Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
salamat po sa pagbati :DK.D. si Marcelino Agana, Jr. po ang may akda ng New Yorker In Tondo
Ryan hahaha nakakawasak talaga buti na lang at medyo nasa katinuang pag-iisip (college days) na ako nung una ko siyang mabasa
nakalimutan ko rin palang banggitin ni G. Nick Joaquin sa aking paboritong manunulat :D
Yehesss. Unang post ko dito! :D Haloooow :)Ako po si Clare. :) Kahit tambay ako sa library nung mga unang taon ko sa kolehiyo, bibihira lang mga nababasa kong local books. Madalas puro foreign pero ang importante nagbabasa ako ng Phil. Lit. hehehe
Ang mga paborito kong manunulat ay sina Lualhati Bautista, Liwayway Arceo, Bob Ong, Ricky Lee, at sympre Jose Rizal :)
Ang mga paborito ko namang libro ay Macarthur, ABNKKBSNPLAko?!, Stainless Longganisa lahat kay BO. Para kay B ni Ricky Lee, Dekada '70 ni Lualhati Bautista tsaka ElFilibusterismo ni J.Rizal.
Mahilig din ako sa komiks, lalo na pag gawa nina Manix Abrera (Kikomachine komix)tska Pol Medina (Pugad Baboy) Binabasa ko din mga gawa ni Eros Atalia tska yung kay Klitorika. Mga Fil.story books din mahilig ako!
Sa mga short stories sobrang dami eh, pero mga pinakagusto ko yung Walang Panginoon ni Deogracias Rosario, Footnote to Youth ni Jose Garcia Villa,Dead Stars ni Paz Marquez Benitez tska Desire ni Paz Latorena.
Hmm. Bat nga ba ako sumali dito? Kasi gusto ko pang makameet ng mga taong naniniwala pa din sa gawang pinoy, na hindi to basta basta lang. Ska para makabasa pako ng marami pang filipino books sa tulong ng recommendations nyo. :)
Welcome, Jazz at Clare. Salamat sa pagsali.Jazz, parang isang malaking bookish pamilya nga.
Clare, dami mo na ring paboritong local writers. Kami din makakahingi ng recommendations sa 'yo.
Kaunti pa lang naman yan Ryan. :) hehe Iba kasi pag local writers e no. May kurot sayo sa bawat pagbasa.
Madami na kaya (kinontra uli). Kapag local writers kasi, we "speak the same language", sabi nga. Hindi lang literal sa language, pati sa collective experience.
Tuloy kayo sa malawak na pinto ng ating pangkat, Jazz at Clare! Nasasainyo ang aming mainit na pagtanggap!
Jazz, anong libro ang nasulat ni Resty Mendoza Cena? Lahat ng paborito mo, gusto ko rin. May kopya na ako ng ilang akda ni Lourd de Veyra, kaso di ko pa nababasa. Pero alam ko magaling sya. Yong speech nya bilang speaker sa graduation ng Mass Comm sa UP noong nakaraang April, pamatay sa ganda at aliw.
Clare, sino si Klitorika? Parang maganda ang tunog. Parang nabasa ko na sa Fil Lit sa kolehiyo yong "Dead Stars." Ito ba yong may kinasal tapos parang muntik nang di matuloy?
Tama ka dyan sa "kurot." Iba ang pakiramdam kapag nagsasalita ang mga tauhan sa istorya sa kanilang katutubong wika. Mas tumatalab ang bawat kataga.
Jazz, anong libro ang nasulat ni Resty Mendoza Cena? Lahat ng paborito mo, gusto ko rin. May kopya na ako ng ilang akda ni Lourd de Veyra, kaso di ko pa nababasa. Pero alam ko magaling sya. Yong speech nya bilang speaker sa graduation ng Mass Comm sa UP noong nakaraang April, pamatay sa ganda at aliw.
Clare, sino si Klitorika? Parang maganda ang tunog. Parang nabasa ko na sa Fil Lit sa kolehiyo yong "Dead Stars." Ito ba yong may kinasal tapos parang muntik nang di matuloy?
Tama ka dyan sa "kurot." Iba ang pakiramdam kapag nagsasalita ang mga tauhan sa istorya sa kanilang katutubong wika. Mas tumatalab ang bawat kataga.
KD! Si Klitorika blogger yun tas isinalibro yung blog ya. Tungkol sa sexcapades nya yun e. Hot ng cover. haha!Nameet ko na din sya sa Luneta, mabait naman sya. hehe! Nabasa mo na yuuun. Pinagaaralan ata yun sa Phil.Lit subj eh. Yun na nga yun, love triangle ang story.Nakakalungkot nga pag may naririnig akong comment na boring local books. Duh. Di nila mafeel yung kurot. Alien ata? hehe
Sa lahat, Salamat sa mainit na pagtanggap! :D
Clare, kahit namang aling literature, may books na boring, may books na hindi. Malamang, di pa nila nababasa ang mga Librong Pinoy na hindi boring. Kagaya ng mga akda ni Edgardo Reyes, Lualhati Bautista, F. Sionil Jose at mga komiks ni Manix Abrera.
