Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
message 2701:
by
Apokripos
(new)
Sep 26, 2015 07:41AM
Ano ba 'yan Kuya, baka di na nila naabutan ang Ray-Card Duo. Ahahaha! :D
reply
|
flag
Welcome sa mga bagong myembro! Ako si Chibivy :) Sana maging aktibo kayo dito sa Goodreads, at sana makasama kayo sa personal na book discussions :D
jzhunagev wrote: "Ano ba 'yan Kuya, baka di na nila naabutan ang Ray-Card Duo. Ahahaha! :D"
Hahaha! Oo nga!
Hahaha! Oo nga!
Chibivy wrote: "Welcome sa mga bagong myembro! Ako si Chibivy :) Sana maging aktibo kayo dito sa Goodreads, at sana makasama kayo sa personal na book discussions :D"
"Sana makasama kayo, kahit wala ako." - Chibivy
"Sana makasama kayo, kahit wala ako." - Chibivy
K.D. wrote: ""Sana makasama kayo, kahit wala ako." - Chibivy."Huhuhu sorry na! :( Hirap lang talaga akong makaalis ng Sabado kasi may org stuff ako na required attendan pag Saturday :( Miss na miss ko na kaya PRPB!
Ano bang schedule ng panayam para sa A Bottle of Storm Clouds? October 3 ba?
Magandang araw! :) Bilang isang adik sa istorya at panitikan, gusto kong sumali sa grupong ito. Pangalan: Herbel Santiago
Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Nick Joaquin, Christine Bellen, Rica Bolipata-Santos, Soledad Reyes, Helen Meriz, Butch Dalisay, Bob Ong, Huseng Sisiw, Jose Rizal
Paboritong Librong Lokal: Ibong Adarna, Soledad's Sister, The Woman Who Has Two Navels, mga tagalog pocketbook na likha nina Helen Meriz at Gilda Olvidado
Bakit sumama sa group: Gusto ko ring sumali na palaguin ang panitikang Pilipino. Maliban dun, isa rin akong nangangapang bagong manunulat na nais sanag makahanap ng grupong may kaparehong interes.
Bilang isang millenial, gusto kong gamitin ang teknolohiya upang mapanatiling buhay ang Panitikang Pilipino. Naghahanap ako ng librong maari kong basahin at ianalisa, na ilalagay ko sa review blog ko at maryherbel.com. Of course, naghihingi rin sana ako ng tulong upang mabasa at mareview din ang aking nobela "Amihan and the Quest for The Golden Tree" (Available in Amazon: http://www.amazon.com/gp/product/B013...?). Maraming salamat po!
PS Bukas po ako sa sinumang nais na mareview ang kanilang libro! Imessage nyo lang po ako. Maraming salamat! :)
Hi, this is John. I'm an expat who has lived in the Philippines a number of times and I love the people in it. My debut novel The Opener features parts of Manila and Subic in the latter half of the book and I hope I got the research right! Thanks for having me.
John wrote: "Hi, this is John. I'm an expat who has lived in the Philippines a number of times and I love the people in it. My debut novel The Opener features parts of Manila and Subic in the latter half of the..."Hi! John, your welcome here I used to work there in Subic. In a computer software company inside SBMA. Hope to read your book.
Hello fellow Pinoy book lovers! I wish I had joined here early on, technology seems a far-fetched reality to old-timers but I am coping up! I am on a mission to consume as much Pinoy books as I can for I have not touched bases with a lot of our local authors of late. I only realized that when I started drafts for a planned novel which I plan to self-publish soon- one in English and another in rich old Tagalog.I am hoping to belong in a community like this where there is a healthy and respectful exchange of ideas to aid in my literary pursuit.
Please feel free to add, I have some reviews albeit short.
https://www.goodreads.com/user/show/3...
