Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
message 2651:
by
Honeypie
(new)
Apr 09, 2015 04:32AM
Nikki: Marami pa ring estudyante dito! Sama ka na sa Sabado! Masaya to at walang bayad! : )) may field trip sa UP pagkatapos ng panayam, pero Php25 lang yun! Taralets bagets! :)
reply
|
flag
Honeypie, Saan nyo ba iinterviewhin si Dean Alfar? :)
Nikki wrote: "Honeypie, Saan nyo ba iinterviewhin si Dean Alfar? :)"Sa Ortigas lang. :)
Here's the complete details of the event.
https://www.goodreads.com/event/show/...
Enjoy kayo. :))))) Sana makarating ako sa pagtitipon nyo next time.
Nikki wrote: "Enjoy kayo. :))))) Sana makarating ako sa pagtitipon nyo next time."
Next time, interview kay Francis J. Kong. The Francis J. Kong. 2 hours of inspiring messages. Walang bayad! haha.
Next time, interview kay Francis J. Kong. The Francis J. Kong. 2 hours of inspiring messages. Walang bayad! haha.
Magandang araw po sa inyong lahat :)Ako po si Camille, nakatira sa ibayong lupa at lubos na hinahanap-hanap ang literaturang Pinoy.
Halos sampung taon na ang nakalipas nang huli akong makabasa ng sariling atin. Hinding hindi ko malilimutan ang Bamboo in the wind: a novel ni Azucena Grajo Uranza. Naibigan ko ring tunay ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal at ang Ibong Adarna.
Sa nalalapit na panahon ay sisimulan kong basahin ang America Is in the Heart: A Personal History ni Carlos Bulosan.
Nasasabik akong makihalubilo sa inyong lahat at malawakan ang aking kaalaman sa literaturang Pinoy. Sisikapin kong makahanap dito ng mga librong isinulat sa Tagalog.
(Salamat nga pala sa aking kaibigang sumali rin sa pangkat na ito--kung hindi dahil sa kanya'y hindi ko mahahanap ito.)
Medyo matagal-tagal na din akong miyembro pero ngayon pa lang ako magpapakilala.
Ako si Mon. Nagsisimula pa lang ako na mahilig sa Filipino literature. Ang ilang nabasa ko kasi ay requirement lamang para sa school. Ang kadalasan ko na nababasang gawang pinoy ay galing sa mga sikat nating manunulat tulad nila Lualhati Bautista, Ricky Lee, Jun Cruz Reyes, Egay Samar, Eros Atalia at siyempre si Bob Ong.
Nawa'y mapalawak pa lalo ng pagsali ko sa grupo na ito ang hilig ko sa pagbabasa ng mga istorya na sariling atin, at maka-diskubre pa ng iba pang hiyas (aka yung mga hindi masyadong kilala na manunulat at kanilang mga isinulat hehe)
Salamat at uhm, Mabuhay!

Camille wrote: "Magandang araw po sa inyong lahat :)
Ako po si Camille, nakatira sa ibayong lupa at lubos na hinahanap-hanap ang literaturang Pinoy.
Halos sampung taon na ang nakalipas nang huli akong makabasa n..."
Hello, Camille. Welcome sa PRPB. Sana'y magustuhan mo yang aklat ni Bulosan. Nabasa ko na yan na matagal na pero hanggang ngayon may mga tagpo dyan na di ko makakalimutan.

Mon wrote: "Medyo matagal-tagal na din akong miyembro pero ngayon pa lang ako magpapakilala.
Ako si Mon. Nagsisimula pa lang ako na mahilig sa Filipino literature. Ang ilang nabasa ko kasi ay requirement lama..."
Mabuhay, Mon! Mag-aktibo ka lang sa grupo, siguradong mapapabasa ka ng mga aklat. Welcome ka dito sa PRPB.