Walang anuman. Lagi mo kaming bisitahin dito ha.
Walang anuman. Lagi mo kaming bisitahin dito ha.
Isang malugod na pagbati sa inyong lahat, lalong lalo na sa mga nagbabasa nitong sinulat kong pagpapakilala. Sana ay hindi kayo antukin. Parang mahaba-haba ito.Maaari nyo akong tawagin sa aking palayaw na Jho. Apat na taon pa lamang ako ay mahilig na akong magbasa. Kaya naman kung tatanungin nyo ako tungkol sa mga nabasa ko noon ay malamang na hindi ko kayo masagot sapagkat di ko na talaga masyadong naaalala ang mga yun.
Sa komiks ako natutong magbasa. Marami-rami rin akong paboritong manunulat dito ngunit ang tangi ko na lang na naaalala ay si Pablo S. Gomez. Sinusubaybayan ko rin ang mga kwento nina Nerissa G. Cabral, Gilda Olvidado, at Elena M. Patron. Kung tatanungin ako tungkol sa mga sinulat nila, sa kasawiang palad, di ko na rin naaaalala. LOL. Naalala ko lang na aliw na aliw ako sa mga kwentong "Toytona," "Ang Sandok ni Boninay," "Water Lily Power," at kung anu-ano pa. Nakakainis lang dahil di ko na rin maalala kung sino ang manunulat ng mga kwentong ito.
Natatandaan kong meron kaming mga aklat dati na puno ng mga maikling kwento na nanalo sa Palanca. Dahil sa magaganda at makabagbag damdaming mga kuwento roon ay masasabi kong ang mga aklat na 'yun talaga ang umengganyo sa akin na magbasa. Ngunit pagkaraan ng tatlong taon, lumipat ako sa pagbabasa ng mga Tagalog romance novels [I read them mainly because of Helen Meriz, pero marami akong mga manunulat na naaalala na kasabayan nya: Maia Jose, Ofelia Concepcion, Maria Elena Cruz, Josie Aventurado, Joy Reyes, Loida MF San Diego, Loreta Baltazar, Gilda Olvidado at Nerissa G. Cabral ulit, Zoila, Mariz Crisostomo at marami pang iba. Mula noong ako ay pitong taong gulang hanggang ako ay labindalawang taong gulang, nagbabasa ako ng mga obra nila. [Hindi naman ito lagi-lagi. Madalas, nagbabasa rin ako ng biography (ni Rizal, ni St. Bernadette, Fatima), o ng mga aklat sa wikang Ingles gaya ng Sweet Valley High series noong nasa ikalimang baitang ako, at Science books noong ako ay nasa ika-anim na baitang. At siempre pa, yung mga komiks ay di ko nakakalimutan.]
Marahil ay dahil na rin sa sobrang lungkot nang mga maikling kwentong yun o talagang sadyang nagbabago rin ang panlasa ko sa libro kaya ako nag-shift. Subalit hindi na rin talaga ako masyadong nahilig pang magbasa ng gawang Pinoy pagkatapos noon unless love story sya o komiks [Babasahin ko naman sana kahit ano, basta huwag lang yung para bang pasan-pasan ko ang daigdig pagkatapos kong basahin ang isang kuwento]. Sa isang banda ay marami naman talaga akong natutunan sa mga nabasa ko noong bata pa ako. Masasabi kong ito rin siguro ang dahilan kung bakit bata pa ako ay seryoso na akong tao, dahil sa mga binabasa ko, maaga kong naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging mahirap, kung ano ang halaga ng pera... at marami pang iba.
Noong tumuntong ako sa kolehiyo ay bumalik ako sa pagbabasa ng mga Tagalog romance novels at nagustuhan ko si Martha Cecilia at Rose Tan.
Gaya ng karamihan, ang pinakapaborito kong manunulat na Pilipino ay si Dr. Jose Rizal.
Nagustuhan ko rin ang Ibong Adarna.
