Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
Ingrid, wag mo akong ibuko! Haha. Baka malaman nilang super fan ako ni Martha Cecilia. Joke lang. Mas gusto ko si Belle Feliz... ooops. Nadulas tuloy ako. Haha.Kuya D, thank you po! Haha.
Jzhun, di pa ako listado. Next time na lang kita iboboto. Haha.
Kwesi, puwede mong ilagay yong mga authors na yan sa Completist folder. Pinoy books rin naman ang mga iyan. Pero alam mo, wala pa akong Martha Cecilia. Siya ang topgrosser sa PHR. Pero may paborito ako sa kanila. Magaling mag-inspire during the workshop. Nalimutan ko lang ang pangalan.
Kuya D, gusto ko rin sanang maka-attend ng workshop nila eh may pasok ako nung summer. Sana next year makakasama na. Palagi ngang may reprint si MC eh. Sa sobrang dami ba naman ng sinulat niya, dino pa maging gustong maging completist. Haha. Joke lang. Kung nanay ko, baka pwede pa.Louize, hindi po ako tumataya sa lotto nang. Haha. Since nabasa ko ang comment ni Jzhun na tinawag kag nay, nagtataka tuloy ako kung sino ba ang tatay namin dalawa. Haha.
Mura lang ang workshop. P500 at dalawang araw na. Aliw lang. May mame-meet kang mga aspiring writers. Tapos yong mga writers nila bago matapos ang pangalawang araw. At si Mr. Mathias. Katuwa lang. Pumirma pa kami ng contract for 2 years na di puwedeng mag-sumite ng manuskrito sa ibang publications. Kaso, hanggang ngayon wala pa akong MS. Hmmm, ibig sabihin next year, puwede na akong mag-sumite sa iba.
Parang ayaw kong ipabasa sa iyo. Kinahiya bigla. Magtatago ako sa pangalan ng isang babae. Ano kaya? Cristabel Louize. O di kaya ay Alyssia. O di kaya ay Velka Nita. Tatlo raw ang isusumite at pipili si Mr. Mathias. May pangalan na ako pero wala pa akong MS. Excited lang.
Haha. Natawa ako dun sa mga pangalan. Yung mga pangalan mo ay parang pangalan ng nanay ko. Dapat yung patok, common and unique. Mas pipiliin ko ang Alyssia, pero pwede namang Alyssa na lang. Haha.
Hi! Ako po si Jalyn :)Isa lamang akong teenager na kailan lamang natuklasan ang kasiyahan sa pagbabasa ng mga libro. Nahilig akong magbasa ng PHR pocketbooks noong high school dahil sa seatmate at kalaunan ay nag-try ng english novels *w*
Kaunti pa lamang sa mga akda ng ilang pinoy authors ang nabasa ko at kasama na roon sina Bob Ong, Lualhati Bautista, Jose Rizal, Frank Rivera, Edgardo Reyes at sige si Eros Atalia na rin.
Hindi po ako masyadong active. At malamang na madagdagan ang pagbabasa ko ng Pinoy books dahil sa grupong ito.
Bueno, mabuhay! :)
Kwesi 章英狮 wrote: "Louize, hindi po ako tumataya sa lotto nang. Haha. Since nabasa ko ang comment ni Jzhun na tinawag kag nay, nagtataka tuloy ako kung sino ba ang tatay namin dalawa. Haha. "Hwag ka na maghanap ng tatay, uso naman 'yun. ;p
Kwesi, balang araw puwede ka ring maging Mr. Mathias.
Jalyn, marami na rin yang mga pangalan ng authors na nabanggit mo. Nawa'y maging daan nga itong pangkat natin para madagdagan pa yan. Lumahok ka lang sa mga sabayang pagbabasa at laging mag-lurk sa mga threads, siguro mae-engganyo kang i-try yong mga sinasabi ng mga members na magandang librong nabasa nila.
Louize, ikaw na ang nag-advocate ng single parenthood.
Jalyn, marami na rin yang mga pangalan ng authors na nabanggit mo. Nawa'y maging daan nga itong pangkat natin para madagdagan pa yan. Lumahok ka lang sa mga sabayang pagbabasa at laging mag-lurk sa mga threads, siguro mae-engganyo kang i-try yong mga sinasabi ng mga members na magandang librong nabasa nila.
Louize, ikaw na ang nag-advocate ng single parenthood.
K.D. wrote: "Louize, ikaw na ang nag-advocate ng single parenthood. "Umm, okay na 'yun Kuya. Kaysa naman magturo ako dito sa GR ng posibleng tatay nila. Di pa man din sila magkamukhang dalawa.
