Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
message 1601:
by
Kenneth
(new)
Apr 24, 2013 06:18PM
Hahaha may nagtanong nga non pero hindi naman daw kasali yon.xD
reply
|
flag
Maligayang pagbati sa mga bago! Sa mga bumati sa akin two weeks ago, salamat sa pag welcome! hehehe. Sana makapunta ako sa May 4. Kita kits kung ganoon. :)
Rigil Kent wrote: "Maligayang pagbati sa mga bago! Sa mga bumati sa akin two weeks ago, salamat sa pag welcome! hehehe. Sana makapunta ako sa May 4. Kita kits kung ganoon. :)"
Rigil, sana nga makarating ka. Informal lang yon, kailangan lang mabigyan ng avenue ang mga may tanong tungkol sa dalawang proyekto. Yong iba kasi mas comfortable na magtanong in person rather than dito sa threads eh.
Magandang umaga, mga minamahal kong mga kakweba! :)
Rigil, sana nga makarating ka. Informal lang yon, kailangan lang mabigyan ng avenue ang mga may tanong tungkol sa dalawang proyekto. Yong iba kasi mas comfortable na magtanong in person rather than dito sa threads eh.
Magandang umaga, mga minamahal kong mga kakweba! :)
Pangalan: Mary CMga Paboritong Manunulat na Lokal:
Jessica Zafra
Bob Ong
Mina V. Esguerra
Ines Bautista-Yao
Jose Rizal
Francisco Balagtas/Baltazar
Mga Paboritong Librong Lokal:
One Crazy Summer
Twisted II
Fairy Tale Fail
That Kind of Guy
ABNKKBSNPLAKo?!
Noli Me Tangere
Salamat sa nag-imbita sa akin sa grupo na ito na si Sir K.D. Hindi ako masyadong familiar sa iba pang manunulat na lokal na kailan lamang nagsimulang magsulat ngunit maituturing nang masterpiece ang mga naisulat o mga dati na ring manunulat na maganda ang mga naisulat na libro ngunit hindi ko man lamang nabasa o narinig sa dahilang nabaling ang hilig ko sa ibang bagay at ngayon na lamang ulit ako nahilig sa pagbabasa.
Hindi pa naman huli ang lahat kaya alam kong sa grupo na ito marami akong malalaman at matututunan. Nais ko rin na kahit papaano mayroon akong ibahagi na makakatulong rin sa mga taong nais magbasa.
Salamat.
Mary C., salamat naman sa pagpapaunlak! Hayaan mo, marami sa atin ang ganyan din, halos walang nabasa noong mag-join dito sa PRPB. Ngayon, nadadagdagan dahil nakakaengganyo ang pangkat natin. Nabasa mo na ba yong bagong aklat ni Mina V. Esguerra, Interim Goddess of Love? Baka hindi pa at balak mong magbasa, puwede tayong mag-buddy read :)
Samantha, napansin ko nagbabasa ka ng Lola Basyang. Baka naman gusto mong sumali sa diskusyon? One-on-one lang kami ni Jho e hahaha.
Alex, maligayang pagpasok sa ating reading cave hahaha. Endyoy!
Feel at home kayo rito ha. :
Samantha, napansin ko nagbabasa ka ng Lola Basyang. Baka naman gusto mong sumali sa diskusyon? One-on-one lang kami ni Jho e hahaha.
Alex, maligayang pagpasok sa ating reading cave hahaha. Endyoy!
Feel at home kayo rito ha. :
KD: Nandun ang pangalan ko sa Interim Goddess of Love. Haha. Wala lang. May part 2 na yun, kaya mas maganda mabasa sya ng magkasunod. :D
Paano bang maging mag-buddy read?Mary C WELCOME! (waah, classic but unique name)
edit: Alex too (sorry for not noticing)
Jessica, sabay lang kayong magbabasa tapos yong mga komento ninyo isusulat lang ninyo araw-araw sa thread. May agreed book at speed. :)
Biena, hintayin ko si Mary C. Salamat.
Magandang umaga, mga kakweba! :)
Biena, hintayin ko si Mary C. Salamat.
Magandang umaga, mga kakweba! :)
Tay K.D. parang masaya yang buddy read. :) at saka at least mas magigigng malawak yung pang unawa mo sa content ng book. :) kasi may mas maraming opinyon na lalabas.
K.D. wrote: "Mary C., salamat naman sa pagpapaunlak! Hayaan mo, marami sa atin ang ganyan din, halos walang nabasa noong mag-join dito sa PRPB. Ngayon, nadadagdagan dahil nakakaengganyo ang pangkat natin. Nabas..."Maraming Salamat sa lahat ng nagwelcome sa akin, kaka-touch haha!
Sir K.D. nabasa ko na yung Interim Goddess of Love ni Mina Esguerra yung book 2 lang po ang hindi pa :) Hindi ko pa kasi alam kung saan kukuha nung copy nun.
Magandang araw sa inyong lahat!Magugunaw na lang ang mundo, hindi ka pa rin nakakapagbasa ng libro.
Mas uunahin ang mga Filipinong awtor.
