Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
Ako po si Ma-e. Taga Quezon Province ngunit nakiki-iskwat sa makati :)) salamat po sa pagtanggap!!! yahoo!
magandang araw po sa lahat. baligtad.. ngayon ako magpapakilala hehe...ako po si neri. tubong pampanga at ngayo'y sa mandaluyong naninirahan. naging libangan ko ang pagbabasa nang nasa ikaapat na baytang ako ng elementarya. nakahiligan ko ang mga obra nina agatha christie at martha grimes ukol sa misteryo. kalauna'y nakilala ko si bob ong at ricky lee sa panitikang pilipino maliban sa mga maiikling kwento nina matute nung nag-aaral pa. nabaling na ako ngayon kina maxwell at gladwell pero gusto ko rin ang adhikaing tangkilikin ang sariling atin.
Mae wrote: "Ako po si Ma-e. Taga Quezon Province ngunit nakiki-iskwat sa makati :)) salamat po sa pagtanggap!!! yahoo!"
Hello, Mae. Pareho pala tayong taga-Quezon Province. Welcome ka dito sa PRPB. Sana'y maging masaya ka! :)
Hello, Mae. Pareho pala tayong taga-Quezon Province. Welcome ka dito sa PRPB. Sana'y maging masaya ka! :)
Neri wrote: "magandang araw po sa lahat. baligtad.. ngayon ako magpapakilala hehe...
ako po si neri. tubong pampanga at ngayo'y sa mandaluyong naninirahan. naging libangan ko ang pagbabasa nang nasa ikaapat na..."
Mabuhay, Neri. Salamat sa pagtangkilik ng sarili nating panitikan. Ganyan din kami ng marami rito: nagbabasa ng foreign books pero priority ang Pinoy books! Mas masarap kasing basahin. :)
ako po si neri. tubong pampanga at ngayo'y sa mandaluyong naninirahan. naging libangan ko ang pagbabasa nang nasa ikaapat na..."
Mabuhay, Neri. Salamat sa pagtangkilik ng sarili nating panitikan. Ganyan din kami ng marami rito: nagbabasa ng foreign books pero priority ang Pinoy books! Mas masarap kasing basahin. :)
Reynand wrote: "Paboritong manunulat:F. Sionil Jose
Edgardo Reyes
Lualhati Bautista
Liwayway Arceo
Manix.
gilda cordero fernando
Paboritong libro:
Po-on
Sa mga Kuko ng liwanag
Canal De la Reina
Kapitan Sino
Desaparesidos
Bulaklak sa City Jail
Short story:
The Dust Monster
Daisy Nueve"
Wow Reynand! Ang gaganda naman ng mga binabasa mo.
Jayson wrote: "Reynand wrote: "Paboritong manunulat:F. Sionil Jose
Edgardo Reyes
Lualhati Bautista
Liwayway Arceo
Manix.
gilda cordero fernando
Paboritong libro:
Po-on
Sa mga Kuko ng liwanag
Canal De la Rei..."
Talaga po Sir Jayson? Salamat! :)
In fairness ke Reynand at Jayson type nyo ang Kapitan sino. Ang may helmet na rice cooker ahahahaha, nang maimagine ko ang bida sa aklat ni Bob Ong ganun naisip ko sa umpisa pa lang hehehehe.Apir, maliban sa Macarthur, nagustuhan ko rin ang Kapitan Sino.
Syempre wala pa ring tatalo sa Ermita ni F.Sionil Jose ahehehe.
Welcome Neri! :)
Salamat, KD at Ella!Mas nagustuhan ko ang Macarthur at ang nakatutuwang Alamat ng Gubat hehe. Pakiramdam ko dapat ginawang graphic novel ang Kapitan Sino, baka mas ma-appreciate ko syang ganun.
K.D. wrote: "Markinly wrote: "Ah sige! Ibabalita ko na po ito sa mga clasm8 na kasama ko. Hahaha"Go, ibalita mo na. Pati yong sa Sabado at sa Dec 6 ha? :)"
Sa Dec. 6 na lang po 'ata kami makakadalo, di kami nakadalo n'ung saturday. Pero nasa NBDB PressCon po kami :)
Pangalan: JjMga Paboritong Manunulat na Lokal: Wala,at malugod kong sinisisi ang mga naging ang ibang tao dahil hindi nila nabuksan ang aking isipan para magbasa ng mga gawa ng lokal na manunulat. =P
Paboritong Librong Lokal: Wala rin dahil hindi ako naging interesado sa mga akda ng mga nabasa ko na, at naging pampalipas oras ko lang sila at walang impact sa akin. Siguro hindi lang ako magaling maghanap...
