Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
message 2201:
by
Raechella
(new)
Aug 30, 2013 09:04PM
Maligayang pagsali Claudine! :)
reply
|
flag
claudine wrote: "hello po ^^ ako po si claudine mahilig ako magbasa ng illustrated books noong bata pa ako, isa sa paborito ko ay ang paglalakbay ni butirik ni a.c balmes at guhit ni kora albano.Mahilig rin ako s..."
welcome!! to the "kuweba" as they say...
Pangalan: CharisseMga Paboritong Manunulat na Lokal: Rizal, F. Sionil Jose, Lualhati Bautista
Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere, Dekada '70
Bakit sumama sa group: Nais ko pong makaalam at makabasa ng iba pang lokal na mga aklat, at upang makaambag na rin ng suporta sa lokal na literatura at sa mga manunulat ng ating bayan. :)
Maraming salamat sa pag approved. Pangalan ko po Angelo Delola. Isang dipa-published na awtor. Nakasulat na po ako ng ilang nobela in tagalog.Paboritong manunulat: Jose Rizal (Noli at Fili), Nick Joaquin, Francisco Colayco (Pisobilities), Bog Ong, Karl de Mesa, Mga lumang komiks(Funny komiks), Pugad baboy, slice of life ni Larry Alcala at marami pang iba...
Hi Charisse! Isa kang kapanalig! Maraming adik dito kay FSJ. Ako, si KD, si Ayban, si Jzhun at may iba pa dyan, ayaw lang ipahalata hahaha.Hello Angelo! Sana mabasa namin ang libro mo!
Welcome sa inyong dalawa!
Angelo, pakita ka sa amin sa Sept 22. May walking tour kami sa Halcon-Calavite Sts. kung saan tumira si Rene O. Villanueva noong bata pa sya. Hehe. 59th birthday nya ang araw na iyo (kung di sana sya pumanaw na).
Welcome ulit. Feel at home ka dito sa ating kuweba (reading cave). :)
Welcome ulit. Feel at home ka dito sa ating kuweba (reading cave). :)
K.D. wrote: "Angelo, pakita ka sa amin sa Sept 22. May walking tour kami sa Halcon-Calavite Sts. kung saan tumira si Rene O. Villanueva noong bata pa sya. Hehe. 59th birthday nya ang araw na iyo (kung di sana s..."mag lalakad talga kau kuya?!?!?!
wow...gusto ko sumama!!!!!
matagal tagal na rin ako hindi na gagawi sa lugar na iyan...almost 15 yrs? hnd ako sure the last time na pumunta ko Manila i wa just 16 yrs old....hehehhe
Hello guys.Salamat po sa mainit na pagbati kay, KD, Phoebe, Raechella, Juan, Johan Patrick, Biena, thanks. i feel at home agad...Welcome to Charisse. @ KD, gusto ko sana magpakita kaso may opis event kami sa date na yun (22) kung may event ng 14-15? Grabe pala ang mga akda ni Rene Villanueva! @ Biena yung first book ko po ay pwede mo mabasa sa website. FREE lang as ebook. http://www.kidlap.com
OO, ako nga po...hehehe...welcome and thank you rin sa pagfollow...Si kidlap ay ang bidang karakter ko sa unang aklat na nagawa ko ang MAHARLIKA.
Nakita ko website mo Ms. Biena...Im amazed! nag rereview ka ba ng books? Sana po yung mga books ko rin...Maari mo rin bang tirahin? LOL...joke lang po. peace po
Angelo, may printed version ba ang libro mo. Saan nabibili? O kaya bilhin ko sa yo. Kita tayo kung kelan ka libre. Para ma-convince din kita na maging aktibo sa grupong ito. Kailangan natin suportahan ang Pinoy books! :)
Magandang Umaga po.Pangalan: Aicee,22
Paboritong manunulat na lokal: Jose Rizal, Bob Ong, Lourd de Veyra
Paboritong librong lokal: Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Mga libro ni bob ong at lourd
Bakit sumama sa group: Nais ko po kasi na maengganyo magbasa ng mga pilipinong libro at hindi ko alam kung ano yung mga magandang basahin dahil ang nababasa ko pa lang po ay yung mga ni-rerequire sa school na Pinoy books at yung mga nakakatawa. Nagsusulat din po ako kaso english po ang lengwahe. Gusto kong maging seryoso sa pagtangkilik sa gawang Pilipino at kailangan ko po ng tulong. Salamat po
Aicee, tuloy ka sa ating kuweba (reading cave) hehe!
Paborito ko rin ang mga nabanggit mo kaso di pa ako nakakasubok ng Lourd de Veyra.
Mag-aktibo (o kahit may lurk ka muna) ka lang dito mae-engganyo kang magbasa ng Pinoy books. Sabayan mo kami sa pagbabasa ng Bones of Contention later this month.
Puwede ka pa rin magbasa ng ingles o magsulat sa ingles. Gaya ng "Bones of Contention" nagbabasa rin kami rito ng ingles na mga aklat basta pinoy ang nagsulat.
Feel at home ha :)
Paborito ko rin ang mga nabanggit mo kaso di pa ako nakakasubok ng Lourd de Veyra.
Mag-aktibo (o kahit may lurk ka muna) ka lang dito mae-engganyo kang magbasa ng Pinoy books. Sabayan mo kami sa pagbabasa ng Bones of Contention later this month.
Puwede ka pa rin magbasa ng ingles o magsulat sa ingles. Gaya ng "Bones of Contention" nagbabasa rin kami rito ng ingles na mga aklat basta pinoy ang nagsulat.