Nakakahiya man, mas marami pa din ang librong banyaga kaysa sariling akda.
Sa pagtangkilik sa sariling akda, pagsuporta, pagkilala at pagpupugay na rin yun sa kanila.
Walang masama sa maghapong pagbabasa.
Magbasa at umintindi ka.
Maraming magandang dahilan para magsimula kang magbasa.
Yung moment na kahit sa pagtulog bitbit mo siya hanggang sa panaginip.
Mas gusto kong humawak ng libro kaysa bote, o pwede rin pagsabayin
Lubos na nadadama ang kasiyahan at kalayaan na malaman ang saysay ng iba.
Mas gusto ko ang walang porma, unkonvensyonal, walang batas at tanging hubad, Malaya..
Diksyunaryo ang kasama sa librong alam kong dadanak ang dugo.
Mas gustong makilala ang sarili bago ang iba..o mas masarap mauna ang iba at ihuli ang sarili?
Panangga sa pag-iisa, actually hindi mo iisiping nag-iisa ka kapag meron ka nito.
Bakit ba kelangan kong magbasa? At hindi lang ako napirmi sa isa, dalawa o tatlo pa. pagkatapos magkukwento, magsusulat. Magbabasa uli. Isang masarap na siklo sa buhay na to.
Mag-iipon ng libro hanggang sa maging libro na din ako.
Mag-iipon ng libro tapos ipapabasa kahit kanino
Mag-iipon ng libro dahil wala kaming library sa bahay.
Mas gusto kong magbasa na libro lang ang hawak, walang bote, mangangata o umuusok.
Naaalala ang mga unang librong nahawakan ko,
mula sa epic na ABAKADA, Arabian Nights, Columbus hanggang sa itaas ng Mt. Olympus.
May pagkakataong pinagpapalit ang tanghalian sa libro.
Dumadating sa puntong pass muna sa kung anong activities wag lang sa pagbabasa ng libro
Adik na ba ako sa libro? Disorder na ito? Ayos!
sa simpleng pagsinghot ng lumang libro, bumabalik ang gunita sa mga nakalipas na pagniniig.
Mas maraming ginagalugad na libro sa dilim, mas exciting!
Kape lang ang kahati sa sarap ng pagbabasa ng libro.
Minsan title pa lang jackpot na!
Wag kang uuwi ng walang bitbit na libro pagpasok mo sa booksale.
Hindi napapagod sa paghahalukay ube ng mga libro.
Nagkaroon ng kakilala, kaibigan at kasama sa pagha-hunting ng libro.
Pwede rin sa pagbabasa.
Gusto ko nang sumulat!
Umiibig sa mga taong mahilig magbasa ng libro
Pati na rin sa mga manunulat at sumusubok sumulat.
Laging may bitbit na libro.
Magbabasa para may ikwentong may kwenta o kahit walang kwenta!
Nagluluwal din ako, hindi nga lang sanggol, basta may hawak na akong mababasa.
Mas masarap mabusog sa bawat pahinang nginunguya’t nilulunok.
Si tatay, gusto kong makitang nagbabasa
Ganun din si nanay, pati na rin sana ang mga kapit-bahay
Pero ano nga bang magagawa ko? Kanya kanyang kagustuhan yan.
Magbabasa na lang ako at magsusulat, walang basagan ng trip!
Ako si Juan at ikinagagalak kong mapabilang sa grupong ito at makilala kayo. Magandang araw muli at salamat!
Kamusta, po?Ang pangalan ko ay si Jasmin. Pilipinong-Pilipino ang pagbigkas ng aking pangalan - /Has-meen/.
Aminado po ako na hindi ako masyadong nagbabasa ng mga librong sariling atin pero simula noong nabasa ko ang adhikain ng pangkat na ito at ang mga talakayan ay nahimuk akong magbasa ng mga Pilipinong aklat. Marahil na pagkatapos kong basahin ang dayuhang aklat na aking binabasa ngayon ay bibili agad ako ng Pilipinong libro. Kung kaya'y inaanyayahan ko kayong magbigay ng payo sa kung anong aklat ang magandang basahin. :)
Mga Paboritong Manunulat na Lokal:
Jose Rizal
Bob Ong
Paboritong Librong Lokal:
Alamat ng Gubat
Raechella wrote: "Welcome din sayo Has-meen
! :D
Juan. Mabuti naman. Welcome ulit. :)"
Maraming salamat!◠‿◠ϡ
Phoebe wrote: "Welcome Juan! :)Welcome Jasmin! :)
Pinoy na Pinoy ang mga pangalan niyo ^ - ^"
Yun din, nasabi na ni Phoebe, maligayang pagdating Juan at Jasmin. :D
Juan, ngayon pa lang matatandaan na kita. Ikaw ang may pinakamahabang introduksyon at binasa ko talaga. Iniisip kong tula yan. :)
Jasmin, ayos lang kung mas marami kang nabasang akda ng mga banyagang manunulat kaysa sa lokal. Hindi ka nagiisa. Kahit ako ma'y ganoon rin. Ang mahalaga, nagkakaroon tayo ng kamalayan at sa pamamagitan ng pangkat na ito ay unti-unting nating babaguhin ang ating nakaugalian. Hindi lang iyon, magiging kasangkapan tayo ng pagbabago. Maaring hindi na mahabol sa dami ng lamang ng mga librong dayuhan pero kahit paano, tatabla sana ang akdang Pinoy sa akdang dayuhan balang araw sa mga susunod mong babasahin.