Samantalang ang mga paborito kong maikling kwento at sanaysay na naaalala ko ay [sila rin ang mga paborito kong manunulat]:
Sa Pula Sa Puti ni Francisco "Soc" Rodrigo
Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual
Mabangis na Lunsod ni Efren Reyes Abueg
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo
Dead Stars by Paz Marquez Benitez
On a Pencil by Lydia V. Arguilla [sanaysay]
Tata Selo ni Rogelio R. Sikat
Marami pa akong paboritong maikling kwento pero talagang di ko na maalala. Pakiramdam ko tuloy
ay ang tanda-tanda ko na. LOL. Naaalala ko lang na gustong gusto kong magsulat sina I.V. Mallari, Bienvenido Lumbera, N.V.M. Gonzalez, Rafael Zulueta da Costa [Like the Molave], at Carlos P. Romulo [I am a Filipino].
Nakapagbasa na rin ako ng mga akda nina Edgardo Reyes at Lualhati Bautista [romance novels and otherwise] ngunit di ko sila masyadong gusto.
Sa mga "makabago" na manunulat, nagustuhan ko si Joanne Crisner at si Veronica Mist kaya ko inilimbag ang kanilang mga akda. Nagustuhan ko rin ang istilo ni Bebang sa pagsusulat pati na rin ni Mina Esguerra.
Di ko pa nasusubukan na magbasa ng mga aklat ni Bob Ong. ^_^
Jho, salamat sa napakaganda, napakahaba at napaka-makatas (dyusi) na pagpapapakilala. Nakakatuwa na nag-umpisa ka rin sa komiks. Siguro'y dahil nga sa noong panahong kabataan mo ay uso talaga sa probinsiya ang komiks.
Marami akong napulot sa talambuhay mo (talambuhay talaga). Nakakabilib rin na natatandaan mo pa ang mga pangalan ng mga manunulat at nagtataka akong parang nanghihinayang ka pang di mo alam ang pangalan noong iba. Sabagay, bata ka pa. Kung ako talaga, wala na akong matatandaan pero adik rin ako sa komiks at nagbabasa rin kami noon na Liwayway (bukod sa pakikinig sa radyo).
Di ko lang naranasan ang magbasa ng romance pocketbooks. Ay, naranasan ko na pala. Di ko natapos. Except of course itong kay Mina V. Esguerra (dahil cute lang sya). Pero tatandaan ko yong ibang mga titulo ng maiikling kuwento at mga pangalan ng mga manunulat na iyong binanggit. Susubukan ko ring basahin ang mga iyan. Kapag ikaw ang nagsabing paborito mo, malamang sa hindi, magiging paborito ko rin!
Wala rin ako noong balak magbasa ng Bob Ong noon. Kaso may nag-regalo na officemate. Sinimula ko, nakornihan ako. Tapos tanung ng tanong ang officemate kung nabasa ko na ang librong iyon. Sabi ko, hindi pa. Tapos nag-member ako ng Goodreads at sangkatutak ang nakabasa ng libro. So ayon, hinanap ko ang librong di ko na alam kung saan napunta. Nahanap ko naman. Ito yong ABNKKBSNPLAko?!? at nagustuhan ko naman. Kaya binigyan ko ng 4 stars. Mula noon, di ko na tinigilan si Bob Ong!
Marami akong napulot sa talambuhay mo (talambuhay talaga). Nakakabilib rin na natatandaan mo pa ang mga pangalan ng mga manunulat at nagtataka akong parang nanghihinayang ka pang di mo alam ang pangalan noong iba. Sabagay, bata ka pa. Kung ako talaga, wala na akong matatandaan pero adik rin ako sa komiks at nagbabasa rin kami noon na Liwayway (bukod sa pakikinig sa radyo).
Di ko lang naranasan ang magbasa ng romance pocketbooks. Ay, naranasan ko na pala. Di ko natapos. Except of course itong kay Mina V. Esguerra (dahil cute lang sya). Pero tatandaan ko yong ibang mga titulo ng maiikling kuwento at mga pangalan ng mga manunulat na iyong binanggit. Susubukan ko ring basahin ang mga iyan. Kapag ikaw ang nagsabing paborito mo, malamang sa hindi, magiging paborito ko rin!
Wala rin ako noong balak magbasa ng Bob Ong noon. Kaso may nag-regalo na officemate. Sinimula ko, nakornihan ako. Tapos tanung ng tanong ang officemate kung nabasa ko na ang librong iyon. Sabi ko, hindi pa. Tapos nag-member ako ng Goodreads at sangkatutak ang nakabasa ng libro. So ayon, hinanap ko ang librong di ko na alam kung saan napunta. Nahanap ko naman. Ito yong ABNKKBSNPLAko?!? at nagustuhan ko naman. Kaya binigyan ko ng 4 stars. Mula noon, di ko na tinigilan si Bob Ong!
