Pinoy Reads Pinoy Books discussion

459 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 651-700 of 820 (820 new)    post a comment »

message 651: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dahil bakasyon pa rin, katatapos ko lang basahin ang mga ito:

Nouveau Bored by Marc Gaba
NOUVEAU BORED
ni Mike Gaba

Di ko kilala si Mike Gaba pero nakita at binili ko ang kopya ko ng librong ito sa Uno Morato dahil cute ang cover at maliit lang (pamparami ng read books para sa 2014 Reading Challenge). So, hinanap ko si Mike Gaba sa FB di ko nakita. So nag-type ako ng Nouveau Bored, try mo... hahaha!

Pinoy Komiks Rebyu 2 by Randy Valiente
PINOY KOMIKS REVUE 2
ni Randy Valiente

Si Rizal, plagiarist?

Thematic read ko kahapon. Matagal ko nang nabili sa Bookay Ukay. Kahapon ko lang binasa kasi nakita ko ang picture ni Rizal sa cover. Sabi ko, "ay Rizal Day nga pala ngayon!" haha


message 652: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Malalim kung sa punto ng Freudian pyschology titingnan ang Tabi Po. Maipapaliwanag din kung bakit kailangan ng kahubdan, sex, gore, dugo ang akda.


message 653: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "Malalim kung sa punto ng Freudian pyschology titingnan ang Tabi Po. Maipapaliwanag din kung bakit kailangan ng kahubdan, sex, gore, dugo ang akda."

Sabagay. Madugo talaga ang Spanish era sa Pilipinas. Yan eh kung mga history books ang pagbabatayan.


message 654: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dahil wala akong ibang gustong gawin kaysa magpaputok, marami akong nabasang Pinoy Books:

A Pope Named Francis by Winliz Amor Analucas
A POPE NAMED FRANCIS
by Winliz Amor Analucas

Komiks! Nabili ko sa St. Paul SM Mega. Maganda naman.

Monomyth #1 by Siike Donnelly Monomyth #2 by Siike Donnelly Monomyth #3 by Siike Donnelly
MONOMYTH #1, #2, #3
by Donnelly, Ninaltowski at Catacutan (Pinoy ito si Peewee Catacutan)

Bagong series na lumabas last year (2014) at nabili ko sa Komikon. Si Lucifer ang mabait na angel at si Michael ang bad. Masaya! Twice ko lang binasa dahil di ko maintindihan kaagad haha!


message 655: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dahil bakasyon pa rin so binasa ko na ang mga ito:

Why You Need 3 Hands by Peter Wallace
WHY YOU NEED 3 HANDS
by Peter Wallace
Illustrated by Manix Abrera

The Mechanic's True Handbook by Peter Wallace
THE MECHANIC'S TRUE HANDBOOK
by Peter Wallace
Illustrated by Manix Abrera

Ang masasabi ko lang: Rakenrol para kay Manix haha!


message 656: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Dahil wala akong ibang gustong gawin kaysa magpaputok, marami akong nabasang Pinoy Books:

A Pope Named Francis by Winliz Amor Analucas
A POPE NAMED FRANCIS
by Winliz Amor Analucas

Magkano ito, Kuya? :)


message 657: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "K.D. wrote: "Dahil wala akong ibang gustong gawin kaysa magpaputok, marami akong nabasang Pinoy Books:

A Pope Named Francis by Winliz Amor Analucas
A POPE NAMED FRANCIS
by Winliz Amor Analucas

Magk..."


P150 yata, Jho. Sa St. Paul Mega.


message 658: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "Sa Mga Kuko ng Liwanag by Edgardo M. Reyes 5/5!"

Yey, pareho tayong 5 stars dyan!


message 659: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos pa lang:

Dogeaters by Jessica Hagedorn
DOGEATERS
by Jessica Hagedorn

Nice read. Manila in the 50's to 80's.


message 660: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chicken Mami for the Sawi by Stanley Chi
CHICKEN MAMI FOR THE SAWI
ni Stanley Chi

Nakakatawa! haha


message 661: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "May Pagsinta'y Walang Puso by Iñigo Ed Regalado landian nung 1920's tae"

Haha! Tae talaga?


message 662: by Taga (last edited Jan 24, 2015 06:01PM) (new)

Taga Imus (taga_imus) | 38 comments The Queer Execution ni Patrice Marco, @ page 193 of 250 from the book Michael's Shades of Blue Anthology; Volume Two: Stories of Lust, Scars and Fate


message 663: by Rise (new)

Rise Dogeaters by Jessica Hagedorn Ang Mundong Ito ay Lupa by Edgardo M. Reyes Bullets and Roses The Poetry of Amado V. Hernandez A Bilingual Edition by Amado V. Hernandez Pesoa by Mesándel Virtusio Arguelles High Tide at Midnight (Trese, # 6) by Budjette Tan

- Dogeaters ni Jessica Hagedorn

Problematiko sa akin ang akdang ito. Sabog ang kuwento at nakatuon sa maraming stereotype ng Pilipino at sa pagkalubog sa colonial mentality ng mga naghaharing-uri pagkatapos ng WWII at sa panahon ni Marcos.

