Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 2,451-2,500 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 2451: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Wow may mga bagong miyembro. Kumusta lahat? :)


message 2452: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Tuloy kayo mga bagong kasama sa ating Kweba! salamat!


message 2453: by Jareed (new)

Jareed (jareedreyes) | 1 comments Maraming salamat sa pagtanggap. Jareed ang pinangalan sa akin pero sa dalas ng maling pagbigkas at pagkabaybay ng pangalan kong yan dahil sa dagdag na 'e', tinatawag rin akong Red.

Halos akademiko lahat ng lokal na librong nabasa ko, kung kaya konti ang nabasa kong lokal na libro, wala akong masasabing paboritiong lokal na libro.

Kaya ako sumali dito sa grupong ito para maayos yan.
Salamat ngayon pa lang sa mga rekomendasyon niyo. :)


message 2454: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Welcome Jareed!! Gaya mo, halos lahat e nagsimula lang sa kakaunting nabasang lokal pero ngayon, ganun pa din haha! De, marami-rami na din at nakikilala pa ang mga may akda ng mga iyon. Sabay sabay tayong magbasa ng marami pa! :D


message 2455: by Anna (new)

Anna | 18 comments Welcome po Jareed... :)


message 2456: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jareed wrote: "Maraming salamat sa pagtanggap. Jareed ang pinangalan sa akin pero sa dalas ng maling pagbigkas at pagkabaybay ng pangalan kong yan dahil sa dagdag na 'e', tinatawag rin akong Red.

Halos akademiko..."


Welcome, Jareed. Sana maging magkaibigan tayo dito. Marami tayong commnon na libro at siguradong marami tayong puwedeng pagusapan. Tama si Clare, dati rin kami (kasama ako) na ganyan: mas maraming foreign books na binabasa. Ngayon ganoon pa rin tsk tsk pero dumadami na ang pinoy books.


message 2457: by Oliver (new)

Oliver | 7 comments Magandang araw sa lahat,

Bago lang ako dito kaya di ako sigurado, puwede ba mag pa review at kumuha ng mungkahi sa inyo ng aking unang nobela?

Pangarap ko lang mag sulat ng nobela dati, pero ngayon ko lang natapos yung libro. Pinapaganda ko pa, ngunit mas maganda kung mas marami makakita at makabasa.

Maari kong ibigay sa inyo, kung sinu man ang interesado, ang PDF ng libro. Sabihan niyo lang ako saang email ko puwede ipadala.

Maraming salamat,


message 2458: by Oliver (last edited Jul 05, 2014 12:44PM) (new)

Oliver | 7 comments ito nga pala yung ibang detalye ng nobelang sinulat ko, ang pen name ko ay J.D. Thomas
The Lost Book of Chaos How to Divide the World (The Secret Wars of Angels 1) by J. D. Thomas
The Lost Book of Chaos: How to Divide the World

Maari kong ibigay sa inyo, kung sinu man ang interesado, ang PDF ng libro. Sabihan niyo lang ako saang email ko puwede ipadala.


message 2459: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oliver wrote: "ito nga pala yung ibang detalye ng nobelang sinulat ko, ang pen name ko ay J.D. Thomas
The Lost Book of Chaos How to Divide the World (The Secret Wars of Angels 1) by J. D. Thomas
[book:The Lost Book of Chaos: How to Div..."


Oliver, salamat sa pagsali sa PRPB. Congrats sa unang libro mo.

Sayang, wala lang talaga akong tiyaga sa pagbabasa online. Sumasakit ang mata ko dahil araw-araw na ako sa work na computer ang binabasa. Gusto ko sa libro, printed. Puwede bang i-print mo? Yan e kung gusto mo akong pabasahin talaga hehe. Demanding lang. Pero sincere ako. Kaso sa opisina naman bawal mag-print (environment). Dito sa bahay, di ko alam magkabit ng printer (ako na ang IT na tamad mag-assemble ng hardware). Sus, daming excuses. :(

Pero welcome ka rito. :)


message 2460: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagsali, Oliver!


message 2461: by Anna (new)

Anna | 18 comments Oliver wrote: "Magandang araw sa lahat,

Bago lang ako dito kaya di ako sigurado, puwede ba mag pa review at kumuha ng mungkahi sa inyo ng aking unang nobela?

Pangarap ko lang mag sulat ng nobela dati, pero ngay..."



Welcome po... Naexcite naman ako dun sa book mo. Cover pa lang, napangiti na ko. Penge po copy. Ito po e'add ko, balotngbayan@yahoo.com XD


message 2462: by Oliver (new)

Oliver | 7 comments @K.D. ipadala ko yung book sa address, pagkatapos ma print

@Anna, ok send ko sayo PDF ng book ngayon

Salamat Jzhunagev sa pag welcome!


message 2463: by Anna (new)

Anna | 18 comments Oliver wrote: "@K.D. ipadala ko yung book sa address, pagkatapos ma print

@Anna, ok send ko sayo PDF ng book ngayon

Salamat Jzhunagev sa pag welcome!"