My personal page is a local outdoors blog though from time to time I post Philippine historical bits and thoughts on books.
http://crocifixio.tumblr.com/
Thank you, sir! Actually relatively old lang po at 36 years pero umaakyat pa rin mula pagkabata.. Yung title po ay play lang ng aklat na Notes of A Dirty Old Man ni Charles Bukowksi.. hehe.Marami po akong nakatagong saliksik tungkol sa Magdiwang side ng Katipunan kasi ay tubong Silang po ako at maraming istorya doon ang hindi nakalathala ukol sa Magdiwang. Nais ko sanang gawing historical fiction yung mga naipon kong kwento ng maibahagi sa mas malawak na nagbabasang Pilipino.
Kampai sa ating lahat ;)
Crocifixio wrote: "Thank you, sir! Actually relatively old lang po at 36 years pero umaakyat pa rin mula pagkabata.. Yung title po ay play lang ng aklat na Notes of A Dirty Old Man ni Charles Bukowksi.. hehe.
Marami..."
Bata pa rin naman ang 36. Nasa isip lang ang edad haha!
Welcome ulit, Crocifixio. Sana magpakita ka sa amin sa susunod na event! :)
Marami..."
Bata pa rin naman ang 36. Nasa isip lang ang edad haha!
Welcome ulit, Crocifixio. Sana magpakita ka sa amin sa susunod na event! :)
Pangalan: April Mae M. Berza, pwede ding Shakespril, Epong, Maemae, at Tootsie; ako ang awtor ng ebook na CONFESSION NG ISANG BOB ONG FAN (Flipside Publishing, 2014). Madalas malimbag sa iba't ibang bansa tulad ng Amerika, Gran Britanya, Canada, Romania, India, at Japan ang mga tula ko. Ang una kong koleksiyon ng mga tula ay nalimbag sa Canada. Isinalin na sa Crimean tatar ang isa sa mga tula ko. Nabroadcast na rin sa IndoPacific Radio station ang tula kong "E-Martial Law."Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Carlos M. Piocos III, Joselito delos Reyes, Bob Ong, Joey Baquiran at marami pang iba
Bakit Ako Sumali Dito: Aaminin kong banyaga ako sa sariling panitikan kung minsan dahil kuripot ako at mas marami ang mga foreign books ko pero naisip kong dapat lang na makisangkot ako sa panitikang Filipino. Kung gusto ko talagang maging ganap na manunulat, makikiisa ako sa mga mambabasa sa paglalayag sa dagat ng panitikan para makalikha ng kilapsaw. Ibig kong makiisa sa mga lokal na mambabasa di lang dahil isa akong manunulat kung hindi dahil nag-e-enjoy din naman ako bilang isang lokal na mambabasa sa panitikang Filipino. Gusto ko ring pag-ibayuhin ang pagbabasa ng Filipiniana dahil talagang nangangapa ako dito. Aaminin ko ring dalawang tulang Filipino pa lang ang nalilimbag ko dito sa bansa, isa sa Ani at yung isa, sa Liwayway. Kaya nga naisip kong makibahagi sa danas ng mga mambabasa para mas paigtingin ko ang pagsusulat ng Filipino. Mahilig ako sa tula kaya super-enjoy ako sa mga akdang gigising sa aking diwang Kayumanggi.
April Mae wrote: "Pangalan: April Mae M. Berza, pwede ding Shakespril, Epong, Maemae, at Tootsie; ako ang awtor ng ebook na CONFESSION NG ISANG BOB ONG FAN (Flipside Publishing, 2014). Madalas malimbag sa iba't iban..."
Hello April Mae!
Welcome to PRPB. Sana'y maging aktibo ka rito.
Kung may tanong ka o kung ano man, huwag mag-atubiling may PM sa akin.
Mabuhay ka!
Hello April Mae!
Welcome to PRPB. Sana'y maging aktibo ka rito.
Kung may tanong ka o kung ano man, huwag mag-atubiling may PM sa akin.
Mabuhay ka!
Pangalan: AngelaPaboritong lokal na manunulat: Jose Rizal, F. Sionil Jose, Ricky Lee, Bob Ong, Eros Atalia, Manix Abrera, Lourd de Veyra, G.M. Coronel
Paboritong libro: Para Kay B, Gagamba, lahat ng libro ni Bob Ong at Eros Atalia, Tragic Theater, Tomb Keeper
Bakit sumama sa group:
Para makakilala (at sana maging kaibigan) ng mga taong kapareho ko ng interes, ang pagbabasa. At para na din makadiscover pa ng iba pang Filipino authors at books dahil hindi ganun kalawak yung knowledge ko pagdating sa mga title ng librong sariling atin na masasabing worth it talaga basahin.
