Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
message 151:
by
K.D., Founder
(new)
Oct 15, 2012 12:01AM
Mod
reply
|
flag
Kumusta? Ako si Gene.Ipagpaumanhin niyo po at hindi ko gamay ang magsulat at magsalita ng purong Filipino, Tag-lish lang.
I seldom read books written by Filipino authors, I think the recent books were written by Bob Ong or one of those published by Summit Books.
Thanks KD for inviting me, I'll browse the threads here and see some of the books you read.
Hi Gene! Ayos lang ang Taglish. Yan din naman ang kadalasang ginagamit ng maraming Pilipino ngayon. Which Bob Ong books have you read?
Pangalan: LynaiPaboritong manunulat na lokal: Jessica Zafra, Lualhati Bautista, Mina V. Esguerra
Paboritong librong lokal: Dekada '70
Bakit sumama sa group: Inimbitahan ni K.D. at dahil isa sa mga goals ko bilang mambabasa ang magbasa ng mga libro ng lokal na manunulat.
Pasensya na at hindi talaga ako magaling magsulat at magsalita ng Filipino. Dito sa lugar ko ay mas ginagamit ang dialect (Hiligaynon) at Ingles kaya effort sa akin ang magsulat at magsalita sa Filipino. :)
Pahabol: Naghahanap pa rin ako ng Its A Mens World dito sa amin. Di pa yata nakarating? I'll try to check again sa NBS. :)
Lynai, salamat sa pagsali sa pangkat na ito. Salamat sa pagsuporta sa Panitikang Filipino.
Malapit na rin akong magbasa ng mga akdang bilingual. May pahina sa lokal na dialect at may pahina sa lenguwaheng naiintindihan ko. Balak kong magkaroon ng mga threads na specific sa mga iba't ibang dialects at mga akdang nasusulat dito. Parang Liwayway lang noong araw, may para sa Bisaya, Hiligaynon, Ilokano, atbp. Sa Ilokano mayroon akong ibang alam dahil tumira ako sa Baguio. Sa Bisaya, ang mga kasama namin sa bahay noon, puro mga Bisaya ang salita.
Pangalawang limbag na ang "It's a Mens World." Nagtanong ka ba sa tindera. Baka nasa kasuluk-sulukan lang ng mga shelves. Paging, NBS people. Alam ko may naglu-lurk ditong mga taga-NBS eh. Feeling ko lang.

Welcome, Gene at Lynai!Isang alternatibo sa mga taga-probinsya na walang NBS o meron nga pero walang stock ng It's a Mens World ay ang umorder online sa NBS. Pero may karagdagang courier fee na 150 yata. Tapos darating mga 2 o 3 araw siguro, depende sa lokasyon mo.
http://www.nationalbookstore.com.ph/i...
Naku, ang mahal :( Puwede ninyo i-try kay Pandora's Books Online. Sa Facebook page. friend ko yan nagbebenta ng Its A Mens World. At karamihan ng clients niya, nasa malalayong lupain.
Kumusta? Pasensya na di ako madalas maka tingin dito sa Goodreads mismo.. marami lang tlga asikaso. Nitong nakaraang Linggo, nagbigay sa kin ng inspirasyon na mas yakapin ang ating alamat dahil sa mga "tour" na tulad ng ginagawa ni Carlos Celdran. Isang may kaugnayan sa pagbabasa ng libro na pangyayari? May nakilala ako na nagbabasa ng Looking Back 6 ni Ambeth Ocampo (talaga nmn para akong naglaway sa libro niya kaso hapit sa badyet). Sana mabili ko na ung kulang ko sa Looking Back na serye at iba pang Filipiniana na libro pati ung kulang ko sa Pugad Baboy *hikab* Hanggang sa muli, paalam muna sa ngayon!
Pangalan: LynPaboritong manunulat na lokal: Alvin Yapan, Nick Joaquin
Paboritong librong lokal: Ang Sandali ng mga Mata, A Portrait of a Filipino as an Artist
Bakit sumama sa group: Inimbitahan ni K.D. at dahil mahilig talaga akong magbasa, well usually foreign novels, pero depende talaga eh. >.<
Ryan and Beverly, salamat naman at may paraan pala na makabili ang mga nasa malalayong probinsiya.
