Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
message 2101:
by
Nibra
(new)
Jul 14, 2013 09:57PM
Anagram yong "Regad"? So bale Edgar real name mo?
reply
|
flag
Ngayon ko lang nabasa ang topic na ito ah!Pangalan: Anna Charisma S. Sabiduria
Mga paboritong manunulat: Bob Ong, Eros Atalia, Lualhati Bautista, Jason Benedicto,Jun Cruz Reyes at Manix Abrera (gusto ko pang makakilala ng maraming author at maraming libro)
Paboritong Librong Lokal: Ang mga kaibigan ni Mama Susan, Ligo na u Lapit na me
Bakit sumama sa group na ito? : Marami akong kaibigan pero hindi kami masyadong nagkakatugma pagdating sa mga libro.. gusto kong may makasamang alam kong makakakwentuhan ko pagdating sa ganitong mga bagay kung kaya, dahil na rin sa pag-imbita ni Sir. KD kaya naman sumali din ako. Gusto ko din maexplore ng maige ang buhay libro ng bansang pilipinas bago ko pa man subukan magbasa ng iba pang gawa. Yung tangkilin ang sariling atin. :)
Welcome Anna :)Ganyan din mga kaibigan ko haha kaya magandang makakilala(at maging kaibigan) ng mga taong kapareho ng hilig ;)
Anna, salamat sa pagpapaunlak. Sana ay makatulong kami upang matupad ang inyong layunin na makapagbasa ng maraming Pinoy books sa pagsali at pananatili mo sa ating pangkat. Paborito ko rin ang marami sa mga paborito mo kaya't puwede tayong magusap hehe. Tuloy ka sa ating kuweba. Masaya rito. Despite, despite... LOL.
Feel at home ha :)
Feel at home ha :)
Phoebe wrote: "Welcome Anna :)Ganyan din mga kaibigan ko haha kaya magandang makakilala(at maging kaibigan) ng mga taong kapareho ng hilig ;)"
Thank you po. Mukhang masaya nga ang club na ito. :)
Maria Ella wrote: "Welcome po sa mga bago :)"actually po, May pa ako member, ngaun ko lang nakita ung trend. Thank you po. :)
K.D. wrote: "Anna, salamat sa pagpapaunlak. Sana ay makatulong kami upang matupad ang inyong layunin na makapagbasa ng maraming Pinoy books sa pagsali at pananatili mo sa ating pangkat. Paborito ko rin ang mara..."Opo Sir. Kinagagalak ko po ang makapasok sa kweba nyo. Salamat po ulit. :)
Nibra wrote: "Anagram yong "Regad"? So bale Edgar real name mo?"Yupp. Haha, nalaman mo kaagad XD
Phoebe wrote: "Okay Jorge :)
Nawindang ka ba sa min? haha"
Medyo pero ayos lang naman po. LOL.
Regad, eh yang si Nibra medyo anagram din ang username hahaAno na talagang itawag ko? Regad na? haha
Basta welcome sa grupo!
Pangalan: Marj Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Hmmm, wala naman akong paborito. Iba't ibang genre kasi binabasa ko.
Paboritong Librong Lokal: Looking Back book series ni Ambeth Ocampo (kumpleto ko to), After Eden ni Arnold Arre, El Fili, at yung Batingaw na libro nung HS :-)
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: "Sa Bagong Paraiso" ni Efren Abueg, "How My Brother Leon Brought Home a Wife" ni Manuel Arguilla, "Patriciang Payatot" ni Cristina Pantoja-Hidalgo
Bakit sumama sa group: Gusto ko sumali para lumawak pa ang kaalamanan ko tungkol sa Pinoy literature. At para maka-meet ng mga katulad kong mahilig rin magbasa :-)
Mainit na pagbati Marj! :)Gusto ko rin yung Patriciang Payatot ni Hidalgo.
Nakita namin si Ka Abueg nung isang beses, sana makadalo ka sa mga susunod na pagkikita ;)
Marj, maligayang pagsali sa Pinoy Reads Pinoy Books!
