Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 2,051-2,100 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 2051: by Jess (new)

Jess (book_keeper) | 29 comments @Jessica nice..hehe.. sabi din it was used as The daughter of Shylock in Shakespeare's play 'The Merchant of Venice'.


message 2052: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juan, see you then. Saya! :))))))))))


message 2053: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments I read Merchant of Venice (idiot edition, of course) but I don't remember Shylock having a daughter. Anyway, antagal ko na nabasa yon. "A pound of flesh" lang tumatak sakin.


message 2054: by Jessica (new)

Jessica (jessicaelarsen) | 120 comments @Jess: Hmm...yeah you're right :)

@Nibra: May ganoon palang edition? Madali bang basahin? Biro lang. Hahaha :D


message 2055: by Jorge Ixel (last edited Jun 28, 2013 10:44PM) (new)

Jorge Ixel (JorgeIxel) | 9 comments Pangalan: Jorge Ixel

Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Bob Ong / Lualhati Bautista / Jessica Zafra

Paboritong Librong Lokal: McArthur / Twisted Series / Kiko Machine

Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Jesus, Nariyan ka pa Ba?

Bakit sumama sa group: Kasi gusto kong makakilala ng mga kapwa ko Filipino na nagmamalasakit sa ating literatura :)


message 2056: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Regad! :)
(ina-aasume ko na hindi mo napalitan yung pangalan..?) haha


message 2057: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Welcome sa PiRePiBO Regad! Sana'y marami kang matutunan sa grupo na 'to! Sali ka din sa mga usapan sa ibang threads para mas masaya! :D

(At akala ko nga K.D. din ang pangalan mo XD)


message 2058: by Jess (new)

Jess (book_keeper) | 29 comments Welcome Regad! :)


message 2059: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments welcome!


message 2060: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Welcome Regad! :)


message 2061: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Welcome Regaaad! :)


message 2062: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Regad, maligayang pagsapi sa ating pangkat. Sana ay magpatuloy ka sa pagbabasa ng panitikang sariling atin. Sana ay makatulong ang PRPB sa pagpili mo ng susunod mong babasahin. Sana maging aktibo ka sa mga lakad natin kahit di na lang sa "beer at mani" dahil ambata mo pa hehe. Kung may tanong o kung anong saloobin ka, post ka lang. Mayroon thread dito para sa kung ano man yan.

Feel at home ha :)


message 2063: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Regad, ang ganda naman ng pangalan mo! Ixel! Paano yan ipronounce? Welcome dito ha!


message 2064: by K.D., Founder (last edited Jun 29, 2013 03:17PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jorge Ixel

Tapos sa profile nya

Regad Aono

Para tuloy na-remind sa akin yong friend ni Chibivy na di na ngayon nagpaparamdam.

Ibyang, bakit akala mo K.D. rin ang pangalan nya?


message 2065: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments KD, yung first post kasi niya nakalagay 'pangalan: kd' na-edit na haha


message 2066: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^ Ang daming pangalan!


message 2067: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Haha nakalimutan lang niyang palitan nung una. Yung ngayon usernames ang marami. Sorry, nagiging pakialamera haha. Welcome pa rin!! :)


message 2068: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Phoebe, kaya pala. Nag-copy and paste. :)

Biena, parang si Karl Daniel na dating Gabriel, tapos Daniel, Ayel, Karl, Karl Kabute, Karl Bula, atbp.


message 2069: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Mabuhay ka Regad!

Tuloy ka sa ating Kuweba kung saan pwede tayong mag-Rakenrol ng Panitikiang Filipino!

Rakenrol!


message 2070: by Paul (new)

Paul (geekypaul) | 7 comments Ako ay isang nilalang na kamakailan lamang nakasumpong ng panahon para lumahok sa kapisanang ito. Isang mainit na pagbati sa inyo! :)


message 2071: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Paul! :)


message 2072: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paul, salamat sa pagkakaroon ng time. Welcome na welcome ka rito. Sana'y maging aktibo ka sa aming pangkat. Masaya rito.

Feel at home ha. :)


message 2073: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Yay Kuya Paul! Buti sumali ka dito. Oha~ May isa na kong recruit, sa wakas~ Hahaha!

Welcome sa kweba! Sana maging aktibo ka dito. Marami kang matutuklasang magagandang akda mula sa panitikang Pilipino. :D


message 2074: by Paul (new)

Paul (geekypaul) | 7 comments Salamat sa pagtanggap. :D Mayroon ba kayong mai-mumungkahi na aklat na maaaring pumukaw ng aking diwa tungkol sa lipunan? Isa sa pinaka-nahiligan kong aklat ay ang mga akda ni Lualhati Bautista at Domingo Landicho. Maaari sana ay mga aklat na ganoon din ang nilalaman.