Thank you Kuya, Narecieve ko na po. :D


message 2464: by Neil Franz (last edited Sep 05, 2014 07:50PM) (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments Salamat po sa pagtanggap Sir K.D. Ako po si Neil Franz. Taga-Bulacan. Mahilig akong magbasa ng mga gawang lokal nung nasa hayskul pa ko (di lang dahil required sa school hehe) kaya lang halos puro maikling kwento lang. Paborito ko yung Impeng Negro ni Rogelio Sikat, Ang Kalupi (di ko na maalala yung author) at Ang Nanalo sa Suwipistik (di ko na maalala yung author). Tapos nung nasa kolehiyo na ako, dun ko nabasa yung mga libro ni Bob Ong at Atalia. Sa ngayon, gusto na ulit magbasa ng mga gawang lokal, klasik man o moderno. At alam kong itong ang tamang lugar para don. :)

P.S. Salamat din po pala sa friend invite Sir K.D. Di na ako mahihirapang maghanap ng review mo sa isang partikular na libro. :)


message 2465: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Neil Franz wrote: "Salamat po sa pagtanggap Sir K.D. Ako po si Neil Franz. Taga-Bulacan. Mahilig akong magbasa ng mga gawang lokal nung nasa hayskul pa ko (di lang dahil required sa school hehe) kaya lang halos puro ..."

Welcome, Neil. Sana maging aktibo ka rito. Marami kang puwedeng maging kaibigan.


message 2466: by Neil Franz (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments Gagawin ko ang lahat para maging aktibo Sir. :)


message 2467: by Bong (new)

Bong | 275 comments Ayyn! Boom! PRPB ka na Neil! Welkam welkam! Haha


message 2468: by Neil Franz (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments Oo nga eh! Yes! Haha! Salamat! :D


message 2469: by Bong (new)

Bong | 275 comments Di tayo makakapgkwentuhan ng YA dito katulad ng dati. Hahaha pero pwede pinoy books. Hahaha


message 2470: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hi po sa mga bago~

Ang kapitbahay nyong mala-matrona kung magbasa,
-Ella
:P


message 2471: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Patrick, kaibigan mo sya?

Ella, matrona talaga! :)


message 2472: by Bong (new)

Bong | 275 comments Yhup Tay. Haha. Kadaldalan ko yan. Sa Goodreads FB at Twitter. Sinales talk ko sa pagsali sa PRPB. Hahaha ortigas din nagwowork. Haha


message 2473: by Neil Franz (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments Johan Patrick wrote: "Yhup Tay. Haha. Kadaldalan ko yan. Sa Goodreads FB at Twitter. Sinales talk ko sa pagsali sa PRPB. Hahaha ortigas din nagwowork. Haha"

Pero initially gusto ko talagang sumali. :P


message 2474: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Neil Franz wrote: "Johan Patrick wrote: "Yhup Tay. Haha. Kadaldalan ko yan. Sa Goodreads FB at Twitter. Sinales talk ko sa pagsali sa PRPB. Hahaha ortigas din nagwowork. Haha"

Pero initially gusto ko talagang sumali..."


Neil, minsan mag-kape tayo sa Starbucks. Naghahanap ako ng bagong kaibigan na makakakwentuhan tungkol sa libro. Si Patrick malayo na. Si Jhive naman, hindi nagsasalita pag kasama ko haha! Si Juan at Po dati dito sa Ortigas kaso malayo na rin. Si Clare nagtuturo na dati binebentahan nya ako ng Avon.


message 2475: by Bong (new)

Bong | 275 comments Oo nga eh Neil buti sumali ka. Hehehehe sama ka sa meet ups dito.


message 2476: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments meet ups na yan hehe!


message 2477: by Ineng (new)

Ineng | 10 comments hello! kamusta kayo!? ngayon lang ulit nagawi dito.. eheheh :))


message 2478: by Neil Franz (new)

Neil Franz (kneelfranz) | 56 comments K.D. wrote: Neil, minsan mag-kape tayo sa Starbucks. Naghahanap ako ng bagong kaibigan na makakakwentuhan tungkol sa libro. Si Patrick malayo na....."