Ayan, nahawa tuloy ako ni Juan na mahaba ang sinasabi hahaha.
Rekomendasyon? Umpisahan mo sa aklat ng mahal namin si Bebang Siy: It's a Mens World, Bakit? Para pag nakausap mo si Bebang Siy dito ay puwede mo siyang purihin at pag naparito ka sa Maynila, puwede kang magpa-autograph at magpapicture sa kanya hahaha. Tapos isunod mo ang Mga Agos Sa Disyerto. Bakit? Puwede kang sumali sa TAGOS (ang kauna-unahang libro ng PRPB). Tapos isunod mo ang Dusk (a.k.a. Po-On). Bakit? Ang 2013 ay taon in F. Sionil dito sa PRPB at kapag napapunta si Rise dito sa Maynila, magi-interview kami kay F. Sionil Jose. Tapos isunod mo ang Mga Kuwento ni Lola Basyang. Bakit? Dahil ito ang binabasa ngayon. :)
Jasmin, ayos lang kung mas marami kang nabasang akda ng mga banyagang manunulat kaysa sa lokal. Hindi ka nagiisa. Kahit ako ma'y ganoon rin. Ang mahalaga, nagkakaroon tayo ng kamalayan at sa pamamagitan ng pangkat na ito ay unti-unting nating babaguhin ang ating nakaugalian. Hindi lang iyon, magiging kasangkapan tayo ng pagbabago. Maaring hindi na mahabol sa dami ng lamang ng mga librong dayuhan pero kahit paano, tatabla sana ang akdang Pinoy sa akdang dayuhan balang araw sa mga susunod mong babasahin.
Ayan, nahawa tuloy ako ni Juan na mahaba ang sinasabi hahaha.
Rekomendasyon? Umpisahan mo sa aklat ng mahal namin si Bebang Siy: It's a Mens World, Bakit? Para pag nakausap mo si Bebang Siy dito ay puwede mo siyang purihin at pag naparito ka sa Maynila, puwede kang magpa-autograph at magpapicture sa kanya hahaha. Tapos isunod mo ang Mga Agos Sa Disyerto. Bakit? Puwede kang sumali sa TAGOS (ang kauna-unahang libro ng PRPB). Tapos isunod mo ang Dusk (a.k.a. Po-On). Bakit? Ang 2013 ay taon in F. Sionil dito sa PRPB at kapag napapunta si Rise dito sa Maynila, magi-interview kami kay F. Sionil Jose. Tapos isunod mo ang Mga Kuwento ni Lola Basyang. Bakit? Dahil ito ang binabasa ngayon. :)
^ Maraming salamat sa inyong lahat - Biena, Phoebe, Johan at Jessica.Mahaba nga, K.D.. Maraming salamat sa iyong mga suhestiyon.
Mabuhay kayong lahat!
Magandang umaga sa mga kakweba! Maraming salamat sa mga nagwelcome sakin! (group hug!) ^Hello Jasmin!@K.D. mahaba pala yung introduksyon ko (di ko napuna) pero salamat po sa pagbibigay atensyon. Maaari pong basahin yan ng patula, tuluyan o kaya paisa-isa dahil bawat pangungusap ay may kwento patungkol sa Pagbabasa atbp.
salamat!
Maligayang pagdating Jasmin, maraming mababait dito na ieentertain ka. hahhaa. i mean mainit ang pagtanggap. :DGanun din sa iyo juan, natutuwa ako na may mga libro ka na nabasa na hindi ko pa nagagawang basahin. (in short, inggit haha)
Johan! kamusta? talaga? sa totoo lang wala pa akong panahon para galugarin kung ano yung features/settings nitong goodreads kaya hindi ko pa kabisado o hindi ko pa macustomize yung sakin. tamad lang ako,anyway anu-ano ba yung mga aklat na nabasa mo na?
haha Juyan hawag kang mag-alala, parehas lang tayo. hanggang ngayon ay ginagamay ko pa itong GR. bobo pa akopagdating dito. heheheKaramihan ng libro ko dito sa bahay mga YA eh
Maligayang bati! ako nga pala si Kayden, tambay/professional gulaman taster na naninirahan sa lungsod ng San Juan. Paboritong Manunulat: Nick Joaquin, Merlinda Bobis, at Cyan Abad-Jugo
Paboritong likhang pampanitikan: ilan sa mga tumatak sa aking isipan ay ang nobelang "Salingkit" ni Cyan Abad-Jugo at ang "Caves and shadows" na isinulat naman ng pambansang alagad ng sining na si Nick Joaquin.
At tulad niyo, kaya ako'y nandito ay upang makiisa sa pagmamahal sa panitikang Pilipino.
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...











