Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 2,601-2,650 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 2601: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Cesar wrote: "Magandang Gabi Po sa Lahat ng Membro ng PRPB,

Pangalan: Cesar Gealogo

Paboritong Librong Lokal: 12 Steps to Build Wealth on Any Income by Alvin T. Tabanag

Bakit sumama sa group: Naghahanap ng ..."


Cesar, welcome to PRPB. Sana mag-enjoy ka rito. Pulis ka pala na taga-Surigao? Someday, magbabasa tayo ng self-help para mas maka-relate ka rito sa PRBP.


message 2602: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "Belated Merry Christmas and advance Happy New Year!

Pangalan: Juan Bautista

Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Lualhati Bautista / Norman Wilwayco at siyempre, Jose Rizal

Paboritong Librong Loka..."


Salamat sa pagpapakilala, Juan Bautista. Tuloy ka sa ating kuweba. Kung may suhestiyon ka o opinyon, feel free to post them here sa ating mga threads. Sana mag-enjoy ka rito at maging active ka rin sa mga panayam.


message 2603: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po wrote: "Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon! mga PRPB

Ako si Po pangalan din ng mga tunay na Lalaki, haha!

Kamusta Juan A. at Juan B. at sa mga newbies- Cesar at Ronie, welcome po sa Pinoy Reads Pin..."


Sexist! Kailangan pang may disclaimer na pangalan yan ng tunay na lalaki hahaha! At sino namang ang kumu-kwestyon? hahaha


message 2604: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ronie wrote: "jzhunagev wrote: "Hi Ronnie!
Kala ko napasali ka rito kasi mahal mo si Clare. At napilit ka lang nya. Wahihihihi! :D"

Parang ganun na rin ang nangyari jzhunagev. hahaha kailangang mahalin ang mg..."


Babasahin mo ang mga "may kurot" at "laslas" books ni Ella haha! Ingat haha!


message 2605: by Juan (new)

Juan Bautista (juanbautista) | 15 comments Haha! Salamat K.D actually nagsisisi nga ko kung bakit lately lang ako gumawa ng account sa goodreads though lagi ko naman bina-browse yung site. Salamat sa inyong lahat. :)


message 2606: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan wrote: "Haha! Salamat K.D actually nagsisisi nga ko kung bakit lately lang ako gumawa ng account sa goodreads though lagi ko naman bina-browse yung site. Salamat sa inyong lahat. :)"

Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin. Mag-active ka sa pamamagitan ng pagdalo sa events Juan at mas maa-appreciate mo ang grupong ito. At dyan di ka pa huli. Nagsisimula kami ulit...


message 2607: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Jan 03, 2015 05:33AM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Manigong Bagong taon 2015 mga Pinoy Reads!

Ipapakilala ko lang ang ating Paligsahan 2015 sa Pagbabasa ay BUKAS NA!...

Pde na kayo magbasa at magpost ng mga rebyu ninyo na pasok sa period coverage ng ating Paligsahan 2015. Goodluck!


message 2608: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po wrote: "Manigong Bagong taon 2015 mga Pinoy Reads!

Ipapakilala ko lang ang ating Paligsahan 2015 sa Pagbabasa ay bukas na..

Pde na kayo magbasa at magpost ng mga rebyu ninyo na pasok sa period coverage n..."


Go, mga kakweba!

Salamat, Po. :)


message 2609: by Ken (new)

Ken Ignacio (kenneth_ignacio) | 1 comments Mabuhay!

Ako si Kenneth Ignacio, puro banyagang libro ang madalas kong basahin, pero ngayon 2015 isinama ko sa aking mga resolusyon para sa bagong taon ang mag-basa at tumangkilik ng mga librong sulat ng mga kapwa ko Pilipino.

Noon pa lamang ay hilig ko ng basahin ang mga akda ni Jessica Zafra pagkat gusto ko ang kanyang istilo ng pagsu-sulat. Ito'y matalino, nakaka-tawa, at madiling intindihin. Kasalukuyang kong kinokolekta ang kanyang "Twisted" series. Mayroon na ako ng 4 sa kanyang 9 na libro sa seryang ito.

Kakatapos ko lang din basahin bago natapos ang 2014 ay ang librong "Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang" na akda ni Segundo Matias Jr. Nagustuhan ko ang istorya dahil ito ay malaki ang potensyal. May mga kaunting butas sa istorya na kapansin-pansin, pero kung susumahin, maganda ang tema at balak kong bilhin ang susunod niyang libro, kung mayroon man.

