Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 2,151-2,200 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 2151: by [deleted user] (new)

Camille wrote: "Magandang araw (o gabi)! Mejo baluktot ang Tagalog ko... pasensya po!

Matagal na ako hindi nagbasa ng aklat na Filipino kaya wala akong paborito. Naghahanap ako ng Filipino mythology dahil mahilig..."


WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG! ♥


message 2152: by Ronnan (new)

Ronnan Tristan (ronnantristan) | 6 comments Salamat Guys!

Sa ngayon pinagkaka abalahan ko ang pagpa copyright.
Medyo matrabaho, ganun siguro talaga pag indie. pero masaya naman.

Tanung ko lang: Sino ba mga indie writers dito?


message 2153: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Ang dami na palang bago. :)

Welcome sa inyo! Ako nga pala si Biena... ang muse isa sa mga pinakamagulo dito (if not, ako nga ata ang pinakamagulo dito.)


message 2154: by Jade (new)

Jade (gjdion) Maraming salamat sa inyo! Lalo na sa napakainit nyong pagbati at apagtanggap! Napaso ako dun ah :) pero sa magandang paraan :)) sisikapin kong maging aktibo dito. Gusto ko sanang magbasa ng panitikan o estoryang pilipino ang kaso wala akong mahanap dito eh. Ano ba ang mairerekomenda nyo na magandang basahin? Binabasa ko kahit ano kaya walang problema roon :)


message 2155: by Bong (new)

Bong | 275 comments Maligayang pagdating Jade. :)


message 2156: by Jade (new)

Jade (gjdion) Johan Patrick wrote: "Maligayang pagdating Jade. :)"

Maraming salamat :)


message 2157: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments G.Jade wrote: "Maraming salamat sa inyo! Lalo na sa napakainit nyong pagbati at apagtanggap! Napaso ako dun ah :) pero sa magandang paraan :)) sisikapin kong maging aktibo dito. Gusto ko sanang magbasa ng panitik..."

Try mo sumali sa book discussion ngayon, kaso wala nang mga copies ng Personal ngayon eh (ako din di pa makasali kasi manghihiram pa ko ng kopya). Pero tingnan mo yung bookshelf ng PRPB na dati nang napasali sa nakaraang book discussions. Maaari mo rin kaming i-add. Ako, profile ko, meron akong shelf ng mga Pinoy books. Makikita mo dun yung mga nabasa kong akda ng mga Pilipinong manunulat. :> (Pero kumpara sa ibang myembro dito, hindi pa ganun karami ang nababasa ko. Add mo rin as friend dito sa GR yung mga ibang myembro Ü)

Maligayang pagsabi ulit dito sa PRPB, (ate?) Jade! :>


~ Chibivy


message 2158: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments maligayang pagdating sa lahat!

Ronnan, si Reev, nakapag publish na baka makatulong siya sayo!

kumusta mga kakuweba?????


message 2159: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Magandang Araw Ms Bebang!


message 2160: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments helo juan! kamusta ka?


message 2161: by Juan (new)

Juan | 1532 comments ayos naman. Masaya dito sa PRPB!

Ikaw? kasama kayo mamaya sa kantahan? hehe!

natanong lang naman...


message 2162: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Juan wrote: "ayos naman. Masaya dito sa PRPB!

Ikaw? kasama kayo mamaya sa kantahan? hehe!

natanong lang naman..."


kakanta ka din maya Juan?


message 2163: by Juan (new)

Juan | 1532 comments mapupulis tayo dito.. dun tayo sa kabilang pisi.. hehe!


message 2164: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahaha! welcome welcome uli sa mga bagong kakuweba!


message 2165: by Jade (new)

Jade (gjdion) Ay anong kantahan yan? Sali ako! :D


message 2166: by Fantaghiro23 (new)

Fantaghiro23 | 28 comments Hello! Hindi ako sigurado kung saan ko pwedeng ilagay ito, kaya dito na lang muna.

Naghahanap na po kami ng volunteers para sa 2013 Filipino ReaderCon at sa Filipino Readers' Choice Awards! Kung gusto nyo pong mag-volunteer, punta lang po sa sign-up form.

