Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 351-400 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 351: by Marshy (new)

Marshy (shieram) | 5 comments Maraming salamat po.

Madami po akong paborito manunulat, kaso pabago-bago po un. Madalas, depende sa mga huling nabasa kong libro. Sa mga banyaga, ang paborito ko po ngayon ay si Neil Gaiman.

Sa local po, si Jose Rizal sa mga lumang manunulat. Iba talaga impact ng dalawang nobela nya.
Sa mga bago, or at least po sa mga bagong nabasa ko ay si Gerry Alanguilan dahil sa librong Elmer. :)


message 352: by Louize (new)

Louize (thepagewalker) Yay, ang haba na ng thread na ito, daming back reads.
Welcome sa mga bagong salta, mabuhay kayong lahat!

KD, mabuhay si Zimatar!!! Hahanap nga ako ng radio clip at ng mai-post dito. Dapat alam ng mga kabataan ang radio legends. 'Yan ang pumukaw sa aking batang batang imahinasyon. Marami kaming nai-record na mga drama sa cassette tapes magaya lang 'yan.


message 353: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hala, sana nga, makarinig ako ulit ng mga boses nina Magnon, Wiwin at Zimatar! Salamat, Louize.

Marami na nang mga bago at nakakatuwa dahil marami tayong nararahuyo.


message 354: by Louize (new)

Louize (thepagewalker) Movie lang ang nahanap ko e...

Ito si Zimatar.


message 355: by kwesi 章英狮 (new)

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Naging pari pala si Bonnin?! Hahaha.


message 356: by K.D., Founder (last edited Nov 13, 2012 03:24AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ang ganda, Louize. Pero mas maganda siguro ang radyo! Iba talaga pag radyo kasi gumaganang lalo ang imahinasyon. Salamat ulit.


message 357: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments Magandang gabi sainyo. Ako nga pala si Jannela. Mas kilala ako sa tawag na Nelz. Ako'y labingpitong gulang, ngunit sa mura kong edad mahilig akong magbasa na alam nating bibihira na lamang. :) ang paborito kong awtor ay sina: Bob Ong, Dr. Jose Rizal, Nick Joaquin, Liwayway Arceo.

Maraming salamat po sa pag-imbita kuya K.D :) God bless!


message 358: by Rise (new)

Rise Welcome, Marshy. Welcome, Nelz.


message 359: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, Marshy at Nelz! Maligayang pagdating!


message 360: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nelz, maligayang paganib sa ating pangkat. Paganib talaga. Sa kababasa ito ng Rogelio Sicat!

Nakakatuwang ang isang kagaya mong singtanda o singbata ng aking unica hija ay narito't sumusuporta sa Panitikang Filipino. Sana'y maging aktibo at halimbawa hindi lang sa kanya kundi sa iba pang mga kabataan.

Mabuhay ka, Nelz!


message 361: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Nelz, maligayang pagdating sa Sitio Catacutan! este sa Pinoy Reads Pinoy Books! (ano ba yan naapektuhan na ko ng mga kuwentong katatakutan ni Tony Perez. ;D


message 362: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments jzhunagev wrote: "Nelz, maligayang pagdating sa Sitio Catacutan! este sa Pinoy Reads Pinoy Books! (ano ba yan naapektuhan na ko ng mga kuwentong katatakutan ni Tony Perez. ;D"

Natawa naman ako sa Sitio Catacutan na yan.

Nelz welcome sa grupo!


message 363: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments K.D. wrote: "Nelz, maligayang paganib sa ating pangkat. Paganib talaga. Sa kababasa ito ng Rogelio Sicat!

Nakakatuwang ang isang kagaya mong singtanda o singbata ng aking unica hija ay narito't sumusuporta sa ..."


maraming salamat po kuya K.D :)oo nga po, sana mas marami pang kabataan ang ma-enganyo o maging interesado sa pagbabasa at mas tangkilikin ang mga gawa ng ating mga kababayan. :D God bless! :)


message 364: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments Paolo wrote: "Welcome Marshy at Nelz sa grupo!

