Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
Pangalan: Vheel LaboreraMga Paboritong Manunulat na Lokal: Marcelino Agana, Jr., Jose Rizal, Carlo Vergara, Eros S. Atalia, Manix Abrera, Ricky Lee, Edgardo M. Reyes, Lualhati Bautista, Rogelio Sikat
Paboritong Librong Lokal: Sa Mga Kuko Ng Liwanag
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: New Yorker In Tondo, Impeng Negro
Bakit sumama sa group: ako po ay naimbitahan na sumali ;) salamat!
Welcome to the group, Vheel.
Halos pareho lang tayo ng mga paborito. Sinong sumulat ng "New Yorker in Tondo?"
Salamat sa pagpapakila. Sana'y maging aktibo ka rito. Happy long weekend!
Halos pareho lang tayo ng mga paborito. Sinong sumulat ng "New Yorker in Tondo?"
Salamat sa pagpapakila. Sana'y maging aktibo ka rito. Happy long weekend!
Welcome, Vheel. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ni Marcelino Agana Jr. Kababasa ko lang din ng Sa Mga Kuko ng Liwanag at talagang nakakawasak.
Pangalan : Izia TanMga paboritong librong lokal : Abnkkbsnplako
Paboritong manunulat na lokal : Bob Ong, Eros Atalia, Bo Sanchez
Bakit Sumama sa Group : kahit kalahating dugong Pilipino lang ang meron sakin, para sakin, Pilipino ako. At nakakahiyang sabihing hindi ako ganoon ka pamilyar sa literaturang Pinoy. Madalas na nilalagpasan ko lang ang mga lokal na libro kapag nasa bookstore ako. Sumali ako rito para malaman kung anong librong Filipino ang magandang basahin upang magkaron ng kamalayan sa sarili nating literatura.
Izia, salamat sa pagi-introduce ng sarili mo. Magaganda naman yang mga libro at authors na paborito mo. Ibig sabihin, may taste ka naman. Bisitahin mo lang ang homepage natin once in a while, siguradong makaka-pick up ka ng idea kung anong Pinoy Books ang magandang basahin.
Reev, ayos naman ah. Spanish pa nga ang spelling mo ng miyembro. Ibig sabihin may dugo kang peninsulares.
Reev, ayos naman ah. Spanish pa nga ang spelling mo ng miyembro. Ibig sabihin may dugo kang peninsulares.
Hi, Izia. Hindi naman nakakahiya yun lalo na at gusto mong tuklasin ang mga local writings. Yan nga ang magandang attitude, ang maging curious sa kung ano ang meron sa atin.
Pangalan: Mara AtienzaPaboritong Manunulat: Francis Kong, Bo Sanchez, Bob Ong, Amado Hernandez, Norman Wilwayco, Jose Rizal
Mga Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere, The Early Bird Catches The Early Worm But The Second Mouse Gets The Cheese, Mondomanila, Stainless Longganisa
Bakit Sumama sa Grupo: Nung una, ito din ang tanong ko, bakit nga ba?
Nung una nagdadalawang isip ako kung sasali ako o hindi, dahil habang binabasa ko ang ibang diskusyon ay hindi naman ako makarelate. Sa totoo lang konti pa lang ang nababasa kong lokal na libro.
Habang binabasa ko mga diskusyon dito, naisip ko na madami din palang magagandang libro dito satin, hindi ko lang nabibigyang pansin,dahil sa pagsali ko dito unti-unti nagkakameron ako ng interes sa pagbabasa ng librong pilipino. Sa katunayan, ako ay mamimili nanaman ng mga libro, pero mga lokal naman. Gumawa na ko ng listahan base sa mga nabasa kong komento ng ibang miyembro.
Pangalan: Julie CuaresmaPaboritong Manunulat: Eros Atalia, Jessica Zafra F. Sionil José
Mga Paboritong Librong Lokal: Twisted series, Noli at Fili
Bakit Sumama sa Grupo: Kaunti lang po ang kakilala kong mahilig sa librong lokal at ako po'y nagagalak na makasali sa grupo na ito. Nais ko din po matuklasan ang likha ng iba pang pinoy writers, lalo na ang mga makabago.
Welcome, Julie at Mara.Mara, katuwa naman at nakatulong ang mga diskusyon dito sa paggawa mo ng listahan ng libro. Sana maibigan mo ang mga mabibili mong libro.