Nais po namin liwanagin na ang ReaderCon at ang FRCA ay hindi po initiative ng isang book club o ng isang grupo lang. Sa katunayan, marami pong club, groups, at individuals ang nagtutulong-tulong upang maisakatuparan ang bawat ReaderCon. Kaya nga po lubos ang pasasalamat ko sa mga miyembro ng PRPB na nag-participate at nag-volunteer ng mga nakaraang ReaderCon. Ngayon na may PRPB na, inaasahan ko na makakatulong muli kayo.

Meron ho rin kasing book discussion sessions na naman sa ReaderCon na ito. May apat na slot na bukas. Ikatutuwa ko po kung isa sa mga slots na yon ay kunin ng PRPB para mai-discuss ang isang Filipino book. Wasak po iyon.

Yun lang po muna. Maraming salamat po, at sana makasuporta kayo para sa ikabubuti ng mambabasang Pinoy!


message 2167: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Mga Kakweba! Tara!!!


message 2168: by Reev (new)

Reev Robledo (reevrobledo) | 147 comments Beverly wrote: "maligayang pagdating sa lahat!
Ronnan, si Reev, nakapag publish na baka makatulong siya sayo!
kumusta mga kakuweba?????"



Hi Ms. (soon to be Mrs.) Bebang!

Did we just hear Honey say "Wasak"? :P


message 2169: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments Hello! bago lang ako dito sa grupo. kamusta kayong lahat? ako nga pala si Lance. 20 yrs old Mass Comm Journalism graduate. bukod sa english novels, mahilig din ako magbasa ng mga pinoy books at pinoy comics. idol na idol ko si budjette tan at manix abrera. sa mga pinoy novelists naman, paborito ko mga nobela ni F.Sionil Jose. nararamdaman ko madami pa kong malalaman na mga astig na libro dito sa grupo. :)


message 2170: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hullo Francis!

Gaya mo marami sa mga kasamahan natin ang idolo sina Budjette at Manix at FSJ.

Maligayang pag-anib! ^_^


message 2171: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Maligayang pagsali Francis! :)


message 2172: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Francis wrote: "Hello! bago lang ako dito sa grupo. kamusta kayong lahat? ako nga pala si Lance. 20 yrs old Mass Comm Journalism graduate. bukod sa english novels, mahilig din ako magbasa ng mga pinoy books at pin..."

Hello lance!! welkam sa grupo!!


message 2173: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments Hi Questian! natandaan ko name mo ikaw din yung nasa YA. haha hello! salamat sa pag welcome niyo :)


message 2174: by [deleted user] (new)

Hello po! Nakakahiya magpakilala dito kasi po mukha namang walang papansin sa akin... Hahahaha :) Hi hello, bago lang po ako dito :)))


message 2175: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments Erlinda Jean wrote: "Hello po! Nakakahiya magpakilala dito kasi po mukha namang walang papansin sa akin... Hahahaha :) Hi hello, bago lang po ako dito :)))"

Hi! bago lang din ako dito kakapakilala ko lang. :)


message 2176: by [deleted user] (new)

Uhm ganoon po ba... Nice to meet you po kuya Francis!!! :)


message 2177: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Francis wrote: "Hi Questian! natandaan ko name mo ikaw din yung nasa YA. haha hello! salamat sa pag welcome niyo :)"

pare naka kalat ako...wahahahaha


message 2178: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments Questian wrote: "Francis wrote: "Hi Questian! natandaan ko name mo ikaw din yung nasa YA. haha hello! salamat sa pag welcome niyo :)"

pare naka kalat ako...wahahahaha"


certified booklover ka pala talaga hahaha :D


message 2179: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments Francis wrote: "Questian wrote: "Francis wrote: "Hi Questian! natandaan ko name mo ikaw din yung nasa YA. haha hello! salamat sa pag welcome niyo :)"

pare naka kalat ako...wahahahaha"

certified booklover ka pala..."


yah!! kina kain ko ang libro...wahahahah..yung lang puro english book ang binabasa ko. curently, dalawa yung binabasa ko, or tatlo? bast... hehehehe


series junkie ako, tingnan mo na lng yung aklatan ko...wahahahha


message 2180: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Hi Erlinda! Welkam! :)


message 2181: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hi Erlinda! Ang ganda ng pangalan mo.
Maligayang pagdating sa PRPB! ^.^


message 2182: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Mainit na pagbati sa inyo, Francis at Erlinda! :)

Adik ako sa kikomachine haha.
P.S. yung Solo (clothing company) may collection ni Manix ;)
(ubusan ng pera haha)

Erlinda, di mauubos ang papansin sa'yo haha mawiwindang mundo mo ;)


message 2183: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Francis, maligayang pagsali sa ating pangkat. Mabuhay ang Panitikang Pinoy! Tagahanga rin ako ng seryeng Trese ni Budjette Tan.