So ayun, hehe. Salamat!
Angela, tuloy ka sa ating kuweba!
Welcome ka rito. Sana'y maging aktibo ka hindi lang dito sa threads kundi sa mga events.
Kung may katanungan ka, pakisabi na lang.
Welcome ka rito. Sana'y maging aktibo ka hindi lang dito sa threads kundi sa mga events.
Kung may katanungan ka, pakisabi na lang.
Pangalan: Ivy ValmadridPaboritong lokal na manunulat:
-Jun Cruz Reyes
-Edgar Calabia Samar
-David Hontiveros
-Eliza Victoria
-Norman Wilwayco
-Ricky Lee
-Budjette Tan
-Carlo Vergara
-Gerry Alanguilan
-Karen Fransisco
-FH Batacan
-Manix Abrera
-Ambeth Ocampo
-Teodoro Agoncillo
Paboritong libro:
-Tutubi Tutubi 'Wag kang Papahuli sa Mamang Salbahe
-Janus Silang
-Seroks at Penumbra Series
-A Bottle of Stormclouds
-Kung Paano Ko Inayos Ang Buhok Ko Matapos Ang Mahaba-haba Ring Paglalakbay
-Para Kay B
-Trese Series
-Zsazsa Zaturnah series at Kung Paano Ako Naging Leading Lady
-Wasted
-Naermyth
-Smaller and Smaller Circles
-Kikomachine Komiks
-Bones of Contention
-Revolt of the Masses
Bakit sumama sa group:
Interesado ako sa mga librong maaring mairekomenda ng grupong ito. Ito lang ata ang nakikia kong grupo na dedikado para sa literaturang pilipino. Mga dalawang taon na din ang nakaraan nung sinimulan kong pagtuunan ng pansin ng bonggang-bongga ang Phil. Lit. Dati, mga dalawang layer lang ng bookshelf ang sakop ng Phil. Lit. ko, ngayon... Goodluck naman... espasyo pa please. :)
Sinusubukan ko din palang kumpletuhin ang Palanca Winners para sa novels in english at filipino, sana matulungan niyo ako. Salamat! :)
Hi, ako si ruel calzita, noong bata ay mahilig na akong magbasa,karamihan doon ay mga romance pocket book na nabibili sa pamilihan na malapit sa bahay namin noon na halos limot ko na. Naging adik rin ako sa pagbabasa sa wattpad kaso napakadali kong magsawa kaya after a year i decided to read foreign lits. na mas humubog ng pagkahilig ko sa pagbabasa. Sa katunayan, itong April 2015 lang ako nagsimula tumutok talaga sa pagbabasa mapa foreign man o phil. Lit. Kaya pagpasensyahan nyo na ang kakarampot na kaalaman ko hinggil sa literatura. So far ang paborito kong lokal na awtor ay sina bob ong, amado v. Hernandez, bebang siy, at ricky lee. Sa libro naman ay "Si", "para kay b", at it's a men's world. Sumali ako dito upang mas lumawak pa ang kaalaman ko at suportahan ang napaka gandang adhikain ng samahang ito. Sana ay matulungan nyo akong mas madagdagan pa ang karunungan ko sa pagbabasa.
Maligayang pagdating sa inyo, Ivy at Ruel.Be involved, ito ang masasabi ko. Sumali kayo sa iba't ibang usapan namin dito sa PRPB. :)
Ivy at Ruel, tuloy kayo sa ating kweba!
Tuluy-tuloy lang ang pakikilahok.
Mababait kami rito hahaha!
Tuluy-tuloy lang ang pakikilahok.
Mababait kami rito hahaha!