Julie, ngayon marami ka nang makikilala na mahilig sa local books. Kami yon! wee-hee.
Maraming salamat,Ingrid, Jim, Nicole at Po! Welcome sa grupo,Julie! :)
Ryan - Oo nga po, matagal na din ako naging myembro dito ngunit ngayon lang ako nagkalakas loob na magpakilala dahil sa nahihiya ako, wala kasi ako masyado alam na librong lokal. Ngayon may mga ideya na ko sa mga babasahin ko, dahil sa inyo. Salamat! :)
Welcome sa lahat ng bago! Happy All Souls Day din! Kagagaling ko lang sa biyahe, basa ako nang basa habang naghihintay ng masasakyan. ginagawa nyo rin ba ito? iba na talaga ang adik sa aklat hahahaahhaa
Beverly, ako din. Hindi ako mapakali kapag walang libro sa bag. Kahit na di ako nagbabasa habang umaandar ang sasakyan (nahihilo ako), pero pag nakaupo lang sa isang tabi, sa kainan o kahit saan, hala buklat. Ang tanging cure lang sa addiction ng pagbabasa ay ... basa pa rin!
Beverly wrote: "Welcome sa lahat ng bago! Happy All Souls Day din! Kagagaling ko lang sa biyahe, basa ako nang basa habang naghihintay ng masasakyan. ginagawa nyo rin ba ito? iba na talaga ang adik sa aklat hahaha..."Salamat po, Ms. Beverly! :) Gawain ko din po yan, lagi din ako may dalang libro pag nagbabyahe. Kaya lang po hindi ako makapagbasa pag nasa sasakyan dahil kagaya ni Ryan, nahihilo din ako.
Izia, Mara at Julie:
Tuloy kayo sa pintuan ng Pinoy Reads Pinoy Books!
Kagaya ni Beverly, kagagaling ko rin sa biyahe. Habang naghihintay ng motor ay nagbabasa ako ng libro.
Di ako nakapag-post dahil wala akong gadget habang nasa probinsiya. Natutuwa naman ako't maraming bumisita sa homepage habang wala ako.
Di pa ako nakakapagbihis. Una ko nang inatupag ang Goodreads.
Izia, sana'y maging kasangkapan ang pangkat na ito upang mas ma-appreciate mo ang Filipino literature.
Mara, karamihan sa ating mga Pilipinong mas nagbabasa ng nobela sa ingles ay ganyan ang naunang pananaw. Pero kung bibigyan mo ng sapat na atensyon ang ating mga sariling aklat ay makikita mong may mga akdang mas maganda pa sa ibang bantog ng libro ng ibang mga bansa.
Julie, anong pinakapaborito mong sinulat ni Jessica Zafra?
Tuloy kayo sa pintuan ng Pinoy Reads Pinoy Books!
Kagaya ni Beverly, kagagaling ko rin sa biyahe. Habang naghihintay ng motor ay nagbabasa ako ng libro.
Di ako nakapag-post dahil wala akong gadget habang nasa probinsiya. Natutuwa naman ako't maraming bumisita sa homepage habang wala ako.
Di pa ako nakakapagbihis. Una ko nang inatupag ang Goodreads.
Izia, sana'y maging kasangkapan ang pangkat na ito upang mas ma-appreciate mo ang Filipino literature.
Mara, karamihan sa ating mga Pilipinong mas nagbabasa ng nobela sa ingles ay ganyan ang naunang pananaw. Pero kung bibigyan mo ng sapat na atensyon ang ating mga sariling aklat ay makikita mong may mga akdang mas maganda pa sa ibang bantog ng libro ng ibang mga bansa.
Julie, anong pinakapaborito mong sinulat ni Jessica Zafra?
I dunno how this works, I hope am doing the right thing here KD :D Hi everyone, ako po si Charles, isang malapit na kaibigan ni KD. Am so glad I found this group supporting for the Filipino literature writers. I hope I get to know all of you here guys. cheers!
