Pinoy Reads Pinoy Books discussion

459 views
Pangkalahatan > Huling Binasa

Comments Showing 601-650 of 820 (820 new)    post a comment »

message 601: by K.D., Founder (last edited Nov 01, 2014 05:03PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tabi Po Isyu 1 by Mervin Malonzo
TABI PO
ni Mervin Malonzo

Maganda ang illustration. Kakaiba. Nakakatakot. Bagay sa Halloween.


message 602: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
John Adrian wrote: "K.D. wrote: "John Adrian wrote: "Ang huli ko pong binasa ay Lagablab sa Utak ni Damian Rosa: Antolohiya ni Ave Perez Jacob. Wala atang hilig ang may-akda sa kuwit at tuldok dahil napakaraming talat..."

Ay, malapit lang sa amin dito sa Roosevelt. Makapunta nga dyan minsan. :) Salamat, Adrian.


message 603: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nuno sa Puso Pag-ibig by Bebang Siy Nuno sa Puso Relasyon by Bebang Siy
NUNO SA PUSO (BOOKS 1 AND 2)
ni Bebang Siy

Sobrang saya ko noong binabasa ko ang dalawang librong ito dahil ramdam ko ang presence ng PRPB dito. At mismong ako nakakarelate sa ibang mga letter senders o advice seekers.

Ang Book 2 ay dedicated sa PRPB dahil ang blurb sa likod ay sinulat ng ating mga kakwebang sina Juan at Azee (couple as in mag-asawang kasapi natin dito) at may sinulat din sa loob si kakwebang Clare.

Then sa loob sa dedication portion ay naroon ang maraming maraming pangalan ng mga kakweba.

Taos pusong pasasalamat, Beverly sa pagpla-plug ng PRPB haha! Nawa'y magpatuloy ka sa pagpapayo at pagsusulat ng mga makabuluhan ay may saysay na mga libro. Di mabigat, nakakatawa pa nga pero sapul sa aral sa buhay.


message 604: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Nuno sa Puso Pag-ibig by Bebang SiyNuno sa Puso Relasyon by Bebang Siy
NUNO SA PUSO (BOOKS 1 AND 2)
ni Bebang Siy

Sobrang saya ko noong binabasa ko ang dalawang librong ito dahil r..."


Kuya D, gusto ko rin mabasa itong mga ito hahaha. Kaya ba andaming nagla-like sa FB ng PRPB? ^___^ pansin ko e.


message 605: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "K.D. wrote: "Nuno sa Puso Pag-ibig by Bebang SiyNuno sa Puso Relasyon by Bebang Siy
NUNO SA PUSO (BOOKS 1 AND 2)
ni Bebang Siy

Sobrang saya ko noong binabasa ko ang dalawang libron..."


Basahin mo nga Jho. Required reading ang mga ito sa mga kakweba hehe


message 606: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Finished but no time to review yet:

Dwellers by Eliza Victoria
DWELLERS
by Eliza Victoria

I am giving this 5 stars!!!


message 607: by Rise (new)

Rise Words and Battlefields: A Theoria on the Poem by Cirilo F. Bautista.

Compared to CFB's ambitious epic poem The Trilogy of Saint Lazarus, this prose poem/literary theory is an epic fail. It is almost unintelligible, relying too much on high sounding words and convoluted phrases and sentence constructions. Avoid this book/plague.


message 608: by Glentot (new)

Glentot | 1 comments Still Reading: From The Major Arcana by Ralph Semino Galan

It's a book of poems and artwork by Wilfredo Offemaria. I admit I bought this because of the drawings. I haven't gone through all the poems yet but so far it has been enjoyable.

I bought the book at the Manila Art Fair. I'm not sure if it has hit the bookstores yet. I can't find it here on Goodreads :(


message 609: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Santuwaryo Tatlong Kuwento Ng Pag-ibig by Michael Juha
SANTUWARYO: TATLONG KUWENTO NG PAG-IBIG
ni Michael Juha

Pinakamagandang kuwento ng pag-ibig na gay love na nabasa ko. Kaya kang paiyakin nito kahit straight ka. Pramis.


message 610: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Santuwaryo Tatlong Kuwento Ng Pag-ibig by Michael Juha
SANTUWARYO: TATLONG KUWENTO NG PAG-IBIG
ni Michael Juha

Pinakamagandang kuwento ng pag-ibig na gay love na nabasa ko. Kaya kang paiyaki..."