Nagustuhan ko din ang "Stupid is Forever" ni Miriam Defensor-Santiago. Sana nga ay sa huling banda na ng 2015 niya ito nilabas para sariwa pa sa isip ng mga mambabasa ang kanyang mga sinabi sa libro niya at maging malaking impluwensya ito sa magiging desisyon nila sa eleksyon ng bagong presidente sa 2016.

Susubukan kong maka-habol sa buwan-buwan na basahin ng grupo na ito. Bukas pupunta ako sa National Bookstore.

Salamat! At ang hirap mag-sulat ng tagalog ah. Haha!


message 2610: by Bong (new)

Bong | 275 comments Maligayang pagdating sa ating kweba Kenneth. Sanay maibigan mo ang pananatili mo sa ating grupo. Wag kang mahihiyang kausapin kami dahil isa tayong pamilya dito. Woohoo! Always active lang sa discussion or kamustahan. Hoho


message 2611: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Welcome, Kenneth! May panayam ang grupo natin kay Eros sa January 10, baka pwede ka. Andito ang listahan ng mga confirmed attendees:

https://www.goodreads.com/topic/show/...


https://www.goodreads.com/event/show/...


message 2612: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kenneth wrote: "Mabuhay!

Ako si Kenneth Ignacio, puro banyagang libro ang madalas kong basahin, pero ngayon 2015 isinama ko sa aking mga resolusyon para sa bagong taon ang mag-basa at tumangkilik ng mga librong s..."


Welcome to PRPB, Kenneth. Di ka nagkamali ng pag-anib dito kung gusto mong maging aktibong mambabasa ng Pinoy books. Sana masiyahan ka sa ating pangkat. :)


message 2613: by Juan (new)

Juan | 1532 comments tuloy ka sa ating kweba, Kenneth! sobrang masaya dito!


message 2614: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments KKK! sa PRPB!- si kenneth ay kasapi na sa kakuweba sa Pinoy Reads Pinoy Books!


message 2615: by Bryan (new)

Bryan (brainrays) | 1 comments Ako nga pala si Bryan.

Hindi ko pa alam kung sino ang pinakapaborito kong Pilipinong manunulat. Ngunit ang tinitingala ko ngayon ay si Edilberto K. Tiempo. Naaaliw din akong basahin ang mga gawa ni Bob Ong, Eros Atalia, Ambeth Ocampo, Leona Florentino at Teo Antonio.

Sumali ako sa grupong ito dahil matagal na kong tumatangkilik ng mga librong gawang Pinoy. Sumali agad ako para may mga kauri na ako rito sa Goodreads. At makakilala ng mga bagong manunulat at librong Pinoy.


message 2616: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Bryan wrote: "Ako nga pala si Bryan.

Hindi ko pa alam kung sino ang pinakapaborito kong Pilipinong manunulat. Ngunit ang tinitingala ko ngayon ay si Edilberto K. Tiempo. Naaaliw din akong basahin ang mga gawa n..."


Hi, Bryan! Welcome to PRPB! :) Dahil nagbabasa ka ng mga akda ni Eros, baka gusto mong sumama:

https://www.goodreads.com/topic/show/...


https://www.goodreads.com/event/show/...


message 2617: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Bryan wrote: "Ako nga pala si Bryan.

Hindi ko pa alam kung sino ang pinakapaborito kong Pilipinong manunulat. Ngunit ang tinitingala ko ngayon ay si Edilberto K. Tiempo. Naaaliw din akong basahin ang mga gawa n..."


@Bryan, paborito ko rin yan sakatunayan may nabile ako sa Giraffe books mga akda niya. Welcome ka dito sa Pinoy Reads Pinoy Books.


message 2618: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hello po sa mga bago~ :)


message 2619: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hello din po sa mga luma~ :)


message 2620: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hello din po sa mga bilasa~ :)


message 2621: by K.D., Founder (last edited Jan 10, 2015 02:51PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "Hello din po sa mga bilasa~ :)"

Haha. Bilasa talaga?

Kahapon, yong mga newbies, sobrang nakakatanda ng pakiramdam. Hambabata na talaga ng mga kakweba haha! Lalo na yong younger sister ni Ella. Parang si Ella, 4 years ago noong ma-meet ko sya first time sa Baang Coffee haha!


message 2622: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Si Ella noong siya'y sariwa pa... Tsarot! Hahaha! ;D


message 2623: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "Si Ella noong siya'y sariwa pa... Tsarot! Hahaha! ;D"

Hahaha. Sariwa pa naman si Ella. Pero hinog na. Yong sister nya, manibalang pa lang.


message 2624: by Ronie (new)

Ronie Padao | 134 comments Ang hinog at hihinugin pa! haha

description


message 2625: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ronie wrote: "Ang hinog at hihinugin pa! haha

"


Ang cute nyo talaga haha!


message 2626: by Paolo (new)

Paolo Herras | 4 comments Hello! Ako po si Paolo.