KD, lubhang mahirap po yata tugunan ang inyong katanungan! Halos lahat ng kanyang libro ay aking gusto.bukod pa po dito,minsan ay nakakabasa din po ako sa blog nya. Ang kanyang pagiging radical,sarcastic at visionary (sa kanyang kabaliwan sa world domination) ang ilan sa mga katangian na talaga namang kumiliti sa aking isipan. Maaaring ganito din ang epekto ng mga sulating ng ilang lokal na manunulat na lokal ngayon. Nais ko sila makilala! Syempre,ako'y nagawi na sa mga sulat ni Bob Ong (sino nga ba ang hindi), Eros Atalia at Lourd de Veyra. Hindi naman ako nanghinayang sa ginugol kong oras upang basahin ang mga gawa nila. Sya nga po pala, nais ko din po sana humingi ng tulong sa paghanap ng mga libro na maaari kong bilhin online.wala ho kasi ako diyan, at kating kati na makabasa na uli ng tagalog.na libro. Maramings salamat po!
Daddy K.D tama po kayo, sadyang hindi nabibigyang pansin ang mga librong lokal. Karamihan po kasi ng pinopromote na aklat sa mga sikat na bookstore dito sa atin ay mga ingles. Nagpapasalamat nga po ako dahil naging parte ako ng grupong ito. Nagkameron ako ng listahan kung ano-ano ang aking mga babasahin at bibilhin.
Charles at Julie, Welcome! Julie, ako binabasa ko ang mga essays ni Jessica sa bookstores dati pero di ko nabibili. Haha. Katulad mo, minsan ay gusto kong bumili ng libro online dahil nga sa kakulangan ng bookstore at library sa lugar ko.
Maganda siguro mag-open ng thread para sa mga web addresses ng mga online local book seller.
Charles, sana po meron may magandang kalooban dito na magbenta (o magbigay?) ng used books nila na pwede ipadala dito sa akin (AUS).mapagkakatiwalaan naman po ako at marunong magbayad. hehe. :)
Julie, pag meron kang gustong libro, ilagay mo sa wish list folder mo. Pag may kamaganak kang umuwi at pabalik na dyan, at nabasa ko na, baka ibigay ko na lang sa iyo.
Pero maganda ang mungkahi ni Ryan na mgalagay ng web addresses ng mga online local book seller para doon ka na lang bibili pag di ka na makapagahintay ng libreng kopya mula sa akin.
Maganda ngang magsulat si Jessica Zafra. Marami na lang ngang librong nasulat niya kaya't naisip kong humingi sa iyo ng rekomendasyon.
Mara anak, oo. Kaya't sana ay maging prioridad mo na ang Pinoy books. Kailangan nating tulungan ang ating mga kababayan na sumusulat at naglilimbag ng mga aklat dito sa Pilipinas. Bukod sa mag naiintindihan natin ang ating sariling bansa, kultura at kasaysayan, nakatutulong din tayo sa mga Pilipinong nagtratrabaho sa industriya ng palimbagan.
Pero maganda ang mungkahi ni Ryan na mgalagay ng web addresses ng mga online local book seller para doon ka na lang bibili pag di ka na makapagahintay ng libreng kopya mula sa akin.
Maganda ngang magsulat si Jessica Zafra. Marami na lang ngang librong nasulat niya kaya't naisip kong humingi sa iyo ng rekomendasyon.
Mara anak, oo. Kaya't sana ay maging prioridad mo na ang Pinoy books. Kailangan nating tulungan ang ating mga kababayan na sumusulat at naglilimbag ng mga aklat dito sa Pilipinas. Bukod sa mag naiintindihan natin ang ating sariling bansa, kultura at kasaysayan, nakatutulong din tayo sa mga Pilipinong nagtratrabaho sa industriya ng palimbagan.
Daddy K.D Opo itay! Ngayon nga po ay nagsisimula na ko magbasa ng mga Pinoy books. Yung ibang libro sa listahan ko ay wala naman sa NBS na malapit dito samin. Nagrequest na nga din po ako kay Kuya Dan ng Bookay-ukay ng ibang Pinoy books.
Mara anak, marami ngang self-published books sa Bookay Ukay. Napakaganda nang ginagawang iyan ng Bookay upang bigyang daan ang mga manunulat na kabataang Pinoy.
Tama kayo dyan Daddy K.D. Pag lumuwas ako balak ko pong pumunta sa bookay. Yung mga libro ko po kasing binibili sakanila ay puro padeliver lang dahil hindi ko alam kung pano pumunta sa store nila. Baka maligaw ako.
