Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 2,401-2,450 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 2401: by Elle (new)

Elle (1618) | 1 comments Hi!


message 2402: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Hello Fiele! Kamusta ka? Pakilala ka naman! :)


message 2403: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments maligayang pagdating sa inyong lahat!

Para sa mga bagong kasapi, punta tayo sa ating dalawang christmas party hehehe....

Hello, mga kakuweba. Pupunta po kami ni Kuya Doni at Juan (at malamang ni azee), Po, Jzhun at biena sa BLTX, sa may Lopez Museum, Ortigas. Magkakaroon po tayo doon ng table (PRPB table) para sa pagbebenta ng mga libro. libre po ang entrance dito at 9am to 5pm ang buong event. bale, ang orihinal na plano ay doon tayo magdadaos ng Christmas Party. anytime puwedeng magpunta, andun lang ang table natin, para may base tayo, puwedeng maglibot nang bongga sa iba pang booth/tables, iwan nyo lang ang gamit nyo sa amin (baggage counter ang peg). kahit ilan ang dalhin o isama, puedeng puwede.

free and open to the public po ang BLTX.

magdadala ako laptop para sa pag iimbita ng pag-like ng mga tao sa ating FB page.

konti lang daw ang nagsabi dito sa mga thread na makakarating sa BLTX. sana pilitin nating makarating. ito po ang underground scene ng book publication sa metro manila at iba pang malalapit na lalawigan. so interesting din na makilala nyo ang mga upcoming authors na ito. puwede rin natin silang maimbita dito dahil malamang readers din ang mga yan. makikilala rin natin ang ibang Pinoy authors and illustrators. At marami din sa kanila, upcoming content creators sa Pinas (read: writers).

medyo friendly rin itong lugar na ito dahil nasa Ortigas siya. medyo gitna. Para sa mga magmumula sa South, mas accessible ito.


Kung di makakarating sa BLTX, after that, dito tayo sa bahay namin, mga 530pm to 6pm ang dating namin. bale magkakasama kami nina KD papunta dito sa bahay: 128 k-8th street, kamias, QC ang address ko. 0919-3175708, text lang sa akin pag me tanong ha.

pot luck pa rin tayo, both sa BLTX at sa bahay namin. oks ba?

magprepare ako ng games sa BLTX at ganun din sa bahay.

Malibrong Pasko sa ating lahat, mga kakuweba! Patuloy lang po tayo sa pagtangkilik ng akdang Pinoy!

kelan magaganap ang exchange gift? baka puwedeng dalawang beses? isa para sa lahat ng pupunta sa bltx at yung isa, sa bahay gaganapin.

sa exchange gift, kahit anong may kinalaman sa pagbabasa, yan na ang theme. para di mahirap sa atin. walang minimum, walang maximum na kadatungan sa pagreregalo. ang peg, kung ano ang gusto mong matanggap, yan ang ipanregalo. oks ba? tapos bunutan na lang dun sa venue kung saan tayo magpang-abot.

mas mahaba ang ating christmas party! at hindi lang isang venue! dalawa pa. sulit na sulit, mahal naming kakuweba. punta na!!!


message 2404: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments please text me for directions mga kakuweba, mabagal lang ako magreply dahil luma na celphne ko :( actually flashlight yun na may keypad.ehehe

0919-3175708

by the way, mga 6pm po ang dating namin sa bahay, dinidiscourage ko ang pagpunta nang mas maaga duon sa bahay kasi parang lahat ng kasama ko sa bahay ay bitbit ko sa bltx at booth naten. pampadami ba? hhahaha

:( so ayun kitakits!


message 2405: by Angela Marie (new)

Angela Marie (misslarie_09) | 1 comments Member na po ako since September (after Aklatan 2013), pero ngayon lang ako makakapagpakilala. Simula ngayon, susubukan ko pong maging aktibo sa mga diskusyon at iba pang gawain ng grupo.

Pangalan: Angela Marie. Pwede n’yo po akong tawaging Angela, Angge, Angie or Anj. Kayo na po ang bahala.