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Kung lokal ang paguusapan wala...dahil siguro naging masyadong mataas ang standard ko na wala akong balak babaan =)
Bakit sumama sa group: Dahil isa akong Filipino na interesadong magbasa ng mga akda ng mga lokal na manunulat. Sumuko na ako sa pag asang may magandang mga akda ang mga Filipino na maihahantulad ko sa mga kilalang mga foreign authors, pero may nakilala akong nagsabi sa akin na maganda ang tunay na gawa ng mga lokal na manunulat, at kahit wala na na akong balak ibaba ang standard ko sa mga gawang lokal ay mamahalin ko pa rin ang mga mga basahing Filipino at baka magbago ang pananaw ko...Inaasahan kong makikita ko ang matagal ko ng hinahanap na katangi-tanging mga akda ng mga Filipino... ;)
Hi Jj. Wag sisihin ang kakulangan ng guro. Ansakin lang, maraming mga akdang pinoy at maraming pwedeng subukan. Ano bang hanap mo? Pampalipas-oras ba? May kinalaman sa kultura? Saunahing aklat? Komiks? Marami talaga eh.Ansabi nga ni Jun Cruz Reyes, ang bawat akda ay sumasalamin sa kultura natin. Kung si Bob Ong para sa iyo ay pampalipas lang ng oras, para sa iba ito ang sumasalamin ng kulturang kinalakhan at kinatatayuan nya ngayon. Dabest nyang gawa ay yung Macarthur at Kapitan Sino dahil may touch of social realism sa manipis nyang libro. ;)
Maria Ella wrote: "Hi Jj. Wag sisihin ang kakulangan ng guro. Ansakin lang, maraming mga akdang pinoy at maraming pwedeng subukan. Ano bang hanap mo? Pampalipas-oras ba? May kinalaman sa kultura? Saunahing aklat? Kom..."OH sorry po kung medyo offensive yung pagpapakilala ko did not mean to put it that way, pero gusto ko po talagang magabasa ng mga gawang lokal na kaya kong ipagmalaki kahit sa sarili ko po lamang na may ganitong uri nga po ng mga babasahing Filipino =) naghahanap po talaga ako ng simple pero may iiwan na malalim na lamat sa akin...
SORRY PO ULIT SA MGA NAOFFEND KO SA PAGPAPAKILALA KONG MEDYO LUMAMPAS SA LIMITASYON NA WALA DAPAT MAOOFEND...
Jayson wrote: "Salamat Jessie, grabe salamat at sumali ka agad. :) Expect the unexpected, yan ang masasabi ko sa Philippine Literature. Basta magugulat ka!At huwag ka nang magalit kay ano. Dahil wala namang for..."
Thanks din sa introduction mo na naging dahilan kung bakit nabuhay muli ang interes ko sa Phil lit haha =) Sabi ko naman sayo interesado ako...at oo na kikimkimin ko na galit ko kay ano =)...
Jj wrote: "Maria Ella wrote: "Hi Jj. Wag sisihin ang kakulangan ng guro. Ansakin lang, maraming mga akdang pinoy at maraming pwedeng subukan. Ano bang hanap mo? Pampalipas-oras ba? May kinalaman sa kultura? S..."
Ayun may introduction ka na kay Ate Ella. At mas marami ka pang makikilala at mas matutunan dito. Kita-kits!
Ayun may introduction ka na kay Ate Ella. At mas marami ka pang makikilala at mas matutunan dito. Kita-kits!
Iz okay, hindi ako galit. :D I was explaining kasi mahirap mag-orient ng Phil lit kung hindi nya kinagisnan ito. Alam mo yun? Lumaki kasi ako sa pinoy komiks, mga gawa ni Francisco Conching, Liwayway magazine na may kwento ni Abueg, mga ganun. Siguro naeencounter nya ito during his elementary / high school days. Or nakapanood na sya ng isang episode ng Pahina. Baka me maalala si JJ.
At dahil naistalk ko ang mga binabasa nya - maganda mong subukan ang Walong Diwata ni Egay Samar, kasi mahilig rin ang manunulat ke Murakami. Nanalo rin naman yan ng award, kuya. :D Kung gusto mo ng mala-Marimar na paghihiganti, eh try Ermita ni F. Sionil Jose.