K.D. wrote: "Jho, salamat sa napakaganda, napakahaba at napaka-makatas (dyusi) na pagpapapakilala. Nakakatuwa na nag-umpisa ka rin sa komiks. Siguro'y dahil nga sa noong panahong kabataan mo ay uso talaga sa pr..."Hi K.D., nanghihinayang ako kasi, kung naaalala ko pa sila, malamang ay susubukan kong basahin ulit yung mga maikling kwento na yun. Noon kasing umalis ako sa Samar [doon talaga ako lumaki at walang kuryente noon sa amin kaya naman sandamakmak ang nabasa ko], di ko naman naisip na bitbitin ang mga aklat na to [andami rin naman kaya!]
Meron kasi ako talagang nagustuhan na kwento, tungkol ito sa bata na ang nanay ay maysakit, mahirap lang sila kung kaya't wala silang pambili ng gamot at pagkain. Yung bata ay madalas na nasa kalye at naglalaro ng kara y krus para may pambili ng pagkain pag-uwi. Isang beses, alam ko nanalo yata sya, tuwang-tuwa syang umuwi ngunit di na nya nadatnang buhay ang nanay nya. Depressing, di ba? Ugh. Pero ang alam ko kasi, yan ang una kong nabasa kaya gusto kong basahin sana ulit.
Sa dami ng nabasa ko, yung Sa Pula Sa Puti lang ang nakakatawa [may isa pa, kaso di ko na maalala, alam ko parang nakikiamoy sila ng ulam sa kapitbahay kasi wala silang ulam tapos siningil sila, LOL. So para quits, nagbayad sila sa pamamagitan ng pag-toss ng barya (pakinggan lang daw yung tunog) at tama lang daw yun dahil nakiamoy lang naman sila ng ulam, LOL!]. Yung iba ay sobrang lungkot kaya mas madalas akong magbasa ng romance novels.
Susubukan ko ngang magbasa ng mga likha ni Bob Ong. Ang hirap lang kasi sobrang dami ng aklat at mag-isa lang ako haha. Sana nga ay pwede akong maging tatlo o marami pa kagaya ni Naruto at sabay-sabay kaming magbabasa ng libro habang yung iba ay gagawa ng iba pang gawain. LOL ^_^
Andami nang bago~~~ maligayang pagdating plokplokplok! (Fireworks!)Random sharing: nakita ni bob ong sa twitter ang art ni kapitan sino sa Bookay Ukay at tila na-curious sya sa artistang nasa likod ng magandang larawan. Nang magtanong siya kung sinong gumuhit, nabanggit ko na lang na mamasyal na lamang siya sa bookstore at titigan ito.
Tayo na sa bookay ukay at baka makita natin syang tinitignan si Kapitan Sino. Baka makilala pa natin sya nang personal. :)
Hello Ate Jho, welcome sa grupo! Natuwa naman ako sa pagbabasa ng nobela mo! haha.. Salamat sa iyong pagbabahagi. Mahilig din ako magbasa ng mga romance pocketbooks noong kabataan ko (kabataan talaga, bata pa po ako) Naalala ko nasa elementarya din ako nung mga panahon na yun, mahilig kasi magbasa ang aming kasambahay kaya nanghihiram din ako sa kanya. Paborito ko din na manunulat si Helen Meriz at Gilda Olvidado.Ang isa sa mga nagustuhan ko na nobela ni Gilda Olvidado ay "Mas Higit Kang Baliw" kwento ng dalawang magkaibigan na parehong nagmahal at iniwan, ngunit sa huli ay parehong nakatagpo ng taong mamahalin nila at mamahalin sila ng buong-buo. Sa nobela naman ni Helen Meriz ay yung istorya ni Jeswin at Mina, hindi ko na maalala ang title ng istorya dahil elementary pa ko nun. Basta maganda ang istorya nila, Stone-age ang tawag ni Jeswin kay Mina (imagine nio na lang kung ano itsura ni Mina) parang beauty and the beast (kaya lang si Mina yung beast sa istorya)
Gusto ko rin ang istorya ni Tata Selo at Impeng Negro ni Rogelio Sikat, Impong Sela ni Epifanio Matute at New Yorker in Tondo (ang love triangle ni Kikay-Tony-Nena) ni Marcelino Agana Jr.
Ate, ako na lang magbabasa ng ibang libro nio, ikwento ko na lang po sa inyo, basta po may meryenda ako, ok na sakin. haha.
Daddy K.D kabilang po pala ang mga pocketbooks (toinks! my, my!) nawala po sa isip ko. dyan ako adik dati bago pa man ako magumpisang magbasa ng mga nobelang ingles. Napakaraming pocketbooks dito samin dati at yung pugad baboy. Mahilig din ako sa tula, isa sa mga paborito ko ang Isang Dipang Langit ni Amado Hernandez.
