka-sci-fi o magiging tila speculative fiction ito.


message 715: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ryan wrote: "Sa Kasunod ng 909 ni Edgar Calabia Samar.

Para sa akin, mas angat ang nobelang ito sa Walong Diwata ng Pagkahulog. Mas makapangyarihan ang paghahalo ng mga elementong supernatural,..."

galing mo Rise!



message 716: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ryan wrote: "Sa Kasunod ng 909 ni Edgar Calabia Samar.

Para sa akin, mas angat ang nobelang ito sa Walong Diwata ng Pagkahulog. Mas makapangyarihan ang paghahalo ng mga elementong supernatural,..."


Pareho tayo, Rise. Mas nagustuhan ko nga kaysa sa Walong Diwata. Nakakareleyt kasi ako sa sitwasyon ng pangunahing tauhan... Mahilig akong 'maglaho'.
Ahihihihi!


message 717: by Rise (new)

Rise jzhun... jzhun... wer r ...

*tsk. naglaho na naman*


message 718: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Jzhun baka tulad mo din ang lagay ng angkan nila Aaron? nawawala. . mawawala. . tapos lilitaw. . hehe!


message 719: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Juan wrote: "Jzhun baka tulad mo din ang lagay ng angkan nila Aaron? nawawala. . mawawala. . tapos lilitaw. . hehe!"

Isa akong mutant palitaw! X'D


message 720: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Para sa Broken Hearted by Marcelo Santos III
PARA SA BROKEN HEARTED
ni Marcelo Santos III

Di kasing ganda ng Para sa Hopeless Romantic (3 stars) dahil puro ito kalungkutan. Kaya nga ganoon ang titulo. So, kung broken hearted ka at gusto mong lalong maging malungkot, magbasa ka nito.

Pero ba't nga ganoon, pag malungkot ka, gusto mong pakinggan yong malungkot na kanta at gusto mong basahin yong malungkot na libro? lol.


message 721: by Rise (new)

Rise A Small Party in a Garden by Linda Ty-Casper
A Small Party in a Garden by Linda Ty-Casper

Matapos ang pagdiriwang ng isang mallit na kasayahan sa isang hardin, ang kanang kamay ni Imelda Marcos, isang marangyang babae, ay dumalaw sa kanyang ama. Pinagtatalunan nila ang pulitika at mga pang-aabuso ng diktaduryang Marcos. Ang ama ay kritiko ni Marcos, ang anak ay walang pakialam. Sa huli ay parehong masasangkot sa bagong lipunan.


message 722: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Timawa Isang Nobela by A.C. Fabian
TIMAWA
ni A. C. Fabian

Si Fabian ay isang doktor na naging patnugot ng Liwayway noong 40's at 50's. Ang kanyang protegee na si Liwayway Arceo ang nagbigay ng introduksyon sa nobela. Tungkol sa "timawa" o yong alilang-kanin (nagpapaalila para kumain) na sa huli'y magtatagumpay.

Napaka-inspiring ng kuwento. Di nakakapagtakang binabasa ito bilang required reading sa high school o kolehiyo. Una ko itong narinig kay Dra. Ranee, kakwebang doktor na naging kaibigan ko sa TFG.


message 723: by Rise (new)

Rise Commend Contend/Beyond, Extensions by Edith L. Tiempo
Commend Contend/Beyond, Extensions ni Edith L. Tiempo

Poetry of the best kind.


message 724: by K.D., Founder (last edited Jul 10, 2015 05:37PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mona Lisa A Portrait (From the Memoirs of a Grandmother) by Celine Beatrice Fabie
MONA LISA: A PORTRAIT: FROM THE MEMOIRS OF A GRANDMOTHER
by Celine Beatrice Fabie

Took me a long time to finish because I have been busy at work.

But it was worth your every minute up until the last page! So, di ko sya magawang dayain (sabihing tapos na pero di nabasa hanggang dulo).


message 725: by Rise (new)

Rise Poems of Rolando S. Tinio, Jose F. Lacaba & Rio Alma by Rolando S. Tinio All the Conspirators by Carlos Bulosan The Hand of the Enemy by Kerima Polotan

1. Poems of Rolando S. Tinio, Jose F. Lacaba & Rio Alma, salin sa Ingles ni Robert Nery

Tatlong maestrong makata, mapa-Ingles man o Tagalog. Medyo bitin lang dahil kaunti lang ang mga tula mula sa 3 maestro.