Paboritong Manunulat na Lokal: Ricky Lee, Bob Ong, Bebang Siy, Noreen Capili (manunulat mula sa ABS-CBN, at may-akda ng “Parang Kayo, Pero Hindi”-Anvil Publishing), at Coleen Anne de Chavez (manunulat na nagsimula sa internet; freelance writer ng Summit Media)

Paboritong Librong Lokal: “Noli Me Tangere”ni Dr. Jose Rizal, “Para kay B” ni Ricky Lee, “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong, “If I Fall” ni Coleen Anne de Chavez (self-published; kwento mula sa Wattpad)

Paboritong Maikling Kwento: “Geyluv” ni Honorio Bartolome de Dios

Bakit sumama sa group: Bukod sa pagtugon sa imbitasyon ni Ms. Bebang Siy noong Aklatan, sumali ako sa grupo dahil gusto kong maging mas marami pa akong matuklasang mga babasahing gawa ng mga Pilipino. Isa pa, gusto ko ring makiisa sa pagpapalaganap ng panitikang Pilipino (naniniwala akong maraming Pilipinong manunulat, kilala man o nagsisimula pa lamang, ang magagaling at dapat na ipagmalaki). At huli, gusto kong matuto sa mga myembro, hindi lang sa pagpili ng mga babasahin kundi sa pagsusulat. (Umaasa rin akong may mga taong tutulong sa akin sa pag-improve ng aking pagsusulat.)

PS. Bata pa lang mahilig na po akong magbasa, pero dumaan din ako sa panahong kinatamaran ko na ang pagbabasa (bukod sa textbooks). Pero simula nang pumasok ako sa kolehiyo at naging exposed sa internet fiction, nagbalik-loob ako sa pagbabasa. Marami pa akong hindi nababasa at gusto pang basahin, sana matulungan nyo ako para makabawi-bawi. Hihi. ^_^


message 2406: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Angela Marie wrote: "Member na po ako since September (after Aklatan 2013), pero ngayon lang ako makakapagpakilala. Simula ngayon, susubukan ko pong maging aktibo sa mga diskusyon at iba pang gawain ng grupo.

Pangala..."


Hi Anj! Welcome! Thank you so much for joining us! :) Masaya ako dahil madadagdagan tayo ng aktibong miyembro. Sana ay mahanap mo ang iyong mga hinahanap rito. :)

Marami tayong mga aklat na kasalukuyang binabasa at babasahin. Sana ay makisabay ka sa amin. ^_^


message 2407: by Tsina (new)

Tsina Cajayon (ohimesama) | 45 comments Angela Marie wrote: "Member na po ako since September (after Aklatan 2013), pero ngayon lang ako makakapagpakilala. Simula ngayon, susubukan ko pong maging aktibo sa mga diskusyon at iba pang gawain ng grupo.

Pangala..."


Welcome to PRPB Angela....

uyy nakikiWelcome na ako... :P


message 2408: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagdating, Angela Marie!
Makatulong nawa ang PRPB upang makatuklas ka pa ng iba pang Pinoy manunulat na iyong kagigiliwan. Yey! :)


message 2409: by Phoebe (last edited Dec 27, 2013 07:42PM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Fiele & Angela! :)


message 2410: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Tsina wrote: " Welcome to PRPB Angela....
uyy nakikiWelcome na ako... :P"


Naman! Hahaha! :D


message 2411: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Tuloy ka at salamat sa pagsali, Angela! Bisitahin mo yung mga Thread natin na napaka-interesante at pwedeng pwede kang sumali sa usapan. Go!


message 2412: by Trish (new)

Trish Lleone (tklleone) | 16 comments Jhive wrote: "Maligayang pagsali Jenifer, Trish, Tsi, Neil at Lily!!!"


Salamat, Jhive!
Hello sa lahat! Maligayang Kapaskuhan sa bawat isa. :)


message 2413: by Trish (new)

Trish Lleone (tklleone) | 16 comments Ay sya nga pala, kung may mapadpad man sa inyo dito sa Pampanga, nandito lang ako sa tabi tabi :) Feel free to let me know, mura lang naman ang 3-in-1 na kape hahahah!


message 2414: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Maligayang pagsali, Angela! :D


message 2415: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Welcome Angge!! :D Sabay-sabay tayong mainlove lalo sa Phil Lit! :D


message 2416: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Angela, tuloy ka sa ating kweba! Welcome! :)


message 2417: by William (new)

William M. II | 79 comments maligayang pagdating angela.


message 2418: by Tsina (new)

Tsina Cajayon (ohimesama) | 45 comments jzhunagev wrote: "Tsina wrote: " Welcome to PRPB Angela....
uyy nakikiWelcome na ako... :P"

