Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
message 301:
by
K.D., Founder
(new)
Nov 06, 2012 08:12PM
Mod
reply
|
flag
Welcome Nikka :)Paborito mo rin pala ang itim na libro ni BO. Kaunti lang ang nakikita kong gusto ang librong yan, karamihan kasi napangitan sa librong yan.,.
Nikka, maligayang pagsali sa pangkat. Sana nga'y lumawig ang listahan ng mga aklat at manunulat na Pinoy sa listahan ng mga paborito mo sa panitikan. Lagi mo lang kaming bisitahin dito. Sama-sama nating tuklasin kung aling ang magagandang librong Pinoy (Tagalog, Ingles o iba pang lenguwahe at dialek).
Jhive, tama ka nga. Isa na ako roon. Pero siguro kasi nabasa ko ang Bob Ong, one after the other. Kaya parang nanawa ako siguro noong nabasa ko yan.
Jhive, tama ka nga. Isa na ako roon. Pero siguro kasi nabasa ko ang Bob Ong, one after the other. Kaya parang nanawa ako siguro noong nabasa ko yan.
Nikka, guilty. Yan din ang una kong hinahanap kay Bob Ong. Masyado na kasing seryoso ang buhay para magbasa pa ng mga seryosong Pinoy book. Pero susunod sa patawa ang matuwa sa prosa nya.
Nikka, napakagandang punto. Tunay na ikaw ay may kamulatan sa anong tama. Ganyan nga ang sana'y ginagawa nilang mga manunulat na ating binabasa. Yong may mensaheng pailalim na tatama sa atin habang nagbabasa't matapos tumawa. Salamat.
Kaingit-ingit ang naging paglaki mo. Kahanga-hanga ang disiplina at suporta na iminulat sa iyong mga mata ng iyong mga minamahal na magulang: ang pagpapalibot sa iyo sa iyong paglaki ng mga aklat na siyang naging dahilan upang ikaw ay maging palabasa.
Nagpapahayag ka lang ng malayang damdamin o kuru-kuro. Sa aki'y hindi iyan pakikipagtalo. Salamat!
Nagpapahayag ka lang ng malayang damdamin o kuru-kuro. Sa aki'y hindi iyan pakikipagtalo. Salamat!
Magandang araw! Ako nga pala si Ervin Patrick! Taga-Mindanao ako kaya pasensya na kung awkward man basahin/pakinggan ang Filipino ko. Wala pa masyado akong nabasang libro na naisulat ng lokal na manunulat. Pati nga ang Noli Me Tangere ay hindi ko na maalala (wala pa kasi akong hilig noon sa pagbabasa). Sa mga libro ko, yong Before Ever After lang ang Pinoy ang may-akda at nagiliwan ko naman talaga itong basahin kaya si Ms. Samantha Sotto ang masasabi kong paborito.
Para sa Maikling Kuwento, wala na masyado akong maalala kaya wala rin akong maituturing na paborito.
Obvious, naman siguro, mula sa nasulat ko sa previous na mga talata, kung bakit ako sumali dito. Gusto kong marekomendahan ng mga magagandang Pinoy books. Mahilig kasi ako sa historical fiction at naisip kong mas maganda kung may koneksyon sa history ng Pilipinas ang binabasa ko. Balak ko ngang basahin ang Noli Me Tangere (Touch Me Not), Dogeaters, When the Elephants Dance, atbp. Subalit, hindi pa ako nakakapaghanap ng kopya para sa Dogeaters at When the Elephants... Pero, may balak na akong magpa-special order.
Balang araw, gusto ko rin makapagsulat patungkol sa history ng Pilipinas.
Pasensya na kung hindi masyadong kagandahan ang pagsulat ko.
Wooooh... Nahirapan ako ha. :D
Salamat sa pagsali, Ervin Patrick at Berto!!Sana'y maging aktibo kayo sa mga diskusyon at sana ay makapunta kayo sa ating "First Date" na gaganapin sa Dec.1 para makilala nio ng personal ang iba pa nating kagrupo.