2. All the Conspirators ni Carlos Bulosan

Crime and mystery novel. Nagpapakita ng pakikipagsabwatan ng ilang Pilipino sa mga Hapon. 45 taon mula nang mamatay si Bulosan (1956) bago pa ito nalimbag pero sadyang makabuluhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Nagpapakita rin ng uri ng pamumuhay sa Maynila at northern Luzon pagkatapos na pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

3. The Hand of the Enemy ni Kerima Polotan

Isa ring postwar novel at time machine trip sa buhay Maynila at buhay probinsiya ng 1950s to 1960s. Medyo mabagal sa umpisa pero sa huli ay fast-paced na dahil sa mga eksenang kahindik-hindik.


message 726: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Parehong mayroon ako ng 2 at 3 mo, Rise. Mabasa nga rin ang mga 'yan. :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Ryan wrote: "Poems of Rolando S. Tinio, Jose F. Lacaba & Rio Alma by Rolando S. TinioAll the Conspirators by Carlos BulosanThe Hand of the Enemy by Kerima Polotan

1. Poems of Rolando S. Tinio, Jose F. Lac..."


@Ryan, maganda yan! lalot relate ako sa 50's, 60's,70's katatapos lng namin ng Anak ng Lupa ni Domingo G. Landicho


message 728: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Poems of Rolando S. Tinio, Jose F. Lacaba & Rio Alma by Rolando S. TinioAll the Conspirators by Carlos BulosanThe Hand of the Enemy by Kerima Polotan

1. Poems of Rolando S. Tinio, Jose F. Lac..."


Wow. Na-inspire akong magbasa ulit. Medyo busy lang as work. Nagpipilit lang magbasa ng pakonti-konti pero sobrang kulang sa tulog dahil 10-18 hrs lagi sa office everyday.


message 729: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Parehong mayroon ako ng 2 at 3 mo, Rise. Mabasa nga rin ang mga 'yan. :)"

Panalo parehas, jzhun. Yung kay Bulosan may pagka-page turner. Yung kay Polotan para kang nanood ng black and white na Tagalog, kahit na nasa English.


message 730: by Rise (new)

Rise Po wrote: "Ryan wrote: "lalot relate ako sa 50's, 60's,70's katatapos lng namin ng Anak ng Lupa ni Domingo G. Landicho"

Ansarap basahin ng mga lumang libro, lalo na yung di ka pa pinapanganak.


message 731: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Wow. Na-inspire akong magbasa ulit. Medyo busy lang as work."

Buwan ng Wika kaya masarap magbasa ng akdang Pilipino sa kahit anong wika.


message 732: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ang gaganda ng mga binabasa nyo kapatid! maibahagi ko lang din ang sakin.

Sa Kasunod ng 909 at An Author's Notebook ni Tony Perez.

Meron pa bang America is in the Heart sa NBS?


message 733: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ryan wrote: "K.D. wrote: "Wow. Na-inspire akong magbasa ulit. Medyo busy lang as work."

Buwan ng Wika kaya masarap magbasa ng akdang Pilipino sa kahit anong wika."


sang-ayon ako sa'yo Ginoong Ryan! Mabuhay ang Pambansang Wika!


message 734: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Juan, maghintay ka lang at baka may discounted nito sa Anvil booth sa gaganapin na MIBF sa darating na Setyembre. Highly reccommended ko yung kulay pula na America is is the Heart kasi mas magandang edisyon yon.


message 735: by Bananafriz (new)

Bananafriz | 180 comments Ang alam ko may 20% discount lahat ng bagong libro sa Anvil. :D


message 736: by Juan (new)

Juan | 1532 comments salamat po sa tips!


message 737: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Huli kong binasa:

It's Raining Mens by Bebang Siy
IT'S RAINING MENS
ni Bebang Siy

Ayaw na ni Bebang na maging book of the month ang libro nya. Delikadesa raw.

Sabi ko, paano yong mga bagong members na gusto pa syang makilala. Matanong ng mga nakakawindang na bagay?

Ayaw. Iniisip ko tuloy gawing impromptu sa Christmas Party haha. Di naman pumupunta yon dito sa GR kaya kahit naka-post dito di nya malalaman. Ano sa tinggin ninyo? Gawin nating November read ito kasama na Tabi Po 1 & 2. Anyway, komiks naman ang mga yon at madaling basahin. Tapos, instant (second) panayam tayo?