Naman! Hahaha! :D"


masarap din pala sa pakiramdam ang iwelcome ang mga bago.. :)


message 2419: by Josephine (last edited Dec 28, 2013 08:04AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Tsina wrote: "jzhunagev wrote: "Tsina wrote: " Welcome to PRPB Angela....
uyy nakikiWelcome na ako... :P"

Naman! Hahaha! :D"

masarap din pala sa pakiramdam ang iwelcome ang mga bago.. :)"


I agree, Tsi. Pero mas masarap kapag nagiging active sila. :) ahaha! Kaya happy ako na nagko-comment ka.

Looking forward to reading your comments on other threads, everyone! ^_^


message 2420: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Welcome sa mga bago! Ako si Chibivy! Hahaha


message 2421: by Trish (new)

Trish Lleone (tklleone) | 16 comments Magandang araw! Inaanyayahan ko kayo na makisaya sa gaganapin na ONLINE Book Launch para sa Finding Anna itong darating na Martes, 4 Pebrero, sa tulong ng Facebook. Nasa Amazon Best Sellers List na po ang libro at syempre, dahil dyan may mga ipamimigay na papremyo! :)

Eto ang link para makasali: https://www.facebook.com/events/76717...

Salamat!


message 2422: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hello, sa mga bago nating kakuweba!

happy chinese new year sa ating lahat!


message 2423: by Karlo Mikhail (last edited Mar 26, 2014 06:48PM) (new)

Karlo Mikhail (karlomongaya) | 21 comments Pangalan: Karlo Mongaya

Mga Paboritong Manunulat na Lokal:
Lualhati Bautista, Gelacio Guillermo, Axel Pinpin, Mayamor, Joi Barrios, Jose Corazon de Jesus, Amado Hernandez, atbp.

Paboritong Librong Lokal:
Desaparesidos ni Lualhati Bautsita, Agaw-Dilim, Agaw-Liwanag ni Lualhati Milan-Abreu, Muog: Ang Naratibo ng Kanayunan sa Matagalang Digmang Bayan sa Pilipinas, Feast and Famine: Stories of Negros ni Rosario Cruz Lucero, Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero, atbp.

Bakit sumama sa group:
Di ako sang'ayon sa patakaran na iwasan ang politika dahil lahat naman ng bagay ay pulitikal--kabilang na ang pagpili ng babasahin.

Sa tingin ko, mahalaga rin ang kritisismo kapag may batayan. Sa ganitong paraan lamang uunlad ang kalagayan ng panitikan sa ating bayan.

Pero dahil sa pangkalahatan ay maganda naman ang tunguhin ng grupo, sumama na rin ako dito pagkatapos imbitahin ni K.D.

Gusto ko ang politika ng pagtangkilik ng mga akdang sulat ng kapwa natin Pinoy.

Magandang hobby ang pagbabasa.


message 2424: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Tuloy ka sa kweba, Ser Karlo Mikhail Mongaya! Salamat sa pag-anib.

sang-ayon ako sa iyong tinuran. hindi naman kasi mawawala ang politika at kritisismo lalo na sa taong nag-iisip, nagoobserba, nagkukumpara sa mga bagay-bagay sa kanyang lipunan pero sadyang may taong ayaw nito..


message 2425: by Karlo Mikhail (new)

Karlo Mikhail (karlomongaya) | 21 comments Maraming salamat, Juan.


message 2426: by Jamie (new)

Jamie Ampon :) (jeymwi) | 1 comments Hello po ako si Jamie, 15 years old.
Matagal-tagal na rin po akong nagbabasa pero kakaunti pa lamang ang mga Philippine Literature na nabasa ko.

Paborito ko si Benjamin P. Pascual :) super nagagandahan po kasi ako sa istilo ng pag susulat niya.

Sumali po ako dito dahil gusto ko po ma expose at makahanap ng magandang babasahin na filipino. yun laaaang


message 2427: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Salamat sa pagsali, Karlo at Jamie!!


message 2428: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Karlo, sa wakas, pinaunlakan mo rin ang paanyaya ko!!! Salamat. Kahit noong unang nagbabasa-basa pa lang ako ng Pinoy books, nakikita ko na ang profile pic mo. Sabi ko, sana makausap rin kita. Welcome to PRPB. Sana maging daan ito para makapag-discuss tayo, online or in person!!!


message 2429: by K.D., Founder (last edited Mar 29, 2014 05:51PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jamie wrote: "Hello po ako si Jamie, 15 years old.
Matagal-tagal na rin po akong nagbabasa pero kakaunti pa lamang ang mga Philippine Literature na nabasa ko.