Ervin Patrick wrote: "Naku imposible yatang makasali ako nyan. Malayo-layo pa 'tong pinanggalingan ko. :D"Sayang naman, di bale madami pa namang ibang pagkakataon :)
Robertson wrote: "Mara wrote: "Salamat sa pagsali, Ervin Patrick at Berto!!Sana'y maging aktibo kayo sa mga diskusyon at sana ay makapunta kayo sa ating "First Date" na gaganapin sa Dec.1 para makilala nio ng pers..."
Eto yung nakalagay sa imbitasyon.
1) Quiapo Church (meeting place)
2) Bahay ni Ka Oryang o Gregoria de Jesus, ang muse ng Katipunan
3) San Sebastian Church
4) Dadaan sa labas ng ancestral house kung saan tumira at lumaki si Bebang Siy
5) Aristocrat Malate - dito tayo kakain (KKB) at magdi-discuss ng book
6) Manila Bay/Baywalk - mga larong kalye kagaya ng shake, shake shampoo.
7) CCP (uwian na after)
Sana'y makasama ka :) Antabayanan ang iba pang detalye.
Robertson wrote: "Lapit lang pala...Quiapo Church saka San Sebastian. Pano ko malalaman na kayo yung kausap ko?"
Berto, eto yung link. pwede ka magpost ng mga katanungan at suhestiyon mo kung meron.
http://www.goodreads.com/topic/show/1...
Nikka wrote: "Nikka wrote: "Po wrote: "@Nikka-maligayang pagbati! sana ay makasama ka sa First Date!"Ano po yung first date?"
aaahhh..anong oras yun? :)"
Hi Nikka! Ang sabi po ay 1pm. Though hindi pa naman final yan.
Ako si Jeany, naghahanap ako ng mga libro na sinulat ng kapwa nating Filipino. Hindi Romance pocketbooks huh?! yung pwedeng e-book report. Salamat :D
Ervin at Berto, maligayang pagsali sa Pinoy Reads Pinoy Books. Nakabukas ng maluwang ang pinto para sa inyong dalawa. Tuloy kayo!
Ervin, kung kailangan mo ng ideya kung anong aklat ang mainam na basahin, nasasahilig ko rin kasi talaga yan. Kung historical fiction, mukhang magiging interesado ka sa Kangkong 1896 dahil yan ay ibinase sa Katipunan at kay Andres Bonifacio. Kahit ang akda ni Carlos Bulosan na America is in the Heart: A Personal History (na may salin sa Filipino) ay maaari ring tawaging historical fiction kung hindi man ay memoir.
Kailan lamang ay nakakita ako ng Dogeaters ni Jessica Hagedorn sa Booksale Megamall pero ang madalas kong makita ay ang When the Elephants Dance ni Teresa Holte sa Booksale. Kung wala ka pa ng mga ito at may nakita ako dito, ipapa-reserve ko at ipi-PM ko sa iyo. Ibigay mo sa akin ang address mo at ii-LBC ko sa iyo. Pag pumunta ako sa Mindanao, i-libre mo ako sa McDo.
Nikka at Berto,
Tama si Mara. Malamang ay 1pm na talaga yang tipanan sa Disyembre 1. Hinihintay ko lang ang kompirmasyon ni Beverly. Pero kung may plano kayong umattend, paki-sabi klik na lang ang YES sa invite. At kung nagtitiwala kayo, pakibigay na lang ang mobile ninyo para text-text na lang.
Gustung gusto naming maraming dumalo at para magkabuklod-buklod ang mga mambabasang Pinoy! Tama ka, Berto. Ito ang layunin ng grupo. Marami na kasing book clubs na ang binabasa ay sinulat ng mga dayuhan. Dito sa Pinoy Reads Pinoy Books, puro sinulat ng mga kapwa natin Pinoy ang ating babasahin at paguusapan.
At sabi nga na aking anak na si Mara, sana'y maging aktibo kayo rito sa ating lumalaki at lumalawig na pangkat. Kasihan sana tayo ng Maykapal.