KD, Naku Salamat po. :) hmmm..ang cover ng libro ni J.Zafra na tumatak sa isip ko ay Tw7sted (kasi color pink) hehe. bukod sa kulay nito, may ilang essays doon na mga ilang segundo ako tumawa. kaso sa dami na po ng librong nabasa nyo, baka nabilang na ito doon. kakaorder ko lang po sa NBS online. siguro kung sa Pinas pa po ako nagttrabaho, ang sakit sa bulsa ng charge nila. pero sinulit ko na po, 5 local na libro ang binili ko, ung ibang gusto ko wala silang stock. kaya magandang pamasko po yung alok nyo na maglagay sa wishlist ko dito.
Mara anak, pag lumuwas ka at may balak kang pumunta sa Bookay. Pagpasabi ka nang maaga pa at baka kung libre ako'y samahan kita. Para di ka maligaw at makita ka naman ng inang mo.
Julie, oo naman. Tuwing Christmas break ay naglilinis ako ng bookshelves at dini-dispatsa ang mga doble-dobleng kopya at yong mga di ko na gustong itabi pa. Madalas may mga Pinoy Books doon.
Julie, oo naman. Tuwing Christmas break ay naglilinis ako ng bookshelves at dini-dispatsa ang mga doble-dobleng kopya at yong mga di ko na gustong itabi pa. Madalas may mga Pinoy Books doon.
Talaga Daddy K.D, sasamahan ninyo ako? Sige po, pag lumuwas ako sasabihan ko kayo ng maaga para makapag set po tayo ng date. Gusto ko na din po kayo makita ni Inang. Ipapakilala ko din po kayo sa aking nobyo.
Laging bukas ang tahanan natin sa iyong kasintahan, Mara anak. Lalong lalo na kung magdadala siya ang talisayin.
Daddy KD, meron kami sa farm. Susubukan ko kung ako ay makakapagdala. Tatalian ko na lamang para hindi makawala sa bus.
Daddy KD pde rin ba ako sumama sa bookay-ukay hindi pa ako nakapunta roon. Pde ko rin ba ipakilala ang aking...
(view spoiler)
Po wrote: "Daddy KD pde rin ba ako sumama sa bookay-ukay hindi pa ako nakapunta roon. Pde ko rin ba ipakilala ang aking...
...nobyo! haha boom! joke...
Nakaka-inggit naman si Ate Mara bukod sa matulungin ..."
Haha! Sige KUYA Po, sama ka samin sa Bookay pag natuloy kami :)
Hala, kuya talaga. Magagalit yon. Kasi Starstruck Batch 1 yan at ayaw pang gumanap ng Tatay roles sa teleserye.
Artista si Po. Pag na meet mo yon, baka ma-in love ka at makalimutan mo ang BF mo. Sabagay Mara anak, nasa estado ka na naman at puwedeng mamili sa kanilang dalawa. Masaya ako basta't masaya ka rin.
K.D. wrote: "Artista si Po. Pag na meet mo yon, baka ma-in love ka at makalimutan mo ang BF mo. Sabagay Mara anak, nasa estado ka na naman at puwedeng mamili sa kanilang dalawa. Masaya ako basta't masaya ka rin."Haha! The best ka talaga, Itay! Muntik ako masamid sa sinabi ninyo. Saka na ko mamimili pag nakita ko na si Po. Hehe..
Kapag nakita mo si Po, sabihin mo lang at puwede na siyang mamanhikan at manilbihan sa atin. Kailangan nating ng taga-igib ng tubig at taga-sibak ng kahoy na panggatong.
K.D. wrote: "Kapag nakita mo si Po, sabihin mo lang at puwede na siyang mamanhikan at manilbihan sa atin. Kailangan nating ng taga-igib ng tubig at taga-sibak ng kahoy na panggatong."Itay, saan magiigib ng tubig? sa may poso ba o sa ilog pa? Kayang kaya naman yan ni Po. Masipag yan at maaasahan.
magandang umaga, tanghali, hapon, o gabi po sa inyoako po si Janssen ngunit ang tawag sa akin ng mga kapamilya ko ay Jazz.
Mukha namang isang malaking pamilya to kaya Jazz na lang po ang itawag niyo sa akin:)
ang mga paborito kong manunulat:
Lualhati Bautista
Resty Mendoza Cena
Lourd De Veyra
Eros Atalia
Gerry Alanguilan
Salamat po sa pag-imbita niyo sa akin:)
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...









Lyra, nabasa mo na ba iyong Walong Diwata ng Pagkahulog?"
Hindi pa po. HEhe... Sino po ba writer?