Makes me want to read it, Kuya D. :)


message 611: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "K.D. wrote: "Santuwaryo Tatlong Kuwento Ng Pag-ibig by Michael Juha
SANTUWARYO: TATLONG KUWENTO NG PAG-IBIG
ni Michael Juha

Pinakamagandang kuwento ng pag-ibig na gay love na nabasa ko. Kaya..."


Ayaw basahin ni Po. Baka raw sya ma-inlove hahaha!


message 612: by Josephine (last edited Nov 28, 2014 09:01AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Josephine wrote: "K.D. wrote: "Santuwaryo Tatlong Kuwento Ng Pag-ibig by Michael Juha
SANTUWARYO: TATLONG KUWENTO NG PAG-IBIG
ni Michael Juha

Pinakamagandang kuwento ng pag-ibig na gay love ..."


hahaha! Kulit ni Po. Lol. See you and Po tomorrow, Kuya. :) Nasa third floor kami ng Funeraria Samson sa Imus. Bawal daw pala kasi ang mag-abang at maghatid ng mga bisita kaya text-text na lang, Kuya.


message 613: by K.D., Founder (last edited Nov 29, 2014 06:00PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Supremo by Xi Zuq
SUPREMO
ni Xi Zuq

Maganda ito, ano? (addressing sa mga nakabasa na). Parang pambata pero solid ang kuwento. Heartwarming yong tagpo ng tatay at anak. Nakakatuwa yong school politics. Kung ganoon lang sana ka-simple sa totoong buhay.

My thematic read for the 151th birthday of Ka Andres!


message 614: by Josephine (last edited Dec 08, 2014 01:43PM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Mahilig ako sa manga. Sinubukan kong basahin ang mga manga ng Black Ink at nagustuhan ko sila. ^____^

Guniguni by Herbs Navasca at Poster Boy by Herbs Navasca ni Herbs Navasca

Stray Ghost by Diana Lam at Stray Ghost Chasing Atticus (Book 2) by Diana Lam ni Diana Lam.

Review to follow.


message 615: by Conrado Luis (new)

Conrado Luis (radlee0123) | 2 comments Medyo new-age reader ako. I read Bob Ong's works.
I admire how he assimilates the problems in our country with cynicism and satire.

Plus, nakakarelate ang mga mambabasa dahil dinaadaan niya sa paraang nag-kukwento lang siya.

Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong) by Bob Ong


message 616: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Sorry sa pag post. Confirm ko lang "Patay na daw si Martha cecilia?" - http://en.wikipedia.org/wiki/Martha_C...


message 617: by Neil Franz (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments Billy wrote: "Sorry sa pag post. Confirm ko lang "Patay na daw si Martha cecilia?" - http://en.wikipedia.org/wiki/Martha_C..."

Para pong may nakita kong post ni Ate Josephine about dun sa thread ng 2014 Christmas Party.


message 618: by [deleted user] (last edited Dec 09, 2014 11:49PM) (new)

Billy wrote: "Sorry sa pag post. Confirm ko lang "Patay na daw si Martha cecilia?" - http://en.wikipedia.org/wiki/Martha_C..."

Opo, naka-post sa official page niya sa fb. At todo cry, cry mga ini-stalk kong mga wattpad writer sa fb.


message 619: by Josephine (last edited Dec 10, 2014 08:37AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Billy wrote: "Sorry sa pag post. Confirm ko lang "Patay na daw si Martha cecilia?" - http://en.wikipedia.org/wiki/Martha_C..."


Hi Billy... sadly the news is true. :( PRPB is invited to her wake at Ever Funeral in Meycauyan, Bulacan. Today ang huling araw nang wake nya, at sa Friday 11AM ang interment. Nasa official page nya ang directions on how to get there. Pupunta ba tayo?

Ka-kweba natin ang anak nya na si Tsina Cajayon -- Tsi is the daughter whom MC adopted her pen name from.


message 620: by Rise (new)

Rise Ang Diablo sa Filipinas ayon sa nasasabi sa mga casulatan luma sa Kastila ni Isabelo de los Reyes, salin sa Ingles at may anotasyon nina Benedict Anderson, Carlos Sardiña Galache, at Ramon Guillermo

Librong nakabase sa mga ulat ng mga prayle sa Filipinas noong ika-15 at ika-16 siglo. Binabanggit ang pagpapakita ng Diablo at mga kampon nitong demonyo sa buong kapuluan. Hindi ito kasaysayan kundi isang nobela na tumatalakay kung paano ginapi ng Katolisismo ang sari-saring "demonyo" sa bansa sa pamamagitan ng pagbura ng mga katutubong paniniwala ng mga tao.


message 621: by Rise (new)

Rise 14 ni Manix Abrera

Sino ang nagsabing ang may karapatan lang na magbahagi ng kanilang kuwento sa iba ay ang mga ordinaryong tao? (view spoiler)


message 622: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "Mahilig ako sa manga. Sinubukan kong basahin ang mga manga ng Black Ink at nagustuhan ko sila. ^____^

Guniguni by Herbs Navasca at Poster Boy by Herbs Navasca ni Herbs Navasca

[bookcover:..."