Di po ako nagkakape sa Starbucks e. Hahaha. Sige po minsan, Sir. Di ko po alam kung magiging mainam akong kakwentuhan kasi tahimik lang din ako. :)


message 2479: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Sama sa daldalan~


message 2480: by Juan (new)

Juan | 1532 comments hello sa mga bagong kasama! Red, Oliver at Neil! MABUHAY KAYO!


message 2481: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Welcome sa mga bagong members ng PRPB~ :D


message 2482: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments magandang araw ng pagbabasa sa mga bagong miyembro ng Pinoy Reads!


message 2483: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Oct 01, 2014 11:12PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Magandang araw mga Ka-Pinoy Reads!

Maraming Salamat! sa mga moderators KD, Bebang, Josephine, Jzhun, Rise,

Ikina-gagalak ko po mahirang bilang moderator at sana ay marami pa akong mabasang Pinoy Books at marami pa ang mahikayat na magbasa nito.


message 2484: by Karl Marx (new)

Karl Marx S.T. (marcothebookeater) | 20 comments Hello sa lahat. Sir KD pwede bang mag-promote? ^__^ May bago kasi akong romance novel for teens sana mabasa nyo. Pwede nyo ako tawaging Patrice, Marco o kaya naman ay Karl. Fave ko si Iris Murdoch at mahilig ako sa novels na may creepy setting at gothic undertones. Maraming salamat. ^(++++)^

https://www.goodreads.com/book/show/2...


message 2485: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Karl Marx wrote: "Hello sa lahat. Sir KD pwede bang mag-promote? ^__^ May bago kasi akong romance novel for teens sana mabasa nyo. Pwede nyo ako tawaging Patrice, Marco o kaya naman ay Karl. Fave ko si Iris Murdoch ..."

Natawa naman ako sa titulo ng aklat mo, Karl. Hehe.

Siguradong bibili ako nyan pag nakita ko sa bookstore. Anytime, puwede kang mag-promote dito sa PRPB. Ikaw ay isa ring kakweba.


message 2486: by Karl Marx (new)

Karl Marx S.T. (marcothebookeater) | 20 comments K.D. wrote: "Karl Marx wrote: "Hello sa lahat. Sir KD pwede bang mag-promote? ^__^ May bago kasi akong romance novel for teens sana mabasa nyo. Pwede nyo ako tawaging Patrice, Marco o kaya naman ay Karl. Fave k..."

Salamat sir KD as always ^^


message 2487: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Karl Marx wrote: "K.D. wrote: "Karl Marx wrote: "Hello sa lahat. Sir KD pwede bang mag-promote? ^__^ May bago kasi akong romance novel for teens sana mabasa nyo. Pwede nyo ako tawaging Patrice, Marco o kaya naman ay..."

Kanina, tumingin ako sa PB at NBS, parang wala akong nakitang bagong aklat mo. Paki-post na lang dito kapag lumabas na para makabili kami. Salamat, Karl.


message 2488: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maligayang pagbabalik, Biena.

Mahal ka namin. :)


message 2489: by Karl Marx (new)

Karl Marx S.T. (marcothebookeater) | 20 comments Salamat sir Kd. Will surely do. ^___^


message 2490: by GenovaGee (new)

GenovaGee | 43 comments Mabuhay!

Ako nga po pala si Genova. Simula nang makapagbasa ako ng libro nina Sir Ricky Lee, at Ms. Lualhati Bautista ay ninais kong mapalawak ang kaalaman ko sa panitikang Filipino. Kaya naman inilalaan ko ang buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre para makapagbasa ako ng Pinoy books. Gusto ko ring basahin muli ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo siguro'y iba na perspektibo ko kumpara noong high school pa ako.


message 2491: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments hi! Genova, sang ayon ako sa iyo masarap magbasa ng pinoy books lalot maka-interbyu mo magagaling n manunulat tulad nila Lualhati B., gusto ko rin basahin ang NOLI at El FILI dahil sa Ilustrado Nov.20 ng GMA7


message 2492: by GenovaGee (new)

GenovaGee | 43 comments Po wrote: "hi! Genova, sang ayon ako sa iyo masarap magbasa ng pinoy books lalot maka-interbyu mo magagaling n manunulat tulad nila Lualhati B., gusto ko rin basahin ang NOLI at El FILI dahil sa Ilustrado Nov..."

Opo! Noong college pa ako, pumunta si Sir Lee sa unibersidad namin... at sa kasamaang-palad ay hindi ko dala ang libro ko para mapapirma man lang sakanya. :(


message 2493: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
GenovaGee wrote: "Po wrote: "hi! Genova, sang ayon ako sa iyo masarap magbasa ng pinoy books lalot maka-interbyu mo magagaling n manunulat tulad nila Lualhati B., gusto ko rin basahin ang NOLI at El FILI dahil sa Il..."