Ang kopya ko ay first edition hardcover na may kakaibang cover.

- Ang Mundong Ito ay Lupa ni Edgardo M. Reyes

Problematiko rin ito para sa akin. Tungkol sa pagkamulat ng isang probinsyana sa iba't ibang manipestasyon ng sekswalidad at sa malupit na kalakaran sa urban jungle ng Maynila. Ang setting nito ay late 1980s to early 1990s, sa panahon ni Cory Aquino.

- Bullets and Roses: The Poetry of Amado V. Hernandez: A Bilingual Edition, salin ni Cirilo F. Bautista

Accessible pala ang mga tula ni Ka Amado. Nakakaantig ng damdamin. Magaling ang pagkasalin ni Bautista bilang alagad ng sining mula sa isa pang alagad ng sining. Bibihira ang ganitong "kolaborasyon" ng mga dakilang artista.

- Pesoa ni Mesándel Virtusio Arguelles

Ang galing ng mga tula dito. Parang gusto kong gawan ng isang maayos na rebyu.

- Trese: High Tide at Midnight nina Budjette Tan and Kajo Baldisimo

The usual great Trese escape.


message 664: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Rise, akin na lang yung Dogeaters mo!
Hahaha! :D


message 665: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Rise, akin na lang yung Dogeaters mo!
Hahaha! :D"


okay. pm kita


message 666: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Salamat, Rise!

Ang kapal ng mukha ko! Hahaha! :D


message 667: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "Salamat, Rise!

Ang kapal ng mukha ko! Hahaha! :D"


Eh problematiko raw eh. Kaya hiningi mo naman haha


message 668: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "Sentimental Mga Tula ng Pag-ibig, Lungkot, at Paglimot by Virgilio S. Almario hmm"

Bakit "hmm"?


message 669: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Pero natutuwa ako sa mga tula ni Mang Rio sa Sentimental. Di talaga tigmak ng kansentihan. Di gaya ng isang sikat na makata(?) na puro kaemohan sa pag-ibig ang pinaiiral. Kaya ayon, bentang-benta sa tween girls. *ehem! langleav! ehem! langleav!*

Isa pa, nakaaaliw rin yong (A)lamat at (H)istorya. May halong panunudyo, sarcasm at katatawanan lalo na yung mga bagay at hayop na may kinalaman sa alamat. Aliw talaga! Di rin nakababalinguyngoy basahin. :)


message 670: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments HOI JZHUN! (view spoiler)

I tried random reading sentimental before, masyadong macho ang dating, ganun? may kapilyuhan nga sa ibang tula (yung nilalagay nina KD at Po rito). Tapos masyadong mapulitika yung isa pa nyang gawa, tila ako ay napagod dun.


message 671: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Maria Ella wrote: "HOI JZHUN! [spoilers removed]

I tried random reading sentimental before, masyadong macho ang dating, ganun? may kapilyuhan nga sa ibang tula (yung nilalagay nina KD at Po rito). Tapos masyadong ma..."


@Ella, ako naman ay inantok :( I was reading it kanina on my way to PLM with my niece, Darla (Naghahanap kasi kami ng mga mapapasukan nya na school). Ewan ko, 'yung mga naunang tula lang nagustuhan ko so far.


message 672: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "K.D. wrote: "Chicken Mami for the Sawi by Stanley Chi
CHICKEN MAMI FOR THE SAWI
ni Stanley Chi

Nakakatawa! haha"


Maganda ba sir? Parang nababaduyan ako kay Chi e."


Ako rin. Kaso, lahat naman halos nagbabasa ng ganito baduy eh. Pambaduy naman kahit si Ramon Bautista haha. Kaso, binabasa nila kaya babasahin ko rin.


message 673: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Oo, inantok din ako sa umpisa. I think you have to be in the zone para ma-appreciate ang mga Tula ni Mang Rio. Pero yung (A)lamat at (H)Iistroya talaga natuwa ako. May bahid pulitika nga mga tula niya, pero masining na panunudyo yung ang talagang nakakabilib. At gusto ko nga ang gayon, mapaghamon ang tula, Di laging kasentihan at tigib sa pag-ibig na pagsusuyuan. Itinataas ang diskurso ng panulaan.