Paborito ko si Benjamin P. Pascual :) super nagag..."


Jaime, ako rin!!! Dalawang Pascual (sana tama ako dahil dalawa ang manunulat na ganyang pangalan pero magkaiba ang middle initial) na yata ang nabasa ko. Yong "Lalaki sa Dilim" at "Babaeng Misteryosa." Magkaiba ang istilo nya sa dalawang libro. Seryoso yong una. Patawa yong pangalawa. Pero parehong maganda!!!

Welcome sa PRPB! Sana maging aktibo ka rito sa mga threads.


message 2430: by Tuklas Pahina (TP) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Magandang araw sa pagsali sa PRPB Karlo at Jamie.


message 2431: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magandang umaga mga kakweba! Summer na summer na talaga!

Salamat, Jamie sa pag-pasok sa kweba!(PRPB) Ikinagagalak ka naming makasama! Marami ka ditong makikitang bababasahing Pinoy na paniguradong swak sa panlasa mo! Enjoy lang sa pagbisita sa mga thread natin and feel free sa pagse-share ng opinion, ideas at maging tanong. :D


message 2432: by Karlo Mikhail (new)

Karlo Mikhail (karlomongaya) | 21 comments K.D. wrote: "Karlo, sa wakas, pinaunlakan mo rin ang paanyaya ko!!! Salamat..."

Maraming salamat din sa imbitasyon. Sa Iloilo ako nakabase ngayon. E baka sa susunod na mga buwan e ibang lugar naman. :)


message 2433: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Karlo Mikhail wrote: "K.D. wrote: "Karlo, sa wakas, pinaunlakan mo rin ang paanyaya ko!!! Salamat..."

Maraming salamat din sa imbitasyon. Sa Iloilo ako nakabase ngayon. E baka sa susunod na mga buwan e ibang lugar nama..."


Sige, pag napasyal ka sa Maynila, meet up tayo.


message 2434: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Hi Karlo at Jamie! Welcome dito sa kweba! Sana maging aktibo kayo~ Marami tayong iba't ibang threads dito, explore explore nyo lang yung group. :)

Hi Jamie, Ang Kalupi pa lang na Benjamin Pascual ang nababasa ko. Haha. Declamation piece nung first year high school ako


message 2435: by Ken (new)

Ken Gabriel | 2 comments Kenneth Gabriel

uhm...ehh..
maliban po sa mga libro na pinapabasa nung nasa elementarya at highschool at kolehiyo, at kay bob ong, PM medina, pati na rin ang trese series, at konting libro ni Nick Juaquin, ay wala na po ako na nababasang libro na gawang pilipino.

Ngayon po ay binabalak ko na basahin ang librong pinoy na sulat ng pinoy authors

meron po ba kayo na maibabahagi sa akin na libro na pwede kong simulan

salamat po


message 2436: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ken, simulan mo doon sa mga nabasa na namin kagaya ng "It's a Mens World" o yong "Poon" o yong "Walong Diwata ng Pagkahulog." Lahat yan madaling hanapin sa National Book Store o sa mga libraries.

Welcome ka rito sa PRPB. Sana maging aktibo ka.


message 2437: by [deleted user] (new)

Pangalan: Jayson Fajardo pero Epoy na lang tawag niyo sa akin

Mga Paboritong Manunulat na Lokal (so far): Jose Rey Munsayac, Bebang Siy , Norman Wilwayco,Luis Gatmaitan, Rene Villanueva, Fanny Garcia

Mga Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere, Ang Unang Baboy sa Langit, Duguang Kamay sa Nilulumot na Pader,Dumot

Mga Paboritong Maiikling Kuwento: "Gilingang-Bato" ni Edgardo M. Reyes,”Paputian ng Laba”ni Allan Derain

Bakit sumama sa group: Digs, digs lang para may makasama naman ako sa pagbabasa ng book by Filipinos. Nakakasawa kasi yung mga taong nagsasabing walang originality ang mga Filipino. Halimbawa panget daw lahat ng comics natin. Ang tanong nabasa na ba nila ang Trese,Kikomachine, Pugad Baboy etc. etc.
Siyete ang emo! Sigh! Ang haba nito....... Basta yun na lang po. Para may ka-join sa pagbabasa ng mga Filipino books na sa totoo lang magaganda talaga lalo na kung tungkol sa Masa.
Wanted textmate!


message 2438: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jayson, ikaw pala yong na-meet namin kahapon sa launching ng Janus Silang hehe!