Ella, parang naengganyo mo akong magsimulang magbasa ng "Looking Back" series ni Ambeth Ocampo. Yong "Pugad Baboy" sinimulan ko noon at natigil dahil sa "KikoMachine."
Lyn, salamat sa pagpapaunlak. Pareho tayong humahanga kina Alvin Yapan at Nick Joaquin. Gusto ko pang makabasa ng akda ni Yapan. 2 pa lang nabasa ko. At di ko pa rin napanood yong "Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa." Puwede namang salit-salit: Ingles at Filipino. Ako rin, mas marami pa rin ang ingles. Mas marami kasi sila sa bookstores.

Hindi ko pa din napapanuod ung Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa eh. Wala kasi akong pera nung nilabas yun sa school. Pero balita ko maganda daw talaga..
Lyn Liza wrote: "Hindi ko pa din napapanuod ung Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa eh. Wala kasi akong pera nung nilabas yun sa school. Pero balita ko maganda daw talaga.."Hi Lyn Liza! Ang tunay ko namang pangalan ay Liza Lyn. Katuwa naman! :D
Hahahaha Liza Lyn at Lyn Liza, maligayang pagdating sa inyo! Hindi ko pa yan napanood. gusto kong mapanood. dahil kay alvin yapan. at dahil kay paolo (tama ba? yung pogi dun?)
Lyn at Lynai: Para lang kayong si Julie Vega at Flor de Luna noong 80's. Flor de Luna + Anna Liza = Flor de Liza (ang movie nila). Naku, nahahalata ang edad ko.
Beverly, lagot kay kay BF. Tumitingin ka pa sa pogi. Si Paolo Avelino. The next Coco Martin, sabi nila.
Beverly, lagot kay kay BF. Tumitingin ka pa sa pogi. Si Paolo Avelino. The next Coco Martin, sabi nila.
Lynai wrote: Hi Lyn Liza! Ang tunay ko n..."Sabi na eh, maeron talagang may-ari ng Liza Lyn eh..XD ayaw lang nila maniwala..
K.D. wrote: "Lyn at Lynai: Para lang kayong si Julie Vega at Flor de Luna noong 80's. Flor de Luna + Anna Liza = Flor de Liza (ang movie nila). Naku, nahahalata ang edad ko."
Alam ko ata yun... narinig ko na un! Tama narinig ko na un sa isang show tungkol kay Julie Vega...
K.D. wrote: "Hi Gene! Ayos lang ang Taglish. Yan din naman ang kadalasang ginagamit ng maraming Pilipino ngayon. Which Bob Ong books have you read?"The first two. :/ Hindi ko natapos basahin yung 3rd book. Ang dami na palang lumabas after niyan.
May suggestion ka ba ng magandang basahin by Filipino authors?
Lyn, baka yon "Liza" mo kinuha ng parents mo sa "Anna Liza."
Gene, depende sa gusto mo eh. Pero na-try mo na ba ang isa sa akda ni Edgardo M. Reyes? o Lualhati Bautista?
Gene, depende sa gusto mo eh. Pero na-try mo na ba ang isa sa akda ni Edgardo M. Reyes? o Lualhati Bautista?
Salamat, Princess. Welcome na welcome ka dito. Habang nagpapahinga ka o namimili ng papasuking trabaho, maganda yang magbasa ka at sumubok magsulat. Malay mo, ikaw na ang susunod na author na babasahing parang si Bob Ong.
Pareho nating gusto si Bob Ong at Manix Abrera. Di ko pa lang nasubukan ang isa mang akda ni Severino Reyes.
Good luck sa pagsusulat mo.
Pareho nating gusto si Bob Ong at Manix Abrera. Di ko pa lang nasubukan ang isa mang akda ni Severino Reyes.
Good luck sa pagsusulat mo.
Hello, Princess at Gene! Gene, maraming aklat ang nababanggit dito sa ating mga thread, lahat yun maganda. anong topic ba ang hilig mo? para makapagbigay ng mas ispesipikong suggestion?
at, princess, im happy na nagbabasa ka habang naghihintay na magkaroon ng work. yung iba kasi, literal talaga ano? as in tambay lang. sayang ang time nila. marami rin writing raket na baka magustuhan mo habang di ka pa fully employed. baka makatulong sayo ang freelance writers guild of the philippines.
KD, naabutan ko si julie vega haahahaha! lumalabas talaga ang edad sa mga ganitong pagkakataon hahahaha
Beverly, di bale, una-unahan lang yan. Balang araw, may magsasabi ring "naabutan ko si Kim Chiu!"