Nelz, kababasa ko lang ng Mga Kuwento ng Pag-ibig ni Liwayway Arceo at nagustuhan ko kung paano siya sumulat. Hehe"


salamat po. :) basahin nyo rin po ang akda nyang Titser at Canal de la Reina, baka magustuhan nyo rin po. :) God bless :)


message 365: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments jzhunagev wrote: "Nelz, maligayang pagdating sa Sitio Catacutan! este sa Pinoy Reads Pinoy Books! (ano ba yan naapektuhan na ko ng mga kuwentong katatakutan ni Tony Perez. ;D"

haha! mukang narinig ko na iyong Sitio Catacutan =)) ngunit hndi ako mhlig sa mga gaanong tema ng babasahin, nadadala ko po hnggnag s panaginip. lakas ng imahinasyon lalo na po pag tagalog ang bnbsa ko. hahahahahaha salamat po. :) God bless!


message 366: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments salamat po sainyo :) God bless po!


message 367: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Welcome Nelz <3


message 368: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments Jhive wrote: "Welcome Nelz <3"

hi po. salamat! :)


message 369: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments Sige po, sana magustuhan nyo rin :)


message 370: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nelz, hihintayin ko na lang ang rebyu ni Paolo. Pag nagustuhan nya, malamang magugustuhan ko rin.


message 371: by Rise (new)

Rise Parang gusto kong basahin ang Canal De La Reina.


message 372: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maganda rin naman yon, Rise.


message 373: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments Osge po. Sbhan nyo po ako pag bnsa nyo. Haha. :)


message 374: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments nelz, pwede ka magbasa sa food court para di ka masyadong matakot hahahaha yun nga lang pag uwi at pagpasok mo sa kwarto mag isa ka na uli hahahaha


message 375: by Rise (last edited Nov 17, 2012 05:17PM) (new)

Rise Good day, Izzy. Welcome at sana ay maging active ka dito.


message 376: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Walang anuman, Izzy. Maligayang pagsali sa pangkat natin. Dalawin mo lang kami palagi at siguradong may mapupulot kang mga magagandang aklat na Pinoy.


message 377: by Nelz (new)

Nelz Pilapil (nelzpilapil) | 9 comments Beverly wrote: "nelz, pwede ka magbasa sa food court para di ka masyadong matakot hahahaha yun nga lang pag uwi at pagpasok mo sa kwarto mag isa ka na uli hahahaha"

Hahahahaha!! Kaya nga po. No choice kaya d nlng po tlga ako ngbbsa =))) ngtatagal po ksi sa utak ko ng mga ilang araw. =)))


message 378: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Izzy wrote: "Hi. Ako nga po pala si Isabelle. Izzy po palayaw ko.

Sumali ako sa group na to nung last tuesday pa po, pero ngayon lang ako nakapag-introduce (busy kasi sa school e)
Konti pa lang ang Pinoy books..."


Hi, Izzy! Welcome sa grupo!


message 379: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Welcome Izzy :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Maligayang pagsali!... Nelz at Izzy.


message 381: by Heldervert (new)

Heldervert | 11 comments Salamat sa invite KD..Ano ung libro nating babasahin para sa buwan na ito?

Magandang araw mga kababayan


message 382: by Heldervert (new)

Heldervert | 11 comments Pakilala pa pala...

Ako si Helder, pasulpot sulpot kasi minsan busy sa trabaho, madalas nkablock ang site, pero ang mahalaga balik pagbabasa n naman..

ngayong taon e kalahati pa lng nababasa kong librong pinoy (nasa kalahati pa lang ako hehe)..sana matapos na


message 383: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maligayang pagsali sa grupo, Helder. Ayos lang kahit paminsan-minsan kang dumalaw dito. Trabaho talaga ang priority. Huwag mo lang kaming kalilimutang matagal.

Ano yang binabasa mo't mukhang challenging?