Pero para hindi ka madisappoint - stay away first from Pop fiction (i.e. Diary ng Panget, She's Dating the Gangster) kasi lalo kang madidisappoint, at mageneralize mo pa ang ibang mga akda. :D
Hello po sa lahat. Share ko lang po na available na sa lahat ng leading bookstores nationwide yung romance novel ko, MAY AMNESIA SI GIRL. sana po ay mabasa nyo at mabigyan ng puna. Maraming salamat po sa lahat. Mabuhay ang mambabasang pinoy! ^__^
John Adrian wrote: "Jj wrote: "Pangalan: JjMga Paboritong Manunulat na Lokal: Wala,at malugod kong sinisisi ang mga naging ang ibang tao dahil hindi nila nabuksan ang aking isipan para magbasa ng mga gawa ng lokal n..."
Thanks po for recommendations =)
Maria Ella wrote: "Iz okay, hindi ako galit. :D I was explaining kasi mahirap mag-orient ng Phil lit kung hindi nya kinagisnan ito. Alam mo yun? Lumaki kasi ako sa pinoy komiks, mga gawa ni Francisco Conching, Liwayw..."Thanks po ulit, actually bumili po ako ng libro ni Sionil Jose last mo. nung makita ko siya sa tabi ng daan na binebenta hindi ko lang masimulan kasi I don't know what to expect from it, ngayon pakiramdam ko po handa na akong basahin yung mga binili ko =)
And two days ago, sinimulan ko ng magbasa ng mga maiikling kwento like Gilingang Bato at nasabi ko sa sarili ko "ito na ang simula haha" sa parehas na libro kung saan featured yung Gilingang Bato ay kasama din ang ilan sa mga akda ni Abueg slowly bumalik mga alaala ko kung bakit ako na-hook(at nag-expect na may maganda tayong literatura) ay dahil sa maiikling kwentong nabasa ko nung high school pa ako i.e. Ang munting paraiso, ang Piluka etc.(aalalahanin ko pa po ang ibang title...
P.S. natutuwa po talaga ako sa pagtanggap niyo sa akin =)
Jj wrote: "Pangalan: Jj
Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Wala,at malugod kong sinisisi ang mga naging ang ibang tao dahil hindi nila nabuksan ang aking isipan para magbasa ng mga gawa ng lokal na manunulat..."
Jj, ganyan din ako mga 5 taon ang nakakaraan. Di ako nagbabasa ng Pinoy books dahil para sa akin mas mahuhusay ang mga sinulat ng mga dayuhan. Lumaki kasi tayong ganyan: yong colonial mentality, marami pa rin sa atin ang meron nyan.
Ang mga bansa kasi, may kanya-kanyang kasaysayan. Ano bang sinusulat ng mga authors kundi ang kanilang mga karanasan o saloobin. Sabi nga ni Chimamanda Ngozi Adiche, kung gusto mo talagang malaman ang nasasa-puso ng mga mamamayan ng isang bansa, basahin mo ang panitikan nito. Kung iisipin mo, nasa history ang mga nangyari pero wala roon ang niloloob ng mga mamamayan. Nasa panitikan.
Muli pa, ang tanong ko: "Sino bang inaasahan mong magbabasa ng sarili nating panitikan, kundi tayo?"
Haha. Na-inspire akong magsulat dahil sa intro mo. Pero, pramis, di sya offensive. Thought provoking lang!
Welcome to PRPB! Sana mag-endyoy ka rito!!!
Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Wala,at malugod kong sinisisi ang mga naging ang ibang tao dahil hindi nila nabuksan ang aking isipan para magbasa ng mga gawa ng lokal na manunulat..."
Jj, ganyan din ako mga 5 taon ang nakakaraan. Di ako nagbabasa ng Pinoy books dahil para sa akin mas mahuhusay ang mga sinulat ng mga dayuhan. Lumaki kasi tayong ganyan: yong colonial mentality, marami pa rin sa atin ang meron nyan.
Ang mga bansa kasi, may kanya-kanyang kasaysayan. Ano bang sinusulat ng mga authors kundi ang kanilang mga karanasan o saloobin. Sabi nga ni Chimamanda Ngozi Adiche, kung gusto mo talagang malaman ang nasasa-puso ng mga mamamayan ng isang bansa, basahin mo ang panitikan nito. Kung iisipin mo, nasa history ang mga nangyari pero wala roon ang niloloob ng mga mamamayan. Nasa panitikan.
Muli pa, ang tanong ko: "Sino bang inaasahan mong magbabasa ng sarili nating panitikan, kundi tayo?"
Haha. Na-inspire akong magsulat dahil sa intro mo. Pero, pramis, di sya offensive. Thought provoking lang!
Welcome to PRPB! Sana mag-endyoy ka rito!!!