Mara wrote: "Hello Ate Jho, welcome sa grupo! Natuwa naman ako sa pagbabasa ng nobela mo! haha.. Salamat sa iyong pagbabahagi. Mahilig din ako magbasa ng mga romance pocketbooks noong kabataan ko (kabataan tala..."Hi Mara, salamat! Natutuwa ako at paborito mo rin sila. Ang pinakapaborito kong nobela ni Helen ay ang “Pag-ibig, Paalam Na Nga Ba?” Kwento ito ni Jenny at Eric, di ko na maalala masyado ang buod pero strangely enough, naaalala ko ang mga pangalan at pamagat, marahil ay dahil sa ito ang unang Tagalog romance novel na nabasa ko. I was seven, and I think this was published in 1985. Gustong gusto ko rin yung "Kasinghuwad ng Pag-ibig Mo." I added it here:
http://www.goodreads.com/book/show/13...
Check mo kung nabasa mo na. ^_^
Nagpaparenta kasi kami dati ng mga komiks saka novels. Siempre andami nila, di ko madadala noong umalis na ako sa amin. Noong college ako, binili ko ulit ang mga romance pocketbooks at nagparenta ako sa dorm. Kaso, dahil dalawa kami ng roommate ko na naghati sa capital, hinati rin namin ang mga pocketbooks. Napunta sa kanya ang mga Tagalog at sa akin ang English... yung kakaunting napunta sa akin, well, basta may halos apat na kahon yun, kasama ang English pocketbooks ko, kinuha nang isa kong Tita at hindi na isinoli waaaah :( Andami kaya noon :( bitter. ahaha.
Welcome, Jho! Salamat sa mala-kuwentong pagpapakilala. Nahilig din ako sa komiks nung bata. May tindahan kasi na nagpaparenta ng komiks ang lola ko kaya bunton-bunton na komiks ang nabasa ko (laging Funny Komiks). Naalala ko din si Toytona. Yun yung may superpowers na tulad ni Lastikman, di ba? Pinaalala mo rin sa akin ang mga Tagalog romance novels nina Helen Meriz et al. Meron din sa bahay nyan, binasa ko din. Pati Mills & Boon, sari-saring kwento di ko na rin maalala. Hehe. Salamat sa mga pamagat ng maikling kwentong shinare mo.
Josephine wrote: "Mara wrote: "Hello Ate Jho, welcome sa grupo! Natuwa naman ako sa pagbabasa ng nobela mo! haha.. Salamat sa iyong pagbabahagi. Mahilig din ako magbasa ng mga romance pocketbooks noong kabataan ko (..."Hindi ko yata nabasa yan Ate Jho, may gusto pa ko na istorya di ko lang maalala kung sino sumulat at title, si Helen Meriz yata yun, yung may mag bestfriend. yung isa nagkagusto sa kuya nung bestfriend nia, malayo age gap nila, tapos yun yung nakasira sa friendship nila, nagkaanak yung girl na yun eh, at the end nagkatuluyan si bestfriend at kuya.
Sayang naman yung mga libro na yun ate. Bili na lang ulit. hehe
Ryan wrote: "Welcome, Jho! Salamat sa mala-kuwentong pagpapakilala. Nahilig din ako sa komiks nung bata. May tindahan kasi na nagpaparenta ng komiks ang lola ko kaya bunton-bunton na komiks ang nabasa ko (lagin..."Hi Ryan! Salamat! Haha, natutuwa naman ako at kilala mo si Toytona. Di ko maalala ang writer... but until Vhong Navarro, hindi ko kilala si Lastikman, dahil si Toytona ang kilala ko. LOL. Nagbabasa rin ako ng Funny Komiks at kung anu-ano pang komiks. LOL. [Nagbabasa rin ako ng Mills & Boon saka Hardy Boys and Nancy Drew. Naaalala ko noong first year ako, pag-uwi ko ng bahay, isang Nancy Drew at isang Hardy Boys ang babasahin ko tuwing gabi. Di ako nagaaral, makapagbasa lang. LOL.]
Ryan wrote: "Welcome, Jho! Salamat sa mala-kuwentong pagpapakilala. Nahilig din ako sa komiks nung bata. May tindahan kasi na nagpaparenta ng komiks ang lola ko kaya bunton-bunton na komiks ang nabasa ko (lagin..."Kuya Ryan, naranasan mo din pala magbasa ng mga pocketbooks. hehe..
Mara wrote: "Josephine wrote: "Mara wrote: "Hello Ate Jho, welcome sa grupo! Natuwa naman ako sa pagbabasa ng nobela mo! haha.. Salamat sa iyong pagbabahagi. Mahilig din ako magbasa ng mga romance pocketbooks n..."Waaaah, oo nga eh. Kaso out of print na ang mga yun. Palibhasa ay matagal na rin syang pumanaw kaya di na nire-reprint ang mga nobela nya. Parang di ko nabasa yung kwento na yun, o pwede ring nakalimutan ko na lang dahil sa dami ng mga nabasa ko. ugh.