Isa pang nagustuhan ko yung Kung Baga sa Bigas ni Pete Lacaba. Mas marami akong tawa at reyalisasyon dun. At mas madali siyang basahin kesa kay Mang Rio. :D


message 674: by Taga (last edited Jan 30, 2015 05:20AM) (new)

Taga Imus (taga_imus) | 38 comments Stupid is Forever , madam senadora :)


message 675: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kung Bakit Kailangan ang Himala by Virgilio S. Almario
BAKIT KAILANGAN ANG HIMALA
ni Rio Alma

Maganda. Mas maganda ang mga tula kaysa sa ibang mga unang aklat niya na nabasa ko. Sinulat nya ang mga tula noong 2005-2007 so bago na ang mga paksa. Meron dito yong tungkol kay Garci (Hello, Garci).


message 676: by Juan (last edited Feb 05, 2015 03:58AM) (new)

Juan | 1532 comments jzhunagev wrote: "Oo, inantok din ako sa umpisa. I think you have to be in the zone para ma-appreciate ang mga Tula ni Mang Rio. Pero yung (A)lamat at (H)Iistroya talaga natuwa ako. May bahid pulitika nga mga tula n..."


jzhunagev salamat sa (A)lamat at (H)istorya! ang siste lang din ni sir Rio! Nagustuhan ko din yung mga palagay niyang ginawang tula tungkol sa mga buhay ng mga bayani. Malalim talaga humugot ang mga makatang totoo.


message 677: by Rise (last edited Feb 14, 2015 06:35AM) (new)

Rise Nobela Ungazpress: Isyu 1

pambasag ng pantasya at kabalintunaan


message 678: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Mahanap nga ang Vivo kid na yan. Hahaha! :D


message 679: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Huling binasa:
Dogeaters ni Jessica (Zafra) Hagedorn :))


message 680: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Huling binasa:
Dogeaters ni Jessica (Zafra) Hagedorn :))"


yung dream jungle ni zafra hagedorn, mas mahirap daw basahin sa dogeaters. nakaka-stress.


message 681: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Mahanap nga ang Vivo kid na yan. Hahaha! :D"

punta ka sa launching ng book. hehe


message 682: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Ryan wrote: "jzhunagev wrote: "punta ka sa launching ng book. hehe"

Kailan ba 'yan? Sana'y huwag mataon sa Balentayms, dahil nakaraming nagde-date sa naturang araw; at nakaririmarim ang lagay ng trapiko, kundi man ang mga biglang-liko. Ahihihihi! :


message 683: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Mahanap din..


message 684: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Ryan wrote: "jzhunagev wrote: "punta ka sa launching ng book. hehe"

Kailan ba 'yan? Sana'y huwag mataon sa Balentayms, dahil nakaraming nagde-date sa naturang araw; at nakaririmarim ang lagay ng t..."


di ko alam kung kelan. mukhang safe ang biglang-liko balentayms mo, jzhun. hehe.


message 685: by [deleted user] (new)

Ang Kawangki wrote: "Kangkong 1896 by Ceres S.C. Alabado
Kangkong 1896
Ceres S.C. Alabado
katatapos lang din kahapon"


Pahiram! Children's lite. raw kasi yan...


message 686: by [deleted user] (last edited Feb 10, 2015 04:55PM) (new)

Siguro yan yung isa sa mga naunang YA fiction sa Pinas. Sa kasaysayan kasi ng Panitikang Pambata sa Pilipinas lagi yang binabanggit. Dapat pala nakinig ako sa prof. ko na okay pala yang basahin... lel


message 687: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang Kawangki wrote: "Dogeaters by Jessica Hagedorn
Dogeaters
ni Jessica Hagedorn

1/5"


Review, review!


message 688: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jayson wrote: "Ang Kawangki wrote: "Kangkong 1896 by Ceres S.C. Alabado
Kangkong 1896
Ceres S.C. Alabado
katatapos lang din kahapon"

Pahiram! Children's lite. raw kasi yan..."


Maganda rin naman yang Kangkong.


message 689: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat, nobela ni Ronaldo S Vivo Jr.

pambasag ng pantasya at kabalintunaan"


Pag nagpakita sya ng kusa, bibili ako't babasahin sya. Pero hinding hindi ko sya hahanapin.