maligayang araw ng paggawa! Sa mga bagong miyembro at gustong magbasa ng mga Pilipinong manunulat! at mabuhay ang mga alyansang makabayan at makapanitikan katulad ni Lope K. Santos na sumulat ng Banaag at Sikat.
Welkam, Jayps!Naku, mas ok kung makasasali ka sa Sabayang Pagbasa at Panayam namin dito sa PRPB. Ginagawa namin ito buwan-buwan.
At dahil paborito mo si Eliza Victoria, plano naming basahin ang A Bottle of Storm Clouds and Other Stories pati na ang makadaupang-palad siya sa darating na Nobyembre.
Stay tuned! ;)
Jayps wrote: "@jzhunagev, sounds interesting! Pero medyo kelangan ko ata magreview ng kaunti. 2012 ko pa nabasa yung Storm Clouds e.Sana makasali at makasabay ako sa diskusyon. At matagal ko na rin gusto makil..."
Maligayang pagdating Jayps. Patuloy na suportahan ang Pinoy Reads Pinoy Books
Maygad, Jayps. Lahat ng paborito mo, paborito ko rin. Choz. Haha
Welcome ka rito. Salamat sa pagsali at binigyan kami ng tsans na patunayang naririto kami para paligayahin ka sa pagbabasa ng aklat na Pinoy.
Effort lang sa pagbabasa. Isang aklat lang isang buwan. Tulungan sa paghanap ng kopya kung medyo mahirap. Tapos sali sa diskusyon. Isang araw lang yan isang buwan. Malay mo, from here, dadami rin ang mababasa mo. Ang endyoy dito? Makikila mo ang ang mga awtors at puwede mo silang tanungin.
Pero ang mas endyoy? Ang mga kakweba! Hambabait kaya namin! Hahaha

@Jayps, feel free to write in whatever language you want to express your thoughts.Maaari mo itong sambitin sa pinakadalisay na wikang Pilipino na iyong batid.
Or, conyo with a sprinkling of Taglish kung it is the way na gusto mo.
Pwedi rin sa Bisaya. Pero dyutay-dyutay lang dong.
Tska teh! Splook din naman sa Swardspeak at Bekimon para bongga! Sashey? Sashey! Hahaha!
pR0 p£i$, w46 £nG $4 J3j3M0n. #4r4ykH0bH3!
Welcome ulit, Jayps. Sama ka ba mamaya? Panayam kay Fanny Garcia para sa Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento.
P.I. wrote: "Hello mga kababayan. Author po ako, based sa England, pero originally from the Philippines. :)"hi! P.I., sana makapagbasa kami ng gawa mo at makapanayam ka namin dito. Mahilig kami magbasa ng Pinoy Books.
Magandang araw po!Ako po si Dalisay Diaz or Miss D. Pen-name ko po pareho iyan bagama't bago yung huli.
Ako po ay isa sa mga miyembro ng MSOB at isa ring manunulat para sa Anthology 1 and 2. Mayroon na rin po akong published novel under MSOB E-Books sa www.buqo.ph na may titulong A Long Over-due Love Story.
Ang mga paborito kong libro ay mostly romance pocketbook novels nila Helen Meriz, Gilda Olvidado and Martha Cecilia. Sila rin ang impluwensiya ko sa pagsusulat dahil 14 years old ako ng matutong magbasa ng mga pocketbooks.
I hope marami akong makilala dito and I hope magkita-kita tayo sa book reading sa 2016. :)
Salamat.
Dalisay

Welcome sa PRPB, Dalisay!Kita-kits tayo sa Enero. :)
Syempre pa, welcome din kayong makadalo sa mga Panayam namin sa iba't ibang manunulat o sumali sa mga diskusyon namin online.
Salamat!
Dalisay wrote: "Magandang araw po!Ako po si Dalisay Diaz or Miss D. Pen-name ko po pareho iyan bagama't bago yung huli.