Josephine wrote: "Ryan wrote: "Welcome, Jho! Salamat sa mala-kuwentong pagpapakilala. Nahilig din ako sa komiks nung bata. May tindahan kasi na nagpaparenta ng komiks ang lola ko kaya bunton-bunton na komiks ang nab..."Hindi ako nakarelate kay Toytona, si Lastikman ang kilala ko. haha.. Nagbasa din ako ng Nancy Drew at Sweet Valley High. Isama mo na din ate ang Archie at Betty and Veronica.
Mara wrote: "Kuya Ryan, naranasan mo din pala magbasa ng mga pocketbooks. hehe.."Nagbabasa ang mga pinsan ko, tapos pakalat-kalat sa bahay, ayun.
Magaling ang powers ni Toytona, hehe. Pwede silang tag-team ni Darna.
Josephine wrote: "[may isa pa, kaso di ko na maalala, alam ko parang nakikiamoy sila ng ulam sa kapitbahay kasi wala silang ulam tapos siningil sila, LOL. So para quits, nagbayad sila sa pamamagitan ng pag-toss ng barya (pakinggan lang daw yung tunog) at tama lang daw yun dahil nakiamoy lang naman sila ng ulam, LOL!]"Maligayang pagdatng sa grupo, Ms Jho!
Kung hindi ako nagkakamali, base sa paglalarawan mo ng balanghay ng kuwento, iyan ay My Father Goes to Court ni Carlos Bulosan.
Nakatawa namang mabasa ang mga usapang pocketbooks! :D
Gaya niyo yan rin ang mga panimula kong babasahin bukod sa mala-alamat na ABAKADA, yong dilaw na libro na mag-inang nagbabasa. Pero hindi ko naman talaga binabasa, tinitignan ko lang ang mga piktyurs.
Nahilig naman ako sa pocketbooks na katatakutan noon at dumayo pa talaga ako noong first year high school pa ako sa Divisoria makabili lang. Nabanggit din lang si Helen Meriz mayroon akong ilang mga naitabing kopya ng pocketbook niya noong 80s, mahilig din kasing magbasa ng mg ganyan ang nanay ko.
Manilaw-nilaw na ang mga kopya at ang nginatngat na ng mababait ang mga pabalat, pero itinabi ko pa rin sila kasi rare na, lalo pa't pumanaw na si Ginang Helen.
Kung may nakikita pa kayong pocketbook na ginagamit ang pangalan niya, magduda kayo, ghost writer na lang ang mga yan! Haha! :D
Jho, madali lang basahin si Bob Ong. Puwedeng pakuya-kuyakoy ang mga paa mo habang binabasa mo ang mga akda niya. Lumaki ka pala sa Samar. Ganyan din sa Quezon noon. Parang 1984 na nagkaroon ng kuryente. Hanggang 8pm lang ang "Petromax" namin kaya minsan kahit madilim ay nagbabasa pa rin ako ng komiks. Resulta? Salamin sa mata!
Ella, hala, tara! Curious talaga akong malaman sino si Bob Ong. Pero kung ayaw nya, si Bebang Siy na lang. Di hamak na mas magandang titigan. LOL. Lagot ako kay BF.
Mara anak, kaya naman kitang pakainin. Huwag ka nang humingi ng meryenda kay Ate Jho mo. Di naman tayo sumasala sa tatlong beses isang araw. May awa ang Diyos, anak. Wag kang makakalimot na humingi ng awa sa Kanya. Pati na rin ng pagkain.
Ryan, nakupo, nagbasa ka rin pala ng romance novels. Di ko talaga naisipan yan. Hanggang ngayon hirap na hirap akong tapusin ang PSICOM romance ni Karl Marx S.T. Yong kay Mina V. Esguerra, iniisip ko na lang sya habang binabasa ko. Kuwanri sya yong bidang babae.
Jzhun, mas gusto ko yong komiks na kakatakutan. Di ako maka-relate kay Toytona. Natatandaan ko noon si Lastikman, Kapitan Kidlat, Bernardo Carpio, at mga nobelang ingles na ginawang serye sa komiks. Tapos yong mga sikat na kanta na ginagawang kuwento sa komiks. Di ko na matandaan lahat ng sinubaybayan ko.
Sa radyo, patay na patay ako kay Magnon at kay Zimatar. Naala-ala ko pa si Wiwin. (Louize, nasaan ka? si Louize pa lang ang nakilala ko dito sa Goodreads na nakakakilala rin sa kanila).