Welcome. Welcome. Sa sobrang busy ko di ko pala na-acknowledge itong intro mo rito kaya di kita na-recognize kahapon. Itatanong ko pa naman sana kung ano ang example na novel sa Tagalog ng paborito mong genre: transgressive :)


message 2439: by Anna (new)

Anna | 18 comments Welcome po sa lahat ng bagong miyembro! ^_^


message 2440: by [deleted user] (last edited May 25, 2014 06:16AM) (new)

Hello po Sir KD. Pasensiya na po at hindi ako nakasama sa kuwentuhan ninyo sa food court. Pero salamat po sa pag-welcome. So far po Yung Mondomanila ni Wiway yung gusto kong Transgressive Fiction sa Pilipinas. Hindi ko po sure kung Transgressive yun mga likha ni Alan Navarra. Tapos yung Mga Agos at yung mga author nun may pagka-realize kasi sila kaya ang hirap i-categorize as Transgressive.
Kadalasan po mga anthology yung mga nakikita ko na puwedeng i-categorize na ganiyan sa Pilipinas. Yung tipong pang third world tulad sa mga anthology ng Ungaz at yung mga author ng Supot.

Salamat po ulit :)
Padayon!


message 2441: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pag-anib katukayong, Jayson! :)


message 2442: by [deleted user] (new)

Daghang Salamat jzunagev.
Padayon!


message 2443: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Welcome Jayson!!


message 2444: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Welcome kay (kuya?) Kenneth at (kuya?) Jayson hahaha sana makasama namin kayo sa mga events at field trips at book discussions dito sa Goodreads! :D


message 2445: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jayson wrote: "Hello po Sir KD. Pasensiya na po at hindi ako nakasama sa kuwentuhan ninyo sa food court. Pero salamat po sa pag-welcome. So far po Yung Mondomanila ni Wiway yung gusto kong Transgressive Fiction s..."

Pareho pala tayo, Jayson. Gusto ko rin yang transgressive hehe!


message 2446: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chibivy wrote: "Welcome kay (kuya?) Kenneth at (kuya?) Jayson hahaha sana makasama namin kayo sa mga events at field trips at book discussions dito sa Goodreads! :D"

Tama si Chibivy, Jayson. Kailangan namin ng mga newbies na kagaya mo para sumigla ang grupo. Nakakasawa na si Ibyang hehe! *peace* :))))))


message 2447: by [deleted user] (last edited May 26, 2014 09:47PM) (new)

K.D. wrote: "Jayson wrote: "Hello po Sir KD. Pasensiya na po at hindi ako nakasama sa kuwentuhan ninyo sa food court. Pero salamat po sa pag-welcome. So far po Yung Mondomanila ni Wiway yung gusto kong Transgre..."

Eh di exciting po kung ganun. :) At nakita ko nga rin po yung bookshelves niyo. At ang cool lalo na yung Philippine Children's Literature na books, interest ko rin po yun.
Kita kits na lang po sa mga activity.


message 2448: by [deleted user] (new)

Chibivy wrote: "Welcome kay (kuya?) Kenneth at (kuya?) Jayson hahaha sana makasama namin kayo sa mga events at field trips at book discussions dito sa Goodreads! :D"

Salamat Chiviby. Padayon! :)

Swear sasama ako sa mga event niyo. Possible na may mga isasama rin ako. :)


message 2449: by [deleted user] (last edited May 26, 2014 09:31PM) (new)

Clare wrote: "Welcome Jayson!!"

Salamat Clare

Padayon!


message 2450: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jayson wrote: "Chibivy wrote: "Welcome kay (kuya?) Kenneth at (kuya?) Jayson hahaha sana makasama namin kayo sa mga events at field trips at book discussions dito sa Goodreads! :D"

Salamat Chiviby. Padayon! :)

..."


Salamat, Jayson. Aasahan namin yan. :)


back to top