Pahahalagahan ang inyong mga mungkahi. :)


message 2075: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Maligayang pagdating sa grupo Paul! :)


message 2076: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paul, kung ang tipo ni Lualhati Bautista ang ibig mo, siguro magugustuhan mo ang "Mga Agos sa Disyerto." Dahil nakakatawa ang "Bata, Bata..." ni Lualhati, malamang magugustuhan mo rin ang "It's a Mens World" ng atin kakwebang si Bebang Siy.


message 2077: by Paul (new)

Paul (geekypaul) | 7 comments salamat Raechella! :)


message 2078: by Paul (new)

Paul (geekypaul) | 7 comments salamat KD. naaliw ako sa Bata, Bata ni Lualhati, kaya susubukan kong basahin ang iminungkahi mo. salamat!


message 2079: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Hello Paul! Naalala ko nang unang sumabak ako dito sa PRPB ang una kong nabasa ay "Sa Aking Panahon" ni Edgar M. Reyes :)


message 2080: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paul, maganda rin yang mungkahi ni Ara the beautiful hehe.


message 2081: by Paul (new)

Paul (geekypaul) | 7 comments sige sige. itatala ko din iyan. salamat! :)


message 2082: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments K.D. wrote: "Paul, maganda rin yang mungkahi ni Ara the beautiful hehe."

hahaha Sir KD wag kang ganyan madali akong mauto ngayon baka maniwala ako XD


message 2083: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pini-perk up ko lang ang spirit mo hehe. Kamukha ka kaya ni Basha sa "One More Chance."


message 2084: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Tuloy ka Paul sa ating kweba!

subukan mo din basahin ang nobela nina Sir Jun Cruz Reyes at Edgar Calabia Samar.


message 2085: by Ben (new)

Ben (ben2579) Ah hindi ako dumaan dito.

Ako si Ben. Saludo ako sa book club na ito.

Yan nakadaan na ako. Cheers!


message 2086: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Sabi na eh, kaya akala ko, hindi ka newbie noon kasi never kitang nakita dito.


message 2087: by Paul (new)

Paul (geekypaul) | 7 comments Mayroon ba rito ang nakabasa na ng mga katha ni Gregorio F. Zaide? Maaari ko bang malaman ang inyong opinyon? Naisip ko kasi na isama ang ilan sa mga aklat nya sa aking pagbabasa. :)


message 2088: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paul, textbook namin sa high school history ang libro ni Zaide. Pero ang kritisismo sa mga aklat niya ay may mga binago silang facts dahil pinabago sa kanya ni Marcos. Tuta (raw) ni Marcos si Zaide.


message 2089: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Naalala ko din na Zaide ang mga libro namin nung High School at Grade School! :D


message 2090: by Paul (new)

Paul (geekypaul) | 7 comments K.D. wrote: "Paul, textbook namin sa high school history ang libro ni Zaide. Pero ang kritisismo sa mga aklat niya ay may mga binago silang facts dahil pinabago sa kanya ni Marcos. Tuta (raw) ni Marcos si Zaide."

Yun nga eh. 2002 ata, kasagsagan ng high school ko, hindi naman naging requirement sa amin yun. Pero pinapili ako kung si Zaide ang babasahin ko o si Ambeth Ocampo. Pinili ko si Ocampo kasi mas kontemporaryo eh. Hehe. Biased judgments. :D

Iniisip ko lang kung retrospectively ay magiging positibo ang tugon ko kay Zaide; kasi nga dahil sa mga kritisismo na yun hindi ko talaga naisip basahin ang mga historical accounts nya.


message 2091: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments May naalala ako. Zaide din yung libro namin sa Rizal nung College. Yung Life and Works!


message 2092: by Juan (new)

Juan | 1532 comments sabi rin ng Teacher ko sa History nung HS, marami daw inconsistency sa libro ni Zaide, partikular nga sa History.


message 2093: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Si Zaide yung author ng Rizal books na ginagamit sa Lifes and works ni Rizal. Pero ayun nga, gaya ng sabi ng HS teacher ni Juan, sabi din ng bigotilyo kong prof sa AdU maraming inconsistencies. Kaya ang ginawa na lang samin, bahala na kami sa gagamitin naming reference. Tas pag may pagkakaiba, magddebate. lol


message 2094: by Questian (new)

Questian (sakurastrife) | 715 comments @PAul: Zaide ang books ang gamit namin when i was in college...siya lang ata ang kilala ko na Textbook author...hehehehe..


message 2095: by Bong (new)

Bong | 275 comments Maligayang pagating Paul. :D


message 2096: by Jorge Ixel (new)

Jorge Ixel (JorgeIxel) | 9 comments K.D. wrote: "Jorge Ixel

Tapos sa profile nya

Regad Aono

Para tuloy na-remind sa akin yong friend ni Chibivy na di na ngayon nagpaparamdam.

Ibyang, bakit akala mo K.D. rin ang pangalan nya?"


Anagram po ung "Regad" ng tunay kong pangalan pero mas gusto ko gamitin ang Jorge Ixel kasi naastigan ako sa pinaggagawa kong meaning ng pangalan eh (buhat-buhat din ng silya XD)

Phoebe wrote: "KD, yung first post kasi niya nakalagay 'pangalan: kd' na-edit na haha"


Hindi ko pa na-edit kasi. Naninibago kasi ako sa itsura ng goodreads eh ^__^




Biena wrote: "Regad, ang ganda naman ng pangalan mo! Ixel! Paano yan ipronounce? Welcome dito ha!"

George Isel po ang basa dyan, LOL. That's my penname once naging publish author an ako (wow! Taas ng pangarap ko)


message 2097: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Regad wrote: "K.D. wrote: "Jorge Ixel

Tapos sa profile nya

Regad Aono

Para tuloy na-remind sa akin yong friend ni Chibivy na di na ngayon nagpaparamdam.

Ibyang, bakit akala mo K.D. rin ang pangalan nya?"

A..."


Tandaan, sa pangarap nagsisimula ang lahat! ;)


message 2098: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sangayon ako sa sinabi ni Jho. Mangarap ka lang nang mangarap at matutupad din yan, Regad. :)


message 2099: by Juan (new)

Juan | 1532 comments Hiraya Manawari! Mga pangarap ay ating abutin..


message 2100: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Okay Jorge :)
Nawindang ka ba sa min? haha


back to top