Paboritong Pilipinong Manunulat:
Ricky Lee, Rolando Tinio
Rene Villanueva, Nick Pichay,
Nick Joaquin, Rosario Lucero,
Tita Lacambra Ayala, at marami pa!
Eto na lang muna.

Paboritong Librong Lokal:
Rosario Lucero's Feast and Famine
Ricky Lee's Moral (Screenplay)
Rolando Tinio's May Katwiran ang Katwiran
(para sa dulang Buhay sa Tambakan)
Carlo Vergara's Kung Paano Ako Naging Leading Lady
at marami pang iba!

Hello!


message 2627: by Ronie (new)

Ronie Padao | 134 comments Paolo wrote: "Hello! Ako po si Paolo.

Paboritong Pilipinong Manunulat:
Ricky Lee, Rolando Tinio
Rene Villanueva, Nick Pichay,
Nick Joaquin, Rosario Lucero,
Tita Lacambra Ayala, at marami pa!
Eto na lang muna...."


Hello Carlo!! Welcome to the club! Sana sumali ka sa mga masayang diskusyon sa grupong ito. Maligayang pagbabasa


message 2628: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Paolo wrote: "Hello! Ako po si Paolo."

Paolo, ikaw ba yung Pinoy na nasa Amerika ngayon na kaibigan ni (view spoiler) na na-meet namin nina KD dati sa Bookay-Ukay...? Kung ikaw kasi yun ---

(view spoiler)


message 2629: by Paolo (new)

Paolo Herras | 4 comments Ay hindi po. Nagkakilala kami ni KD sa PILF/Komikon last November. :)


message 2630: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Omaygawd, si Paolo Herras, nagpakilala na! :)

Paolo, thank you for dropping by. Malapit na naman kaming magbasa ng komiks. Ila-line up ko ang ibang works mo. Di man manalo sa botohan, magiging aware naman sila.

Puwede kang mag-promote dito. Marami kang komiks na nagustuhan ko.


message 2631: by Paolo (new)

Paolo Herras | 4 comments Oh wowowow! Maraming salamat sir KD! Pagbubutihin pa po namin! #pressure :)

Kung komiks po ang babasahin, mairerekomenda ko ang
"Kung Paano Ako Naging Leading Lady" ni sir Carlo Vergara,
"Where Bold Stars Go To Die" ni Gerry Alanguilan (available only in Comic Odyssey Robinson's Galleria)
at "14" ni Manix Abrera.

Napakahusay ang pagsulat! Yung mga katulad nila, minsan lang sa isang henerasyon isinisilang. :)

Sa promotion naman po, kung nais niyong magbasa ng mga komiks ng ating panahon, may event kaming binubuo, yung KOMIKET o 1st Filipino Komiks Market. Sa April5 Easter Sunday sa Elements Centris (Edsa cor. Q.Ave.) 10AM-8PM. Tickets available in Comic Odyssey 50php.

https://www.facebook.com/pages/Komike...

Maraming salamat po. Para sa buhay mambabasa habangbuhay, mabuhay tayong lahat! :)


message 2632: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Paolo, pareho tayo sa list of komiks na gustuhan natin. malungkot na pumanaw na yun artist sa "where Bold stars Go to Die" Salamat din sa pagannounce ng komiket. Makabili nga ng tiket.


message 2633: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Billy wrote: "Paolo, pareho tayo sa list of komiks na gustuhan natin. malungkot na pumanaw na yun artist sa "where Bold stars Go to Die" Salamat din sa pagannounce ng komiket. Makabili nga ng tiket."

OMG, patay na si Gerry? Elmer at Wasted lang ang nabasa ko sa kanya aside from yong mga anthologies.


message 2634: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paolo wrote: "Oh wowowow! Maraming salamat sir KD! Pagbubutihin pa po namin! #pressure :)

Kung komiks po ang babasahin, mairerekomenda ko ang
"Kung Paano Ako Naging Leading Lady" ni sir Carlo Vergara,
"Where B..."


Pupunta ako dyan, Paolo. See you ulit :)


message 2635: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments tama si Kawangki. Sorry hindi ako specific


message 2636: by M (new)

M (marubdob) | 8 comments Magandang araw!