Welcome, Gene! Welcome, Princess, at good luck sa job hunting! Enjoy reading Filipino books.Naabutan ko si julie vega pero di ko nasubaybayan. hehe.
Pangalan: AnaPaboritong Manunulat na Lokal: Jose Rizal
Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere and El Filibusterismo
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: To follow. I have read a lot of Philippine short stories, I just can't name my favorite right now.
Bakit sumama sa group: I was invited. I also hope to be encouraged to read more local books.
Hi po.. Ako si Marte Guia Santos Rivera..Paboritong Manunulat: Bob Ong
Paboritong Libro: Stainless Longganisa..
Bakit sumama sa group: Andito kasi si Pat.. :) tsaka gusto ko mag-explore more about sa Filipino Books.. I love Filipino books kasi dito ramdam mo yung pinagpuputok ng mga butche ng mga manunulat.. Pede mo sila bigyan ng simpatya o pede mo din silang supalpalin sa pinaglalaban nila.. Hindi naman sa hirap ako umunawa ng Ingles na babasahin pero parang ganun na din.. mga 5 lang.. :)
Sana magkapanatagan tayong lahat ng loob.. :)
PS: Once a week lang ako makapunta dito kasi once a week lang ako nag-iinternet.. :)
Have a great day ahead..
Maligayang pagdating sa (At naalala ko yong mint, na parang gamot na candy na Smarties dahil sa pangalan mo. Nagtataka tuloy ako kung may nabibili pa nyan. Haha! :D)
Welcome, Ana & Smarties.Ana, marami na yata tayong favorite si Rizal dito.
Smarties, looking forward to your weekly appearance.
Mabuhay kayo, Ana at Smarties! Salamat sa pagsali.
Ana, sobrang tuwa ko dahil nag-take ka ng time na magpakilala. Yong iba kasi, walang introduction, diretso na sa threads.
Smarties, okay na yong once a week. Basta nakikita ka naming nagpo-post. Magbasa ka pa rin ng ingles. Sa panahon ngayon, importanteng maraming alam na wika. At dahil Filipino ang unang Pambansang Wika, di natin ito kalilimutan.

Salamat sa mga welcomes!Ryan wrote: "... Ana, marami na yata tayong favorite si Rizal dito...."
Ang hirap not to make him my favorite kase na-enjoy ko talaga books niya. As in while reading nawala sa isip ko na National Hero natin si Rizal and I just enjoyed him as an author. :)
Masaya ako na marami tayong nag-favorite sa kanya. It means we have good taste!
Ana, tama ka. Dalawang beses kong binasa ang Noli at El Fili. Una, sa high school. Nagustuhan ko na. Tapos, ngayong taon, mas nagustuhan ko. Mas tumatak sa akin ang galing ni Rizal sa pagsusulat at mas ramdam ko ang sakripisyong ginawa niya para sa bayan. Mabuhay ka! Bihira sa mga kabataang kagaya mo ang sa unang basa pa lang, kahit sabihing requirement ito ng paaralan, ay nag-enjoy kay Rizal.
Naku nahuli na 'ko rito, haha.Ako nga pala si Wynclef, puwede niyo akong tawaging Clef o...Wynclef na lang.
Paboritong manunulat na lokal: Ricky Lee, Bob Ong, Norman Wilwayco, Lourd De Veyra, Eros Atalia, Abdon Balde Jr., at Bebang Siy.
Paboritong librong lokal: SuperPanalo Sounds!, Para Kay B, Stainless Longganisa, Responde, Wag Lang 'Di Makaraos, 100 Kislap, atbp.
Paboritong Maiikling Kuwento: Servando Magdamag ni Ricky Lee.
Bakit sumali sa group: sumali ako dito upang mapayabong pa ang aking kaalaman sa panitikan ng aking bayan. At para na rin magkaroon ng maraming frends at frends ulet.
Salamat dito sir K.D.!
Welcome, Wynclef.Actually, K.D., sa 2nd reading ko lang na enjoy si Rizal, during college. Sa high school hindi ko siya naintindihan. Hehe.
Welcome, Wynclef.Parang narinig ko na yang Servando Magdamag ni Ricky Lee. Akda nya yata noon pa bago sya mag-branch out sa pagsusulat ng screenplay para sa movies?