Ang binabasa natin ay "It's a Mens World" pa rin dahil ito ay quarterly read. Ganun din tayo kabagal magbasa. Siguro kasi unang libro? Sa Polls (right side ng screen), merong on-going na botohan para sa susunod na aklat. Lahat yang tatlo magaganda. Boto ka na!


message 384: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Hello, Helder! Welcome po sa ating grupo! :)


message 385: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hello, helder, welcome to PRPB!


message 386: by Klaire (last edited Nov 21, 2012 12:30AM) (new)

Klaire (rylaine) hello po, ako po si Mary Klaire (Maria Clara sa filipino..xD), pero maaari nyo po akong tawaging klaire pero kung nais niyo kong tawaging clara/klara ayos lang sakin..:))

Nakakabasa na rin ako ng mga Filipino works, dahil noong nasa kolehiyo pa ko required kaming magbasa lalong lalo na yung mga pambatang babasahin kasama na yung mga maikling kwentong pambata sa Palanca. :D

Nais ko po makabasa ng magagandang libro na gawa ng kapwa nating Pilipino..:) kaya po open po ako sa recommendations niyo po..:) thank you..:)

at maraming salamat po KD sa pag-invite :)


message 387: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Engkkk. Engkkk. (tunog ng binubuksang pinto)

Tuloy ka sa ating pangkat, Maria Clara. Salamat sa pagpapaunlak sa aming paanyaya. Nawa'y maging maligaya ka sa pagsanib sa amin.

Klingk. Klingk. (tunog ng kopita at mga kubyertos)

Ituloy ang piging! Ipaghain si Maria Clara!

O di ba, Klara. Pinaka-bongga ang pag-welcome ko sa iyo! Espesyal na pagsalubong mula kay Kapitan Tiyago.


message 388: by Mara (last edited Nov 21, 2012 01:54AM) (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Maraming salamat sa paganib mo sa amin, Maria Clara!
Sana'y sumali na din sa ating grupo si Ibara. Yay!


message 389: by Klaire (new)

Klaire (rylaine) K.D. wrote: "Engkkk. Engkkk. (tunog ng binubuksang pinto)

Tuloy ka sa ating pangkat, Maria Clara. Salamat sa pagpapaunlak sa aming paanyaya. Nawa'y maging maligaya ka sa pagsanib sa amin.

Klingk. Klingk. (tun..."


hihi..maraming maraming salamat po sa bonggang welcome itay.Tiyago..:))

thanks din Paulo..:D


message 390: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, dapat yata paganib.

Pagsanib e parang multong sumasanib sa katawan. Awoooo! (alulong ng aso).


message 391: by Rise (new)

Rise Naku sinasaniban na tayo. Haha.

welcome, helder! welcome, klaire!

crispin, basilio, saan kayo? join na rin!


message 392: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Itay edited na! pasensya na, nagkamali lang. haha.. bigla ako natawa sa alulong ng aso, Amba!

Kuya Rise haha.. ako yata may sanib eh! :p
hintay lang daw kuya, hinahanap pa sila ni Sisa.


message 393: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Paolo wrote: "Paulo Kuhelyo. hahaha"

Paolo Kuhelyo, hihintayin ko ang iyong unang nobela :)


message 394: by Klaire (new)

Klaire (rylaine) Mara wrote: "Maraming salamat sa paganib mo sa amin, Maria Clara!
Sana'y sumali na din sa ating grupo si Ibara. Yay!"


maraming salamat po..:D hanapin ko po muna si Ibarra..naligaw ata..xD
--

and Maraming salamat din po sir Ryan..:D


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Speaking of Ibarra?...hep! hep! andito na ang lingkod ninyong si Ibarra!?..Magandang araw sa iyo Clara! buti na lang at nag-memo plus gold ako...haha!


message 396: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo nga. Andyan ka pala, Ibarra. Kumusta ang Europa?


message 397: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Uy, may Maria. Maligayang pag-anib Clara!


message 398: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
May Maria, may Mara at may Clara.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments K.D. wrote: "Oo nga. Andyan ka pala, Ibarra. Kumusta ang Europa?"

Ganun pa rin ang Europa. Europa pa rin haha!.Pero mas naninibago ako sa Pilipinas kong Bayan sapagkat malaki ang pinagbago nito simula nuong umalis ako. Higit sa lahat, ipagpaumanhin ninyo na ang mga magagandang dalaga dito sa Pilipinas ang higit na kayamanan ng ating bansa.


message 400: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Puwede ba silang isangla? Pantubos sa World Bank?


back to top