Pangalan: PengMga Paboritong Manunulat na Lokal:
Sa totoo lang po ay wala pa. Iilang nobelang pinoy pa lang ang nababasa ko. Pero kung sa mga nabasa ko lamang si Dean Francis Alfar. Karen Francisco. Jose Rizal. at Manix Abrera :D
Paboritong Librong Lokal: Salamanca ni Dean Francis Alfar. Naermyth ni Karen Francisco. yung mga pinabasa sa aming literary works ni Jose Rizal. at Syempre, Kiko Komiks.
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Ang mundo sa paningin ng isang... ni Rogelio Ordonez (Hindi ko kasi nalilimutan ito ^^)
Bakit sumama sa group:
Dahil gusto ko pong ituloy yung nais ko dati na suportahan ang ating lokal na panitikan.
Ilang taon na ang lumipas mula ng sumali ako dito.
Sa totoo lang ay hindi ko po talaga natutunang gamitin ng maayos itong "goodreads". Ngayon na lang uli.
Sumali po ako dito kasi hindi ko alam kung saan dapat magsimula. Sa totoo lang problema ko rin po ay yung hindi ako nakakabili ng sarili kong libro. Kung meron man, kailangan ko pang itago sa nanay ko. Ang pupwede ko lang bilhin ay mga librong may kinalaman sa kurso ko.
Kaya halos lahat po ng mga librong nabasa ko ay puro hiram o na download. Matagal na rin mula ng nakapag basa ako ng isang magandang nobela. Taon na rin po.
Pero ngayong bago man lang ako makapagtapos ng kolehiyo.. gusto ko na pong ituloy yung naudlot kong pagbabasa..
--Kasalukuyan kong hinahanap yung libro ni Jun Cruz Reyes na Armando at The mass, Po-on, ni F.Sionil. Marmaing salamat sa taong nakapg-paalala sakin ng isa sa mga bagay na minsan kong ginusto (o ginustong simulan) bago ako nalulong sa daang tinatahak ko ngayon.
--Ang drama. Pasensya na po. Ayun po. Salamat! :D
Penny wrote: "Pangalan: Peng
Mga Paboritong Manunulat na Lokal:
Sa totoo lang po ay wala pa. Iilang nobelang pinoy pa lang ang nababasa ko. Pero kung sa mga nabasa ko lamang si Dean Francis Alfar. Karen Franci..."
Welcome to PRPB, Peng!
Puwede kang manghiram sa akin - pinoy books man o hindi. tingnan mo lang sa read folder ko ang mga librong tapos ko na at malamang lalo na kung lately ko lang nabasa ay puwede mong hiramin.
Mabuhay ka!
Mga Paboritong Manunulat na Lokal:
Sa totoo lang po ay wala pa. Iilang nobelang pinoy pa lang ang nababasa ko. Pero kung sa mga nabasa ko lamang si Dean Francis Alfar. Karen Franci..."
Welcome to PRPB, Peng!
Puwede kang manghiram sa akin - pinoy books man o hindi. tingnan mo lang sa read folder ko ang mga librong tapos ko na at malamang lalo na kung lately ko lang nabasa ay puwede mong hiramin.
Mabuhay ka!
Pangalan: PatriciaMga Paboritong Manunulat na Lokal: Wala pa akong masabi dahil nag-uumpisa pa lang akong magbasa. Ililista ko na lang ang mga manunulat na nababasa ko:
-Jose Rizal
-Francisco Balagtas
-Bob Ong
-Manix Abrera
-Bujette Tan
-Edgar Calabia Samar
-Ambeth Ocampo
-F.H. Batacan
-Russell Molina
Paboritong Librong Lokal:
After Eden – Arnold Arre
Trese Series - Budjette Tan/KaJo Baldisimo
Manila Noir - Jessica Hagedorn (Ed.)
(Ilan lamang sa mga) Paboritong Maikling Kwento:
A Footnote to Youth (Jose Garcia Villa), My Father Goes to Court (Carlos Bulosan), Ang Kalupi (Benjamin Pascual)
Mahilig ako sa Mitolohiya.
Bakit ako sumama sa grupo: Nais kong mapalawak pa ang aking nababasa. Kakaunti pa lang ang mga librong lokal na nabasa ko at ang mga rekomendasyon galing sa grupo ay magiging mahalaga. Nais ko ring sumama sa mga talakayan tungkol sa mga librong nabasa na. Gusto ko ring sumama sa ibang gawain. Tahimik at mahiyain ako pero nais kong makibahagi sa grupo.