Ako po ay isa sa mga miyembro ng MSOB at isa ring manunulat para sa Anthology 1 and 2. May..."
Then, what a small world. I'm from Buqo and I'm the one who converted your "A Long Over-due Love Story" book. Love reading it (and the cover. hahaha). Hope to see you soon in PRPB!
Good day po sa lahat ng miyembro ng PRPB.Ako po si Michael Juha (pseudonym ko lang). Ako po ay isang aspiring na manunulat.
Medyo matagal na akong member dito ngunit ngayon lang ko lang magpakilala. Isa kasi akong OFW. Nagsimula akong magtrabaho rito sa Saudi noong 1994.Dito sa Saudi, limitado lang ang aming nababasang pinoy-authored hard books. Kaya sa internet lang ako usually nakakabasa ng mga gusto kong basahin, at ang nakahiligan ko ay mga current events (news), documentaries, satire (kagaya ng “The Adobo chronicles”), at iyong mga samut-saring posts sa fb at internet.
Isa po ako sa mga writers ng MSOB (Michael’s Shades of Blue), isang blogspot ng mga bromance stories na pag-aari ko. Ito po ang link – http://michaelsshadesofblue.blogpsot.com
Ako rin po ang may-ari ng Michael’s Shades Of Blue (MSOB) Books. Isa itong maliit na publishing company. Ang pina-publish ko ay mga akda ng MSOB writers (na nagsusulat sa MSOB Blogspot). Ito ay upang bigyan ng chance na magkaroon ng book ang mga baguhang Pinoy writers na nangarap na magkaroon ng sariling libro, sa pangalan nila. May mga libro na rin po kami sa National Book Stores.
Sa mga manunulat naman na gusto ko, siguro ay si Jessica Zafra, may nabasa akong isang satire niya at nagustuhan ko ang pagkasulat niya nito. Gusto ko rin ang bukas na kaisipan ni Dra. Margarita Holmes sa kanyang mga payo at isinusulat. Gusto ko rin si Bo Sanchez.
I think naging member ako ng PRPB nang nakilala ni Sir KD si Karl Marx at inimbita siyang mag-review ng aming unang anthology, ang MSOB Anthology: 13 Stories of Love, Hunger & Paranoia. Nang sinabi ni Sir KD na nominated ang book naming “MSOB Anthology 2: Stories of Lust, Scars & Fate" sa pagsusuri ng grupo sa nararating na Pebrero, 2016, medyo na-excite ako, hindi lang dahil magkaroon ng exposure ang book namin kundi dahil sa “pagtanggap” ng grupo na ito sa genre ng aming isinulat. Alam naman natin na marami pa ring Pinoy ang hindi tanggap ang mga ganitong genre, bagamat ito ay isa sa mga mukha ng totoong buhay. Kaya nangampanya ako sa mga supporters ng MSOB na bumoto. At nagpasalamat ako na nanalo kami. Dahil dito, may plano ang MSOB na sumali sa activity ng PRPB sa darating ng Pebrero. Dadalo ang mga authors nito at ako rin ay nagbalak na umuwi upang makasali.
Iyon lang po at maraming salamat.
Dalisay wrote: "Magandang araw po!Ako po si Dalisay Diaz or Miss D. Pen-name ko po pareho iyan bagama't bago yung huli.
Ako po ay isa sa mga miyembro ng MSOB at isa ring manunulat para sa Anthology 1 and 2. May..."
Haha! Naunahan mo ako Ms. D! :-)
Wow naman!Ikinagagalak po naming i-welcome kayo sa aming munting grupo, Mr Juha. Na-excite ako tuloy sa magiging na,ing diskusyon sa darating na Pebrero. Yey!
Mikejuha wrote: "Dalisay wrote: "Magandang araw po!Ako po si Dalisay Diaz or Miss D. Pen-name ko po pareho iyan bagama't bago yung huli.