Makapunta nga sa Bookay Ukay haha


message 690: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dust Devils A Bilingual Selection of Poems on Youth by Virgilio S. Almario
DUST DEVILS: A BILINGUAL SELECTION OF POEMS ON YOUTH
By Rio Alma

Nauna raw si Sir Rio kina Alma Moreno at Rio Locsin. Noon daw magregalo sya ng libro ng tula kay President Marcos, sabi raw ni Macoy: "Siguro mahilig kang manood ng bold?" Sagot raw niya: "Nauna po akong gumamit ng pen name na yan. Di pa sila sikat." Gusto raw nya sanang sabihin: "Baka po kayo ang mahilig." Hahaha


message 691: by Rise (new)

Rise Green Sanctuary ni Antonio Enriquez

Nobela tungkol sa mga agrimensor (surveyor) na gumagawa ng mga triangulation towers sa palibot ng Liguasan Marsh. Tumatalakay sa walang tigil na alitan at di-pagkakaintindihan sa pagitan ng mga Moro at Kristiyano sa Mindanao.

The Bamboo Dancers ni N.V.M. Gonzalez

Tungkol sa isang Pilipinong iskultor na nag-aral sa Amerika at pumunta ng Japan at Taiwan bago muling bumalik sa Pilipinas. Sa pakikisalamuha at pakikiangkop nya sa iba't ibang lahi at uri ng mga tao at kultura ng mga ito, ang Pilipino ay parang mananayaw na nagbabalanse sa kawayan ng tinikling.


message 692: by Rise (new)

Rise Trip to Tagaytay ni Arnold Arre. Unang graphic ni Arnold Arre na nabasa ko. Gusto ko maging completist.


message 693: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Green Sanctuary ni Antonio Enriquez

Nobela tungkol sa mga agrimensor (surveyor) na gumagawa ng mga triangulation towers sa palibot ng Liguasan Marsh. Tumatalakay sa walang tigil na..."


Kapwa di ko pa nabasa. Salamat sa pagpapaala-ala, Rise.


message 694: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Trip to Tagaytay ni Arnold Arre. Unang graphic ni Arnold Arre na nabasa ko. Gusto ko maging completist."

Nabasa ko na. At dahil sa ganda nito, isasama ko ito sa susunod na poll: KOMIKS para sa Nobyembre 2015 na magiging aklat para sa PRPB Christmas Party 2015!

Inisip ko dati noong babasahin ko pa ang librong ito (pagkatapos ng Komikon 2014), baka maganda itong pagkakataon para mag-Tagaytay ang PRPB haha. Kaso, walang tungkol sa Tagaytay actually dito! Tama ka sa komento mo, Biena! :)


message 695: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
The Spirit Quest Chronicles (Transpersonal Psychology Series) by Ruel S. de Vera
THE SPIRIT QUEST CHRONICLES
by Ruel S. de Vera

Nabili ko ng P50 lang. Mga articles na lumabas sa Philippine Daily Inquirer tungkol sa mga spirit quest sessions ng group ni Tony Perez. Nakakapanindig ng balahibo habang binabasa!


message 696: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ilahas by Mesándel Virtusio Arguelles
ILAHAS
ni Mesandel Virtusio Arguelles

Tungkol sa mga kung anu-ano na mahiwaga o misteryoso. Matalino ang pagkakabalangkas ng mga tula. Mapapaisip ka sa perspectives in Sir Ayer sa mga bagay na dati nang nasulat. Piling-pili ang mga salita.


message 697: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ryan wrote: "Green Sanctuary ni Antonio Enriquez

Nobela tungkol sa mga agrimensor (surveyor) na gumagawa ng mga triangulation towers sa palibot ng Liguasan Marsh. Tumatalakay sa walang tigil na..."


Maganda ang Green Sanctuary.. tanong ko lang BAKIT GREEN SANCTUARY ang ipinalit na titulo dito?


message 698: by Juan (new)

Juan | 1532 comments K.D. wrote: "The Spirit Quest Chronicles (Transpersonal Psychology Series) by Ruel S. de Vera
THE SPIRIT QUEST CHRONICLES
by Ruel S. de Vera

Nabili ko ng P50 lang. Mga articles na lumabas sa Philippine Daily Inquirer tungkol sa mga spirit que..."


KD saan mo ito nabili?


message 699: by Rise (new)

Rise Juan wrote: "BAKIT GREEN SANCTUARY ang ipinalit na titulo dito?"

Juan, mas gusto ko ang orihinal na pamagat na Surveyors of the Liguasan Marsh. Kung maalala mo sa intro, Sanctuary lang ang titulo na gusto ni Enriquez, si N.V.M. Gonzalez ang nag-suggest na Green Sanctuary. Baka konektado sa setting na madawag na kagubatan ng Mindanao at sa role ng environment sa kwento at sa kultura ng mga Moro.


message 700: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ryan panalo ang sagot mo! OO nga at naalala ko na. . maganda sa Mindanao..


back to top