Ella, hala, tara! Curious talaga akong malaman sino si Bob Ong. Pero kung ayaw nya, si Bebang Siy na lang. Di hamak na mas magandang titigan. LOL. Lagot ako kay BF.
Mara anak, kaya naman kitang pakainin. Huwag ka nang humingi ng meryenda kay Ate Jho mo. Di naman tayo sumasala sa tatlong beses isang araw. May awa ang Diyos, anak. Wag kang makakalimot na humingi ng awa sa Kanya. Pati na rin ng pagkain.
Ryan, nakupo, nagbasa ka rin pala ng romance novels. Di ko talaga naisipan yan. Hanggang ngayon hirap na hirap akong tapusin ang PSICOM romance ni Karl Marx S.T. Yong kay Mina V. Esguerra, iniisip ko na lang sya habang binabasa ko. Kuwanri sya yong bidang babae.
Jzhun, mas gusto ko yong komiks na kakatakutan. Di ako maka-relate kay Toytona. Natatandaan ko noon si Lastikman, Kapitan Kidlat, Bernardo Carpio, at mga nobelang ingles na ginawang serye sa komiks. Tapos yong mga sikat na kanta na ginagawang kuwento sa komiks. Di ko na matandaan lahat ng sinubaybayan ko.
Sa radyo, patay na patay ako kay Magnon at kay Zimatar. Naala-ala ko pa si Wiwin. (Louize, nasaan ka? si Louize pa lang ang nakilala ko dito sa Goodreads na nakakakilala rin sa kanila).
Ate Jho Baka po nabasa nio na din yun, nakalimuatan nio na lang sa tagal na at sa dami nio na din nabasa. Kahit ako din po, yung iba hindi ko na din maalala. Kuya Ryan sino ba si Toytona? ano mga ginagawa nia? hindi ako makarelate sa kanya. hehe.. kahit ang aking Itay na si K.D hindi din cia kilala.
Daddy K.D sige itay, hindi na ko hihirit ng meryenda kay ate Jho, sainyo na lang ako ni Inang hihingi ng pangkain ko. Itay, ano yung sinasabi mo na magandang titigan si Ate Bebang? Hala ka! Lagot ka sa bf nia at kay Inang.
jzhunagev mabuti naman po at natuwa ka sa aming usapang pocketbooks. karamihan talaga mga nanay natin ang nagbabasa ng ganyan. mabuti po at naitabi nio pa yung mga sinulat ni helen meriz,yung samin wala na, may mga nanghiram pero hindi na sinoli.
Mara wrote: "Kuya Ryan sino ba si Toytona? ano mga ginagawa nia?"Humahaba ang kamay at paa. hehe. Marami talagang maganda sa komiks. Mahirap na lang alalahanin. Planet Op Di Eyps (si Bardagol at Kiko Matsing), ang original na Pokwang na kumakandirit, Mighty Dog, Zuma, etc. etc.
Ryan wrote: "Mara wrote: "Kuya Ryan sino ba si Toytona? ano mga ginagawa nia?"Humahaba ang kamay at paa. hehe. Marami talagang maganda sa komiks. Mahirap na lang alalahanin. Planet Op Di Eyps (si Bardagol at ..."
Ah, mala Lastikman nga! Wala ako masyado kilala sa komiks. di ako makarelate. hehe
K.D. wrote: "Tuloy kayo sa malawak na pinto ng ating pangkat, Jazz at Clare! Nasasainyo ang aming mainit na pagtanggap!Jazz, anong libro ang nasulat ni Resty Mendoza Cena? Lahat ng paborito mo, gusto ko rin. ..."
Napanood ko nga rin po yun. Nakakatawa kasi sobrang conversational yung tono ng speech niya. "Mga Angst ng Isang Di-mahapayang Gatang" po yung bagong labas na libro ni Resty Cena
Pasensya na di ako makasunod sa diskusyon at sa mga babasahin, medyo nabubusy lang po ako nakakatuwa din nmn mabasa ang mga nakasaad sa kada paksa na napapag usapan kada diskusyon ng grupong ito. Muli ang aking paumanhin
Jazz, yon pala yon. Mabili nga't mabasa. Salamat.
Ella, Ayos lang. Basta pag libre ka, dalaw ka lang dito at makipaghuntahan tungkol sa Pinoy books.
Ella, Ayos lang. Basta pag libre ka, dalaw ka lang dito at makipaghuntahan tungkol sa Pinoy books.