Wynclef, walang nahuhuli. Natutuwa pa nga ako't naisipan mong mag-formal introduction.
Mayroon akong mga aklat ni Lourd de Veyra at Abdon Balde, Jr. pero di ko pa nakukuhang basahin. Ngayon nakita kong paborito mo, ila-line up ko na. Hay, tagal ng 13th month pay, kasama sa budget dyan ang "Si Tatang at ang Mga Himala ng Ating Panahon" ni Ricky Lee. Yan na lang ang kulang ko sa mga widely available niyang books. Andyan ba ang "Servando Magdamag?" Gay story ba siya? Servando sa magdamag?

Hindi Gay story sir K.D., iba siya. May blurb doon si Lav Diaz tungkol sa Servando e. Palanca po yun. :)
May sinabi rin si sir Ricky sa mga nahihirapang basahin yung Servando, yung sinabi niya na yun nasa dulo ng librong 'Si Tatang'. :)
Ay, mabuti na lang at di gay story. Nakaka-intriga yan title. Di pa ako nakakilala ng taong ang apelyido ay "Magdamag."
Pangalan: Pjk / Pj / KenMga Paboritong Manunulat na Lokal: Jose Rizal, Ricky Lee, Lourd de veyra, Eros atalia etc.
Paboritong Librong Lokal: Wala ako'ng paborito, wala pa sa ngayon.
Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Wala ako'ng ideya
Bakit sumama sa group:
Sa aming unibersidad nais ko sana'ng sumali sa mga ganitong klaseng org. ngunit sa kasamaang palad ay wala. Uhaw pa naman ako sa mga likha ng ating mga Filipino na awtor. Kaya noong nadiskubre ko 'tong Googlereads at naimbitahan ni kuya K.D, hindi na'ko nagatubili. :)
Pangalan: ChrisPaboritong manunulat na lokal: Bo Sanchez, Bob Ong, Eros Atalia, Ricky Lee
Paboritong librong lokal: ABNKKBSNPLAko?!
Bakit sumama sa group: Makadiskubre ng iba pang Pinoy books.
*thanks K.D.
Hi! Ako si Lyra. 17 years old ako at matagal tagal na ring nahihilig sa pagbabasa. Uhm, mga paborito kong tagalog na libro? Siguro, sa ngayon wala pa. Sa totoo lang kasi, kokonti pa lang talaga ang nababasa ko na librong Pinoy ang author eh. Wala pa kong paboritong manunulat dito pero isa sa mga tinitingala ko sa larangan ng pagsulat ay si Dr. Jose Rizal. :) Uhm, kaya ako sumali dito ay dahil, isa kasi sa mga napansin ko sa tuwing nakakabasa ako ng akda na Filipino ang manunulat ay ang maaaring pagkakaroon ng maraming interpretations doon sa libro. Eh ganun kasi yung mga hilig ko. Kaso, nahihirapan akong makahanap ng mga libro dito samin na Pinoy ang writer dahil wala ganong bookstore dito. So, ayun. Gusto ko sana, makapag browse na dito para magkaroon na ko ng idea para next time na makapunta ako sa Manila, alam ko na agad kung anong libro ang dapat kong bilin.
Ok, dumadaldal na ko. Haha.
Sana po bigyan nyo ko ng suggestions. Yun lang. :D
Welcome sa mga bagong miyembro. Nawa'y makabasa tayo lahat ng mga magiging paborito natin at talagang tututukan natin na mga manunulat hanggang sa maging completist na tayo ng mga gawa nila.
Sinisegundahan ko ang sinabi ni Ryan at Paolo, welcome sa sa lahat ng bagong sali.
Pjk, una kong nakita ang profile mo, sabi ko gusto ko ang batang ito na masama dahil nagbabasa na rin talaga. Kahit sa College of Education (kung saan normally may major in Filipino), walang ganitong klaseng org?
Chris, paborito ko rin ang ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong!
Liza, okay lang na wala ka pang nabasa. At kung si Rizal pa lang ang hinahangaan mo, ayos lang yon. Si Rizal din ang paborito kong manunulat na Pinoy.
Sana'y lagi kayong magpo-post at huwag mahihiyang magpahayag ng inyong mga kuru-kuro sa mga threads. Para sa ating lahat ang pangkat na ito.

Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...