Hindi ka nagkamali ng sinamahang pangkat. Lalaway ang kaalaman mo dito sa Pinoy na panitikan at magpakita ka lang palagi, siguradong marami kang makikilalang mahihilig magbasa. :)
Hindi ka nagkamali ng sinamahang pangkat. Lalaway ang kaalaman mo dito sa Pinoy na panitikan at magpakita ka lang palagi, siguradong marami kang makikilalang mahihilig magbasa. :)
Phoebe wrote: "Regad, eh yang si Nibra medyo anagram din ang username hahaAno na talagang itawag ko? Regad na? haha
Basta welcome sa grupo!"
Jorge Ixel na lang po. Mas gusto ko yung name na yan eh XD
BTW po, pano magstart ng discussion dito? Gusto ko kasi mahingi ang panig ninyo about sa current situation ng publishing industry ng PHilippines which, in my pov, bumabagsak (___ ___"")
Jorge, punta ka rito: http://www.goodreads.com/topic/list_g...tapos pindutin mo yung "new topic" sa bandang taas, kanan.
Welcome sa PRPB Marj! :)Gusto ko din ang Looking Back series ni Ambeth Ocampo, kaso di ko pa kumpleto to eh. Haha.
Kuya D, lalawaY talaga ang kaalaman? Hehe. Kunsabagay, nakakapag-laway ang mga libro :))))
Tuloy ka Marj sa ating Kweba! Maraming salamat sa pagsali dito.mukhang marami kang makakahuntahan dito tungkol sa mga aklat ni Ser Ambeth.
umpisahan mo nang bisitahin ang mga pisi para magkaroon ka ideya sa grupo sa pagsisimula.
magandang araw! mabuhay ka!
Hi I'm Ronnan!Matagal na ako sa Goodreads, dito ko sinusukat kung ilang libro ang nababasa ko sa isang taon. Pero ngayon lang ako nakapag join ng groups. Tama ba yung tagalog ko? Naku pasensya na po.
Iilan lang yung kilala kong pinoy writers, ito yung isang rason kung bakit nandito ako. Dahil gusto ko silang makilala...
Yung laging nababasa ko ay ang mga sulat ni Jessica Zafra at yung kay Ms Samantha Sotto.
I'm also a novelist. Gusto kong makilala ang mga novelista sa atin na kagaya ko... Siguro napaka interesting makipag kwentuhan sa kanila. Yung tipong kahit anu man yung mapag usapan ninyo or kahit ibang realm or mundo man yung topic ay alam mung hindi ka huhusgahan dahil naiintindihan nila...
Ipa publish ko pa lang independently yung libro ko probably the end of next month.
Para dun sa mahilig sa Fantasy Fiction. Naisip ko lang na kung may Harry Potter sa Europe, Percy Jackson sa U.S.
Siguro hindi na masama kung magkaruon tayu ng sariling atin.
Ipakikilala ko sa inyu c Ascian and the 7 Tribes of Bukidnon na pinanggalingan nya.
Sana magustohan ninyo.. Malapit na.
Magandang araw (o gabi)! Mejo baluktot ang Tagalog ko... pasensya po!Matagal na ako hindi nagbasa ng aklat na Filipino kaya wala akong paborito. Naghahanap ako ng Filipino mythology dahil mahilig ako sa fantasy/sci-fi.
Magandang Araw sa inyo Ronnan at Camille!Tuloy kayo sa ating kweba!
Ronnan sinabi mo pa! Unang beses ko pa lang makakuwentuhan at makasama ang isang manunulat na Pinoy, Nagkataon na hinahangaan ko pa ang awtor na ito. Si Sir Edgar Samar. Ang sumulat ng Walong Diwata ng Pagkahulog, Sa Kasunod ng 909 at ang Ang Halos Isang Buhay-Ang Manananggal sa Pagsulat ng Nobela at mainit-init pa, kalalabas lang ng salin sa Ingles ng Una niyang nobela, ang Eight Muses of the Fall.
