Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
Hehe. Magandang idea yan para sa game. Palaliman ng tagalog or something. :-)Ang hirap naman talaga ng derechong Tagalog/Filipino na pananalita.
^Lucy, maniwala ka sa akin, maging ako ay hirap ring managalog, kaya nga nanghihingi ako ng mga grammar lessons kay MJ.
Nik, Naiintindihan kita. Yung mag pinsan ko ay taga-cebu. Awkward silang magtagalog, ako naman nakakaintindi Ng bisaya pero wag Lang mabilis at basic lang halos alam ko. Kaya madalas ingles na Lang ang usapan namin para patas...pero sa totoo Lang maraming joke na mas nakakatawa kapag bisaya kesa pang sinabi sa Tagalog.
Biena wrote: "^Lucy, maniwala ka sa akin, maging ako ay hirap ring managalog, kaya nga nanghihingi ako ng mga grammar lessons kay MJ."Ay oo.
Lucy, salamat sa pagsali sa PRPB. Puwede namang ingles o taglish ang salita mo rito. Walang kaso yon.
Amon, nagulat ako sa profile mo. Yong isa sa interests mo hahaha. Wag na wag mo siyang ilalantad dito. :)
Kagaya ng sabi ni Juan, tuloy kayo sa ating reading cave.
Feel at home ha. :)
Amon, nagulat ako sa profile mo. Yong isa sa interests mo hahaha. Wag na wag mo siyang ilalantad dito. :)
Kagaya ng sabi ni Juan, tuloy kayo sa ating reading cave.
Feel at home ha. :)
Ayos! Masaya ako na nanatuwa kayo sa pagpapakilala ko. Di ko lang alam kung masisiyahan parin kayu pag nakilala nyo na ako ng husto. hahaha pero gusto ko paring mangyari yan. X)K.D. wrote:
"Amon, nagulat ako sa profile mo. Yong isa sa interests mo hahaha. Wag na wag mo siyang ilalantad dito. :)"
Susubukan ko. Hahahaha
♥~Marian~♥ wrote: "Nik, Naiintindihan kita. Yung mag pinsan ko ay taga-cebu. Awkward silang magtagalog, ako naman nakakaintindi Ng bisaya pero wag Lang mabilis at basic lang halos alam ko. Kaya madalas ingles na Lang..."Tama ka Marian, kakaiba ang punchline pag bisaya. Hahahaha. Mag bisaya tayo dito bisag gamay lang gud, kita-kita ra bitaw ang makasabot.
Maayong buntag! Naunsa ma na si Nik uy! Bisag tindakan ta. Barok gyud ko mag bisaya. Ayawg pangatawa ha. Asa man ka sa Cebu? nindut man diha. Akong mga ig-agaw mu iskwela sa San Carlos. Unsa man nang exclusive school for girls diha?
WAHAHAHAHAHAHAHAHA. Si Marian ba, kaantigo man diay magbinisaya. Nara sa siyudad amo, dali ra tultulon. Ahhhhhh... Naa pa sila diri ron sa Cebu? Kuan, STC, CIC...
Na-nose bleed man gyud ko sa binisaya! Oo, CIC! Ayoko na magtatagalog na lang ako ulit! hahahahahaha!
Joanna wrote: "Hello Amon, nagagalak kaming makilala ka! :P"reeally. dito lang talaga ako nakarinig nyan. haha
Hello sa inyong lahat dito! Ako pala si Jelai. Kakahanap ko lang ng group na ito. Pag chineck niyo ang profile ko, dalawang books palang talaga ng Filipino author na nandito sa Goodreads ang nababasa ko, kay Mina Esguerra. Pero kung Precious Hearts Romance naman, aba eh, marami rami na talaga. Isa rin akong aspiring author. Yun nga lang, sa Wattpad ko palang na pupublish yung nagawa kong parang novel narin.
SAna through this group, makakahanap ako ng mga magagandang books na sariling atin naman.
Salamat! :)
Joanna wrote: "Hello Jelai! Welcome! Nice patingin kami ng mga akda mo sa Wattpad. :)"Naks naman. 23 years old na ako pero isip 16 parin. Sige na nga, eto yung link. http://www.wattpad.com/story/1190778-.... :)
Salamat Jell! Pwede mo pang ishare ang iba mo pang gawa at makakakuha ka ng suhestyon mula sa mga PRPB members sa thread na ito: https://www.goodreads.com/topic/show/... :)
Hello! Sumali ako dito sa grupong to para maencourage pa akong magbasa ng mga tagalog books. Nakakabasa lang ako ng tagalog stories sa ibang sites, kasi di rin ako makakabili dito kasi nasa ibang bansa po ako. Hihi. Sana po makarecommend kayo ng books na napublish na locally sa atin. At sana rin po makakahanap ako ng mabubuting kaibigan dito na makakausap ko tungkol sa mga libro na nabasa ko.
Jelly wrote: "Joanna wrote: "Hello Jelai! Welcome! Nice patingin kami ng mga akda mo sa Wattpad. :)"Naks naman. 23 years old na ako pero isip 16 parin. Sige na nga, eto yung link. http://www.wattpad.com/story/..."