Jeany,
Welcome sa grupo! Tama ang sagot ni Berto. Marami ka nang makukuha sa mga manunulat niyang nabanggit. Kung may specific requirement ka, paki-post na lang at baka kami ay makatulong.

Nikka, puwede ka namang sa Aristocrat na lang maghintay. Ang balak ko ay iwan doon ang kotse pagkatapos mananghali. Hindi kasi ako sanay sa Quiapo pag may dalang sasakyan. Tapos magco-commute o magta-taksi na lang ako mula Roxas Blvd patungo sa Quiapo. Mainam na rin ang ganoon kasi walking tour yata ito talaga eh.
Berto, huwag kang mahihiya. Lahat kami rito ay palakaibigan. Unang pagkikita-kita ito. Pero ang iba sa amin ay nagkikita-kita na sa book hunting at doon sa ibang book club dati.
Si Beverly o Bebang Siy na moderator natin sa discussion ay nakita ko lang minsan sa Readercon 2012. Di ko pa rin siya nakakausap. Mas interesante sa akin ang ganoon. Mas maraming bagong kakilala, mas malamang na mas marami kang magiging kaibigan kalaunan.

Robertson wrote: "Makikiramdam muna ako kung sasama ako...parang nakakahiya kasi eh. hehe."Berto, bakit naman nakakahiya? Sabi nga ng aking Itay na si K.D, palakaibigan kami dito :)
Robertson wrote: "kasi naman first timer lang ako dito sa group. kanina lang ako napasok sa thread na ito. hehe"Ok lang yan. Makisama ka lang sa mga diskusyon. Kung may mga tanong ka, wag ka mahiya. Madami namang sasagot sayo dito. Hindi ko pa din nakikita mga kagrupo natin, pero feeling close na ako. Haha!
First time tayong lahat. Walang kaso kung kanina ka lang napasok dito. Sa katunayan nga noong Setyembre lang ito nagsimula. Wala pang dalawang buwan.
Nikka wrote: "K.D. wrote: "Nikka, puwede ka namang sa Aristocrat na lang maghintay. Ang balak ko ay iwan doon ang kotse pagkatapos mananghali. Hindi kasi ako sanay sa Quiapo pag may dalang sasakyan. Tapos magco-..."Nakakarelate ako sa manual na yan. Haha.. kaya mas gusto ko mag commute pag nasa manila ako.
Manual din sasakyan ko, Nikka. Pero di ko iiwan yon. Pagpinatubos sa iyo, P3,000 rin. Towing pa lang yon.
Napaka-welcoming nyong lahat ha! Pakiramdam ko na nga super friends tayo. 'Yong tipong, childhood friends! :D Naku, kaka-inggit naman ng pagkikita-kita ninyo. Kung andyan lang sana ako sa Manila. *sigh*
Pero, salamat talaga sa "napakabagbag?" damdamin na welcome nyo. (Tama ba 'yun?) Hahaha
Sir K.D., naku, dito sa amin, wala pong stock ng mga librong nabanggit ko. Mapasecondhand o firsthand man. Noong isang buwan ko pang binasa 'yang mga 'yan kung may stock lang sana dito. May balak na nga akong magpaspecial order sa National eh. Nag-inquire na ako sa customer service. Naku, may kamahalan pero gusto ko po talaga. Haha. Secret ko nga lang sa parents ko ang pagbili ng mga may ganyang presyo. Pero, hindi ko itutuloy order ko kung makakahanap po kayo ng mas mura. Ibibigay ko lang po sa inyo adress ko. :)))
Na-antig talaga ang puso ko sa welcomes nyo ha! Kayo na talaga! :D
Sir K.D., i-lilibre ko po talaga kayo sa Mcdo! Sa Cagayan de Oro naman tayo magkita-kita sa susunod! Haha. Imposible yata. :D
Hi po. First time ko dito sa group and I don't regularly open this site. hehehe di ako familiar with the technicalities. anyway thanks for adding me up.