Maliban sa mga nabanggit, nais kong suportahan ang mga lokal na manunulat. Higit sa pagbabasa at pakikipagtalakayan ay ang pagimpluwensya pa sa ibang tao na maging interesado rin sa ating literatura.
Salamat!
welcome sa mga bagong kakwebang Angela, Ivy, Ruel, Peng at Patricia! tuloy po kayo sa ating kweba! Happy New Year sa lahat!
Pangalan: AbiPaboritong manunulat na lokal:
Mga nabasa na lang din, pero magaganda naman: Bob Ong, Ricky Lee, F.Sionil Jose, Manix Abrera, Martha Cecilia, Jose Rizal
Paboritong libro:
The Mass - F.Sionil Jose
Para kay B - Ricky Lee
Kwentong Siyudad - Tolentino, Baquiran, Aguirre
El Filibusterismo - Jose Rizal
Paboritong maikling kwento:
The day my brother Leon brought home a wife - Manuel Arguilla
Bakit ako sumali:
Gusto kong makapagbasa pa ng mga librong Pilipino at interesado ako sa mga binabasa at irerekomenda ninyo.
K.D. wrote: "Penny wrote: "Pangalan: PengMga Paboritong Manunulat na Lokal:
Sa totoo lang po ay wala pa. Iilang nobelang pinoy pa lang ang nababasa ko. Pero kung sa mga nabasa ko lamang si Dean Francis Alfar..."
G. K.D.,
Maraming salamat po :) Hangga't maari, pipilitin ko na makabili ng mga sarili kong libro bilang suporta na rin. Pero tataandaan ko pa rin po yung alok niyo na pede manghiram, salamat po. :)
Sa ngayon po, mabuti at sa wakas ay may nahanap na rin akong ilan sa mga libro na gusto kong basahin. "My Brother, My Executioner" at "The Mass" ni F. Sionil Jose.
Ayun lang po. Mabuhay! :D
Peng wrote: "K.D. wrote: "Penny wrote: "Pangalan: Peng
Mga Paboritong Manunulat na Lokal:
Sa totoo lang po ay wala pa. Iilang nobelang pinoy pa lang ang nababasa ko. Pero kung sa mga nabasa ko lamang si Dean ..."
Peng! Success!
Oo, puwedeng manghiram sa akin. I-pm mo lang ako.
Maraming pinoy books sa Solidaridad (Faura) sa Maynila. Dahil pagaari yan ni F. Sionil Jose, kumpleto ang mga akda niya roon. Pati na yong sa ibang lengguwahe.
Mga Paboritong Manunulat na Lokal:
Sa totoo lang po ay wala pa. Iilang nobelang pinoy pa lang ang nababasa ko. Pero kung sa mga nabasa ko lamang si Dean ..."
Peng! Success!
Oo, puwedeng manghiram sa akin. I-pm mo lang ako.
Maraming pinoy books sa Solidaridad (Faura) sa Maynila. Dahil pagaari yan ni F. Sionil Jose, kumpleto ang mga akda niya roon. Pati na yong sa ibang lengguwahe.
Pangalan: Bom (sa online world, minsan sa totoong buhay din) or Elise - whichever you prefer.Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Tony Perez - Not exactly favorite, pero siya talaga gumambala sakin.
Mga autobuy authors (Sila yung tipong pag naglabas ng libro, no questions asked, bibilin ko kahit bet ko yung topic or hindi, ganun ko sila ka-gusto): Edgar Calabia Samar, Lourd de Veyra, Luis J.Katigbak, Arnold Arre, Carljoe Javier at Bob Ong, na nag-simula sa hilig ko sa PinoyLit way back year 2002-ish.
Paboritong Librong Lokal: Cubao Midnight Express: Mga pusong na Diskaril sa Mahabang Riles ng Pag-Ibig - Tony Perez
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Basta yung isang sinulat ni Luis Katigbak (favorite pero di alam title, labo haha) tsaka Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes.