Ano kaya sasabihin ng husband ko? bwahahaha
Louize, haha. Pwede, pwede. Isipin ko na lang nadedz na ang tatay at iniwan niya ako sayo kasama ang milyones niya.
Kwesi 章英狮 wrote: "Louize, haha. Pwede, pwede. Isipin ko na lang nadedz na ang tatay at iniwan niya ako sayo kasama ang milyones niya."Haist, wish ko lang totoo 'yung milyones para makabili ng tatay nyo. Ngek!!!
kumusta!!!!ang pangalan ko po ay Aica.
Paboritong manunulat na lokal: Jose Rizal,F. Sionil Jose, Lualhati Bautista,Genoveva Matute, Ricky Lee, Eros Atalia, Bob Ong
Paboritong librong lokal: Para kay B, MacArthur, Ligo na u lapit na me, ang mga kaibigan ni MamaSusan
Bakit sumama sa group: nais ko po sanang makakilala pa ng mga taong mahilig magbasa ng mga librong akda ng mga kababayan natin, maliban sa mga kaibigan ko :)
at mukhang marami nga akong makikilala XD
Aica, salamat sa pagsali sa ating pangkat na tunay na nagpapahalaga sa Pinoy books! Yay! Kahapon lang, nakumbinsi ako ni Ayban na subukan ang aklat ni Genoveva Matute. Wala pang nakabasa rito sa Goodreads. Ngayong nakita kong, paborito mo sya, mas lalo akong nakumbinsing maganda.
Sali ka sa pagbabasa ng "It's a Mens World" starting Monday, ha?
Sali ka sa pagbabasa ng "It's a Mens World" starting Monday, ha?
Magandang hapon.Napansin ko mukhang dapat Filipino ang medium...pero sablay agad ako sa medium (sorry.)
Salamat sa imbitasyon K.D.
Matagal ko na gusto sumali sa group, di lang virtually or di lang bilang lurker pero palagi akong madaming excuse.
Anyway, sana makasali din ako sa meet ups kase mukhang interesting na ma-meet ang mga tao. (Di ko alam pero parang awkward yung sentence ko >.<)
Zoan
Zoan, parang wala ka namang sablay. Ang nais ko sanang maging medium dito ay kung paano ka talaga nagsasalita sa totoong buhay. Puwede rin naman ditong ingles lalo na kung doon ka bihasa. Nagbabasa at magbabasa rin tayo rito ng Pinoy books na nasusulat sa ingles. Tanggap natin na may mga Pilipinong mas gamay ang ingles kaysa Tagalog. Ang prioridad natin, dahil sa tingin ko'y mas mahalaga, ay suportahan ang sariling mga akda ng mga manunulat na Pinoy. Pangalawa lang ang paggamit ng ating sariling wika. Nakakatuwa rin kasi. Iba ang hapyos, bini, tunog at lambing ng Wikang Filipino. Nakaka-miss.
Zoan, welcome! Mabuti na lang at sumali ka na sa wakas. Di naman sablay ang iyong pangungusap. Interesting talaga ang mga meet-ups na mangyayari dito. Sa una palang, may First Date walking tour na with Bebang Siy.
Hi! Ako po si Vanessa :)Paboritong manunulat na lokal: Maliban po sa mga libro at maiikling kwento (na mahaba parin) na pinabasa noong High School at mga kwento sa True Philippine Ghost Stories (namimili lang) XD, ang mga libro pa lang po ni Bob Ong ang nabasa ko at tinatangkilik.. kaya siya po ang paborito ko at si Ricky Lee na din.. XD
Paboritong librong lokal: ABNKKBSNPLAko?!, MacArthur, Ang mga kaibigan ni mama susan, Lumayo ka nga sa akin at Para kay B.
Bakit sumama sa group: Nag-uumpisa pa lang po ako magbasa at mangolekta ng mga librong lokal kaya naman natuwa ako na may ganito palang group sa GR para suportahan ang mga pilipinong manunulat. Sana po makilala ko kayo at makapag-bigay kayo ng mga suhestyon para mabasa ko.. salamat po! :)
Vanessa, mabuhay! Sana'y magpatuloy pa ang iyong pagbabasa ng Pinoy books. Aasahan namin ang iyong patuloy na pagsuporta sa ating pangkat.
