Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 2,751-2,779 of 2,779 (2779 new)    post a comment »
1 2 48 49 50 51 52 53 54 56 next »
dateUp arrow    newest »

message 2751: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments maligayang pagkabuhay! mga Ka-Pahina, Ka-Kweba, Ka-Lourd jan hehe!


message 2752: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Gina, welcome to PRPB! Sige, tanong ka lang kung may gumugulo sa isip mo tungkol sa Pinoy books!

Sana'y maging aktibo ka dito sa thread at maging sa events.


message 2753: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Welcome sa mga bagong members!! Yayyyy


message 2754: by James Michael (last edited Jun 14, 2016 01:30AM) (new)

James Michael Edpao (jamesedpao) | 1 comments Magandang hapon po!

Pangalan: James Michael Edpao

Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Jose Rizal, Francisco Baltazar, Efren Abueg, Genoveva Edroza-Matute, Rogelio Sicat, Deogracias A. Rosario, Amado V. Hernandez, Jun Cruz Reyes, Benjamin Pascual, Lualhati Bautista, Eros Atalia, Genaro Gojo Cruz

Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Bata, Bata Pa'no Ka Ginawa, Wag Lang Di Makaraos

Mga Paboritong Maiikling Kuwento: "Tata Selo" ni Rogelio Sicat, "Walang Panginoon" ni Deogracias Rosario, "Sandosenang Sapatos" ni Luis Gatmaitan, "Utos ng Hari" ni Jun Cruz Reyes, "Ang Kalupi" at "Di Mo Masilip Ang Langit" ni Benjamin Pascual, "Sandaang Damit" ni Fanny Garcia, "Si Pinkaw" ni Isabelo S. Sobrega, "Mabangis na Lungsod" ni Efren Reyes Abueg, "Paalam sa Pagkabata" Salin ni Nazareno D. Bas

Bakit sumama sa group: Nais ko pong mas lumalim pa ang aking kaalaman sa Panitikang Filipino. At bilang guro ng Wika at Panitikan sa hinaharap, nais ko pong patatagin ang aking sanligan sa Panitikan mula sa iba't ibang mga diskusyon sa group na ito.


message 2755: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Gina wrote: "Salamat K.D."

Gud day po sa lahat!... mga newbies, oldbies, buddies, gooddies, beauties. Hi! Gina kamusta ang pagbabasa ng filipino books?


message 2756: by Juan (new)

Juan | 1532 comments WOOOOOHOOOOOOO! Magandang araw mga kakweba! Pagbati sa mga bagong kakweba dito! Kay Peng, Abi, Bomalabs, Jhen, Jenz Ker, at Gina!


message 2757: by Ker Metanoia (new)

Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments Juan wrote: "WOOOOOHOOOOOOO! Magandang araw mga kakweba! Pagbati sa mga bagong kakweba dito! Kay Peng, Abi, Bomalabs, Jhen, Jenz Ker, at Gina!"

Magandang araw din po, Juan! :D


message 2758: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
James, salamat sa paganib sa PRPB! Sana'y dumalo ka sa mga events para mas magkakilala tayo at magkapagusap tungkol sa mga libro.


message 2759: by Isa (new)

Isa | 1 comments Mabuhay ako si isay! Mahilig sa libro na punong puno ng kulay! ☺️


message 2760: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jul 10, 2016 08:33AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments maligayang pag-anib Ker at Isay, nawa'y pagpalain ang inyong araw at kahit tag-ulan pa ngaun


message 2761: by Ton (new)

Ton Paliin (tonpaliin) | 3 comments Eh... nahihiya ako... Hala anong gagawin ko...

Ahm, hello po, ayii...

Nahihiya talaga ako...
(Yan ang mga nakikita ko sa mga kaklase ko, ewan ko ba, basta pag ako tumayo sa harapan ng classroom, bongga ang pagpapakilala ko, sampulan ko kayo.)