Grabe lang!Sobrang saya! at walang katulad na karanasan ang makakuwentahan at makasama ang hinahangaan na manunulat at nangyari ang lahat dito sa PRPB.
Katulad mo, marami din nagsusulat dito at maganda magkakasuportahan ang bawat isa.
Aantayin namin si Ascian and the 7 tribes of Bukidnon.
Camille siguro panahon na para magbasa ka muli ng sariling atin. Ang Panitikang Pilipino. Tiyak na makakahanap ka ng gusto mo.
RonnanTristan wrote: "Hi I'm Ronnan!Matagal na ako sa Goodreads, dito ko sinusukat kung ilang libro ang nababasa ko sa isang taon. Pero ngayon lang ako nakapag join ng groups. Tama ba yung tagalog ko? Naku pasensya na..."
Welkam sa grupo!!!
Welcome sa inyo Kuya Ronnan at Ate Camille! Sana'y maging aktibo rin kayo sa grupo dahil masaya talagang magbasa at suportahan ang panitikang Pilipino. :>
Pangalan: Jade. Paboritong Manunulat: Jose Rizal, Jose Corazon de Jesus, Joaquin Sy
Paboritong Libro: Sa totoo lang hindi pa ganoon karami ang nababasa kong librong tagalog maliban na lang siguro sa Ibong Adarna at Florane't Laura na kailangang basahin sa aming paaralan noong nasa high skul pa lamang ako. Pocket books ang karamihan kong binabasa at madalas mga lokal na inilimbag na may estoryang pang-romansa o di kaya'y horror.
Bakit sumama sa group: Sa totoo lang naligaw lang ako dito. Ngunit matapos mabasa ang mga ilang kumento ay napag-isipan ko na ring sumali dahil natutuwa ako na naiiyak. Mayroon pa rin pa lang ganitong grupo ngayon at mga taong sumusuporta ng mga librong sariling atin. Lalo na sa uri ng inyong pagsusulat at pati na sa pananalita-- mga na hinahanap hanap kong kausapin. Sa henerasyon kasi ngayon, malimit na lamang mag-usap ng ganito ang mga tao-- lalo na ang mga kabataan na tulad ko. Madalas kasi puro salitang kalye na, mga salitang nahaluan na ng mga salitang banyaga at kung ano pang bagay na naimbento ngayong panahon na ito. Nakalungkot. Nalulungkot ako. Napakaganda ng salita natin ngunit kahit ito yata ay nakakaligtaan na ng nakararami.
Sana lang marami akong makilalang bagong kaibagan na tulad ko ay malaki ang suporta sa mga bagay na sariling atin. Mahal na mahal ko ang Pilipinas kahit na ba nasa banyaga akong lugar.
Mabuhay kayo! :)
Questian wrote: "^Hello chiv musta na?!"Helloooo~ Eto busy-busyhan mode, actually. :))
Welcome sa grupo Jade!
Karamihan din naman ng mga members dito walang masyadong alam na Pinoy books nung bagong sali sila sa grupo eh. Pero unti-unti, habang nandito ka na, mas mahihikayat ka na magbasa ng mga akdang Pilipino. Maaappreciate mo rin na hindi lang pala mga foreign books ang magandang basahin, pati pala ang mga likha ng ating mga manunulat ay nakakaaliw ding basahin. ^_^
Ayos ah, andameng bago. Sana maging active din kayo dito. :D
Mabuhay at tuloy ka sa ating Kweba Jade!Maraming salamat sa iyong pagsali, at pagsuporta na din sa sariling atin. Sa Panitikan natin! Marami kang makakakuwentuhan dito lalo na tungkol sa Panitikang Pilipino.
Bisita ka lang palagi dito at makisama na rin sa mga talakayan, harutan, kuwentuhan at pagbabasa.
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...