Karl Marx wrote: "Hello po sa lahat. Share ko lang po na available na sa lahat ng leading bookstores nationwide yung romance novel ko, MAY AMNESIA SI GIRL. sana po ay mabasa nyo at mabigyan ng puna. Maraming salamat..."
Hello Karl. Haha. Mabili nga. Salamat nga pala sa recommended mong Sangtuwaryo. Maganda. Wala pa lang akong oras magsulat ng rebyu.
Hello Karl. Haha. Mabili nga. Salamat nga pala sa recommended mong Sangtuwaryo. Maganda. Wala pa lang akong oras magsulat ng rebyu.
K.D. wrote: "Jj wrote: "Pangalan: JjMga Paboritong Manunulat na Lokal: Wala,at malugod kong sinisisi ang mga naging ang ibang tao dahil hindi nila nabuksan ang aking isipan para magbasa ng mga gawa ng lokal n..."
Thanks po, expressing myself, ang pakiramdam ko po kasi parang nakatingin po ako sa magandang bahay ng mga kapitbahay at bising-busy na ina-appreciate ang bawat sulok nito, sabay sabi na sana may ganito din akong bahay, then bigla akong napatanong sa sarili kung anong itsura ng bahay ko, kasi hindi ko po maalalang sinubukan kong lumingon sa tirahan ko...
Pero ngayon mukang nasa tamang direksiyon ako patungo sa magiging paborito kong kwarto sa aking tahanan =) Thanks po ulit...
May hugot si JJ, ramdam ko hehe. Ok lang yan. Minsan nararamdaman ko rin yan sa pelikulang Pilipino pero andun pa rin yung pagnanais na tangkilikin ang sariling atin. Tulad nga ng sabi ni KD, sino pa ba mas magbabasa kundi tayo rin. Lalupa't hindi ganun kahilig magbasa ang karamihan satin.Nawa'y mahanap mo, JJ, ang aklat na akma sa iyong interes at dadami na rin ang paborito mo sa panitikang Pilipino. Ako rin naman maraming paboritong banyagang manunulat pero sa tulong ng PRPB, mukhang lalawak pa ang aking pagbabasa at paghanga sa literatura natin.
Mabuhay!
Neri wrote: "May hugot si JJ, ramdam ko hehe. Ok lang yan. Minsan nararamdaman ko rin yan sa pelikulang Pilipino pero andun pa rin yung pagnanais na tangkilikin ang sariling atin. Tulad nga ng sabi ni KD, sino ..."hahaha Mabuhay and Phil Lit =)
Jayson wrote: "Neri wrote: "May hugot si JJ, ramdam ko hehe. Ok lang yan. Minsan nararamdaman ko rin yan sa pelikulang Pilipino pero andun pa rin yung pagnanais na tangkilikin ang sariling atin. Tulad nga ng sabi..."
Oo. Pede kang gumawa ng thread sa pinakababang folder. Priority lang yong mga pelikula na base sa nobela o maikling kuwentong Pinoy.
Oo. Pede kang gumawa ng thread sa pinakababang folder. Priority lang yong mga pelikula na base sa nobela o maikling kuwentong Pinoy.
Hey, I'm Tita Josephine's niece :) I've read a book from Jessica Zafra and a book called "A Tall Story"
What's going on. I'm Conrado. Reader for the ages.16 years old. Nephew of Josephine. Brother of user Darlaconteza.
I don't really get updated on new reads. I joined this group to change that.
Magandang araw mga Ka-Pinoy Reads, maganda talaga ang mga cinema One o Pinoy Cinema katulad ng ZsaZsa Zaturnah na pinanuod namin sa Xmas party.
Welcome kayo dito Darlaconteza at Conrado Luis, ipagpatuloy ang pagbabasa ng Pinoy Books!
Darlaconteza wrote: "Hey, I'm Tita Josephine's niece :) I've read a book from Jessica Zafra and a book called "A Tall Story""
Hello Darla and Conrado! Nice to see you here.
Hope you become active members of PRPB. We like more young people here to make a difference in what more Filipinos prefer to read.
Hello Darla and Conrado! Nice to see you here.
Hope you become active members of PRPB. We like more young people here to make a difference in what more Filipinos prefer to read.