Hello everyone,
I'm Ton Paliin, my name may sound odd and disgusting, yes it was meant to be like that. It's a... tagalog pala, sorry, yan ang pangalan na ginagamit ng mga mang aasar sa akin sa school at sa mga kamag anak ko. So imbis na madown ako, ginamit ko ang author name na yan, para pag naging sikat na akong author, mapapahiya sila, at maiisip nila, na kadugtong ng pangnalang Ton Paliin, ay respeto, pagmamahal, paggalang, at kabaitan. Oh, pak pak pak. Ganiyan dapat ang mga linya sa mundong ibabaw. At siguardo akong alam niyo na ngayon, sa pagbasa pa lang ng aking description about me, ay wala ring saysay ang aking mga linimbag, ahahhaha, echosera ka! Ako pinakamaganda dito, kaya wala kang choice, kung di basahin ang libro ko! Or else...


message 2762: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ton, anong pamagat ng libro mo? Meron na ba? Huwag ka nang mahiya. Ako, interesado akong basahin ang mga akda ng mga bagong manunulat.


message 2763: by Ton (new)

Ton Paliin (tonpaliin) | 3 comments K.D. wrote: "Ton, anong pamagat ng libro mo? Meron na ba? Huwag ka nang mahiya. Ako, interesado akong basahin ang mga akda ng mga bagong manunulat."
Maraming maramingn salamat po, inupload ko na po yung facebook ko, sana po ito, mabasa niyo, nahiya po tuloy ako. Eto po yung link, automatic na madodownload na po iyan. PDF po siya. Karangalan ko po ang mabasa niyo ito.

https://www.dropbox.com/s/s094tm2q8qg...


message 2764: by Ton (new)

Ton Paliin (tonpaliin) | 3 comments Ahahha. Book po yung inupload ko. Hindi facebook. Ang auto-correct kasi ng android magulo... saka binasa ko yung ibang comments sa group, nakakatuwa po na napaka active niyo. Nasa English form po ang libro ko, kasi mas maraming bumibili worldwide, and pagnakaipon, saka ko po ililimbag sa tagalog at iba pang languages po.


message 2765: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige lang. Baka this weekend, mababasa ko na itong libro mo. Busy lang today. Goodluck, Ton. Ingles o Filipino, binabasa rito sa PRPB yan. Basta Pinoy ang nagsulat.


message 2766: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments magandang araw mga Ka-Pinoy Reads, kamusta ang inyong pagbabasa?


message 2767: by Frederick (last edited Aug 21, 2016 10:59PM) (new)

Frederick Espiritu (fhespiritu) | 3 comments Magandang araw mga Pinoy readers!

Ako po ay isang manunula (poet) at manunulat (writer).
Pero wikang ingles po ang gamit ko sa pagsusulat.

Nais ko po sanang ibahagi sa nyo yung naisulat kong libro. One Whole Naked Me

Gusto ko po kayo bigyan ng ebook format ng libro. Ipagbigay alam nyo lang po sa akin ang inyong email ad.

Kung sakaling magustuhan nyo po yung mga sulat ko, maari rin po kayong makakuha sa akin nung physical na kopya ng libro.

Maraming salamat!


message 2768: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Frederick wrote: "Magandang araw mga Pinoy readers!

Ako po ay isang manunula (poet) at manunulat (writer).
Pero wikang ingles po ang gamit ko sa pagsusulat.

Nais ko po sanang ibahagi sa nyo yung naisulat kong libr..."


hi Frederick nais kong makatanggap ng ebook format mo, sinusuportahan namin ang mga Pinoy na manunulat.


message 2769: by Frederick (new)

Frederick Espiritu (fhespiritu) | 3 comments Po wrote: "Frederick wrote: "Magandang araw mga Pinoy readers!

Ako po ay isang manunula (poet) at manunulat (writer).
Pero wikang ingles po ang gamit ko sa pagsusulat.

Nais ko po sanang ibahagi sa nyo yung ..."


Maraming salamat Po! Maari ko bang malaman ang iyong e-mail ad?


message 2770: by Frederick (new)

Frederick Espiritu (fhespiritu) | 3 comments Frederick wrote: "Po wrote: "Frederick wrote: "Magandang araw mga Pinoy readers!

Ako po ay isang manunula (poet) at manunulat (writer).
Pero wikang ingles po ang gamit ko sa pagsusulat.

Nais ko po sanang ibahagi s..."