Komiks! Nice, Jho. Nagbabasa rin ako ng mga yan ngayon pero di pa masyado sa Black Ink. Kahapon, binasa ko yong "Isaw" haha. Mayroon doon si Carlo Vergara tungkol sa gay father na hiniwalayan ang asawa. Kamukha ni Dodong (ng Zsazsa) yon kabit noong may asawang lalaki.


message 623: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Conrado Luis wrote: "Medyo new-age reader ako. I read Bob Ong's works.
I admire how he assimilates the problems in our country with cynicism and satire.

Plus, nakakarelate ang mga mambabasa dahil dinaadaan niya sa par..."


Wow, Bob Ong! Tama ka, Conrado. Mahusay ang istilo ni Bob Ong sa pagsusulat dahil inalis niya ang barrier between readers at mga libro niya by using stories and language na makaka-relate ang mga kabataan.


message 624: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Josephine wrote: "Billy wrote: "Sorry sa pag post. Confirm ko lang "Patay na daw si Martha cecilia?" - http://en.wikipedia.org/wiki/Martha_C..."


Hi Billy... sadly the news is true. :( PRPB is invited to her wak..."


Nakikiramay po ang PRPB sa mga naulila ni Martha Cecilia lalong lalo na ang kanyang anak, ang kakwebang si Tsina.

Tsina, condolence. Sayang di na namin naabutan ang mama mo para na-interview man lamang.


message 625: by K.D., Founder (last edited Dec 13, 2014 01:54AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Ang Diablo sa Filipinas ayon sa nasasabi sa mga casulatan luma sa Kastila ni Isabelo de los Reyes, salin sa Ingles at may anotasyon nina Benedict Anderson, Carlos Sardiña Galache, a..."

Nagsalita ang mga prayle? Marami rin silang dinalang "demonyo" sa Pilipinas. Dagohoy, halimbawa.


message 626: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "14 ni Manix Abrera

Sino ang nagsabing ang may karapatan lang na magbahagi ng kanilang kuwento sa iba ay ang mga ordinaryong tao? Isa-isang binigyan ni Manix ng boses ang mga malign..."


Haha. "Nabasa" ko na ito. Andoon din kami ni Jzhun at Po sa Uno Morato noong i-explain ni Manix yong story ng diwatang umakit sa isang lalaking mayasawa. Lungkot noong isang yon.


message 627: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Ryan wrote: "Ang Diablo sa Filipinas ayon sa nasasabi sa mga casulatan luma sa Kastila ni Isabelo de los Reyes, salin sa Ingles at may anotasyon nina Benedict Anderson, Carlos Sardi..."

Tama, may dinala ring demonyo ang mga prayle. Binabasa ng mga tauhan sa kuwento ang mga lumang kasulatan nila. Mapamahiin ang mga paring Kastila at ginagawang "demonyo" ang mga lumang diyos at anito ng mga tao noon.


message 628: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Katatapos ko lang basahin at i-review ang:

Pesoa by Meśandel Virtusio Arguelles
PESOA
ni Mesandel Virtusio Arguelles

Hango sa buhay ni Rene O. Villanueva. Ang konsepto ng aklat ng tulang ito ay base sa istilo ni Fernando Pessoa at ang kanyang heteronyms o iba ibang pen names ayon sa katauhan ng sumulat.

5 STARS!

By the way

Imbitado tayo ni Ronald Verzo at Bebang Siy sa launching ng aklat na ito ng mga tula ni Arguelles sa Biyernes, ika-19 ng Disyembre 2014 sa ganap na ika-7 hanggang ika-9 ng gabi sa Uno Morato, QC.