Feel at home ha :)
Magandang umaga sa iyo Aicee! Kamusta?Salamat sa pag-anib sa grupo! maaari kang magbigay ng lahat ng naiisip mo patungkol sa ating Panitikan. May mga Pisi o thread tayo na pwede mong bisitahin. Siguradong may sasagot at makakapalitan mo ng kuro-kuro at kahit kulitan lang! Masaya dito pramis!
K.D. wrote: "Aicee, tuloy ka sa ating kuweba (reading cave) hehe!Paborito ko rin ang mga nabanggit mo kaso di pa ako nakakasubok ng Lourd de Veyra.
Mag-aktibo (o kahit may lurk ka muna) ka lang dito mae-engg..."
Kasalukuyan pong dumudugo ang aking ilong bunga ng kalaliman ng inyong mga wika.At ang kweba. hehe ano na po ba yung binabasa ngayon? para po makahabol ako.
thanks po
Juan wrote: "Magandang umaga sa iyo Aicee! Kamusta?Salamat sa pag-anib sa grupo! maaari kang magbigay ng lahat ng naiisip mo patungkol sa ating Panitikan. May mga Pisi o thread tayo na pwede mong bisitahin. S..."
magandang umaga juan.ako'y tunay na nagagalak sa pag anib ko at kasalukuyang naghahanap ng mga pising makakalikot. salamat ^_^ Mukha nga pong masaya.. hehe
Aicee, nagbabasa kami at sabayang nagdi-discuss ng "Personal: Sa Lupalop ng Gunita" ni Rene O. Villanueva. Kaso, out of print na ito kaya wala kang mabibilhan. Pero puwede kang manghiram sa mga nakatapos na.
Heto ang bulak hehe. Tingala ka lang. Maampat rin yan.
Meron ding nagbabasa na Manila Noir. Pinangungunahan yan ni Jzhun (Jayson) na isa sa mga moderators ng grupo.
Heto ang bulak hehe. Tingala ka lang. Maampat rin yan.
Meron ding nagbabasa na Manila Noir. Pinangungunahan yan ni Jzhun (Jayson) na isa sa mga moderators ng grupo.
Kaso di pa tumatawag ang mga producers. 2pm na. 4pm ang call time actually. Baka naman 4pm eksakto hehe. Magpapasama ako kay Berto para may tagakuha ng picture hehe.
Juan, Mali nga. sorry naman he he. nga pala balak kong mag-ocular sa maragondon as martes, sept 17, raechella, sama ka?
Kuya D, may dala naman ikaw na car ano? Kung meron, magpapaalam ako sa asawa ko. Gusto kong sumama. ^_^
Jho, ii-invite nga sana kita. Kayo ni Raechella, bilang mga taga-Cavite, ang gusto kong kasama. Last week, bakasyon din ako (forced leave kasi patapos na ang fiscal year naguubos ng bakasayon), kaya pumunta ako sa Barasoain Church at tuloy dumalaw sa bahay ni Po. Sumama sa akin si Po mula Maynila kasi first time kong makarating sa Bulacan. Tapos doon sa Bulacan sumama sa amin si Patrick at Diane. Ayon, road trip. Pumunta pa kami sa Hagonoy na bumabaha pag high tide hehe. Enjoy lang. Kuwentuhan at kantahan habang nagba-biyahe. Kinabukasan, paos na ako.
So far, si Biena ang sasama mula dito sa Maynila. Si Berto, maybe pa. Ayoko rin ng marami. Puwede na siguro ito: lima tayo kung sakali. Kasama na si Raechella sa bilang. Ayoko rin ng marami. Matagal maglakad dahil sa hintayan. Aakyat tayo ng bundok eh.
So far, si Biena ang sasama mula dito sa Maynila. Si Berto, maybe pa. Ayoko rin ng marami. Puwede na siguro ito: lima tayo kung sakali. Kasama na si Raechella sa bilang. Ayoko rin ng marami. Matagal maglakad dahil sa hintayan. Aakyat tayo ng bundok eh.
KD, hindi pa napublish ang book ko. Ebook lang sya. nasa website. Kung gusto mo mabasa, download free. Post ko dito kung kelan libre ako. Sana lang may event kayo sa time na yun. :)
Tama ka Angelo. Ipinakita yan sa Aklatan noong isang Sabado. 2014 magkakaroon ng pelikula ang ABNKKBSNPLAko. :)
ako po si Cheska Lorraine Pascual Diaz, Nagpapakadalubhasa sa Pagiging Guro ng KAsaysayan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Noong hayskul gusto ko si Bob Ong at Mac Arthur ang Paborito ko sa Kanya. ngayon, di ko na alam ang definisyon ng salitang "paborito" haha dahil dito ko nalaman marami pa lang magagandang libro ang mga Pinoy/Pinay.
matagal na akong nagbabasa rito nahihiya lamang magpakilala.. dahil baka di komasundan ang thread pagkat wala kmeng net sa bahay at drn naman ako active sa kasalukuyan sa kung ano pa mang social networking sites. at nahihiya po talaga. haha
Unang Nakadaupang-palad ko na si Kuya Dony at Kuya Berto sa tulong ng aking kaybigan na si Chibivy at andto rin ang aking mga kamag-aral na sina Bane, Irene, at Aica, at nakita ko na rin ang iba sa Komikon. masaya.
sumali ako dito dahil mahal kong makipagkilala sa tao atmaimpluwensyahang magbasa. Unang beses ko mkipagkilala sa pamamagitan ng Social Networking Sites at makipag-kita ng personal, at masayang karanasan pagkat masaya at nkakabusog kasama (si Kuya Dony, Kuya Berto at Chibivy. hehe. XD)
muli. Magandang araw sa inyong lahat! XDD
mapa-sainyo ang ngiti lagi
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...