Erlinda, tama si Phoebe. Mag-aktibo ka rito at siguradong patok ang pangalan mo. Magkakaroon yan ng maraming kakawing hehe.

Tuloy kayo sa kuweba (reading cave). Feel at home ha :)


message 2184: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments K.D. wrote: "Francis, maligayang pagsali sa ating pangkat. Mabuhay ang Panitikang Pinoy! Tagahanga rin ako ng seryeng Trese ni Budjette Tan.

Erlinda, tama si Phoebe. Mag-aktibo ka rito at siguradong patok ang ..."


curious ako sa kuweba na yan hindi ko alam kung term lang iyon para sa group page oh may isang mayaman na miyembro dito na ala bruce wayne na gumawa ng kuweba talaga para sa PRPB. hahaha


message 2185: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments Phoebe wrote: "Mainit na pagbati sa inyo, Francis at Erlinda! :)

Adik ako sa kikomachine haha.
P.S. yung Solo (clothing company) may collection ni Manix ;)
(ubusan ng pera haha)

Erlinda, di mauubos ang papans..."


talaga? sa lahat ba ng solo mayroon niyan? :)


message 2186: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Francis, termino lang yan hehe.


message 2187: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Malaigayang pagsali Francis/ Lance at sayo Erlinda :)


message 2188: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Francis, oo. sa sabado ang launching! yung kolesyon dati yung pupung :)


message 2189: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments Phoebe wrote: "Francis, oo. sa sabado ang launching! yung kolesyon dati yung pupung :)"

panibagong temptasyon nanaman para gastusin ang ipon. hahaha


message 2190: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments ganun nga hahaha


message 2191: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Francis at Erlinda! Tuloy at pasok kayo sa ating kuweba!

Maraming salamat sa inyong pagsali!


message 2192: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Erlinda. May kakilala naman akong Erlindo. Haha! :D


message 2193: by Francis (new)

Francis (mynameislance) | 17 comments salamat Juan! mukhang nahuli na ako sa sabayang pagbabasa niyo ngayon at mukhang mahihirapan na din ako kumuha ng kopya ng librong iyan. siguro sa susunod na sabayang pagbabasa makakasali na ako. :)


message 2194: by Fantaghiro23 (new)

Fantaghiro23 | 28 comments Juan wrote: "Mga Kakweba! Tara!!!"

Salamat, Juan! Sana nga makasali kayo.:)


message 2195: by Fantaghiro23 (new)

Fantaghiro23 | 28 comments Reev wrote: "Beverly wrote: "maligayang pagdating sa lahat!
Ronnan, si Reev, nakapag publish na baka makatulong siya sayo!
kumusta mga kakuweba?????"


Hi Ms. (soon to be Mrs.) Bebang!

Did we just hear Honey s..."


Ah, Reev, I have more such words in my armory.:P You'll see when we hang out more.:)


message 2196: by Anna (new)

Anna | 18 comments Welcome po sa mga bagong entra! :D


message 2197: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Maligayang padating sa mga bagong kasapi ng kweba! :D


message 2198: by Claudine (new)

Claudine Munoz (claudinemunoz) hello po ^^ ako po si claudine

mahilig ako magbasa ng illustrated books noong bata pa ako, isa sa paborito ko ay ang paglalakbay ni butirik ni a.c balmes at guhit ni kora albano.Mahilig rin ako sa mga alamat.

gusto ko ang mga gawa nina ricky lee(para kay b.), bob ong(abnkkbsnpl ako,stainless atbp.), manix abrera(kikomachine), Gerry Alanguilan (wasted),david hontiveros, at ang trese nina budjette tan at kajo baldisimo.

at marami pa akong gustong basahin ^__^.


message 2199: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Claudine! :)


message 2200: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Claudine, maligayang pagsali sa Pinoy Reads Pinoy Books! Sana ay maging aktibo ka rito. Yong mga nabanggit mo, maraming may paborito rin dito. Kaya sigurado akong marami kang magiging kaibigan sa amin. :)

Tuloy. Tuloy. Feel at home ha :)


back to top