Bakit sumama sa group: Nagpapakasal na lahat ng mga close friends ko. Kailangan kong mag-expand ng social circles CHOS! (Pero totoo hahaha) And very rare na makakita ako ng mga taong mahilig sa Pinoy Lit so I thought about joining this group, giving in to the curiosity. So let's see where this goes :)
Bomalabs wrote: "Pangalan: Bom (sa online world, minsan sa totoong buhay din) or Elise - whichever you prefer.
Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Tony Perez - Not exactly favorite, pero siya talaga gumambala sakin..."
Hahaha! Welcome na welcome ka rito Bomalabs. Parang matagal na kitang nakikita sa GR so alam mo na kung ano ang grupong ito. At dahil sumali ka, welcome na welcome ka!
Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Tony Perez - Not exactly favorite, pero siya talaga gumambala sakin..."
Hahaha! Welcome na welcome ka rito Bomalabs. Parang matagal na kitang nakikita sa GR so alam mo na kung ano ang grupong ito. At dahil sumali ka, welcome na welcome ka!
Andami nang tao omg hello po~ kung gusto nyo lang ng laslasreads eh sasalihan ko kayo sa mga plano nyong sabayang pagbabasa at pagpafangirl hahahahaha
Magandang araw! Pangalan: Jhensen (babae po ako) :))
Paboritong lokal na manunulat: Ricky Lee, Bob Ong, Lourd de Veyra, Tony Perez
Paboritong libro: Cubao Midnight Express, Amapola, Para kay B, An Anthology of Winning Works 1980's Short Stories, or kahit anu-anong libro na may awards :)
Bakit sumama sa group:
Nais kong lumabas sa aking comfort zone na masyadong mahiyain at makakilala ng mga bagong kaibigan na may mahilig magbasa para lalo ko pang kahiligan ang mga libro (Medyo frustrated reader kasi ako hehe) at lumawak pa ang kaalaman sa Pinoy Lit at the same time pakikisalamuha sa kapwa. :)
Jhen wrote: "Magandang araw!
Pangalan: Jhensen (babae po ako) :))
Paboritong lokal na manunulat: Ricky Lee, Bob Ong, Lourd de Veyra, Tony Perez
Paboritong libro: Cubao Midnight Express, Amapola, Para kay B,..."
Hello, Jhen. Welcome to PRPB! Feel at home.
Pangalan: Jhensen (babae po ako) :))
Paboritong lokal na manunulat: Ricky Lee, Bob Ong, Lourd de Veyra, Tony Perez
Paboritong libro: Cubao Midnight Express, Amapola, Para kay B,..."
Hello, Jhen. Welcome to PRPB! Feel at home.
Magandang araw! Ako si Ker. Bagama't tunog-lalaki ang ngalan, babae po ako.
Nakakahiya mang aminin pero sa ngayon, wala pa akong paboritong Pinoy author o Pinoy book dahil sa taya ko, 3 Pinoy-authored book (na hindi kabilang sa course requirement) pa lang ang nabasa ko.
At iyon ang dahilan kung bakit ako sumali dito: para mapulsuhan at sana, maibigan ang Pinoy Lit. :D I hope to catch up with what the group has read and to take part in what the group will be reading as well. :D
Hello po. Ako si Jenz isang laybraryan. Wala pa ako masyadong nabasang local books bukod sa books nina Bob Ong at Jun Cruz Reyes na madalas hiramin sa library, dahil mostly fiction books po ang aking binabasa. Sumali ako rito: (1) dahil naimpluwensiyahan ni ate Anna Espina na miyembro na ng group (2) dahil sumusuporta kayo sa mga manunulat na Pilipino at (3) interesado ako sa mga mairerekomendang libro na worth it basahin at magkaroon ng friends with same interest hehe
Maligayang pagdating sa PRPB, Jenine! (Wow feeling clos!) Hahaha! :DKung reccos lang naman ang hanap mo, maibibigay namin sa iyo 'yan. Wag kang mahihiyang dumalo sa mga activity namin, ha.
See you! :)
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...