Pangalan: NicolePaboritong manunulat na lokal: Edgardo M. Reyes, Jose Rizal, Luwalhati Bautista
Paboritong librong lokal: El Filibusterismo
Bakit sumama sa group: Kahit ako'y mahilig magbasa ng "English" books. Minsan naman ako'y nagbabasa ng tagalog. Ngayon, Dahil ako sumali ay gusto ko makahanap pa ng mga babasahin at manunulat na aking magugustohan. :))
Nicole, di mo alam kung paano mo ako pinaligayang sumali ka rito. Ikaw na may isa sa pinakamalaki at pinakamasayang reading group dito sa GR-Philippines. Paumanhin nang di ako makasali roon. Sobrang overage na ako.
Natatandaan ko pa na may utang ako sa iyo. Hanggang ngayon ay nasa TBR ko pa ang Lalaki Sa Dilim na may ilang buwan mo na rin ini-recommend sa akin.
Mabuhay ka, Nicole. Sana'y madagdagan ang Pinoy books mo sa iyong sandamakmak na aklat. Salamat!
Natatandaan ko pa na may utang ako sa iyo. Hanggang ngayon ay nasa TBR ko pa ang Lalaki Sa Dilim na may ilang buwan mo na rin ini-recommend sa akin.
Mabuhay ka, Nicole. Sana'y madagdagan ang Pinoy books mo sa iyong sandamakmak na aklat. Salamat!
K. D., Salamat. :) Masaya din ako at ako'y sumali dito. 'Looking forward' ako na madagdagan ang aking TBR at syempre 'Read' with Filipino na aklat. Mahirap na ngayon maghanap ng magandang tagalog na libro. Di ko kasi ma-apreciate ung mga tagalog na pocket books na naglipana ngayon. Gusto ko ung mga 'Filipino Classics' para masaya. lol ;)
Opo. At Di kami nagkasundo. Mas gusto ko ung kahit malalalim na tagalog words ng 'Filipino Classics'. Ung mga pocket book na tagalog naman ay minsan base lang sa pagibig. Parang 'PBB Teens' para saakin. :)
Kwesi 章英狮 wrote: "Nagbabasa ako ng pocketbook dahil na rin sa impluwensya ng mga kastila, este, ng isang kaibigan. Interested kasi akong magsulat pero wala naman akong natatapus, hindi ko rin gustong amining wala akong talent kasi madidismaya lang ako."Aray ko Kwesi. (view spoiler)If I know nagenjoy ka naman talaga sa pagbabasa ng pocketbooks. Mas madami ka na ngang nabasa kesa sakin eh.
Hello, Alona at Nicole, welcome to the group. Maraming-marami tayong classics, waiting to be discovered. heto ang ilan:
ang magmamani (medyo love story nga lang)
agos sa disyerto (anthology ng short stories)
mga akda ni ka amado hernandez (yun nga lang, medyo politikal)
At marami din ang akda ng mga bata-bata pang manunulat
makinilyang altar at prodigal ni luna sicat cleto
mga akda ni fanny garcia (medyo may edad na, kasabayan ni ricky lee)
essays ni Romulo Baquiran, Jr. (hospital diary yata ang title)
Hi Beverly, Ang rami nga. Lahat naman yan diba out sa NBS or hindi? Nahihirapan kasi ako minsan maghanap ng books eh.
Magandang araw sa lahat.Ako po si Rollie. Nakakahiya mang aminin na iilan lang sa mga lokal na aklat ang aking palang nababasa. Pero dahil suportado ko ang layunin ng grupong ito at ni Kuya Doni, tiyak na susubukan ko magbasa ng madami bago matapos ang taon. Salamat KD sa inbitasyon. :)
Rekomendasyon?
Mga kapwa mambabasa, ako si Sheila. Sa ngayon, wala pa akong paboritong lokal na manunulat at mga katha, pero nasasabik akong tuklasin ang mga may-akdang pambihira at dapat bigyang pansin hindi lamang sa pamamagitan ng pagbasa, kundi sa pagsulat tungkol sa nabasa. Ito ang pinaka-serbisyo na kayang kong ibigay, na gusto kong ibigay sa ating mga manunulat. Pero tuluy-tuloy ang pagbasa ko ng mga klasikong nobela sa ingles dahil malaki rin ang tulong nito sa akin bilang mambabasa at manunulat na baguhan.
Natutuwa ako na may pagtitipon tulad nito dito sa GR. Salamat K.D. sa imbita at masaya akong makilala kayong lahat.
Welcome, Sheila! Salamat sa pagtanggap mo ng imbitasyon ni K.D. Maganda ang balak mong magsulat ng tungkol sa mga nabasa. Ito ay paraan pa na ma-promote ang mga manunulat at akdang lokal.
Kwesi, naiintindihan kita. May draft na rin ako pero di ko natapos. Ngunit di ko inisip kailan man na wala akong talento sa pagsusulat. Di pa lang ako hinog. Kailangan ko pang magbasa ng magbasa.