Ang magasawa ay ang may-ari ng Balangay Publishing na siyang naglimbay ng aklat na ito.


message 629: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Katatapos ko lang basahin at i-review ang:

Pesoa by Meśandel Virtusio Arguelles
PESOA
ni Mesandel Virtusio Arguelles
"


Ganda ng konsepto ng librong iyan, K.D. Sana maging available sa mainstream bookstores.


message 630: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "K.D. wrote: "Katatapos ko lang basahin at i-review ang:

Pesoa by Meśandel Virtusio Arguelles
PESOA
ni Mesandel Virtusio Arguelles
"

Ganda ng konsepto ng librong iyan, K.D. Sana maging available sa mainstre..."


Oo, Ryan. Talagang ginamit ni Arguelles ang istilo ni Pessoa dito.


message 631: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
K.D. wrote: "Ryan wrote: "K.D. wrote: "Katatapos ko lang basahin at i-review ang:

Pesoa by Meśandel Virtusio Arguelles
PESOA
ni Mesandel Virtusio Arguelles
"

Ganda ng konsepto ng librong iyan, K.D. Sana maging availabl..."


Ryan, may kopya ka nga pala sa akin. I-text mo nga ulit ang address mo (kung nasaan ka) at ipapadala ko sa yo. Aginaldo mo na mula sa akin.


message 632: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Siglo Passion A Grafiction Anthology (Siglo, #2) by Dean Francis Alfar
SIGLO 2: PASSION (A GRAFICTION ANTHOLOGY)
ni Dean Francis Alfar et al

12 comic stories. Mayroon isang story and art by Carlo Vergara at meron din na Gerry Alanguihan. Parehong maganda. Wala si Dodong lookalike pero meron noong Wasted guy lookalike doon kay Gerry.

Mayroong character sa unang kuwento na kamukha talaga ni Nikki Alfar swear haha.

Dahil bakasyon ngayon, katatapos ko rin lang ng:

Pagluwas by Zosimo Quibilan
PAGLUWAS
ni Zosimo Quibilan

Gusto ko sanang magfield trip tayo sa Baguio haha!


message 633: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "K.D. wrote: "Ryan, may kopya ka nga pala sa akin"

Gods, salamat ng marami, Kuya D!


message 634: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "K.D. wrote: "K.D. wrote: "Ryan, may kopya ka nga pala sa akin"

Gods, salamat ng marami, Kuya D!"


Text mo ha? Di ko mahanap saan ko sinulat yong address mo dati eh.


message 635: by K.D., Founder (last edited Dec 25, 2014 01:56PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dahil bakasyon at maraming oras magbasa at mag-movie/series marathon (katatapos ko lang manood ng season 4 ng "Game of Thrones" at whole HBO movie ng "Angels in America."), natapos ko na ring basahin ang:

Kabute Ang Pagsibol by Raymond Garcia
KABUTE: ANG PAGSIBOL
ni Raymond Garcia

About nursing profession in the Philippines. Fiction tungkol sa buhay ni Randell, isang nursing graduate. Si Raymond Garcia ay isang nursing graduate at parang, ayan na naman, ito ang kuwento ng buhay niya. O at least, mga personal na karanasan niya o mga nurses na kilala niya.

Central Books. Medyo mahal kasi print on demand yata pero sulit dahil kakaiba. First novel nya at nakakabilib.

May blurb (endorsement) ni Lualhati Bautista. Yay!


message 636: by Rise (new)

Rise Tabi Po Isyu 2 by Mervin Malonzo Kaaway by Maxim Gorky Retrato ng Artista Bilang Filipino by Nick Joaquín

Tabi Po: Isyu 2 ni Mervin Malonzo

Graphic na talagang kahanga-hanga ang pagkadibuho. Ito ay transgresibo at talagang transgresibo. Agresibo pagdating sa karahasan at seks. Masasabing mapangahas ang mga tema ngunit hindi na dapat pagtakhan. Ginamit nito ang mga materyal ng kasaysayan sa panahon ng mga mapaniil na mga Espanyol at mga tauhan sa Noli at Fili. May pagkutya sa relihiyong ipinamana ng mga Kastila. Sinasalamin nito ang pakikibaka ng mga Filipino na tila nahihibang at nagiging aswang lang dahil sa kalupitang sinapit sa kamay ng mga mananakop. Napakagaling nito.

Kaaway ni Maxim Gorky, salin ni Bienvenido Lumbera

Isang klasikong dula ni Gorky, tanyag na manunulat na Ruso. Kuwento ng isang pamilyang burgesya/elit na nagmamay-ari ng isang pagawaan. Dahil sa pagpasok ng ideolohiyang sosyalismo ang mga manggagawa ay natutong magreklamo at ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng paghingi ng ilang demand sa pamunuan ng kumpanya. Pinapakita ang masalimuot na tunggalian ng proletaryado at naghaharing-uri. Ang simpatya ni Gorky ay nasa mga manggagawa at talagang dramatiko ang presentasyon nya ng mga eksena. Tunay na pupukaw sa umaapoy na damdaming radikal.