Ako po ay isa sa mga miyembro ng MSOB at isa ring manunulat para sa Anthol..."
@Mikejuha- Wow! sana Pebrero na!. Welcome sir Juha, masaya ang bookclub sa inyong pagsali dito. Mukhang hinihinge na ng panahon ang tema ng inyong sinusulat upang lalo kaming mabigyan ng kaalaman at pagkaunawa.
Hi, I'm Philip ZamoraAbout 2 yrs ago ay may nakita akong mga M2M stories dito sa FB. Binasa ko at nagustuhan ko naman. Simula noon ay nawili na akong magbasa na inaabot pa ako ng bukang liwayway sa pagbabasa dahil hindi ko mabitawan pag na-hook ako ng storya. Hindi ko dati tinitingnan kung sino ang sumulat basta ang importante sa akin ay ang storya. Sa dami ng nabasa ko ay hindi ko na matandaan ang mga title nito. Ang ilan sa mga tumatak sa akin ay ang "Idol ko si Sir", "Utol Ko ang Chatmate Ko", at walang kamatayang "munting Lihim" ni Michael Juha. "Straight" at "Hanggang sa Huling Laban" ni Joemar Ancheta. "Minahal ni Bestfriend" ni Kenjie Oya. "MD Diaries" ni Joseph Tilan at marami pang iba. Natutuwa ako dahil para silang mga professional tulad nila Luwalhati Bautista at iba pang sikat na writers kung sumulat. Hindi ako nababastusan sa mga pagsusulat nila dahil makatotohanan naman ang pagkakasulat. Kaya ako nag-eenjoy dahil kung magkaminsan ay nakakapasok ako sa ibang character ng storya. Nawa ay lumawak pa ang kaalaman nyo sa pagsusulat ng mga ganitong storya dahil pwede naman talagang kapulutan ng aral lalo na at baguhan pa lng sa paglaladlad ng kapa. Mabuhay kayo. Cenxa na sa hindi ko nabanggit na manunulat na sadyang magagaling naman talaga na pinagkalooban ng talento.
Hi, Ako po si Rovi Yuno. Isa sa mga manunulat para sa MSOB Anthology Books 1 and 2. Sa unang libro ay isinulat ko ang "@40", sa pangalawa naman ay "Ang Bata sa Kanto ng Avenida."Katulad ni Miss Dalisay Diaz, hopefully, in the next months, matapos ko na rin ang E-Book ko para sa Buqo na papamagatan kong "Nostalgia." Hindi ko pa rin ito maharap dahil sa mga pinagkakaabalahan (full-time work, full-time study, at ibang personal na bagay.)
Mga Paboritong Libro:
1Q84
Gapo
Empress Orchid
Beauty's Punishment
marami pang iba..
Ilan sa aking mga paboritong manunulat:
Sidney Sheldon
Haruki Murakami
Karl De Mesa
Sophie Kinsella
Oliver Twist
Agatha Christie
AKo'y excited para sa ating book reading sa 2016. Pagpalain tayong lahat!
Maraming Salamat.
Ronie wrote: "Dalisay wrote: "Magandang araw po!Ako po si Dalisay Diaz or Miss D. Pen-name ko po pareho iyan bagama't bago yung huli.
Ako po ay isa sa mga miyembro ng MSOB at isa ring manunulat para sa Anthol..."
Oh My God? As in? KKLK as in Kakaloka. Hahaha
Ronie wrote: "Dalisay wrote: "Magandang araw po!Ako po si Dalisay Diaz or Miss D. Pen-name ko po pareho iyan bagama't bago yung huli.
Ako po ay isa sa mga miyembro ng MSOB at isa ring manunulat para sa Anthol..."
@Sir Ronie: Nakakatuwa naman na malaman iyan. As in. Are you an executive sa Buqo? Hehe naitanong kasi ni Mikey iyan sa isang post ko sa group page namin. I want you to know I am looking forward too sa meeting na iyon. :)
Ronie wrote: "OA naman yung executive. Isang hamak lang na manggagawa. Hahaha! alam ng PRPB yan :p"Well, that's me. I tend to exaggerate things. Hahaha maybe the writer in me.