Hi I'm Ronie. Clare's baba. I've read Bob Ong's books and other Pinoy books.Napasali ako dito dahil mahal ko ang Pilipinas :p
Ui Hi Ronie! Fantasy Reader ka di ba? Maganda raw sa mga tulad mo ang Naermyth at yung Project 17. Try mo lang, baka ma-convince mo akong magbasa rin ng ganyan hehehe
Maria Ella wrote: "Ui Hi Ronie! Fantasy Reader ka di ba? Maganda raw sa mga tulad mo ang Naermyth at yung Project 17. Try mo lang, baka ma-convince mo akong magbasa rin ng ganyan hehehe"
Oo nga, Ronie. Ako rin. Haha
Oo nga, Ronie. Ako rin. Haha
jzhunagev wrote: "Hi Ronnie!
Kala ko napasali ka rito kasi mahal mo si Clare. At napilit ka lang nya. Wahihihihi! :D"
Mahilig din syang magbasa, Jzhun. Nagbasa yan ng "Parang Kayo Pero Hindi" ni Noringai at naguusap kami tungkol sa libro kasama si Clare sa sasakyan.
Kala ko napasali ka rito kasi mahal mo si Clare. At napilit ka lang nya. Wahihihihi! :D"
Mahilig din syang magbasa, Jzhun. Nagbasa yan ng "Parang Kayo Pero Hindi" ni Noringai at naguusap kami tungkol sa libro kasama si Clare sa sasakyan.
Magandang Gabi Po sa Lahat ng Membro ng PRPB,Pangalan: Cesar Gealogo
Paboritong Librong Lokal: 12 Steps to Build Wealth on Any Income by Alvin T. Tabanag
Bakit sumama sa group: Naghahanap ng mga Kasangga at mga bagong kakilala upang mapalawak ang kaalaman sa Mga Librong Akda ng Kapwa Pinoy.
Mabuhay ang Manunulat na Pinoy!
Maligayang Pasko sa lahat ng mga Kakweba! Welcome sa mga bago! salamat sa pagpasok. Tuloy po kayo! Mabuhay!
Belated Merry Christmas and advance Happy New Year!Pangalan: Juan Bautista
Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Lualhati Bautista / Norman Wilwayco at siyempre, Jose Rizal
Paboritong Librong Lokal: Gapo. Pero may pakiramdam akong Desaparasidos (kasalukuyan kong binabasa) ang magiging latest kong paborito. Nasa kalahati pa lang ako halos pero mas gusto ko paraan ng pagkukuwento ni mam Lualhati sa book na 'to.
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Impeng Negro
Bakit sumama sa group: Wala akong tropa na mahilig magbasa. Bagama't kolektor silang lahat ng Maxim at FHM. Walang silang hilig sa libro...
Salamat po sa inyo lalo na kay KD. Mabuhay tayong lahat!
Waw Juan. Juan at Juan. Hi po. Welcome. Apir kay Tita Lualhati. Sakin appealing pa rin ang Dekada 70. Naiimagine ko kasi ang panahon na yun. Yung color tone na bagay sa instagram. Hipster feels hahahaha.Nawa'y mag-enjoy ka sa mga talakayan at ibang pisi rito. :)
Maria Ella wrote: "Waw Juan. Juan at Juan. Hi po. Welcome. Apir kay Tita Lualhati. Sakin appealing pa rin ang Dekada 70. Naiimagine ko kasi ang panahon na yun. Yung color tone na bagay sa instagram. Hipster feels hah..."Salamat po Maria Ella. :)
Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon! mga PRPBAko si Po pangalan din ng mga tunay na Lalaki, haha!
Kamusta Juan A. at Juan B. at sa mga newbies- Cesar at Ronie, welcome po sa Pinoy Reads Pinoy Books!
#panitikan pa more!
jzhunagev wrote: "Hi Ronnie!Kala ko napasali ka rito kasi mahal mo si Clare. At napilit ka lang nya. Wahihihihi! :D"
Parang ganun na rin ang nangyari jzhunagev. hahaha kailangang mahalin ang mga hilig at mahal nya. Tama rin si KD, mahilig rin ako magbasa ng libro lalo na humor. Pero susubukan ko ring basahin yung sinuggest ni Ella :)
Po wrote: "Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon! mga PRPBAko si Po pangalan din ng mga tunay na Lalaki, haha!
Kamusta Juan A. at Juan B. at sa mga newbies- Cesar at Ronie, welcome po sa Pinoy Reads Pin..."
Salamat PO :)
Po wrote: "Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon! mga PRPBAko si Po pangalan din ng mga tunay na Lalaki, haha!
Kamusta Juan A. at Juan B. at sa mga newbies- Cesar at Ronie, welcome po sa Pinoy Reads Pin..."
Maraming salamat Po sa warm welcome.
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...






Masaya kami lagi, anak. Pero mas masaya kung andito ka at kasama namin. :)