Retrato ng Artista Bilang Filipino ni Nick Joaquín, salin ni Bienvenido Lumbera

Ang huling dula sa serye ng apat na "Entablado Klasiko", mga de-kalidad na salin sa wikang Filipno ni Bienvenido Lumbera at nilimbag ng Ateneo de Manila University Press. Kuwento ng magkapatid na Candida at Paula, mga dalagang napaglipasan na ng panahon at nakatira sa isang lumang bahay sa Intramuros kasama ang kanilang matandang ama at kilalang batikang pintor na si Don Lorenzo Marasigan. Ipininta ni Don Lorenzo ang isang larawang may pamagat na Retrato del Artista como Filipino (A Portrait of the Artist as Filipino), isang napakasimbolikong litrato tungkol sa alaala ng lumipas na gustong takasan ng mga tauhan at sa nang-uuyam konsensiya ng isang artista. Lahat ng nakamamalas ng retrato ay nagbibay ng sari-saring interpretasyon nito bagamat lahat sila ay tinatamaan ng di maipaliwanag na mensahe ng larawan. Gustong bilihin ng mga banyagang kolektor sa napakataas na halaga ang retrato subalit ayaw ibenta ng dalawang magkapatid. Maganda ang pagkakasalin at masasabing ang dulang ito ay natural na natural sa wikang Filipino.

Mapapanood sa Youtube ang pelikulang halaw sa orihinal na Ingles at dinirehe ng pambansang alagad ng sining na si Lamberto V. Avellana: https://www.youtube.com/watch?v=J933j...

Mapapanood rin ang napakagaling na musikal na halaw ni Rolando Tinio at nilapatan ng himig ni Ryan Cayabyab: https://www.youtube.com/watch?v=SjRqg...


message 637: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "Tabi Po Isyu 2 by Mervin MalonzoKaaway by Maxim GorkyRetrato ng Artista Bilang Filipino by Nick Joaquín

Tabi Po: Isyu 2 ni Mervin Malonzo

Graphic na talagang kahang..."


Ryan, di ko makakalimutan yong movie adaptation na "Larawan" starring Charito Solis at Lolita Rodriguez, may idolo ng nanay ko haha. Bukod sa direkson, yong acting noong dalawa, di mo na makikita sa mga artista sa kasalukuyan.

Sa "Tabi Po" nai-iskandalo lang ako pagdating doon sa sex. May prejudice ako dyan eh. Pag naramdaman ko na binebenta ang libro sa pamamagitan ng sex, nakakabawas ng puntos. Okay lang yong outright na alam ko na sex ang talagang punto ng libro gaya ng "Story of an Eye" o "100 Days of Sodom" shocking kung shocking pero kung pang-titillate at alam kong di naman "Lolita" ang pagkakalahad, ayon medyo nagiging questionable ang intensyon ng libro.


message 638: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Ryan, di ko makakalimutan yong movie adaptation na "Larawan" starring Charito Solis at Lolita Rodriguez..."

Stage play yun na ang direktor ay si Lino Brocka, ang nagtagalog ay si Alfred Yuson. Si Philip Salvador ang gumanap na Tony Javier. May rebyu dito. Sana merong nakapag-video nito.


message 639: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "Sa "Tabi Po" nai-iskandalo lang ako pagdating doon sa sex...."

Sa akin naman hindi ako masyadong partikular sa seks ng Tabi Po. Palagay ko naman ay hindi seks ang nagtutulak sa mga reader para bilihin ang libro kundi ang kakaibang istorya at kabuuang art nito. Iba ang atake.


message 640: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "K.D. wrote: "Sa "Tabi Po" nai-iskandalo lang ako pagdating doon sa sex...."

Sa akin naman hindi ako masyadong partikular sa seks ng Tabi Po. Palagay ko naman ay hindi seks ang nagtutulak sa mga re..."


Nagulat lang kasi ako lalo na walang nag-warn sa akin. Tanong ko sa sarili ko, bakit laging nakahubad ang mga karakters? Pati na yong mukha ni Hesus doon sa Tabi Po 2 na nakapatong doon sa babaeng nire-rape ng pari. Parang di tama. Lalo na kaa-attend ko lang ng Basic Apologetics Seminar noon nabuklat ko yong parte na yon. Haha.


message 641: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "K.D. wrote: "Ryan, di ko makakalimutan yong movie adaptation na "Larawan" starring Charito Solis at Lolita Rodriguez..."