Pangalan: Mal

Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Gilda Cordero Fernando, Nick Joaquin, Angela Manalang Gloria, Ambeth Ocampo

Paboritong Librong Lokal: Smaller and Smaller Circles, Alternative Alamat

Mga Paboritong Maiikling Kuwento: "Tata Selo" ni Rogelio Sicat at "Gilingang-Bato" ni Edgardo M. Reyes

Bakit sumama sa group: Nais kong magbasa at lumawak ang kaalaman sa sariling literatura. Tangkilikin ang sariling atin.


message 2637: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Kamusta? Welcome ka dito M sa ating kweba!


message 2638: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Ola M! :D


message 2639: by Neil Franz (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments Hello, Claire! Welcome sa PRPB! :)


message 2640: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
M at Claire,
Welcome sa PRPB!
Endyoy! :))))


message 2641: by M (new)

M (marubdob) | 8 comments Maraming salamat :)


message 2642: by Mathilda (new)

Mathilda Maldita Pangalan: RDM Jr.

Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Carlos Bulosan

Paboritong Librong Lokal: America is in the Heart

Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Minsan May Isang Puta by Mike Portes

Bakit sumama sa group: Gusto kong makatuklas pa ng mga librong sariling atin at gusto ko ding ipaalam sa inyo ang munting aklat na aking isinulat "When Love Meets a Man" at nawa'y iyong bigyan ng oras para basahin at tangkilikin.

PS: Ngayon ko napagtanto na magsalita sa sarili nating wika ay napakahirap pala pero nakakatuwa.

Ikinakagalak ko kayong makilala at pagpasensiyahan niyo na ang di perpekto kong pag-gamit sa ating sariling wika.


message 2643: by Juan (new)

Juan | 1532 comments welcome Claire at RDM Jr.

tuloy kayo sa ating masayang kuweba!


message 2644: by Aldous (new)

Aldous Vince | 2 comments Magandang araw!

Ngalan: Aldous

Paboritong manunulat: medyo baguhan pa ko sa literaturang Filipino kaya Medyo kaunti pa lang. Si Mervin Malonzo, F. Sionil Jose, Ricky Lee, Pol Medina, Jr., at Gerry Alanguilan ang mga paborito ko sa kasalukuyan.

Paboritong libro: Trip to Quiapo ni Ricky Lee, Ermita ni F. Sionil Jose, at Mga Piling Dula Mula sa Virgin Labfest 2009-2012: Ikalawang Antolohiya.

Kung bakit ako sumali sa PRPB: Naghahanap ako ng mga mambabasa ng mga lokal na likha na maaring makadiskusyunan. At sa pag imbita din ng aking kapatid sa ibang ina, John "Ang Kawangki" Sollestre.

Mabuhay ang sining ng Pilipinas!


message 2645: by Aldous (new)

Aldous Vince | 2 comments Nalimutan ko ang maikling kwento. Ang mga naging paborito kong maikling kwento ay Alamat ng Gubat ni Bob Ong at Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan.


message 2646: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maligayang pagdating sa PRPB, Claire, RDM, Jr at Aldous!

Sanay maging aktibo kayo sa ating grupo at magpakita sa mga susunod na events!

Para sa Panitikan!


message 2647: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Maligayang araw sa inyong pagsali- Claire, RDM, Jr, Aldous!

Magkaroon ng Banaag at Kasikatan sa inyong pagbabasa!

Edi Wow!. haha!


message 2648: by [deleted user] (new)

Magandang araw, ako si Nikki. :)

Paborito kong mga manunulat sina Virgilio Almario, Lualhati Bautista, Bob Ong, Eros Atalia, Ricky Lee at Dean Alfar.

Gusto ko ang layunin ng grupong ito. Mabuhay ang mga manunulat na Pilipino! :)


message 2649: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nikki wrote: "Magandang araw, ako si Nikki. :)

Paborito kong mga manunulat sina Virgilio Almario, Lualhati Bautista, Bob Ong, Eros Atalia, Ricky Lee at Dean Alfar.

Gusto ko ang layunin ng grupong ito. Mabuhay ..."


Maligayang paganib sa ating book club, Nikki. Mahal ka namin (agad-agad) haha!


message 2650: by [deleted user] (new)

Ang Kawangki, saklap, di yata ako makakapunta. Sayang, ang saya pala dito, nag-iinterview kayo ng mga Filipino author.

K.D., Salamat! Mahal ko na rin kayo agad-agad. Haha! Mukhang lahat kayo dito may trabaho na. Ako kasi madami pang pinagkakaabalahan, buhay college baga.


back to top