Rovi wrote: "Hi, Ako po si Rovi Yuno. Isa sa mga manunulat para sa MSOB Anthology Books 1 and 2. Sa unang libro ay isinulat ko ang "@40", sa pangalawa naman ay "Ang Bata sa Kanto ng Avenida."Katulad ni Miss D..."
@Rovi, paborito ko lahat ng mga nabanggit mo dito. sobrang ganda!
Hi, I'm Prex J.D.V. Ybasco, from Manila. I have just published my YA novel To Be Continued
. I love reading Fantasy, Sci-Fi, and YA novels. Harry Potter, The Lord of the Rings, and Screwtape Letters are among my favorites. Paboritong Filipinong Libro: Stainless Longganisa
Paboritong maikling kwento: Visitation of the Gods
Nawa'y magkaroon ako ng supporta sa kapwa ko Pilipino because publishing YA novels in the Philippines is quite challenging. At higit na challenging ang magsulat sa malalim na Tagalog, ipagpaumanhin nyo.
Nice to meet you guys...
Salamat, Adrian. Ikinalulugod kong mapabilang sa grupong eto...hindi nmn required magtulotuloy na Filipino diba?
Sa ngayon, sa Amazon, Kindle at Barnes & Noble online stores pa lang makikita ang aking libro. Pwede ba akong mag-announce kung kelan ko ilalabas ang libro sa Kindle ng for FREE dito?
Sundan mo lang ang link sa ibaba. Sa bahaging yan ng site maaaring mag-anunsiyo ng mga bagong labas na aklat. Salamat! :)
https://www.goodreads.com/topic/show/...
jzhunagev wrote: "Sundan mo lang ang link sa ibaba. Sa bahaging yan ng site maaaring mag-anunsiyo ng mga bagong labas na aklat. Salamat! :)
https://www.goodreads.com/topic/show/..."
Salamat, sa totoo lng naipost ko na ang libro ko sa link na yan kahapon pa. Hindi ko lang alam kung may nakapansin hehehe. Pero salamat !
Ronie wrote: "OA naman yung executive. Isang hamak lang na manggagawa. Hahaha! alam ng PRPB yan :p"May nalaman ako. Part ka pala ng conversion team ng Buqo. Napakaswerte naman na bumagay sayo ang trabaho mo. Nakakatuwa.
Hello, Ako po si RayMatagal na akong hindi nakakapag basa ng Pilipino books. Mostly ang mga binabasa kong mga stories nasa highschool books ko noon at unting mga Bob ong na books.
Sumali ako para sa mga pinoy books. Although, Mahihirapan akong makakuha ng book na Pinoy (amazon or kindle, pero ayaw ko kasi ang digital books) so mostly nandito ako para sa mga disscussions.
And that's it! hahaha
Thank you.
Welcome, Ray!Makisali ka lang sa mga usap-usapan dito sa PRPB, marami ka nang matutunan at mga bagong authors na tiyak na babasahin mo. :)
jzhunagev wrote: "Welcome, Ray!Makisali ka lang sa mga usap-usapan dito sa PRPB, marami ka nang matutunan at mga bagong authors na tiyak na babasahin mo. :)"
Yup, ang dami ngang interesting na topics. Mejo na overwhelmed ako sa dami. haha And Thank you!
Ray wrote: "jzhunagev wrote: "Welcome, Ray!
Makisali ka lang sa mga usap-usapan dito sa PRPB, marami ka nang matutunan at mga bagong authors na tiyak na babasahin mo. :)"
Yup, ang dami ngang interesting na t..."
Ray, san si Carding? Hahaha
Welcome ka rito sa PRPB. Feel at home. :)

Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...