Stage play yun na ang direktor ay si Lino Brocka, ang nagtagalog ay si Alfr..."


Ah, baka ang napanood ko ay taped performance nila sa TV. Noong nasa kolehiyo ako, nagpapalabas ng mga stage plays sa Channel 4 (government stations). Ito yong panahon na meron pang "Concert at the Park" tuwing Sunday ng gabi haha.


message 642: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "bakit laging nakahubad ang mga karakters? ..."

hmmm. nakahubad naman sila hindi sa harap ng madla. komportable sila sa katawan nila. parang si malakas at maganda na nanggaling sa kawayan. parang yung mga mag-asawa lang sa kuwarto nila. o yung mga hubad na naglalakad sa nudist beach na walang pakialam. masyadong taboo pero para sa iba wala lang. Dun naman sa mukha ni Hesus, maituturing na isang metaphor dahil sa konteksto ng eksena. Pero gets ko kung bakit maaring maka-offend at maituring na in bad taste.


message 643: by Rise (new)

Rise K.D. wrote: "nagpapalabas ng mga stage plays sa Channel 4 (government stations)..."

sana ma-digitize at mai-upload lahat ng mga klasikong dula na iyan. magandang proyekto ng gobyerno, bigyan ng kopya ang mga mag-aaral.


message 644: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ryan wrote: "Ang Diablo sa Filipinas ayon sa nasasabi sa mga casulatan luma sa Kastila ni Isabelo de los Reyes, salin sa Ingles at may anotasyon nina Benedict Anderson, Carlos Sardiña Galache, a..."

Ryan ka-intriga talaga ang aklat na ito.


message 645: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Ryan wrote: "Tabi Po Isyu 2 by Mervin MalonzoKaaway by Maxim GorkyRetrato ng Artista Bilang Filipino by Nick Joaquín

Tabi Po: Isyu 2 ni Mervin Malonzo

Graphic na talagang kahang..."



ASTIG!


message 646: by Juan (new)

Juan | 1532 comments K.D. wrote: "Ryan wrote: "K.D. wrote: "Katatapos ko lang basahin at i-review ang:

Pesoa by Meśandel Virtusio Arguelles
PESOA
ni Mesandel Virtusio Arguelles
"

Ganda ng konsepto ng librong iyan, K.D. Sana maging availabl..."



Ang husay nito! Nakawiwindang kung hindi ko nabasa ang Personal ni ROV.. Buti na lang!


message 647: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "K.D. wrote: "bakit laging nakahubad ang mga karakters? ..."

hmmm. nakahubad naman sila hindi sa harap ng madla. komportable sila sa katawan nila. parang si malakas at maganda na nanggaling sa kawa..."


Ewan ko. Doon sa Tabi 2, nakabuka talaga ang hita noong babae. Yong puki (sabi ni Bebang wag gumamit ng euphemism) nya nakaharap talaga sa mukha ko. Affected ako haha!

Metaphor or not, di ko talaga gusto yon. Yong angel okay lang pero wag naman si Jesus.


message 648: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan wrote: "K.D. wrote: "nagpapalabas ng mga stage plays sa Channel 4 (government stations)..."

sana ma-digitize at mai-upload lahat ng mga klasikong dula na iyan. magandang proyekto ng gobyerno, bigyan ng ko..."


Sangayon ako rito. Pero hay naku kailan pa ba kikilos ang gobyerno?


message 649: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "Ryan wrote: "Ang Diablo sa Filipinas ayon sa nasasabi sa mga casulatan luma sa Kastila ni Isabelo de los Reyes, salin sa Ingles at may anotasyon nina Benedict Anderson, Carlos Sardi..."

Oo. Lalo na kahapon ay nasa Crisologo St ako sa sa Vigan at nakita ko ang lumang bahay ni Isabelo de los Reyes. Prominenteng tao pala sya talaga noong panahong iyon.


message 650: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "K.D. wrote: "Ryan wrote: "K.D. wrote: "Katatapos ko lang basahin at i-review ang:

Pesoa by Meśandel Virtusio Arguelles
PESOA
ni Mesandel Virtusio Arguelles
"

Ganda ng konsepto ng librong iyan, K.D. Sana ma..."


Tama! At malapit na palang maka-breakeven si Poy. Yong mga susunod na bibili, tubo na bale.


back to top