Genova, salamat sa pagpapakilala. Welcome ka rito sa PRPB! Makakapanayam natin si Sir Ricky Lee sa Nob 8, 2014 (Sabado) sa bahay niya sa ika-2 ng hapon. Sama ka ha?


message 2494: by Juan (new)

Juan | 1532 comments welcome, GenovaGee! salamat sa pagsali sa PRPB! suportahan ang akdang Pilipino! magbasa at umibig! haha!


message 2495: by GenovaGee (new)

GenovaGee | 43 comments Salamat sa mainit na pagtanggap! :) Napakadaming libro pa ang pag-aalayan ko ng pagsinta. Haha. :D

Naku, di ko pa po sure ang schedule ko nun. :(


message 2496: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Hi! genovagee, tuloy tuloy lng sa pagbasa mga ka-Pinoy Reads!


message 2497: by Bea (new)

Bea Bea (heybeatrizz) | 4 comments Magandang Araw!
Ako po si Fina Beatriz. Sa totoo lang po, halos dalawang araw na akong naglilibot libot sa grupong ito ngunit ngayon lamang pormal na magpaparamdam sa inyo. Medyo ginagamay ko pa kasi ang website na ito. :)

Sobrang kakaunti pa lamang ng mga nababasa kong libro na ang may akda ay Pilipino. Para kay B sa panulat ni Sir Ricky Lee ang pinakagusto kong libro, kahit medyo 'weird' ang mga istorya na nakapaloob ay nadala niya ako sa mundong nais niyang ipamahagi sa mga mambabasa. Ganoon po akong mambabasa, wala akong reklamo sa kung namatay man ang bida o malungkot ang katapusan, ang mahalaga sa akin ay nadala ako ng author sa mundo niya. Itinuturing ko kasing pasaporte ang bawat libro, dadalhin ako sa iba't ibang lugar, maaari rin sigurong sa ibang panahon o makakilala ng iba't ibang klase ng tao.

Nais ko lang ipamahagi, nakadalo na kasi ako sa programang "Biyaheng Panulat."
Hindi ko alam ang mga petsa at lugar kung saan sila susunod na aarangkada ngunit napakasayang programa nito sa kung saan makikita at mapapakinggan mo ang mga magagaling na manunulat katulad nila Sir Ricky Lee, Eros Atalia, Manix Abrera, Sir Jun Cruz Reyes at marami pang iba. Pagkatapos ng programa ay pumapayag sila sa photoop at book signing. Wala lang, gusto ko lang talagang ipamahagi ang bagay na ito, iba rin kasi yung saya na mararamdaman mo kapag nakita mo yung sumulat ng librong nabasa mo.

Napahaba na ata ang pagpapakilala ko haha maraming salamat! :)


message 2498: by Juan (new)

Juan | 1532 comments hello Fina! welcome sa PRPB! kakaiba nga ang istilong ginamit ni ser Ricky Lee sa nobela niyang Para kay B. ang tindi! Iba talaga kapag master ang sumulat. Tulad mo, ganyan din kami dito sa kweba. Naitatransport kung saan ng mga binabasang libro.

speaking of Biyaheng Panulat, totoo ngang masaya at napakagandang programa nito. Alam mo ba na dito sa PRPB ay mayroon ding ganyan? Opo! Meet and Greet the Author! ang kaibahan lang mas intimate nating nakakasama ang mga awtor, Marami rami na din ang mga nakasama nating awtor at sa November 8, si Sir Ricky Lee ang makakaharap natin. Sama ka? tara!


message 2499: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Welcome sa mga bagong members ng PRPB! Sana maging aktibo kayo! :D

GenovaGee wrote: "Mabuhay!

Ako nga po pala si Genova. Simula nang makapagbasa ako ng libro nina Sir Ricky Lee, at Ms. Lualhati Bautista ay ninais kong mapalawak ang kaalaman ko sa panitikang Filipino. Kaya naman in..."


Hi Genova! Nagbasa rin kami as a group ng akda ni Lualhati Bautista. Sali ka sa online book discussion ng Para Kay B. Nandito ang link ng thread :) https://www.goodreads.com/topic/show/...

Fina wrote: "Magandang Araw!
Ako po si Fina Beatriz. Sa totoo lang po, halos dalawang araw na akong naglilibot libot sa grupong ito ngunit ngayon lamang pormal na magpaparamdam sa inyo. Medyo ginagamay ko pa k..."


Hi Fina! Taga-PNU ka ba? PNUan ako eh, at may Biyaheng Panulat din sa school nung nakaraan. Sali ka rin sa book discussion ng Para Kay B! :D Explore explore ka lang dito sa Goodreads at sa PRPB. Marami kang makikilalang bookish friends ^___^


Ako nga pala si Chibivy (Chi-bhay-vee). Pwede nyo kong i-add sa friend dito sa Goodreads para makita natin ang updates ng isa't isa. ^__^


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments Hi! Fina! enjoy reading!


back to top