Ervin Patrick, kahit ako man ay limitado din ang nabibili. Mabuti lang at meron ding mangilan-ngilan na pwedeng pagbilhan online.
Ryan wrote: "Ervin Patrick, kahit ako man ay limitado din ang nabibili. Mabuti lang at meron ding mangilan-ngilan na pwedeng pagbilhan online."Sir Ryan, wala po akong alam sa pagbili online o pagpapaLBC. haha. Dapat ko na talagang matutunan 'yan ngayon. :)
Ervin, may kaibigan din ako sa Ilo-ilo na minsan-minsan ay pinadadalhan ko ng libro via LBC. Mura siyempre kaysa sa mga kaibigan ko sa Amerika, Australia at Singapore. Nagdurugo ang bulsa ko kapag nagswa-swap kami ng libro.
Jose, tama si Ryan. Di natin alam kung mga publisher na member. Marami kasing lurkers lang. Naka-public kasi tayo. Merong mga editors pero di kaanong aktibo. Merong mga self-published writers na members at kilala ko sila.
Welcome ka rito, Jose. Sana'y magtagumpay ka sa iyong pagsusulat.

Ervin Patrick wrote: "Dapat ko na talagang matutunan 'yan ngayon."Dapat. Pero magtipid ka pa rin ha dahil makakabili ka rin ng gusto mong mga aklat kapag nagkatrabaho ka na.
Salamat sa pagsali sa aming munting grupo dito sa Goodreads: Berto (naalala ko si Bertong Badtrip na karakter sa komixstrips ni Mannix), Ervin Patrick, Jeany at Jose!Ervin Patrick, nagustuhan ko yang Before Ever After at When the Elephants Dance.
Narito ang nasulat kong book review mula sa aking blog (pramis, wala yang mga spoiler. Lagi ko kasing isinasasip na encouragement ang aking mga book reviews para manabik ang mga taong nagpaplanong basahin ito, at syempre pa dahil na rin manunulat na Filipino ang naggagandahang mga binibinig ito. Beauty and brains, ika nga):
Of Chickens, Journeys, and Forever
The Power of Stories — nakabili ako sa Booksale nito noong nakaraang taon, at swerteng may pirma ito ni Holthe! Saya! :D
Matagal na dapat to. :DAko po si Marianne Echavez. Mga tatlong taon na ang nakakaraan ng mahikayat ulit akong magbasa ng Filipino works. At simula nun, lagi na akong napapadaan sa Filipiniana Section ng bookstores na pinupuntahan ko.
Sumali ako sa grupong ito para i-share ang mga librong natuklasan at matutuklasan ko pa. At syempre, para makahanap din ng iba pang aklat ng iba't ibang manunulat na Filipino. :)
Marshy wrote: "Sumali ako sa grupong ito para i-share ang mga librong natuklasan at matutuklasan ko pa. At syempre, para makahanap din ng iba pang aklat ng iba't ibang manunulat na Filipino. :)"Maligayang pagsali, Marshy! Welcome na welcome ka rito.
Kaibigan, usap tayo! (Si Tito Boy lang ang peg! :D)
jzhunagev wrote: "Maligayang pagsali, Marshy! Welcome na welcome ka rito.Kaibigan, usap tayo! (Si Tito Boy lang ang peg! :D)"
Maraming pong salamat. :)
Marshy wrote: "Matagal na dapat to. :DAko po si Marianne Echavez. Mga tatlong taon na ang nakakaraan ng mahikayat ulit akong magbasa ng Filipino works. At simula nun, lagi na akong napapadaan sa Filipiniana Sec..."
Welcome sa grupo, Marshy! :) Ako nga pala si Marzie (tawag sakin ng ibang kaibigan ko)
Sana'y maging aktibo ka sa mga diskusyon
Marshy wrote: "Salamat po. Try ko po maging aktibo. Sayang lang di na ako pwd sa First Date. :("awww.. bakit naman? :(
Marshy wrote: "Out of town po ako ng Dec 1. Sayang, pero madami pa rin naman pong events in the future db? :)"oo naman! madami pa namang events :)
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...