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Huli kong binasa:

It's Raining Mens by Bebang Siy
IT'S RAINING MENS
ni Bebang Siy

Ayaw na ni Bebang na maging book of the month ang libro nya. Delikadesa raw.

Sabi ko, paano yong mga bago..."


@KD- sang-ayon ako jn lalot marami na ang newbie at sabik ma-interview si Bebang, marami din mga katanungan patungkol sa kanyang aklat.


message 739: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Game ako dyan


message 740: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Naka-add na!


message 741: by Ara (last edited Sep 07, 2015 08:08PM) (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Huling binasa,mabigat na magaan ang kwento :) pampagoodvibes :)

Princess Maryam ni Eric Kabahug

Princess Maryam by Eric Cabahug


message 742: by Rise (new)

Rise Huling binasa

But for the Lovers by Wilfrido D. Nolledo Reportage on Lovers A Medley of Factual Romances, Happy or Tragical, Most of Which Made News by Nick Joaquín

1. Reportage on Lovers ni Quijano de Manila

Ito ang tunay na pmapakilig. Walang panama ang aldab-aldab na yan. Magandang idiskas.

2. But for the Lovers by Wilfrido D. Nolledo

Ito para sa akin ang pinakamagaling (at isa sa pinakamahirap basahin) na nobelang Pilipino sa English. Kung ang hanap mo ay mo (modernismo) o po-mo (postmodernismo) o po-po (postmodern poetry, in prose). Ito ay maituturing na Philippine Ulysses.


message 743: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Shet, Rise! Saan ka nakakita ng kopya niyan! Ang hirap namang makahanap n'yang But for the Lovers. Huhubells!

At totally agree ako sa Reportage on Lovers. Si Mang Nick ay may kapangyarihang magpakilig. <3


message 744: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
But for the Lovers >>>> Gagawin ko ang lahat makakuha lang ako ng kopya nyan! Hahaha


message 745: by Rise (new)

Rise K.D. & jzhun, hirap nga makahanap ng But for the Lovers kasi US publisher. Isa itong panandang-bato (benchmark) sa panitikan ng Pilipinas. Sa Book Depository ako kumuha.


message 746: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maka-order nga sa Book Depository. It's been a long while since my last hoard hahaha.


message 747: by Rise (last edited Oct 12, 2015 09:25AM) (new)

Rise 1. Ang Trahedya nina Romeo at Julieta ni William Shakespeare, salin sa Tagalog ni Rolando S. Tinio

2. Pangarap sa Isang Gabi ng Gitnang Tag-araw (A Midsummer Night's Dream) ni William Shakespeare, salin sa Tagalog Rolando S. Tinio

Kung makapagsasalita ng Tagalog si Guillermo Shakespeare, ganito siguro sya mangungusap. Ganito siguro nya ipapahiwatig ang pwersa ng damdamin at ipadarama ang talas ng talinghaga.

Masarap basahin ang mga salin ni Tinio kahit pamilyar na sa atin ang malagkit na pa-tweetums at malungkot na pagpapatiwakal ng mapusok na sina Romeo at Julieta. O ang magulong pagpapalit-anyo at pagpapalit ng kapareha sa kalagitnaan ng gabi sa isang masidhing tag-araw.

Marami pang dula si Shakespeare na sinalin ni Tinio. Kahit tigdadalawa lang ang ilabas ng Anvil kada-taon, masarap hintayin ang mga susunod pa.




message 748: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments The Year We Became Invincible by Mae Coyiuto

Review to follow soon! <3


message 749: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "1. Ang Trahedya nina Romeo at Julieta ni William Shakespeare, salin sa Tagalog ni Rolando S. Tinio

2. Pangarap sa Isang Gabi ng Gitnang Tag-araw (A Midsummer Night's Dream) ni William Shakespeare,..."


Di ko pa nabasa yong dalawang bago! Pero enjoy naman yan. Salamat kay Tinio sa pagtra-translate. Naging accessible si Shakespeare sa mga Pinoy!

Mai-guest nga yang si Tinio!


message 750: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Mai-guest nga yang si Tinio! "

Kelangan na natin ng midyum para mai-guest si Tinio. Hahaha.

Dumaan ako sa UP nung Thursday (speaker sa ACLE) at nakita ko na may palabas na Haring Lear ang Dulaang UP, sa salin naman ni Nicolas Pichay. Shakespeare revival!


back to top