Pangalan: Katrina Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Rogelio Sicat
Paboritong Librong Lokal: Introduction to Poetry ni Edith Tiempo (Nakasulat ito sa Ingles, ngunit ito ay isang librong sariling atin.), Noli Me Tangere na salin ni Soledad Lacson Locsin (hindi iyong kay Leon Ma. Guerrero)
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Impeng Negro ni Rogelio Sicat/Sikat, Ang Paglilitis ni Mang Serapio ni Paul Dumol
Bakit sumama sa group:
Para lumawak ang aking kamalayan at pagpapahalaga sa mga publikasyong lokal. Kasi sa totoo niyan, napakakaunti lang ng interes ko ngayon sa mga publikasyong lokal. Gusto ko sana mapalawak ang interes na iyon. :)
Katrina, salamat sa pagsali. Mukhang maganda nga sigurong magsulat si Edith Tiempo. Nagkaroon akong ng ideya. Salamat!
Naging dula sa kolehiyo namin yang "Ang Paglilitis ni Mang Serapio." Pero di ako kasali. Di ko alam na maikling kuwento pala yan originally.
Tuloy ka sa pintuan ng Pinoy Reads Pinoy Books. Damhin ang mainit naming pagtanggap. *hugs*
Naging dula sa kolehiyo namin yang "Ang Paglilitis ni Mang Serapio." Pero di ako kasali. Di ko alam na maikling kuwento pala yan originally.
Tuloy ka sa pintuan ng Pinoy Reads Pinoy Books. Damhin ang mainit naming pagtanggap. *hugs*
Maligayang pagdating sa ming maliit na grupo, Katrina!Pareho tayo, nagustuhan ko rin ang salin ni Soledad Lacson-Locsin sa dalawang obra ni Rizal (kakabasa ko lang sa toang ito). Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na ipinipinid ko na pinto sa salin ni Leon Ma. Guerero dahil mayroon din ako ng mga libro niya at titignan ko kung alin sa dalawa ang mas magugustuhan sa pagkakataong babasahin ko uli ang mga libro.
Mabuhay!
Mara wrote: "Paborito ko ring maikling kwento ang Impeng Negro ni Rogelio Sikat."Sobrang sikat yan noong high school. Pati yung Kalupi. Hanggang ngayon tumatatak ang mga maiikling kwento sa aking puso. Siguro dahil sa kanyang kurot (ako pala si ella, nagbabasa ng mga librong may kurot at naiiyak rito).
Maria Ella wrote: "Mara wrote: "Paborito ko ring maikling kwento ang Impeng Negro ni Rogelio Sikat."Sobrang sikat yan noong high school. Pati yung Kalupi. Hanggang ngayon tumatatak ang mga maiikling kwento sa aking..."
Hello Ella! :) Hindi ko yata nabasa yung Kalupi.
Nagbabasa din ako ng mga librong may kurot at naiiyak din ako.
Ako si Len. nagbabasa ng librong sinulat ng Pinoy o ng tungkol sa mga Pinoy.Pangarap ko ulit basahin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, yung tagalog. Dahil nung unang binasa ko ang mga ito ay dahil required lang sa school.
Nasama sa grupo dahil sa imbitasyon ni KD. Salamat KD
Salamat sa pag-welcome! :) Totoo nga, iyong mga istorya na may kurot sa puso ang tumatatak noong hayskul. Bihira lang kase ang mga ganung istorya. Hi, Len! :) Welcome rin dito sa book club na ito.
Len wrote: "Ako si Len. nagbabasa ng librong sinulat ng Pinoy o ng tungkol sa mga Pinoy.Pangarap ko ulit basahin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, yung tagalog. Dahil nung unang binasa ko ang mga ito..."
Hi Len! Welcome sa grupo! :)
Welcome, Katrina, Len, et al.Katrina, ako din mas gusto ko yung English ng Noli't Fili ni Lacson-Locsin kesa kay Guerrero.
Len, parang maganda nga yung salin sa Tagalog ni Virgilio Almario.
Ryan, *apir!* sa totoo lang nung binasa ko yung kay Guerrero nung hayskul ako, nahirapan ako intindihin. :| Limitasyon ko siguro yun bilang isang mambabasa. Or baka, hindi lang talaga kami "magkasundo" ni Guerrero. heheheh.
Len, salamat sa pagsali at pagpapakilala. Puwede tayong magsabay ng pagbabasa ng Noli at Fili kung kelan mo gusto. Sasabayan kita. Tapos puwede tayong mag-diskusyon sa thread.
Katrina, ako rin gusto ko yan mga ganyang istorya. Nakakalawig ng pangunawa sa buhay at kapwa-tao.
Katrina, ako rin gusto ko yan mga ganyang istorya. Nakakalawig ng pangunawa sa buhay at kapwa-tao.
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...






Welcome sa grupo, Jazz! :)