Alona, talaga? Mas marami nang nabasa si Kwesi kaysa sa yo? Sabagay, mabilis yang magbasa.
Nicole, oo nga. Minsan yan din ang problema ko. May mga binabanggit na parang magagandang books dito sa mga threads, tapos pag pumunta ka naman sa NBS, PB, FB o kung saan pa man, ay wala. Kaya, kapag may book fair (MIBF o Annual Tradebooks Fair), nauubos ang pera ko. Di ko kasi lubos maisip bakit konting konti lang ang Pinoy books sa mga bookstores natin kumpara sa mga foreign books. Hay, malulungkot na naman ang araw ko.
Rollie/Shiela, salamat sa mga intro ninyo sa inyong mga sarili. Patuloy pa rin tayong magbabasa ng mga akda sa ingles. Ang gusto lang natin ay palawigin ang Literaturang Filipino sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga Pinoy Books sa ating mga binabasa, sa paguusap tungkol sa mga ito (dito sa PRPB-GR) o gaya ng sabi ni Shiela, pagsusulat tungkol dito. Sa blogs natin o dito sa GR.
Magandang umaga, Bebang at Ryan. Di ako naka-online kahapon. Nabusy sa mga gawaing bahay.
Alona, talaga? Mas marami nang nabasa si Kwesi kaysa sa yo? Sabagay, mabilis yang magbasa.
Nicole, oo nga. Minsan yan din ang problema ko. May mga binabanggit na parang magagandang books dito sa mga threads, tapos pag pumunta ka naman sa NBS, PB, FB o kung saan pa man, ay wala. Kaya, kapag may book fair (MIBF o Annual Tradebooks Fair), nauubos ang pera ko. Di ko kasi lubos maisip bakit konting konti lang ang Pinoy books sa mga bookstores natin kumpara sa mga foreign books. Hay, malulungkot na naman ang araw ko.
Rollie/Shiela, salamat sa mga intro ninyo sa inyong mga sarili. Patuloy pa rin tayong magbabasa ng mga akda sa ingles. Ang gusto lang natin ay palawigin ang Literaturang Filipino sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga Pinoy Books sa ating mga binabasa, sa paguusap tungkol sa mga ito (dito sa PRPB-GR) o gaya ng sabi ni Shiela, pagsusulat tungkol dito. Sa blogs natin o dito sa GR.
Magandang umaga, Bebang at Ryan. Di ako naka-online kahapon. Nabusy sa mga gawaing bahay.
K. D., Yes. Sa MIBF din ako namumulubi. Last two years ago kolang nalaman ung fair. Nung tumatambay kami sa library namin. Inaabangan kasi ung mga bagong dating na books. :))
Okay rin kung may magandang library. Suwerte mo. Yon lang nga, pag library book, di kumikita talaga ang author. Sabagay, bumili naman ng ilang kopya ang library. Tsaka mabuti na rin basta binabasa ang libro.
Ou nga eh. Sa school ko nung High School, 'Fiction books are given the same importance as those of non-fiction books'. Kasi alam din talaga ng librariansa na minsan un lang talaga dinadalaw nung ibang students.
Kate-text lang ng anak ko, nagtatanong kung may gusto raw akong hiramin sa DLSU Library kasi pede syang mag-take home ng books. So, sabi ko "Bonifacio's Bolo" ni Ambeth Ocampo, "Utos ng Hari" ni Jun Cruz Reyes at "Finnegan's Wake" ni James Joyce. Meron daw kaso, hindi puwedeng take home ang unang dalawa Pinoy books.
Ewan ko naman sa DLSU, bakit di puwedeng iuwi ang mga Filipiana books. Si Joyzi sa DLSU-Dasma a few years ago, puro Bob Ong ang binabasa at hinihiram lang sa library nila. Hmmm, baka naman binabasa rin niya sa library?
Joyzi?
Joyzi?
K.D. wrote: "Kate-text lang ng anak ko, nagtatanong kung may gusto raw akong hiramin sa DLSU Library kasi pede syang mag-take home ng books. So, sabi ko "Bonifacio's Bolo" ni Ambeth Ocampo, "Utos ng Hari" ni Ju..."Nung nasa DLSU ako nun kolehiyo ay nakahiram naman ako ng librong Filipiniana. Baka hindi na pwede ngayon.
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...







:)
@Jzhun: JZHUUUUUN!
Okay, yun lang
:D
Sa iba pang bago: Yehey, welcome! (Nakiki-welcoming committee, haha) :D