Helloo sayo!~~ babasahin ko rin to ah? :D
Hello Jelly at Baizam, salamat sa pagsali sa ating walang singsayang bookclub! Tuloy kayo sa ating kuweba at sana'y mahanap ninyo rito ang inaasahan ninyo mahanap.
Feel at home ha. :)
Feel at home ha. :)
Hello.....ako nga pla si Masol. Salamat sa pagimbita ginoong KD at pati na rin kay Berto, ang aking irog. :)Nakakatuwang bumisita sa grupong ito. Bukod sa nakalilibang magbasa ng iba't ibang opinyon, marami pang kapupulutang aral base sa indibidwal na karanasan ng bawat mambabasang nandito. Sa sobrang pagkalibang, medo nalimutan ko na nga ang facebook ko e. heheh..
Hindi ako masyadong nagkakaroon ng pagkakataon na magpokus sa pagbabasa dahil sa dami ng scheduleof activities ko sa simbahan. Kapag may pagkakataon, hilig kong basahin ay mga inspirational, philosophical at theological books dahil sa iba't ibang kadahilanan.
Sangayon wala pa kong paboritong manunulat pero ilan sa mga nabasa at binabasa ko ay ang mga sinulat nina Michael Moga, Fr. Gerardo Tapiador, Fr. Jerry Orbos, Nonoy Lopez, Bertram Lim, Bo Sanchez, Bob Ong. Isama ko na din sina Amable Tuibeo, Virgilio Rivas, Ricky Lee, Francisco Balagtas at si Jose Rizal.
Naniniwala ako na ang grupong ito ay makakatulong sa akin hindi lang sa pagkakaroon ng pagnanais sa pagbabasa kundi pati na rin sa pagtangkilik ng gawang sariling atin.
Mabuhay kayong lahat!
Hi Masol, salamat sa pagpapakilala. Mabuti't narito ka na. Lumalawak ang genres na puwede nating basahin ngayon mayroon na certified na nagbabasa ng Pinoy religious books. May mga nabasa na akong libro ni Fr. Jerry Orbos at Bo Sanchez. Pero matagal na. Nakabasa na rin ako ng libro nina o tungkol kina Pope John Paul II at Mother Theresa noon. Kaso di sila mga Pinoy books.
Balang araw magla-line up tayo ng mga Pinoy religious books at ikaw ang gagawin naming discussion moderator hahaha. Tapos magfi-field trip tayo sa Manaoag! Parang Manoag ang una-unang pumapasok sa isip ko pag sinabing pinakasikat na pilgrimage site sa Pilipinas.
Sana mag-enjoy ka rito di lang dahil narito ang irog mong si Berto kundi narito rin kami hahaha. Tuloy ka sa kweba at huwag aalis sa tabi ni Berto dahil madilim hahaha. Welcome, Masol!
Feel at home ha. :)
Balang araw magla-line up tayo ng mga Pinoy religious books at ikaw ang gagawin naming discussion moderator hahaha. Tapos magfi-field trip tayo sa Manaoag! Parang Manoag ang una-unang pumapasok sa isip ko pag sinabing pinakasikat na pilgrimage site sa Pilipinas.
Sana mag-enjoy ka rito di lang dahil narito ang irog mong si Berto kundi narito rin kami hahaha. Tuloy ka sa kweba at huwag aalis sa tabi ni Berto dahil madilim hahaha. Welcome, Masol!
Feel at home ha. :)
KD :) hehehe..wow thank you naman po sa inyong pagwelcome... Sige po go na go po ako dyan. Matagal na rinpo nung huli akong nakapunta sa manaoag... Si berto din naman po mahilig sa religious books, baka lng po hindi halata hehehe... Excited na po ako na makilala ang mga kasama, lalong lalo na sa nalalapit na event.. Update ko po kayo agad sa maaari kong macontribute.. Nakakatuwa at nakakalibang po tlga ang bumisita sa grupong ito... :D Raechella, maraming salamat!!! :)
Hi Biena, :) sa wakas talaga hehehe.. See you soon...Berto, weh... Okay... sabi mo eh.. :D hehhehe
Hello sa lahaaat....
Baizam wrote: "Jelly wrote: "Joanna wrote: "Hello Jelai! Welcome! Nice patingin kami ng mga akda mo sa Wattpad. :)"Naks naman. 23 years old na ako pero isip 16 parin. Sige na nga, eto yung link. http://www.watt..."
hehehe.salamat.ma add ko nga kayo dito sa goodreads. :)
Anna wrote: "hello sa lahat ng bagong sali na tulad ko :D"hi anna. since sabi naman nila sa aking feel at home. welcome! newbie rin ako dito tulad mo. :)
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...











Kaya wag ka sanang magalit sakin (Trivia: sa anong kanta ng Parokya ni Edgar nanggaling ang linyang yun? Biro lang). HAHAHA. Ingles ang titulo ng kantang ito.
Nik: Loves, grabe ka naman sa pagtanggi! Hahaha. :D Bakit naman naging awkward?