Naipadala ko na Po! Maraming salamat!


message 2771: by Liz (new)

Liz Aguilar (lizaguilar) | 1 comments Hello! Liz here. Sorry if medyo Taglish ang intro ko. Hindi lang ako masyadong sanay na magsulat sa Tagalog. Nasanay lang kasi na puro English ang binabasa at sinusulat ko. Pero gusto ko sanang makabasa ng mga Tagalog na books, so if anyone can recommend a couple, it would be greatly appreciated. Ayoko lang po ng masyadong ma-drama. Mas preferred ko yung paranormal or mystery or yung medyo cutesy! Hopeless romantic here! hahaha
Aside from reading, mahilig din akong magsulat. I just finished my first novel - To Have and To Hold (contemporary romance) which I'm planning on translating to Tagalog (good luck sa akin kasi medyo mahaba siya! hahaha). Mahilig din ako magsulat ng fanfiction, at ang una kong Tagalog na isinulat ay fanfiction. Hindi pa siya tapos kasi medyo mas hirap akong magsulat talaga sa Tagalog (what a shame, I know!).
I joined this group para naman madagdagan ang kaalaman ko tungkol sa mga local writers natin. Siyempre dapat mahalin natin ang sariling atin, hindi ba? At proud naman ako talagang maging Pinoy, medyo hirap lang talaga sa Tagalog (sa pagsusulat lang naman). Anyway, I hope to meet new people and make new friends here. Sana may makatulong din sa akin na maimprove ang pagsusulat ko sa sariling wika natin.
Cheers!


message 2772: by joms (last edited Nov 27, 2016 07:46AM) (new)

joms (qwteb) | 1 comments Maligayang bati sainyo! Ako talaga eh di nangyaring nagbabasa ng lokal na panitikan, di sa ayaw ko, kasi mas mahal talaga siya kaysa sa mga nabibili ko sa Book Sale. Eh puro banyaga mga pamagat dun kaya wala akong magagawa. Ngunit syempre, tumanda na ako. Nahilig narin sa internet kaya medyo nakabasa ng sariling gawa ng mga Pinoy. Kaya 'yan. At least may nabasa na kong panitikan bukod kay Rizal at Balagtas.

Sino nga ba 'ko? Joms nalang tawag niyo sakin.

Kaya ko napunta dito eh dahil hindi sa marami na akong nabasa, sa katunayan eh magbabasa pa lang ako. Konting pamagat lang, tulad ng kila Rio Alma at Nick Joaquin na nabili ko sa Anvil Sale kamakailan lang, sobrang mura. Mga limang piso isa. Masaya, kasi unang beses kong makabili ng Filipiniana.

Siguro 'yung unang basa ko ng Filipiniana (bukod sa Rizal ah! Pero sa katunayan di ko pa nabasa yung El Fili!) eh yung sa hiniram ko yung akda ni Bob Ong. Medyo walang kwenta, madalas walang saysay. Pero yung Alamat ng Gubat. Nakakatuwa overall.

Kung ilalagay ko ang mga paborito kong may-akda eh wala akong masasabi bukod kay Rizal. Pero nabasa ko si Rio Alma dun sa isa niyang mga tula na nabili ko nga sa Anvil Sale, grabe, ang astig ng talasalitaan niya. Napipilitan akong bumili ng Diksiyunaryong Filipino. Isa siya sa mga astig na makata ng wikang Filipino.

Nasabi ko na ba lahat? Siguro nga. Siguro natripan ko mapunta dito kasi maari pa akong makahanap ng iba pang rekomendasyon. Saka masaya rin makisalamuha sa kapwa mong Pinoy, lalo na kung mahilig din itong magbasa.

Sa ngayon, target ko si Norman Wilwayco. Agresibong panitikan. Tipong walang preno. Tila isang manunulat na 'di mo makikita sa pambanyaga.


message 2773: by Juan (new)

Juan | 1532 comments welcome kakweba! basa!


message 2774: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat sa pagsali, Liz at Joms. Sana'y maging aktibo kayo rito sa GR at FB kung mayroon kayong accounts doon.

Pero uunti-untiin nating buhaying ang PRPB sa GR. Mahal natin itong site na ito dahil dito tayo nagsimula!


message 2775: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments maligayang bagong taon 2017 nawa'y madami pa tayong mabasang aklat sa taong ito. PRPB 5th ever na!


message 2776: by GenovaGee (new)

GenovaGee | 43 comments Meron na din pala sa FB. Nakakatuwa naman. Pasensiya at ngayon ko lang nalaman iyon. Huhu.

Welcome sa mga bagong kakweba. Puso!


message 2777: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mga kakweba, kumusta na kayo?


message 2778: by Ker Metanoia (new)

Ker Metanoia (kermetanoia) | 40 comments Aligaga po sa trabaho, pero sabik sa mga akdang-Filipino. Mabubuhay na po ba tayong ulit dito? :D


message 2779: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Basta sipagan mo lang mag-post dito. Hahaha!


1 2 48 49 50 51 52 53 54 56 next »
back to top